Chapter 44

Ezra's POV

Today is a day that I am going to be part of Nexus life not just an ordinary woman, but to be his partner in life. I didn't expect this would come- not even in my dreams nor imagination! 

I am looking at my reflection, si Justin ang nag-aayos sa akin. He curled my hair and Dia handed me my mini wedding flowers to make it perfect. 

"You are so beautiful Captain! Paniguradong maiinlab sayo ng husto iyon!" Nakangiting saad ni Dia. 

"Shuta naman eh. Sana pang poreber na 'to! Alam n'yo namang number one fan ako ng lovelife n'yo ni fafa Nexus!" Naiiyak namang saad ni Justin. 

I hugged them tight, napakalaki ng tulong nila sa akin. Agad kaming lumabas sa kuwartong kinaroroonan namin at nakita ko sa labas sina Drake at Alexis na inaayos pa ang suot. 

Napatingin sa akin si Drake at saglit pa itong natulala. Agad n'yang siniko si Alexis at gano'n din ang reaksyon nito. Lumabas naman sa isa pang kuwarto si Calliope kasama si Odyssey at agad silang ngumiti sa akin. 

"Wow! So gorgeous.." komento ni Calliope at agad itong lumapit sa akin, inilabas n'ya ang cellphone sa dalang bag at agad na kinlick ang camera ng phone. 

Lahat sila ay agad na nagsilapitan sa amin para makisali sa picture taking! We smiled from ear to ear, kung normal lang ang buhay ko baka hindi ko sila nakilala. 

Baka iba ang mga nakasama ko ngayon at wala ako sa lugar na ito. Sila ang magiging witness namin ni Nexus sa kasal. Ang kapatid ng Judge  ang magiging ninong namin sa kasal habang ang asawa naman ni Mr. Alfonso ang ninang. 

Since this is a private civil wedding hindi na namin kinailangan ng madaming bisita. The less will be more safer dahil hindi namin kontrolado ang bawat kilos ng kalaban. 

"Ready na ang lahat! Pumasok na kayo, and bride please prepare yourself!" Saad naman ni Zack na mismong nag organized ng civil wedding namin ni Nexus! 

Natawa pa sina Dia at Calliope dahil sa itsura ni Zack dahil mukha itong constipated! Maging ako ay napangiti, siguro ay kinakabahan din s'ya. 

Pumasok na sila sa loob kung saan gaganapin ang kasal, naiwan ako rito dahil tulad ng plano ay ito ang sinabi ni Zack. Ngayon ko lang din nalaman na may experience s'ya sa pagiging wedding organizer at coordinator. 

Nagtulungan naman sila para maging elegante ang lugar dahil sa private Island ginanap itong civil wedding namin ni Nexus. 

Nang marinig ko ang bell ay agad na akong pumasok at lahat sila ay nakatingin sa akin. Long wedding civil gown ang suot ko na si Calliope mismo ang gumawa. Isa s'yang fashion designer at mahilig din s'yang gumawa ng mga wedding gown or dress- since iyon naman talaga ang target n'ya. 

Napatingin ako kay Nexus at titig na titig ito sa akin, nandito si tito Pabio at Commander, sina Flare at Mr. Alfonso. Nang makalapit ako kay Nexus ay inalalayan pa ako nito at doon ko nakita ng mas malinaw ang mga luha nito. 

Kinakabahan ako, kanina ko pa nararamdaman 'to at halos hindi rin ako makatulog kagabi dahil sa araw na ito. 

"We are gathered together here in the presence of these witnesses to join this man and woman in matrimony, which is an honorable estate, and is not to be entered into unadvisedly or lightly but reverently and discreetly. If anyone can show just cause why this man and woman may not lawfully be joined together, let them speak now or hereafter remain silent" 

Agad akong napatingin sa likuran at nakita ko ang pagbukas ng pinto, then there I saw them.. I saw my family. 

"Please continue the ceremony.." rinig kong sabi ni dad at tumingin ito sa akin na naluluha ang mga mata. 

Maging sina mom ay naging emosyonal at ibinalik ko ang tingin sa Judge. Tuluyan na akong naiyak dahil hindi ko inaasahan ito. Akala ko ay hindi nila papansin itong civil wedding na ito but they are here! 

"I Creed Nexus Atkinson, take you Samantha Ezra Mendivel to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part." 

I look at him directly in his eyes while preparing myself to take my vows. 

