Ezra's POV
Nandito ako sa presinto upang personal na kausapin si Mr. Gabriel Almonte patungkol sa kaso ni Vienna. Masyado ding maraming tao dito ngayon at hindi naman magkanda-ugaga ang ibang kapulisan para asikasuhin sila.
"Ms. Mendivel?"
Napahinto ako sa paglalakad at agad na humarap sa aking likuran, nakita ko ang isang pulis at bahagya pa itong ngumiti sa akin. Sa pagkakatanda ko ay isa s'ya sa mga kasama noon ni Mr. Almonte na nagpunta sa bahay noong nagkaroon ng interrogation.
"Good morning, May I know kung nandito si Mr. Almonte?" kaswal kong tanong.
Mukha pa itong nagulat sa narinig pero agad ding ngumiti at tumango sa akin. Nauna s'yang maglakad kaya sinundan ko lang s'ya hanggang sa makarating kami sa isang opisina.
"Kumatok ka nalang po, nandyan sa loob si Officer Almonte.
Nagpalam s'yang aalis na at marami pang trabahong tatapusin, tango lamang ang naging tugon ko rito at agad na kumatok ng tatlong beses sa pinto.
"Come in.."
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at agad na pumasok. prenteng nakaupo si Officer Almonte sa kanyang swivel chair at mukhang busy ito sa pagbabasa, ni hindi man lang s'ya nag-angat ng tingin ng makapasok ako.
"What is it?" tanong nito pero patuloy paring nagbabasa.
May iilang litrato ding nakakalat sa lamesa nito na sa tingin ko ay pinag-aaralan n'ya ang isang kaso.
"Good morning Officer Almonte.." pormal kong bati.
Agad s'yang nag-angat ng tingin at mukha pa itong gulat na gulat ng makita ako. Napatayo ito at agad na lumapit sa akin.
"M-Ms. Mendivel? Uh-what can I do for you? Teka..gusto mo ba ng coffee, tea or-"
"No need for that Officer!" Pagputol ko sa kaniyang sinabi. "I'm here to ask you personally about the case of Ms. Vienna Iscobar."
Saglit itong nagulat sa narinig at tiningnan ako ng diretso sa mga mata.
"May I know what's your reason?" tanong nito at parang hindi makapaniwala "Matapos kasing makita ang katawan ni Ms. Iscobar- bukod sa iyo ay lumapit din sa akin si Mr. Montague." saad nito at mukhang naguguluhan sa nangyayari.
Agad kong pinalungkot ang aking mga mata at naupo sa isa upuan na nasa harap lang ng table niya.
Kailangan kong umarte para malaman kong nakapagbigay na ba ng impormasyon si Asher tungkol sa pagkamatay ni Vienna
"Vienna was once of my best friend back then, siguro ay may hindi man kami pagkakaintindihan sa pagitan namin noon- but I still care for her." malungkot kong sabi.
Agad s'yang bumalik sa swivel chair at marahang napatango sa narinig, mukhang pinag-iisipan n'ya ang sinabi ko. Huminga muna ito ng malalim bago muling tumingin sa akin.
"I'm sorry for you lost Ms. Mendivel. Sa ngayon- we're still doing our best to know behind her death, at kung sino ang salarin sa pagkamatay n'ya. Handang makipagtulungan sa amin si Mr. Montague para mahanap ang may gawa nito at kung gano'n din ang gusto mong mangyari, you are very welcome para sa kasong ito.." aniya.
Bahagya akong ngumiti pero pinanatili ang lungkot sa aking mga mata, pasensya na Officer Almonte but I need to know everything about this. I should act Iike this to get his sympathy.
"Thank you so much Officer Almonte, may I know if do you have a suspect right now? Kasi nakakatakot naman kung pagala-gala ang suspect! Paano kapag may nabiktima pa s'yang iba?" Pagkukunwari kong natatakot.
Tumikhim muna ito bago sumagot at halata ding may pangamba sa itsura.
"It's not really safe sa tulad mong lumalabas lalo na sa gabi, for now we will advice everyone to keep safe and kung puwede ay h'wag ng lumabas sa gabi o kaya naman ay importante ang may kasama" saad niya.
Tumango naman ako sa narinig at agad ng tumayo.
"Maraming salamat Officer Almonte, please call me kung sakaling may usad na ang kaso ni Vienna." pormal kong saad.
"No problem Ms. Mendivel.." aniya.
Agad na akong lumabas ng opisina, bago ako makaalis ay nag-offer s'ya ulit ng maiinom ngunit agad na akong tumanggi. Naisip din n'yang ipahatid ako o s'ya na ang personal na maghatid pero muli akong tumanggi.
