Chapter 58

Ezra's POV

"Are you ready?" Tanong ni Nexus sa akin bago paandarin ang sasakyan kaya mabilis ko s'yang tinanguan.

Nakasuot ito ng shade at black plain t-shirt at pants. Bakit naman kahit ganito kasimple ang suot ng lalaki 'to ay ang lakas pa rin ng dating?

Ang effortless masyado. Kainis.

Ngayon ay susunduin namin sina aling Belen at mang Rogelio, siyempre pasasalamat ko narin ito sa kanila. Mabubuti silang tao at deserve nilang pasalamatan.

Napatingin ako kay Nexus at talagang nakangiti ito habang nagda-drive. Teka? Anong meron? Tsk.

"What?" Natatawa nitong tanong ng makita n'yang nakatingin na ako sa kanya.

"What are you thinking?" Tanong ko rito pero nag kibit balikat lang ito at mas lalong ngumiti kaya namab napairap ako.

"Ano nga?" Pangungulit ko rito at tuluyan s'yang hinarap.

"Nothing, it's just so good to be true that you're here beside me!"

Tuluyan na akong napangiti sa sinabi nito. I know he wants the best for me, but he's the man I ever have! Nobody compares to my Nexus.

I found out na matagal na pala n'ya akong kilala, kung hindi n'ya pa sinabi- baka hindi ko rin malalaman. He stayed single for years just to find a way for me!

Grabe, mainggit kayo please!

Ang sabi rin ng pamilya ko ay matagal na nilang alam na dati pa akong gusto ni Nexus but they remained silent. See? Hindi naman sila botong-boto rito sa guwapo kong asawa ano?

At first ang gusto ko lang ay makasama si Chase at maibalik s'ya sa amin, pero sobrang bait ni God at may dumating pa sa buhay ko. Ang mga kaibigan ko at siyempre s'ya- ang lalaking minahal at mamahalin ko.

Minsan, akala natin hindi n'ya tayo napapakinggan. Ang akala natin ay habang buhay na tayong nasa ilalim, malas or kung ano pa man 'yong mga sitwasyon nating napagdadaanan.

Pero kahit ganoon, mahal n'ya tayong lahat. Maging s'ya ay alam kong hindi gustong nahihirapan tayo. Pero malaking tulong iyon para maging matatag tayo sa buhay at magpatuloy.

"We're here!" Anunsiyo nito.

Agad nitong ibinaba ang windshield at nakita ko namang lumapit sa gawi namin sina mang Rogelio at aling Belen. Pareho silang nakangiti at agad na sumakay sa loob ng sasakyan.

"Maganda araw ho aling Belen at mang Rogelio!" Bati ni Nexus at binati ko rin ang mga ito.

"Aba'y magandang umaga sa inyong mag-asawa! Kayo nga ay mag anak na- ang kagagandang lahi ninyo eh!" Saad ni aling Belen kaya nagtawanan kami.

Sana nga, sana nga ay magka-anak na kami. Aba, sino bang ayaw magkaroon ng anak?

"Mukhang may kasiyahan sa inyo Ezra? Nakakahiya naman at alam mo namang simple lang ang aming mga suot! Baka madami kayong bisita ha?" Si mang Rogelio kaya naman napangiti ako sa narinig.

"Naku! Tayo-tayo lang po doon. Pasasalamat lang naman po namin ito dahil napakabuti n'yong tao." Saad ko naman.

"Aba'y hindi naman na kailangan iyon, masaya kaming alagaan at tulungan ka. Parang anak na ang turing namin sayo kaya naman masaya kami't maayos ka na ngayon." Sabi naman ni Aling Belen.

Marami pa kaming napag usapang bagay.

Hindi nila alam na bago namin sila sunduin dito ay may inutusan na akong bayaran ang lahat ng utang nilang mag-asawa, dahil iyon sa mga nagastos nila sa akin.

"Alam n'yo, hindi perpekto ang buhay mag-asawa. Kaya piliin niyo parin ang isa't-isa sa bawat araw. Mahalin n'yo ang isa't-isa ng totoo at tapat. Kung may problema- pag-usapan n'yo agad. Iyon lang naman ang solusyon para tumagal ang buhay mag-asawa. H'wag kayong magbibilang sa mga nagawa n'yo, hindi puwedeng magsasalubong ang galit n'yo- para magkaintindihan kayo." Payo ni aling Belen.

Napatango naman ako sa narinig. Give and take lang talaga dapat sa isa't-isa. Wala namang perpektong tao at relasyon pero sa huli kayo parin ang mag dedesisyon ng magiging takbo ng relasyon n'yo hindi ba?

Matapos ng mahabang biyahe ay nakarating narin kami. Agad na pinark ni Nexus ang kotse at agad kaming bumabang apat. Napansin kong napatingin sa kabuuan ng lugar sina aling Belen at mang Rogelio kaya pareho kaming napangiti ni Nexus.

"Aba'y, kadami n'yo talagang bahay ano?" Nakangiting sabi ni aling Belen.

