Chapter 39

Ezra's POV

It's been ten days simula ng hindi ko nakakausap ang pamilya ko, my dad secured everything just to make sure na hindi ako makakalapit sa kanila. He even put on-hold all of my credit cards at ang ibang puwede kong magamit. 

Maging sa kumpanya ay hindi ako hinayaang makapasok, as of now wala pa din namang nagtataka kung bakit hindi na ako nakikita sa kumpanya. Patuloy padin sa pagre-report sa akin si Mr. Alfonso kahit na hindi naman n'ya ako dapat pang iinform sa ilang mga bagay-bagay. 

"You're father cancel all of his appointments today, wala s'yang sinabi kung bakit- but he looks so wasted. Hindi ko rin nakita si Mrs. Mendivel at ang dalawang kapatid mo." aniya. 

S'ya ang palaging tumatawag sa akin, he make sure na lahat ng magiging kilos ni dad ay masasabi n'ya sa akin kahit na hindi ko naman kailangang malaman pa. Ayokong torture-in lalo ang sarili ko sa pangungulila sa kanila. 

"I told you, hindi mo na kailangan pang iinform ako tungkol sa mga bagay na 'yan. Whatever my dad's doing right now, karapatan n'ya 'yon, at wala naman din akong magagawa ro'n." tamad kong saad. 

Narinig ko pa ang malalim na paghinga n'ya bago tuluyang nagpaalam at ibaba ang tawag. Inamin n'yang ikuwinento sa kanya ni dad ang lahat, akala ko ay tulad ni dad magagalit rin s'ya sa akin pero hindi. He supported me, instead na kamuhian n'ya ako ay nagawa n'ya pa akong suportahan. 

Natatakot lang akong madamay s'ya sa gulo at matanggal pa s'ya sa trabaho. Ayoko namang may madamay na naman ng dahil lang sa akin. Paulit-ulit na rin ang pagbabalita tungkol sa nawawalang anak at asawa ng presidente.

Magbibigay sila ng malaking halaga kung sino ang makakapagturo kung nasaan ang mag-ina n'ya. 

Ngayon palang din ako makakapasok ulit sa organisasyon, sa anong dahilan? Kailangan ko munang ayusin ang mga bagay-bagay. Mabuti rin at hindi nangungulit si Asher o hindi man lang din ako sinugod ni Vienna. 

Napatingin ako sa isang billboard kung saan makikita ang mga mukha nina mommy, daddy, kuya Shan and Cody. Mapait akong napangiti ng malampasan 'yon. Alam kong hindi n'yo pa ako mapapatawad sa ngayon, pero alam kong darating din ang araw na magiging maayos rin ang lahat. 

Wala na akong ibang aasahan kundi ang sarili ko nalang. Ayoko ng maging pabigat kung kani-kanino. Kung puwede lang akong humiling at sabihin ang lahat ng gusto ko baka matagal ko ng ginawa, pero hindi 'yon ganoon kadali.  

Nang makarating ako sa organisasyon ay nagulat ang lahat. Agad silang bumati sa akin at inanyayahan pa akong mag kape, kung walang importanteng gagawin bakit hindi, hindi ba? 

"Captain? Ikaw ba talaga 'yan?" 

Napatingin naman ako sa gawi ni Lance at talaga namang nanlalaki pa ang mga mata ng makita ako, lumabas rin ng opisina sina Justin at Dia maging si Commander Nazi. 

"Shutaaa! 'kala ko nananaginip ako!"

"Hindi kayo nananaginip at Oo, ako nga talaga 'to. It's good to be back!" Nakangisi kong saad at agad silang lumapit sa akin para yakapin ako. 

Pinilit kong alisin ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na 'to kapag naaalala ko ang pamilya ko. Sana, sana dumating ang araw na yakapin rin nila ulit ako ng ganito. 

"Welcome back, Captain Mendivel!" Sabi naman ni Commander Nazi at pasimple akong sumaludo. 

Pumasok kami sa loob ng opisina, marami kaming napag-usapan at ikuwinento nila ang mga nangyari noong nawala ako dito ng mahigit sampung araw. 

"Oo Captain! Hanggang ngayon ay wala pa din si Asher. Akala ko nga magkasama kayo!" Natatawa pang sabi ni Dia na ikinakunot ko ng noo. 

"Pero mas lamang ng ilang araw na hindi nakakapunta dito si Asher 'no. Mga twenty days na ata!" Segunda namang sabi ni Justin. 

"Anyway, hindi na natin problema kung ayaw n'yang magpakita sa organisasyon. Kaya nating kumilos kahit pa wala s'ya. Maraming naganap na nakawan nitong nakaraan, ang puntirya nila ay baril at pera. Hindi rin matukoy kung sino ang may gawa kaya medyo nahihirapan tayong hanapin kung sino ang salarin.." seryosong sabi ni Commander Nazi. 

