Chapter 40

Pabio's POV

"She's still not available" malungkot kong sabi at tsaka tumingin kay Nexus. 

He looks so frustrated, ilang araw na naming hindi nakakausap o nakikita si Ezra simula ng malaman ng kapatid kong si Patrick ang tungkol sa pagsali n'ya sa organisasyon ng Black Crystal Revolution. 

"H'wag kang mag-alala boss, alam naming lahat na ikaw parin ang abunjing-bunjing n'ya.." nakangising saad naman ni Drake. 

"Boss naman, alam mo naman kung saan s'ya makikita ba't ayaw mo pang puntahan si Captain? Baka ina-aswang na no'ng gunggong na Asher na 'yon! Naku, maunahan ka pa!" Sabat naman ni Zack. 

"I respect her privacy and even the spaces she needs. Ayokong pangunahan s'ya sa mga bagay-bagay, ayoko ng dumagdag pa sa mga pro-problemahin n'ya." Saad nito pero alam naming lahat kung gaano s'ya nag-aalala para kay Ezra. 

Ezra is his life, at masasabi kong hanga ako kay Nexus sa tiyaga n'ya sa paghihintay. Pwede na s'yang makakuha ng award sa sobrang willing n'yang maghintay kay Ezra. 

He's a good man. Pinalaki s'yang maayos ng mga Atkinson, kahit alam n'yang malalagay sa alanganin ang buhay n'ya ay handa siyang gawin ang lahat para sa babaeng minamahal. 

Natutuwa ako dahil alam kong balang araw ay mapupunta sa mabuting kamay ang mahal kong pamangkin, Oo- malakas at matatag si Ezra pero babae pa din s'ya na kailangang ingatan at protektahan. 

Hindi ko alam kung anong magiging katapusan ng pagbawi n'ya kay Chase, pero handa akong tumulong sa abot ng aking makakaya. Akala ko ay nagbibiro lang siya noong una naming malaman na bahagi nga s'ya ng organisasyon. 

Si Nexus ang unang nakaalam ng sikreto ni Ezra pero natataling tikom ang bibig n'ya na kahit sa amin, Nexus will be forever honored in every way that he deserves! Naalala ko noong una nilang magkita, akala ko ay gagawa na s'ya ng hakbang para mapalapit kay Ezra at aminin ang tunay n'yang nararamdaman. 

Pero nanatili s'yang kalmado at piniling gawing dahan-dahan ang lahat ng bagay sa pagitan nila. I am glad and also happy na kahit hindi maayos ang sitwasyon ni Ezra sa pamilya namin ngayon ay may iba pang nagmamahal sa kanya. 

Napakahabang panahon n'yang tiniis at tinago ang lahat. She really deserve to be a Captain of Black Crystal Revolution, she deserves to be happy, to have a peaceful mind- life and to be love! 

"Nakakamiss kaya si Captain.." nakangusong sabi naman ni Drake. 

Napalapit na silang lahat kay Ezra kaya naman ay hindi ko sila masisisi kung hanapin nila ang pamangkin ko. Naiintindihan ko rin na kailangan ni Ezra ng oras para sa lahat ng bagay na kailangan n'yang ayusin. Masyado ng mabigat ang lahat para sa kanya ngayon, masyadong nakakatakot.

"Urgh! Puntahan na kaya natin s'ya sa organisasyon nila? O kaya naman sa condominium n'ya?" Halata naman ang pagkabagot sa mukha ni Flare. 

Sa kanilang apat s'ya ang masyadong atat na atat na makita si Ezra bukod kay Nexus, should I blame myself too for letting them get near to my niece? Masyado silang makulit na talaga namang minsan ay umaabot pa sa pisikalan. 

Ilang buwan na rin pala ang lumipas simula ng ma-annualled kami ni Vangie. She's still in my heart pero gusto ko s'yang maging masaya. Siguro nga ay malaki ang pagkukulang ko, I was a jerk back then at hindi ko s'ya iningatan. I never prioritize her that leads her to make a decision to left me alone. 

Nagka-anak kami ni Vangie, we used to be happy back then but maybe we are not meant for each others arms. Nang makunan s'ya ay 'yon na rin ang umpisa na mawalan s'ya ng interest sa mga bagay-bagay, I understand her pero lalo s'yang lumala. 

Everytime na makikita n'ya ako ay palagi nalang s'yang nagagalit kaya halos hindi na ako umuwi sa bahay para lang hindi s'ya magalit- pero, alam kong mali dahil masyado akong nakampante. Lagi n'yang isinusumbat ang mga pagkukulang at pagkakamali ko and then a thought came into my mind. 

