Ezra's POV
"Shuta Commander Nazi, ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Justin.
Lahat kami ay nakatuon ang atensyon sa kanilang dalawa ni Lance, nakapagbihis na rin sila ng damit dahil mabilis namang nakabili ng damit sina Drake at Alexis.
"Nakapag-usap na kami ni Feleciano-" pag uumpisa ni Commander pero agad ding huminto ito at tumingin muna sa akin.
"At?" Tanong ko.
"Gusto n'yang maikasal ka sa lalong madaling panahon kung gusto mong manatili sa posisyon mo." sagot nito at napakunot naman ang noo ko sa narinig.
"WHAT?! wala ngang jowa si Captain tapos hahanapan ng asawa? Shutanesss namang buhay 'to oh!" histerikal na saad naman ni Justin at narinig ko pa ang pagtawa ni tito Pabio.
"Pagod na ata sa buhay si Feliano kaya pati ako minamadali ng magpakasal!" saad ko naman at marahang sumandal.
"Tanga naman no'n, hindi ata alam ang stage level ng bawat lovelife!" rinig ko namang sabi ni Alexis.
"So, anong plano mo Captain?" tanong naman sa akin ni Dia at lahat sila ay nakatingin na sa akin ngayon.
Napakurap naman ako sa narinig, ano nga ba? Hindi ko naman puwedeng hayaang mapunta sa iba ang posisyon ko!
"Hindi natin puwedeng gawing peke ang kasal mo, lalong-lalo na ang marriage contract na ipapasa sa mga executives!" seryosong sabi ni Commander Nazi.
Napabuntong hininga ako dahil sa narinig. Oo nga pala at mga agent kami. Nakakainis naman! Oo- nasa plano ko ang mag-asawa, bumuo ng pamilya at magkaroon ng mga anak pero hindi pa sa ngayon!
Sobrang hirap ng sitwasyon. Kaya nga nagawa kong piliin ang organisasyon kahit alam kong magagalit ng pamilya ko para wala na silang magamit pa sa akin! tapos eto naman ngayon.
Mariin akong napapikit dahil sa mga naiisip at mga nangyayari.
"I will marry you..."
Agad akong napamulat dahil sa narinig.
"I am willing to marry you, Ezra!" seryosong sabi ni Nexus.
Agad akong umiling dahil sa sinabi n'ya at seryoso s'yang tiningnan.
"Nexus, ayokong hanggang sa huli ay madamay ka sa gulo na 'to. Isa pa-"
"I am willing to involve myself with you, I can do anything just for you and you don't need to do something for that.."
Napatingin naman ako sa iba at lahat sila ay nakangiti. Ngiting totoo at may paghanga, lahat sila ay masaya.
"Ikaw na talaga fafa Nexus!"
"Suportado namin kayo!"
"I won't take advantage of our marriage kung 'yon ang iniisip mo. Puwede mo 'kong iwan kapag ayaw mo na-" muling sabi ni Nexus.
Bakit ba ganito ang lalaking 'to? wala naman akong ginawa para ibigay n'ya ang sarili n'ya ng ganito.
Agad s'yang lumapit sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Let's get married, isampal mo sa kanila na hindi ka nila kayang mapatumba!" aniya.
Agad akong napatango dahil sa narinig at niyakap s'ya. Nakita ko ang pagpupunas nila ng luha lalo na si tito Pabio.
"Mahal ko kayo guys!" Naiiyak na sabi ni Drake at agad na naki-yakap sa amin.
Mas lalo naman akong napangiti ng maggroup hug kaming lahat! Napaka-suwerte ko at nandyan silang lahat para sa akin, hindi man naniwala sa akin ang pamilya ko pero may mga taong naiwan sa tabi ko para samahan ako sa pinakamalaking laban at hamon sa buhay ko.
"Team EZXUS lang malakas!" masiglang sigaw ni Zack at nagtawanan naman kami dahil sa narinig.
"Kaya natin 'to guys! Matatapos din ang lahat ng ito at darating ang araw na tuluyan na tayong magiging masaya.." naiiyak naman saad ni Dia at umakbay naman sa kanya si Alexis.
"Basta nandito lang kaming lahat para sayo, Ezra. Mahal ka namin kahit na anong mangyari!" sabi naman ni tito at agad akong niyakap.
Tuluyan na akong naiyak at hindi napigilan ang emosyon. Sana ay kasama ko ang pamilya ko sa laban na 'to. Sana ay nandito din sila at alam ang mga plano ko sa buhay.