"Nako, pumasok na tayo sa loob at kanina pa sila naghihintay!" Excited kong saad at agad naman silang tumalima.

Nang makapasok kami sa loob ay talagang kumpleto na nga sila. Napansin ko rin ang madaming pagkain na ipinaluto nina mommy at momny ni Nexus. Well, our parents are really close ot each other.

"Oh, nandito na pala kayo!" Agad na sabi ni tito Pabio habang nakahawak sa bewang ni tita Vangie.

"Tuloy kayo! h'wag kayong mahiya.. nako, excited na excited kaming makasama kayo Rogelio at Belen!" Saad naman ni dad.

They are welcome to our family, kung hindi dahil sa kanila ay baka wala na rin ako dito ngayon.

"Nako, salamat sa pag-imbita ninyo sa aming mag-asawa dine ha? Talagang minsan lang kami makapunta sa ganito ka-garbong handaan. Aba'y may nag birthday ba?" Tanong ni mang Rogelio at mabilis na umiling ang daddy ni Nexus.

"Walang may birthday, honestly... pasasalamat namin ito sa inyong mag-asawa dahil sa wakas! Masaya na ulit ang unico hijo ko..." Nakangiti nitong saad.

"Nako'y sobra-sobra na ho ang pasasalamat n'yo sa amin. Magmula sa pamilya palang ni Ezra at mga kaibigan nag uumapaw na. Salamat po sa mainit na pagtanggap sa amin ni Rogelio.." magalang namang saad ni aling Belen.

Marami pang kuwentuhan ang naganap, sobrang saya naming lahat at alam kong babaonin namin ito hanggang sa pagputi ng aming mga buhok. Minsan lang sa buhay na makakatagpo ka ng tunay na pagmamahal, sa mga kaibigan at totoong pagsuporta ng mga tao.

Kaya mahalin mo rin sila pabalik dahil hindi masusuklian ang lahat ng katapatan at sakripisyo na ginagawa nila. Iyong araw-araw nila akong pinipili sa bawat masalimuot na araw... sobrang hirap no'n pero natutunan naming tanggapin lahat ng flaws na meron kami.

"So, dahil nakatayo na sa gitna sina aling Belen at mang Rogelio! Siyempre, si Captain Ezra naman ang may surpresa!" Masayang saad ni Justin.

Pumalakpak silang lahat at nagtatakang tumingin sa akin ang mag-asawa, agad kaming tumayo ni Nexus at nilapitan sila. Pareho naming kinuha ang dalawang box na maliit at tsaka lumapit.

"Aling Belen and mang Rogelio.. thank you so much for treating me like your daughter back then. Thank you po sa lahat ng tulong at pag-aalaga na ginawa n'yo. Kahit walang-wala na kayong mag-asawa ay nakuha n'yo parin akong tulungan. Sinabi ko sa sarili ko noon, kahit na anong mangyari... sa oras na maging maayos na ang lahat at maalala ko na kung sino nga ba ako ay tutulungan ko kayo pabalik! Kasi deserve n'yo ang lahat ng bagay sa mundo. Araw-araw kong nasaksihan ang pagmamahalan n'yo noon, kahit na ganoon kasimple ang buhay ay totoong masaya kayo na sobrang hinangaan ko. Kaya tanggapin n'yo sana itong munti naming regalo ni Nexus. Kulang pa ito sa lahat ng nagawa n'yo para sa akin.."

Nakita ko kung paano sabay na umiyak ang mag-asawa sa harap naming lahat. Iyak na saya at hindi sakit. Iyak na alam ko ang pakiramdam.. mabilis kami nitong niyakap ng maiabot namin ang susi sa kanilang dalawa.

H'wag kayong mag-alala aling Belen at mang Rogelio. Meron pa ho kaming mas importanteng surpresa..

"Sa inyo ho itong bahay na kinatatayuan n'yo mang Rogelio at aling Belen. Pero.. dahil gusto rin nilang magpasalamat sa inyo kaya naman may isa pa ho kaming surpresa!" Naiiyak ring saad ni Nexus.

Halos lahat kami rito ay nadadala ng emosyon. Lumapit ang mommy ni Nexus na may dalang baby.. Oo, nag tulong-tulong sina mommy para mai-adopt sila ng batang mamhalin at aalagaan nila hanggang sa pagtanda.

Kahit hindi man nila sabihin sa amin pero kitang-kita namin kung gaano nila ka-gustong magka-anak. This time ay umiyak na sila ng husto at halos hindi makapaniwala sa nakita. Maging ako ay hindi na napigilan ang sarili.

Hindi puwedeng kami lang ang masaya, deserve din nila iyon!

"Ma.. Maraming salamat sa inyong lahat! Hindi ko lubos akalaing mararanasan ko pang maging isang ina sa pagkakataong ito!" Umiiyak na saad ni aling Belen habang karga ang batang babae.