'Siguro nga ay hindi na n'ya ako mahal..,'

Everytime I asked her kung mahal n'ya pa ako she used to answered me. Pinipilit kong bumawi pero palagi n'ya akong itinutulak palayo. Tuwing gabi na uuwi ako ay tulog na s'ya, hindi na rin kami natutulog sa iisang kama dahil gusto n'yang mapag-isa. 

Pero dahil makulit ako ay pinipili kong kasama s'ya, sa couch nga lang ako, pero- puwede na. Tuwing paggising ko ay may kumot na ako sa katawan at wala na s'ya sa higaan.

Maybe, she's still care- 

I thought na tulad ng pinangako namin sa isa't-isa na tatanda kaming magkasama ay mangyayari, pero mali pala. 

We decided to separate and have our own life. Akala ko ay madali pero ang hirap pala, araw-araw kong tinatanong sa itaas kong hanggang dito nalang ba talaga at wala ng pag-asa. She's getting better day by day without me, na nagdudulot ng sakit sa puso ko. 

How did she do that? Sana ay tulad n'ya ay magawa ko rin 'yon, kasi sa totoo lang hindi ko magawa. Hindi ko kaya, hindi ako masaya na wala s'ya. 

"Malungkot kana naman d'yan tanda!"

Napapitlag ako sa narinig, kaya agad akong napaayos ng upo. Inayos ko ang suot na salamin at muling humarap sa computer. 

"Kayong mga umiibig pinapahirapan n'yo pa ang sarili n'yo eh no? Kung pinuntahan n'yo nalang edi naging madali sana ang buhay! Sabihin n'yo na mahal n'yo sila! Na kailangan n'yo sila at hindi n'yo kayang mabuhay ng wala sil- aray gago naman!" Kakamot-kamot pa sa ulo si Drake ng mabato ng bote ng tubig na may kaonti pang laman. 

"Ang ingay mo tanga!" Sigaw naman ni Flare.

"Kasi naman ang hilig n'yong magmahal tapos ako nai-stress sa mga itsura n'yo ngayon!" Reklamo nito at ngumuso pa kaya natatawa akong umiling. 

He's right, bakit ba kasi kailangang magtiis kung pwede namang puntahan? Tsk. 

"Kailangan nga ng space diba? Gungong talaga!" Sabat naman ni Alexis. 

Muli na naman akong napaisip sa narinig, nagtatalo na ang puso't isipan ko sa dapat kong gawin. Bakit ba kasi kailangang maging kumplikado ng lahat?! Kung kailan ako tumanda tsaka pa ako nagkaganito sa punyetang pag-ibig na 'to. 

Nakita kong tumayo si Nexus at agad na kinuha ang susi ng sasakyan kaya naman ay napangisi ako sa nakita. 

He really love my niece huh? 

"Wag mo 'kong ngisihan d'yan tanda! Mas maayos ang relasyon namin kesa sa relasyon n'yong mas malamig pa sa kapeng ininom ko!" Inis nitong saad kaya naman ay napahalakhak ako sa narinig. 

Gagong bata 'to. 

"Wow, may kayo na ba bossing- aww" Si Alexis na hawak ang ilong dahil nabato ng bottled water ni Nexus. 

"Iyan, bida-bida kang abnormal ka ha! Si bossing pa ang aasarin mo, gago! sabog kana bago ka makapang-asar!" Natatawa namang saad ni Zack. 

"Ikaw tanda? Hindi ka kikilos? Si boss dadamoves na! Ikaw ano? Dito ka lang hanggang sa tubuan ng ugat sa katawan? Aba! Galaw-galaw at baka maunahan!" Mapang-asar namang sabi ni Flare. 

"Samahan ka nalang namin tanda, tapos sabay-sabay kaming kakanta ng... MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG-IBIG, MULING PAGBIGYAN ANG PUSONG NAGMAMAHAL!" si Alexis na tatawa-tawang kumakanta. 

Bakit ba favorite ng isang 'to kumanta samantalang halos mabasag na ang buong gamit dito! 

"Anong kami? Ulol ikaw lang hoy! Nakakahiya kang balasubas ka!" Sigaw naman ni Drake at ngumisi lang si Alexis sa narinig. 

"Ang aarte n'yo parang hindi niyo 'ko tinikman ah!" 

Napangiwi naman ako sa narinig mula kay Alexis. Sabay-sabay naman silang umarteng nasusuka sa narinig, kaya halos matawa ako sa kanila. Pagdating talaga sa kagaguhan magagaling 'tong mga 'to! 