"Pero Commander, paano nga pala ang nawawalang asawa at anak ni Mr. President? Aasikasuhin ba natin 'yon?" Seryoso namang tanong ni Lance. 

"Alam n'yo ang rules, as long as that- there's no request from them then we shouldn't crossed in the line." Ani ni Commander. 

Napalabi ako sa narinig, Commander is right! Siguro ay gusto lang perahan ang presidente kaya kinuha ang mag-ina nito, pero kung gano'n nga hindi parin sila ligtas. Patong-patong na problema ang nangyayari ngayon. 

Napahinto kaming lahat ng biglang tumunog ang laptop na gamit ni Lance, may ipinamahagi sa aming papel si Justin na agad kong binasa.

Nakasulat dito ang mga huling misyon na nagawa, nagawa na rin n'ya ang letter na ibibigay sa executives para sa pagdadahilang matatagalan bago makabalik si Ranz. 

"Lance Bakit?" 

Nabaling ang tingin ko kay Lance ng bigla s'yang tanungin ni Dia. 'yung itsura n'yang gulat na gulat na para bang may napanuod s'yang hindi kanais-nais. Lumunok muna ito bago nagsalita at diretsong tumingin sa akin. 

"C-Captain..you need to see this." Aniya at agad na iniharap sa akin ang laptop. 

Nakinuod rin sina Dia at Justin, maging si Commander ay mukhang umiral ang kyuryosidad at itinuon ang atensyon sa laptop ni Lance.

Agad n'yang pinlay ang video na napanuod. Nanlaki ang mga mata ko sa napanuod, sabay namang napatakip ng bibig si Justin at Dia. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. 

Si Vienna ang nasa video, nakaupo sa isang silya at maraming sugat sa buong mukha at katawan. Punit-punit ang mga damit at halos hindi na makilala. 

Pero ang mas nakakagimbal doon ay ang paglitaw ni Chase sa likod ni Vienna na may dalang kutsilyo!

Marahas n'yang hinawakan si Vienna sa buhok nito at pinatingala. Idinikit n'ya sa leeg nito ang kutsilyo at walang habas na nilaslas ang leeg. 

Mukha pa s'yang enjoy na enjoy sa pagsirit ng napakaraming dugo galing sa leeg ni Vienna. Bago matapos ang video ay tumingin muna ito sa camera at ngumisi. 

Para akong nalagutan ng hininga sa napanuod. 

"B-Baka edited lang ang video na 'yan" pag aalinlangang sabi ni Justin. 

"Lance, check the video!" utos ko at agad naman itong tumalima.

"Nagkakilala na ba noon si Chase at Vienna, Captain?" Tanong ni Dia at mabilis akong umiling. 

"Masama ito, kung hindi man edited ang video na isinend kay Lance.. malamang ay may ginawa ng kababalaghan si Alvazar kay Chase!" Nahintatakutang sabi naman ni Commander Nazi. 

Sana ay mali ang hinala naming lahat! Napaka imposibleng gawin 'yan ni Chase, malakas ang kutob kong pakana na naman ito ni Alvazar! Wala na si Vienna, aaminin kong hindi naging maganda huling pagkikita namin pero hindi ko hiniling na sapitin n'ya ang bagay na 'yan!  

"Hindi edited ang video na napanuod natin.."

Para akong nabingi dahil sa narinig mula kay Lance. Agad akong tumakbo sa direksyon n'ya at agad na tiningnan ang data information tungkol sa video. Mas malinaw pa sa sikat ng araw ang lahat ng nakasaad dito na hindi ito edited! 

Nanlumo ako at napahilamos sa mukha. 

"Sa tingin ko ay plano n'ya kayong paglabanin ni Chase.." malungkot na sabi ni Dia.

Napatingin sila sa akin, hindi ko rin alam ang sasabihin sa kanila matapos naming mapanuod si Chase na gilitan ng leeg si Vienna ay parang nakakapanghina lang sa kalooban. 

"Commander! May gusto pong makipag-usap sa inyo.." 

Nagpaalam muna si Commander at nagmadaling lumabas, pakiramdam ko ay lalo lang gumulo at lumala ang lahat. 

"Captain, hindi pa naman tayo sigurado tungkol sa bagay na 'yan eh. Fight lang!" Bahagyang ngumiti sa akin si Lance. 

Lumapit na din sa akin sina Justin at Dia at agad akong niyakap. 

"Shuta, sabi ko hindi ako iiyak eh! Pero shutaneeees tama si Lance, Captain." Sabi naman ni Justin. 

Muli kaming napatingin sa pinto ng pumasok si Commander, mukha itong seryoso. Tumikhim muna ito bago tuluyang magsalita. 

"I want to inform you, that we we're having a new mission. We need to find the wife and  the daughter of President Argus." Aniya. 