"I Samantha Ezra Mendivel, take you Creed Nexus Atkinson to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and cherish, till death do us part."

"Wear these rings as a reminder of the vows you have just taken."

Nakangiti n'yang isinuot sa akin ang singsing at ganoon rin ako. Sana ay tulad ng singsing na suot namin ngayon ay maging ganoon din ang kahinatnan ng magiging pagsasama namin. 

"You may seal your promise with a kiss!" 

Ngumiti s'ya sa akin at narinig ko ang sigawan nila pero agad din akong napapikit ng maglapat na ang aming mga labi, napakagaan at banayad. 

"I pronounced you Creed Nexus and Samantha Ezra to be husband and wife! Congratulations!"

Narinig ko ang palakpakan nila at nakangiti kaming humarap sa lahat ng naroon. Agad na lumapit sa akin sina mommy at daddy upang yakapin ako. 

Nandito rin ang pamilya ni Nexus, kahit na pinigilan sila nito ay talagang hindi sila nagpaawat. Ang mommy ni Nexus ang nag-suggest na dito na ganapin ang kasal. 

"Congratulations anak!" umiiyak na saad ni mommy at hinalikan pa ako nito sa pisngi. 

"Congratulations sa inyo Nexus!" saad ni dad at tinapik ito sa balikat. 

"Thank you so much Mr. Mendivel!" pormal namang saad ni Nexus kay dad kaya natawa ito sa narinig. 

"You should call me dad dahil asawa kana ni Ezra, please.. take care of my daughter!"

"I will dad," 

Marami kaming napag-usapan at ang paliwanag ni dad kaya daw sila late ng dumating dahil si mommy ay sa gabi palang sobra ng excited kaya ang nangyari ay tanghali na silang nagising plus may kalayuan pa ito. Mabuti at nakahabol pa sila. 

"Congratulations to the newlyweds!" sigaw ni Cody at itinaas nila ang hawak na wine glass. 

I am so happy na kasama ko ang pamilya ko, that I sorround myself with these great people! 

"Wife.." agad akong napatingin kay Nexus ng sabihin n'ya ito at mabilis na nag-init ang buong mukhang ko kaya mabilis ko s'yang nahampas! 

Mabuti nalang at busy sila sa mga pinag-uusapan nila dahil kung hindi ay walang kamatayang tuksuhan na naman ang aabutin ko dito. 

"Mrs. Samantha Ezra Mendivel-Atkinson.." nakangisi n'yang saad kaya naman ay inismiran ko lang s'ya dahil alam kong sa mga oras na 'to ay sinapian na s'ya ng espiritu ng pang-aasar! 

"Wife.." tawag nitong muli. 

"Tigilan mo 'ko Nexus ha, tatamaan ka sa akin!" may pagbabanta kong saad at literal na tumawa ito dahil sa sinabi ko. 

Mabuti nalang at nasa pinakadulo kami at hindi masyadong naririnig, nakakahiya! 

"Look at me.." aniya at pinihit pa ang direksyon ko sa kanya. "Matagal na 'kong tinamaan wife..sapul na sapul diretso sa puso ko.."

Hindi ko na napigilang mapangiti, kahit anong pigil ko ay wala na! Sobrang hirap na. Agad n'yang hinawakan ang kanang kamay ko at nakinig sa usapan ng iba. 

Hindi ko alam kong ano ba talagang tumatakbo sa isip n'ya, kung totoo ba yung mga pinapakita n'ya. Sana ay totoo kasi hirap na hirap na akong magpigil sa nararamdaman ko. Nakakatakot lang na baka biglang isang araw ay maging biro lang pala ang lahat. 

"So, saan n'yo pala planong tumira after ng kasal?" Usisa nina mommy at napatingin naman ako kay Nexus dahil hindi ako handa sa naging tanong. 

Ang usapan namin ay ikakasal kami pero puwede namang palabasing nasa iisang bahay kami kahit hindi. So, wala akong ideya sa bagay na ito. 

"We have our own house mom. Bago kami nagpakasal ay inayos na muna namin lahat ng kailangan.." nakangiting sagot nito. 

"Yes, dapat lang. Hindi maganda sa mag-asawa na magkahiwalay. Everytime na may problema kayo communication is the key, don't run to other women or men dahil hindi 'yon ang solusyon" sabi pa ng mommy ni Nexus. 