"The fuck? Kadiri ka, gago!" Sigaw ni Flare at itinaas ang middle finger. 

"Iniisip ko talaga kong paano kita naging kaibigan, Alexis!" Naiiling namang sabi ni Drake. 

"Sa ating lahat s'ya ang pinakamalala na ang kondisyon! Ipa-rehab na nga natin 'to sa Mandaluyong!" Sigaw naman ni Zack at napasimangot lang si Alexis sa narinig. 

Alam kong kahit ganyan sila sa isa't-isa ay maaasahan naman sila. Hindi nila hinahayaang may umapi o ano mang mangyari sa kanilang magkakaibigan. 

Siguro nga ay maraming nawala sa akin, pero kahit papaano ay masasabi kong ma-swerte parin ako dahil kasama ko ang mga gunggong na 'to. 

"Hoy, gisingin n'yo nalang ako kapag kakain na. Inaantok talaga ako.." sabi ni Zack at naglakad papunta sa kwarto. 

Tumayo naman ako at nagdesisyong gawin ang gusto ng puso ko.

Kakamustahin ko lang naman s'ya, masama ba 'yon? 

"Nice! Buti naman at nag-iisip ka ng maayos tanda!" Nakangising sabi ni Flare ng makita akong kinuha ang susi ng sasakyan. 

"Yown! French fries lang akin ha? Hehehehe!" masiglang sigaw naman ni Alexis. 

"Pizza akin tanda! Tsaka chocolate ice cream" saad naman ni Flare. 

Napahinto ako sa paglalakad at tumingin kay Drake na nakatingin at nakangiti pala sa akin. Bahagya ko s'yang tinaasan ng kilay. 

"Ikaw anong gusto mo?" Tanong ko rito. 

"Kasiyahan mo lang okay na 'ko! Good luck!" Aniya. 

Agad naman lumundag sa direksyon n'ya si Alexis kaya sabay silang nalaglag sa malambot na sofa. 

"Tanginang unggoy 'to!" Reklamo ni Drake at narinig namin ang pagtawa ni Alexis. 

"Corny mo tanga!" Tatawa-tawang namang sabi ni Alexis. 

"Masaya naman talaga ako kapag masaya kayong lahat! Deserve n'yo 'yon mga gago! Kayo lang naman 'tong mapanakit!" Seryosong saad nito at muling umupo sa sofa. 

Lumapit naman sa kanya si Flare. 

"May sakit ata 'to, ano broken ka din ba?" Natatawa n'yang tanong kaya tuluyan na akong natawa. 

"Gago!"

Mas lalo lang silang nag-asaran at nakangiti akong lumabas at agad na tinungo kung saan naka-park ang sasakyan ko. 

Sana lang ay tama itong gagawin ko, sana sa muling pagkikita namin ay maayos na. Iyong tipong maayos na kaming makakapag-usap. 

Akala ng lahat dahil lang sa busy ako sa trabaho kaya kami nagkahiwalay, siguro pareho kaming nasaktan. Nagpadalos-dalos at nagpadala kami sa mga emosyon namin. 

Agad kong pinaandar ang sasakyan, nabalitaan kong nakabalik na siya ulit dito sa pilipinas. Matapos kasi naming magkahiwalay ay naisip n'yang sa ibang bansa muna tumira ng ilang buwan, pero hindi ko alam kung bakit pa s'ya bumalik. 

Ibinenta n'ya rin ang dating bahay na tinitirhan no'ng hindi pa kami kasal, pero dahil sa tulong nina Drake ay nalaman ko kung saan ang bagong bahay na binili n'ya nitong nagdaang buwan. 

Akala n'ya siguro ay wala lang sa akin ang lahat.

Akala niya ay hindi ako apektado at wala akong pakialam. Hindi n'ya alam na halos mabaliw na ako at araw-araw na hinihiling sa diyos na bumalik s'ya, na muli kaming bumalik sa dati. 

Matapos ng mahabang oras na ibinyahe ko mapuntahan lang s'ya- sa wakas ay nakarating na ako. Nandito na ako sa labas ng gate n'ya at agad na pinindot ang door bell. 

Hawak ko rin ang paborito n'yang bulaklak na binili ko sa nadaan kong flower shop kanina. Wala pang ilang minuto ay agad s'yang lumabas pero mukhang hindi n'ya ako napansin kaya dire-diretso lang s'ya at tuluyang binuksan ang gate. 