"Hindi ko alam kong ano bang nagawa ko para patuloy n'yo parin akong samahan. pero- sobrang laki ng pasasalamat ko dahil nandito kayo! Pinaramdam n'yo sa aking importante ako at dapat mahalin at alagaan." saad ko at agad na pinunasan ang luha sa aking pisngi.
"Captain, hindi mo kailangang magpasalamat. Walang-wala pa ito sa mga nagawa mo para sa amin. Noong mga panahong walang-wala ako at walang naniwala sa kakayahan ko nandyan ka para tulungan ako! Maraming salamat Captain!" Makahulugang saad ni Lance at agad na sumaludo sa akin.
Nginitian ko ito at muli na namang tumulo ang luha ko, naalala ko ng makilala ko si Lance sa kalsada at palaboy-laboy lang sa daan. Napagdiskitahan siya ng grupo ng mga kalalakihan at binugbog. Agad ko s'yang dinala sa organisasyon at doon ipinagamot.
"Tama si Lance Captain, Nang dahil sayo ay natuto akong maging totoo sa sarili ko. Nakuha mo akong tanggapin sa kabila ng personalidad at pagkatao ko. Natanggap ako ng ama ko dahil sayo Captain! Salamat Captain Mendivel! Shuta naman wala naman sa planong iiyak ako ngayon eh!" Ani ni Justin at agad itong lumapit sa akin at mabilis akong niyakap.
No'ng time na nakausap ko ang papa ni Justin, sinabi kong walang mali sa kanya. Na dapat n'yang tanggapin s'ya dahil lahat tayo ay pantay lang sa mga mata ng diyos.
"Salamat sa pagpapasaya sa aming lahat Ezra, salamat sa lahat ng mga bagay na nagawa mo sa amin at alam kong hindi lang kami ang nagpapasalamat sayo kundi ang maraming tao na natulungan mo!" saad naman ni Commander.
Muli kaming naggroup hug at tinapos ang iyakan moment namin. Hindi ko akalaing darating kami sa ganitong punto ng buhay namin. Hiling ko ang kasayahan ng bawat isa. Alam kong hindi lang ako ang may problema pero heto sila at handang tulungan ako.
This is love, and I am willing to love them back because they deserve it!
Kinabukasan ay agad kong inihanda ang sarili dahil pupunta kami ni Nexus sa isang wedding ring shop. Iyon ang napag-usapan namin kagabi bago sila umalis sa condo unit ko.
Gusto pa nga ni Nexus na sunduin ako ngayon pero agad akong tumanggi at sinabi ko nalang na magkita kami sa mall. Simpleng elegant knitted dress ang suot ko ngayong araw, kulay pula ito at sa bandang manggas ay visible ang braso ko.
Hindi naman lalampas sa tuhod ko ang sukat nito at suot ko ang isang sandal na iniregalo sa akin ni Dia two years ago. Pati ang bag na ibinigay sa akin ni Justin.
Nang makarating ako sa mall ay halos pagtinginan ako ng lahat ng mga nakakasalubong ko sa entrance palang. Agad kong inilibot ang paningin at nakita ko si Nexus na nakatayo habang hawak ang isang red rose round boquet.
Ngumiti ito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, s'ya na mismo ang lumapit sa akin at mabilis na lumabas ang malalim n'yang dimples ng muli itong ngumiti.
"Red rose for my beautiful and gorgeous woman.." aniya at agad na iniabot sa akin ang mamahaling bulaklak.
Agad ko namang tinanggap ito at mabilis n'yang inilahad ang kanang kamay at agad ko itong hinawakan at sabay kaming naglakad.
"They're looking at us.." bulong ko at naramdaman ko ang paghigpit n'ya ng hawak sa aking kamay.
"Don't mind them, they are just so jealous because we are so perfect!" nakangisi nitong saad na ikinatawa ko naman.
Well, may maipagmamayabang naman talaga kami sa itsura palang, pero naiilang ako dahil hindi naman ako sanay sa ganito.
Lalo na at kasama ko s'ya, noon kasi mga kapatid ko ang kasama ko sa pagpunta sa kung saan-saan puwera nalang sa mga misyon.
He's smiling from ear to ear, hindi ko alam kung talagang nakasanayan na n'ya 'yan ngayon o dahil talagang masaya lang s'ya?
"What?" Tanong nito at talagang nilingon pa ako.
Iniwas ko naman ang aking tingin at tumingin nalang sa ibat-ibang department store na nadadaanan namin. Wala sana akong planong tumingin sa kanya pero agad s'yang huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ako at mabilis s'yang tiningnan na may pagtataka.
"Bakit?" takang tanong ko pero nanatili lang siyang nakangiti sa akin.