Kung alam n'ya lang na kaya kong balian ng buto ang gagawa ng kalokohan sa akin, tsk. Agad na akong sumakay sa kotse at madali itong pinaandar.
Dahil bukas na ulit ako pupunta sa organisasyon ay naisip kong sa condo nalang muna ako at plano kong ayusin ang mga baril na gagamitin ko.
Dumaan muna ako sa isang fast-food at bumili ng makakain. Walang akong stock sa condo dahil hindi naman ako madalas na nandoon, kaso kailangan ko ring magtipid lalo na't hindi ko naman puwedeng gamitin ang mga credit cards ko na puro mga naka-hold.
Tinry ko na ding tawagan sina kuya Shan at Cody para makausap pero talagang seryoso si dad sa sinabi nito. Naka-block ang numerong gamit ko kaya naman ay hindi ko sila makontak, ayoko na ring subukan pa, dahil ayaw kong madamay ang dalawa kong kapatid sa galit ni dad sa akin.
Nahihirapan ako, nasanay kasi akong matapos ng napakahabang trabaho sa organisasyon ay uuwi ako sa bahay at madadatnan ko sila doon. Ngayon ay nakakapanibago pero wala akong magagawa.
Agad akong bumalik sa kotse at inilagay sa loob ang mga ipinamili. Muli akong nag-drive at matamang nakikinig sa radyo, narinig kong nabanggit ang pangalan ni dad dahil sa successful na namang negosyo nito.
In-off ko nalang ang radyo dahil ayokong makaramdam ng lungkot. Sana ay palagi lang silang maayos kahit wala ako. Mahal ko sila at alam kong gano'n din sila sa akin, naiintindihan ko sina daddy at mommy kung sa ngayon ay hindi nila ako matatanggap.
Sa huli ay sila pa rin ang pamilya ko, they did their best para mapalaki ako ng maayos. If ever I could choose my parents in my second life then I am willing to find them to be their daughter- again! Pero sa ngayon, hindi sila ang puwede kong piliin.
Kailangan din ako ni Chase na parte ng pamilya ko. Ayokong masayang ang mahabang panahong paghahanap ko kung susuko ako sa laban na 'to. Sa oras na matigil na ang kasamaan ni Alvazar ay ako na ang kusang aalis sa organisasyon.
Kinuha ko sa aking wallet ang room card at itinapat ito para mabuksan ang pinto ng aking condo unit. Agad akong pumasok habang bitbit ang mga pinamili ko, ako rin ang naglilinis ng sariling unit ko dahil ayokong may ibang makaalam sa mga baril na nakatago sa kwarto ko.
Hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa kusina ng marinig kong mag-ring ang aking cellphone. Napairap ako ng mabasa ang pangalan ng caller sa screen ng aking cellphone.
"Yes Mr. Alfonso?" Tanong ko ng tuluyang masagot ang tawag.
Inilapag ko sa lamesa ang mga pagkaing pinamili. At naupo sa upuan habang nakatapat sa kaliwang tenga ang cellphone. Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya muli akong nagtungo sa refrigerator na hindi naman kalayuan sa pwesto ko.
"I just want to inform you na ang mga nabili mong properties sa iba't-ibang lugar ay ini-hold din ng daddy mo, Ezra."
Napahinto ako sa narinig, marahan akong napapikit dahil talagang ngayon ay ginigipit ako ni dad. Hindi ko alam kung ganito ba talaga kalaki ang kasalanang nagawa ko pero hindi naman sapat ang sorry sa mga pagsisinungaling ko.
"It's.. it's alright."
Saad ko at binuksan ang bottled water na kinuha ko sa refrigerator. Agad kong inubos ang laman no'n at itinapon sa basurahan.
"Ezra, ano pang magagawa mo n'yan? Walang-wala kana. I just can't believe na aabot kayo sa ganito ng daddy mo-"
"Mr. Alfonso I told you, it's alright. Kung magrereklamo ba ako ngayon ay magbabago 'yung isip ni dad? Hindi diba? As of now- I can't do anything about it not until na sila na mismo ang naniwala sa akin.." saad ko.
Napalingon ako sa likuran ng marinig kong bumukas ang isang kwarto ng unit. Kamuntik ko ng mabitwan ang hawak kong cellphone dahil sa gulat!
Agad kong pinatay ang tawag at inilapag ang cellphone sa lamesa. Kinapa ko ang baril sa aking tagiliran na natatakpan ng suot kong jacket. Dahan-dahan akong naglakad sa kung saan ko narinig ang ingay at saglit na huminto ng nasa tapat na ako ng pintuan.
Sinong mangangahas na pumasok dito?