Nang magtama ang mga mata namin ay bahagya s'yang nagulat ng makita ako. Ilang beses pa s'yang napakurap at tsaka tuluyang napawi ang pagkagulat. 

"P-Pabio? Teka anong ginagawa mo dito?" Tanong nito. 

Ngumiti muna ako bago sumagot. Tulad ng dati ay gano'n pa din s'ya pero ang pinagkaiba lang ay ang mas gumanda s'ya ngayon. 

Siguro dahil stress-free na s'ya kaya iba ang glow up n'ya? Tsk. Para naman kaming teenager nito. 

Nakaka glow up ba talaga ang break-up?! Sabi kasi ni Alexis ay Oo daw! Bakit ako mas nagmukhang miserable? 

"Tuloy ka!" Paanyaya nito kaya naman ay hindi na ako tumanggi pa, mamaya ay magbago pa ang isip n'ya. 

Ganito pa naman ang mga babae, pabago-bago ng isip. Diba? 

Iniabot ko sa kanya ang bulaklak at ngumiti naman s'ya ng tanggapin 'yon. Nang makapasok kami sa bahay n'ya ay agad akong naupo sa sofa.

Napansin kong kaonti palang ang gamit n'ya rito pero may iilang pictures na ang nakasabit sa dingding. 

"Gusto lang kitang kamustahin at siyempre para makita na rin.." saad ko at agad akong nakaramdam ng kaba. 

"Ayos naman ako. Okay naman ang lahat sa akin dito. Paano mo pala nalaman itong bagong bahay ko? Sinabi ba ni Emerald sayo?" Tanong nito pero bahagya nalang akong tumango. 

"Nagsisi ako. Nagsisi akong hinayaan kitang makalayo sa akin Vangie-" panimula ko at halatang nagulat s'ya sa narinig. 

Muling namuo ang mga luha sa kanyang mga mata pero agad s'yang umiwas ng tingin. Mali ba ang sinabi ko? 

"Ah.. gutom kaba? Nagluluto kasi ako noong saktong dumating ka." aniya at agad na tumayo at pumunta sa kusina. 

Oo at amoy na amoy ko nga ang paborito kong kaldereta. 'yan ang madalas kong i-request sa kanya noong panahong maayos pa kaming dalawa. 

Lumapit ako sa isang cabinet kung saan nakapatong ang mga naka framed na pictures, nandoon pa ang picture naming dalawa ng magkasama kaya naman ay napangiti ako sa nakita. 

Siguro ay may chance pa ako, sana nga at meron pa. 

Napansin ko ang isang picture na hindi pa nailalagay sa frame, mukhang bago lang ito pero nakatalikod kasi kaya naman nabasa ko agad na numerong nakasulat dito. 

"831?" Basa ko at agad na tiningnan ang picture. 

Bahagya akong nagulat sa nakita, picture naming dalawa 'yon na magkasama! Masayang-masaya kaming dalawa dito dahil ito ang araw na nag-proposed na ako sa kanya noon. 

"831"

Agad akong napatingin paharap mabilis na binitawan ang litratong hawak ko. Bahagya s'yang ngumiti sa akin ng tuluyan na akong humarap sa kaniya. 

"Ang dami kong na-realize ng magkahiwalay tayo at mag desisyong lumayo sayo, pero may naidulot din palang maganda." pag uumpisa n'ya. 

Maganda? Maganda kasi naging mas maayos s'ya dahil nakawala na s'ya sa akin, kasi mas naging okay na s'ya at hindi na ako nakasama na napakalaki ng pagkukulang sa kanya. 

Ang sakit palang marinig ang katotohanan, parang paulit-ulit akong sinasampal. 

"O-Oo, mukha kasing mas naging maayos ka no'ng nawala ako sa buhay mo, and I'm glad na nagawa mo 'yon kahit wala ako." pinilit kong sabihin iyon ng natural para hindi n'ya mahalatang nasasaktan ako. 

Bahagya s'yang ngumiti at dahan-dahang lumapit sa akin. 

"831 Pabio! Masaya akong makita ka ulit" aniya. 

Nagulat ako ng tuluyan na n'ya akong yakapin, akala ko ay hindi na ulit pa ito mangyayari. Akala ko ay paulit-ulit ko nalang babalikan ang mga ala-ala naming dalawa. 

Gustuhin ko mang h'wag munang bumitaw sa pagkakayakap n'ya ay s'ya na mismo ang gumawa no'n. Kahit papaano ay nakuha kong makuntento sa yakap na iginawad n'ya.

"Kumain muna tayo?" 