Hindi na ako nagulat sa narinig, dahil halos lahat naman ng bagay na tungkol sa ganyang usapin ay sa amin inilalapit. Dahil sa daming nangyayari ay kailangan ko ng mas maraming oras para mahanap si Chase at pagsabayin ang trabaho sa organisasyon. 

Alam kong ginagawa din nila ang lahat ng makakaya para matulungan ako. Ilang araw ko na ding hindi nakakausap si tito Pabio, hindi ko alam kung nagalit ba sila sa akin dahil sampung araw akong hindi nagparamdam sa kanilang lahat. 

Sa nabili kong condo ako tumutuloy dahil hindi naman ako makakauwi sa amin. Hindi ko alam kung aware na ba ang pamilya ko sa bagay na 'yan pero sa ngayon- alam kong wala silang magiging pakialam sa mga gagawin ko. 

Kasalanan ko din naman 'diba? I lied to them, pinili kong gawin ang bagay na ayaw nila para sa amin, sa akin. Pero hindi ako magsisisi na ginawa kong 'to. Nakataya dito ang maraming buhay at kasama na doon ang buhay ng kakambal kong si Chase. 

Hindi ko na nakuhang magpaalam kina Dia at Justin ng lumabas ako sa opisina. Agad akong nagpunta sa parking lot. Gusto kong malaman kong nakita na ba ang katawan ni Vienna. 

"Ezra..."

Agad akong napalingon sa aking likuran at nakita ko si Asher na umiiyak. Natigilan ako ng makita s'ya at agad naman s'yang lumapit sa akin. 

"Asher? Buti naman at plano mo ng magpakita sa organisasyon, you left them with no traced kaya naman pauli-"

"She's dead.. Vienna is dead!"

Natahimik ako sa narinig mula sa kanya, is he referring to Vienna? Kung gano'n ay alam na n'ya? 

"Nakita ng mga pulis ang mga katawan n'ya, ako ang tinawagan ng mga pulis dahil ako lang ang nasa contact list n'ya. Sobrang bilis ng pangyayari!" Umiiyak na sabi ni Asher. 

"Alam na ba 'to ng mga magulang n'ya?" Malungkot kong tanong at mabilis s'yang umiling. 

Pinunasan n'ya ang mga luha sa pisngi, naghalo na ang pawis at ang luha n'ya sa mga mata. Magulo ang buhok at bahagya pang gusot ang damit na suot. 

Naalala ko na naman ang napanuod ko kani-kanina lang, kung paano s'ya pinatay ni Chase at kung paano sumigaw si Vienna para humingi ng tulong. 

Muli akong tumingin kay Asher at lumunok muna bago magsalita. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib at ang kakaibang tingin sa akin ni Asher. 

"M-May lead na ba sa kung sino ang pumatay kay Vienna?" Kinakabahan kong tanong pero mabilis s'yang umiling at kinuyom ang mga kamao. 

"Sa ngayon wala pa, pero handa akong makipagtulungan sa mga pulis para mahanap ang may kagagawan sa pagkamatay ni Vienna. Sisiguraduhin kong hindi n'ya matatakasan ang batas!" Galit nitong sabi. 

Napakurap ako sa narinig, libo-libong kaba ang namuo sa aking dibdib dahil sa aking narinig. Agad na hinawakan ni Asher ang dalawa kong kamay at desperadong tumingin sa akin. 

"Handa ka bang tumulong para makulong ang may gawa no'n kay Vienna?"

May pag-aalinngan akong tumango at tsaka bumitaw sa kaniyang mga kamay. Ngumiti siya sa akin at agad na tumalikod at dire-diretsong naglakad. Para na naman akong nakaramdam ng muling pagkahina, isipin ko palang na makukuha ko nga si Chase pero makukulong naman siya ay parang napakalaking kalokohan. 

Agad akong sumakay sa motor at pinaandar 'yon ng mabilis. Simula ng nangyari na nalaman ko ang lokasyon ni Alvazar noon dahil sa cellphone ni Marthinie ay hindi na iyon naulit pa. Sana nga ay ligtas lang sila at h'wag gawan ng kasamaan ni Alvazar. 

Nitong nakaraang linggo lang din ay napabalitang namatay na ang ina ni Marthinie maging ang kinakasama nitong nag ngangalang Edward. Ang sinabi sa balita ay nagbebenta daw ng droga ang dalawa at napatay ng mga pulis dahil nanlaban. 

Hindi ko alam kung may ideya na ba si Marthinie patungkol dito, pero sana katulad ng hinihiling ko ng paulit-ulit sa sitwasyon ni Chase ay maging maayos lang din siya. Malaki ang naitulong ni Marthinie para ipagpatuloy ko ang paghahanap kay Chase.

Ayokong matapos ito na hindi nila nararanasang lumaya mula sa mga kamay ni Alvazar, marami na silang hirap na tiniis kaya ako naman ang babawi ngayon. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.