Hinawakan ko ang door knob at dahan-dahan kong binuksan ang pinto, sa kabutihang palad ay hindi 'yon naka-lock!
Hinugot ko ang baril sa aking tagiliran at marahan itong ikinasa. Agad kong binuksan ang pinto habang nakataas ang isang kamay na hawak ang baril.
"Nexus?"
Gulat kong saad ng makita ko s'yang nakade-kuwatro pa habang nakahiga sa malambot na kama.
"I thought you wouldn't notice me.." kumindat pa ito sa akin bago tuluyang tumayo sa pagkakahiga.
Ibinaba ko ang hawak na baril at mabilis naman s'yang lumapit sa akin at-
"I miss you!" Sabi nito habang yakap-yakap ako.
Naamoy ko na naman ang pabango n'yang gustong-gusto kong naamoy! Bakit parang mas bumango pa ata s'ya?Akmang kakalas na ako sa pagkakayakap ng mas hinigpitan n'ya pa ang mga yakap n'ya sa akin!
Naramdaman ko ang paghalik n'ya sa aking ulo at rinig na rinig ko ang tibok ng puso n'ya!
"I need more hugs Ezra! Ten days kang hindi nagpakita sa akin, do you think gano'n lang 'yon?"
Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakangisi s'ya sa mga oras na ito! Heart naman, h'wag ka namang traydor! Puwede ba 'yon?!
"Ten days lang 'yon Nexus! Ang bilis lang kaya ng araw!" Saad ko pa at tuluyan ng kumalas sa mga yakap n'ya.
Hindi nga ako nagkamali na nakangisi na naman s'ya! Kitang-kita ko na naman tuloy yung mga malalalim n'yang dimples!
Bakit ba ang perfect ng isang 'to?
"Wow, ako lang kasi ang nag-iinvest ng pagmamahal dito kaya okay lang kahit hindi mo 'ko makita.." nakanguso nitong sabi kaya natawa naman ako sa narinig.
Umirap pa s'ya sa akin na lalo kong ikinatawa! I can't imagine na kaya din palang mag inarte ng isang 'to! Grabe, kulang nalang na itaas n'ya ang kilay n'ya para perfect ng pamalit kay senyora!
"Saan mo naman natutunan ang mga hugot na 'yan?" Naiiling kong tanong at tsaka tumalikod pero mabilis ako nitong hinatak at muli na namang niyakap.
Napangiti nalang ako sa nangyari. Nakalimutan kong tao lang din ako at kailangan ng yakap! Pakiramdam ko ay mas lalong tumigas ang mga muscles n'ya sa katawan, ilang araw lang naman kaming hindi nagkita pero feeling ko bongga at hard workout ata ang inatupag n'ya!
"What's hugot? Totoo naman ang sinabi ko ah? Ako lang ang nagmamahal dito kaya ako lang ang nakaka-miss!" Anas nito.
"Tumigil ka na nga!" Natatawa kong saad at agad s'yang tinulak palayo.
Dahan-dahan s'yang lumapit at dahan-dahan naman akong naglakad patalikod ng nakaharap sa kanya. Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa pader at nakita ko naman s'yang napangiti.
Agad akong tumakbo para matakasan s'ya pero agad naman n'ya akong nahablot at isinandal sa pader!
Ikinukulong niya ako sa kanyang mga braso at muntik ko ng makalimutang huminga dahil sobrang lapit lang namin sa isa't-isa!
"Tell me Captain Mendivel, do you miss me?" Tanong n'ya kaya naman ay agad akong napalunok sa narinig!
Urgh. Bwiset! Bakit ba kailangan n'ya pang itanong?!
Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata at nakangiti lang s'yang nakatingin sa akin. H'wag kang ngumiti ng ganyan! Ayoko nyan!
"Na-miss mo ba ako, Ezra?"
Pakiramdam ko ay sasabog ako dahil sa kabang nararamdaman! Bakit ba ganito kalakas ang epekto ng lalaking 'to sa akin!
"Come on, answer me baby.."
This time ay nakangisi na s'ya, alam kong pulang-pula na ang pagmumukha ko dahil sa kahihiyan! Puwede bang magpalamon nalang ako sa lupa o kaya maging patatas?!
Dahan-dahan akong tumango bilang tugon sa tanong n'ya na mas lalong ikinatuwa n'ya, hindi ko alam kong dapat kong ikahiya to! Nakakaasar talaga!
"Say it baby. I want to hear it Ezra.." mahinang bulong n'ya sapat na para marinig ko ng maayos at malinaw.
"I miss you too Nexus.." Sagot ko at tuluyan na siyang muling ngumiti dahil sa narinig.
Now he is claiming my lips and sealed it with a sweet kiss!
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