"Salamat at pinasaya niyo kami ng husto. Araw-araw namin itong ipagpapasalamat sa diyos. May rason pa kami para magpatuloy sa buhay!" Mang Rogelio.

"Masaya kaming lahat para sa inyo Rogelio at Belen. At nandito lang kami para gabayan kayo palagi.." saad ni mommy.

Matapos ng kasiyahan ay inaya ako ni Nexus na umuwi na dahil may ipapakita raw s'ya sa akin at wala akong ideya kung ano iyon.

"Are you excited wife?" Nakangising tanong ni Nexus habang nagda-drive.

Hawak nito ang isang kamay ko, at talaga namang nasanay na s'ya sa ganyang gawain na tuwing magda-drive ay kailangan pang hawak ako sa kamay.

"Medyo.. ano ba kasi 'yon? Sabihin mo na!" Nakangiti kong sabi sa kanya kaya maging s'ya ay napangiti na rin.

"Secret. Mamaya na nga, isa pa malapit na tayo oh!" Sambit nito.

Ano na naman kayang pakulo ang gagawin nitong magaling kong asawa, nako Nexus.. baka naman aaminin na n'yang may anak s'ya sa iba? O kaya naman may kabit s'ya? Tsk.

Humanda talaga s'ya sa akin!

Nitong nagdaang araw madalas kaming pumunta ng mall para maghanap ng human size teddy bear. Kaso laging out of stock, naiinis na nga ako dahil gusto ko talagang makabili non!

Ang sarap kayang mahiga kapag may ganon! Napakalambot kaya masarap matulog. Nanunuod na lang tuloy ako ng mga teddy bear sa YouTube! Minsan naman sa Netflix. Nakakainis nga si Cody kasi meron s'yang gano'n!

Napangiwi ako ng maramdaman kong parang lalabas lahat ng kinain ko kanina, napatingin din si Nexus sa akin at mabilis ko s'yang tinapik para mabuksan ang pinto. Agad akong tumakbo sa gilid ng daan, at doon sumuka! Sobrang sakit ng lalamunan at ilong ko! Para din akong sinisikmura na hindi ko maintindihan!

"Hey wife! Anong nararamdaman mo?" Tanong nito at iniabot sa akin ang bote na may tubig na kagaad ko namang tinanggap.

Ano ba! Pinapahiya pa ako nitong sikmura ko sa asawa ko eh! Kainis.

"I'm.. I'm fine." Sagot ko ng natapos magmumug.

Bakas ng pag-aalala ang buong mukha ni Nexus at bahagya pa itong natataranta. Napahawak ako sa braso nito ng makaramdam ng bahagyang pagkahilo kaya kaagad ako nitong inalalayan at isinakay sa sasakyan.

"Do you want me to take you to the hospital?" Nag-aalala nitong tanong at mabilis akong umiling.

"No please..umuwi nalang tayo!"

This past few days ay madalas akong magkaganito. Siguro dahil sunod-sunod din ang trabaho kaya ganoon. Ilang beses na rin akong inaayang samahan magpa check-up ni Nexus pero panay lang ang tanggi ko dahil ayoko talagang pumunta. Tinatamad at inaantok ako.

"Wife.. we're here!"

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan kaya kaagad akong dumilat. Binuksan ni Nexus at pinto kung saan ako nakaupo at inalalayan ako nitong makalabas.

"Are you sure you're okay?" Paninigurado nito sa akin at mabilis akong tumango.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay bigla ko namang naalala kung ano palang sasabihin nito sa akin.

"Ano pala iyong sasabihin mo?" Tanong ko rito.

"It's better na magpahinga ka muna wife." Sagot nito kaya bahagya akong napasimangot.

Excited pa naman akong malaman kung ano iyon tapos hindi naman n'ya pala sasabihin agad. Nakakainis kaya kapag gano'n!

Nang makarating kami sa tapat ng kuwarto naming mag-asawa ay kaagad kong binuksan ang pinto kaya naman napahinto ako sa nakita!

May pa-heart shape rose petals na nasa sahig! May mga kandila rin at human size teddy bear na matagal ko ng gusto mabili! May mga heart ballons din sa kisame na may mga pictures sa dulo ng talo non.

Binitawan ko ang kamay ni Nexus at naunang pumasok sa loob. Oh my!

This is so beautiful and amazing!

"Do you like it?" Rinig kong tanong ni Nexus sa likuran.

Mabilis naman akong tumango bilang tugon at humarap sa kanya.

Ngumiti ito sa akin ng makita ko s'yang nakaluhod na at inilabas ang pelus na may lamang singsing! Napatakip ako ng bibig at napaluha dahil sobrang unexpected nito!

"Ezra.. Captain Sierra.. Wife.. Gemma or whoever you are! Will you marry me? Again?"

Tanong nito na mabilis kong ikinatango!

"Yes Nexus! I will marry you again!" Sagot ko at agad n'yang isinuot sa akin ang singsing na hawak.

Ano pa bang hindi kayang gawin ng isang Nexus Atkinson?

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.