Sana ay araw-araw kong makita ang magandang ngiti na 'yan.
"I love you.."
Ito na naman yung abnormal na tibok ng puso ko, bakit ba bigla-bigla nalang s'yang guma-ganyan? Lagi nalang akong off-guard.
"Tara na nga!" aya ko sa kanya at narinig ko siyang tumawa ng makita akong nakangiti.
Sino ba kasing hindi tatablan ng kilig sa lalaking 'to?!
Nang makarating kami sa isang sikat na bilihan ng singsing ay agad kaming sinalubong ng mga staff at ginuide kami sa mga singsing at madami silang sinabi tungkol sa mabentang singsing sa kanila pati ang mga presyo nito.
"Ito ng pinakamahal na wedding ring na meron kami dito. Ang gold wedding ring na nagkakahalaga ng two hundred fifty million!" nakangiting saad ng manager.
Kinuha ni Nexus ang wedding ring at isinuot ito sa akin at tamang-tama lang ang sukat nito, napakagandang tingnan kaya naman kinuha ko ang kapares nito at isinuot sa kanya.
"OMG! It's perfect Mr. Atkinson! So, are you gonna take that?"
"Yes, we will take this." sagot naman ni Nexus.
"Teka? sure ka na ba?" tanong ko masyado iyong mahal! pwede naman kaming bumili ng mas mura kahit nasa one hundred million ang presyo.
"We deserve this baby, at sigurado na ako dito sa wedding ring na 'to" Aniya.
Wala naman na akong nagawa ng bayaran niya ito, s'ya narin ang nagpa-engraved ng mga pangalan namin.
"We are very happy to give you a satisfaction, We are hoping for your happiness and successful married life, soonest!"
Agad na kaming lumabas at hinatak ako papunta sa sinehan! bumili pa s'ya ng popcorn at drinks habang hawak ang ticket naming dalawa.
"Gusto kong maranasan natin 'to before we get married!" masaya n'yang saad at agad akong napangiti.
Nang makapasok kami sa loob ay agad kaming naupo, Action ang pinapanuod namin at tungkol ito sa ipinaglalaban nilang tama.
Relate na Relate ako sa napapanuod ko at halos madurog ng puso ko kung paano pagpapatayin ang mga sanggol at ibang matatanda.
Matapos n'yon ay niyaya n'ya akong kumain sa isang sikat at mamahaling restaurant, s'ya na rin mismo ang umorder at wala pang thirthy minutes ay dumating na ang order naming dalawa.
"Sigurado ka bang ayaw mo ng church wedding?" tanong nito kaya bahagya akong napahinto at tumingin sa kaniya.
Gusto ko, gustong-gusto ko. Sino bang aayaw do'n?
"Civil wedding will do Nexus. Isa pa it's for our safety, hindi natin alam kong ano na namang plano ng mga kalaban natin.." sagot ko at nakita ko naman itong tumango. "Alam na 'to ng family mo?"
Agad siyang tumango biglang tugon, nanlaki naman ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan iyon!
"Yes, alam na nila at ako na mismo ang nagsabi na hindi muna sila puwedeng pumunta para sa kaligtasan nila. Umiiyak pa nga si mom dahil gusto n'ya talagang umattend pero ayokong mabago pa ang mga napagplanuhan natin.."
"That's right, nakausap ko na rin ang Judge na magkakasal sa atin!" saad ko pa.
Si Mr. Alfonso ang nag rekomenda sa akin ng Judge na magkakasal sa amin ni Nexus. Si Calliope naman ang umako sa susuotin ko para sa civil wedding namin ni Nexus. Ibinalita na kasi nila ito at halos lahat sila ay excited.
Siyempre naisip ko ring i-email si dad at sabihin ang bagay na ito. Though, wala naman s'yang naging tugon pero ang importante ay nasabi ko sa kanila at nalaman nila ang desisyon kong ito.
Alam kong masama pa rin ang loob nila sa akin pero gusto kong malaman nilang hindi ko sila kinakalimutan.
"Thank you Nexus.." saad ko at mabilis naman itong napaangat ng tingin sa akin.
"It's nothing love, deserve mong ma-spoiled ng ganito!" nakangiti n'yang saad.
"No, it is not about for spoiling me. But for being here with me at all cost-" sabi ko pa at matamis ko s'yang nginitian.
"Ang hirap, hirap na hirap na akong umahon sa pagmamahal ko sayo, Ezra. Masyado na akong lunod na lunod., Kaya kahit pang masamang planong gawin nila- mananatili ako sa tabi mo.."
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