Nang makarating kami sa dinning area ay nakita kong nakaayos na ang mga pinggan sa mesa, napansin ko ring medyo marami ang kaldereta'ng niluto n'ya, nag-eexpect ba s'ya ng bisita o may bisita talaga s'yang darating ngayon? 

S'ya na mismo ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ko, pakiramdam ko ay bumalik ako sa dati kung paano kami noon.

"Masyado atang marami ang niluto mong ulam? Mukhang may bisita ka.." saad ko at nag umpisa ng kumain. 

Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanya, ngimiti ito bago tuluyang sumagot akin. 

"Wala, wala naman akong bisita bukod sayo. Nasanay lang akong nagluluto ng ganyan karami dahil 'yon ang gusto mo- noon." kaswal n'yang saad na ikinahinto ko. 

"Vangie.."

"Aminado akong nasaktan mo ako noon Pabio, pero naisip kong mas nasaktan kita. You did your best para bumawi, pero binalewala ko 'yon" aniya. 

Nagpatuloy kaming kumain at marami s'yang nai-kuwento sa akin habang nasa ibang bansa s'ya, naisip n'yang mag travel around the world para maaliw ang sarili pero sa huli ay muli na naman s'yang na stock dito.. kung nasaan ako. 

"Naisip ko nga ring maghanap ng ibang lalaki 'no! Yung tipong mamamatay ka sa selos dahil galit na galit ako sayo noon! pero- sa huli ay wala rin. Niloloko ko lang ang sarili ko." natatawa n'yang saad. 

Nandito kami sa rooftop, maganda dito dahil tanaw ang lahat at maliwag dahil sa mga ilaw na nasa ibaba. 

 "Araw-araw kitang tinitingnan sa malayo Vangie, you know what I can do. Pero pinili kong tiisin muna ang espasyong nasa pagitan natin dahil alam kong kailangan mo 'yon." makahulugang saad ko. 

Bago kami naghiwalay noon- ang huling katagang sinabi ko sa kanya sa oras na gusto n'yang bumalik sabihin n'ya lang at ako na mismo ang lalapit sa kanya! Pero, dahil marupok ako, wala pa nga s'yang sinasabi ay heto, nandito ako at kasama s'ya. 

"I know, late ko ng naisip na dapat tinanggap kita ng buo. Na 'yon ang pangarap at gusto mo bago pa man tayo nagsama pero pinipilit kitang maging ibang tao. Sinisisi kita sa lahat ng bagay na hindi mo naman kasalanan, akala ko nga ay maghahanap ka na ng iba dahil.. dahil madali lang naman akong palitan.." 

Hindi na n'ya napigilan ang sarili at tuluyan ng umiyak. Nahabag ako sa narinig, akala ko ay ako lang ang naninisi sa sarili kung bakit kami humantong sa ganito. Akala ko sa panahong malayo s'ya sa akin ay hindi na n'ya ako iniisip pero mali padin ako. 

"Alam mong ikaw lang ang minahal at mamahalin ko. Aminado akong napakalaki ng pagkukulang ko sayo, nagkamali ako pero 'yong palitan ka? Hindi na Vangie, mas gugustuhin ko nalang na maging mag-isa sa buong buhay ko kong hindi lang din naman ikaw ang babaeng makakasama ko-" saad ko. 

It feels so weird na after naming maghiwalay ay heto kami at vocal parin sa isa't-isa. Siguro ay kulang lang kami sa communication noon kaya naging magulo ang aming relasyon. 

And it's true, kung hindi lang din naman s'ya ang babaeng makakasama ko ay di bale nalang. I love her. 

"I want to start a new life with you, to spent my days and love you for the rest of my life. Can we go back to the days our love was strong?" Saad ko. 

Agad s'yang yumakap sa akin at this time ay muli ko na s'yang niyakap ng mas mahigpit.  Basa na ang aking balikat dahil sa kanyang mga luha pero wala na akong pakialam. 

"831, Pabio" saad nito at agad na humiwalay sa akin. 

Hinaplos n'ya ang mga pisngi ko at hindi ko na napigilang ang aking sarili na lumuha. 

"Matagal kong pinag-aralan ang code na 'yan. Naisip ko na bago umuwi dito sa pilipinas ay pag-aaralan ko muna ang bagay na mga kinahihiligan mo." Saad nito. 

"Ano ba ang 831 na 'yan?" Pagtataka ko at ngumiti naman s'ya sa akin at hinawakan ako sa kamay. 

"I love you, mahal kita Pabio." 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.