"I agree with you balae, and also secret is not good sa pagitan ng mag-asawa. Kailangan maging open kayo sa isa't-isa para hindi n'yo ma-misunderstood ang isa't-isa. Give and take sa relationship!" saad naman ni mom. 

"That's right, isa 'yan sa mga way para tumagal ang pagsasama bilang mag-asawa.." komento naman ni dad. 

"I hope you will give us a grandchilds soonest!" Saad naman ng daddy ni Nexus at alanganin akong ngumiti. 

Juice colored! Ano ba naman 'to bakit usapang apo na kaagad? 

"Gusto raw nila ng apo.." bulong ni Nexus. 

Ngayon alam kong ramdam ko ang mas pag-iinit ng mga pisngi ko. Nakayuko lang ako at kunwari ay may titingnan sa cellphone ko kahit wala. Narinig ko ang paghalakhak ni Nexus kaya agad akong nag-angat ng tingin at tiningnan s'ya na parang baliw kakatawa. 

"Ano okay na?" Sarkastiko kong tanong dahil hindi pa rin s'ya tapos tumawa. 

Agad niyang kinagat ang labi at pinipigilang h'wag tumawa, muli n'yang hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon. 

"You're so cute wife. Don't worry, I won't force you to do such thing you don't like.." aniya. 

Napanatag naman ang loob ko sa narinig, sa edad kong twenty-four year old ay wala pa akong karanasan sa mga intimate relationship. Tanging kiss pa nga lang nagagawa ko at kay Nexus pa na naging asawa ko na. I wonder kung ilang babae na ba ang nahalikan nitong lalaking 'to. 

Matapos ng kasalang pangyayari ay agad kaming umuwi, pinakuha na pala ni Nexus ang mga gamit ko at nailipat na dito sa bahay na nabili n'ya. Maganda ang disenyo ng bahay at talaga namang masasabi kong pinasadya ang paggawa nito, pero ang sabi kasi ni Nexus ay bago n'ya lang itong nabili. 

Iisang kuwarto lang din ang tutulugan namin, parang ayoko pang lumabas ngayon sa bathroom dahil hindi ako mapakali. Naunang mag shower si Nexus, at ngayon ay malamang nakahiga na s'ya sa kama at hinihintay ako. 

"Wife? plano mo bang matulog d'yan sa bathroom, two hours and twenty-five minutes ka ng nandyan!" sigaw nito mula sa labas. 

Huh? naka-two hours and twenty-five minutes na ba ako? ang bilis naman ata. 

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at lumabas, tulad ng inaasahan ay nakahiga nga ito sa kama at nanunuod ng movie. 

Tumingin ito sa akin at agad na naupo, buti nalang at kumportable ako sa suot kong terno silk sleeping wear na binili n'ya nitong nakaraang araw lang. 

Oo, parehas kami ng suot. Mas malaking advantage 'yon lalo na't may mga kasambahay dito. Though, ang mommy ni Nexus ang nagpadala sa kanila at aware sila sa mga ginagawa namin pero hindi ang tungkol sa pagpapakasal ko para manatili sa posisyon. 

"Maaga ka bang aalis bukas?" tanong nito ng maupo ako sa harap ng vanity mirror at ginawa ang akin skin care routine.

"Nope, dito muna ako. Why?" 

"May gusto ka bang puntahan?" muling tanong nito at this time ay lumapit na s'ya sa akin dala ang isang upuan at naupo sa tabi ko kaya naman ay humarap ako sa kanya. 

Kinuha n'ya ang night cream na hawak ko at agad n'ya itong binuksan at nilagyan ang mukha ko. Maingat niya itong ipinahid sa akin at diretso lang akong nakatingin sa kanya. 

"I want to take care of you, I wanna spent my days and night with you my love." aniya at patuloy lang sa ginagawa. 

Nang matapos s'ya ay agad n'yang tinakpan ang night cream at ibinalik ito sa eksaktong pinaglalagyan. Tumingin s'ya sa akin at ngumiti. 

"I will wait till the day that you gonna love me like I do.." 

I do love you Nexus, pero hangga't kaya ko munang pigilan ang sarili ko- pipigilan ko muna. Kapag naging maayos na ang lahat I'm gonna make it up to you, Nexus. 

"Let's sleep.." saad ko at tumayo habang hawak s'ya sa kamay, ngumiti ito sa akin at sabay kaming naglakad papunta sa kama at nahiga. 

"Good night, Nexus."

"Good night, Life.."

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.