Chapter 57

Ezra's POV

Nang makatulog siya ay marahan ko siyang inakay papunta sa kaniyang kwarto, iniligpit ko rin ang mga nag kalat na bote sa sahig pati na ang ibang gamit. 

Awang-awa ako kay Nexus, hindi ko lubos akalain na magiging ganito kahirap para sa kaniya ang lahat. Ang dami kong pinag daanan bago ako nakabalik dito. 

Nang sumabog ang mga bomba ay nadiskubre kong may isa pang daanan na hindi naisara. Nang makatalon ako sa tubig ay inabot parin ako ng malakas na pag sabog at iyon din ang huli kong naalala sa tagpong iyon. 

Nang magising ako ay nakilala ko sina aling Belen at mang Rogelio na nag alaga sa akin noong mga panahong wala akong maalala. Ilang buwan rin akong nanatili sa kanila hanggang sa may iilang alala akong nakikita sa isipan ko. 

Nalaman nina aling Belen at mang Rogelio na isa akong Mendivel, dahil sa delikadong sitwasyon ay nag tulong tulong silang maidala ako sa aking pamilya.

Kayanaman sobrang saya ko ng mga araw na iyon, iyon din ang araw na nasa ibang bansa si Nexus dahil ipinadala siya doon upang tingnan ang iilang problema sa kumpanya nila. 

Meron parin akong ilang alala na hindi matandaan. Kaya naman naisip nina daddy at mommy na patingnan ang kundisyon ko at nalamang may namuong dugo sa loob ng ulo ko. 

Nakiusap ako sa kanilang lahat na itago muna kay Nexus ang bagay na iyon, marami siyang dapat asikasuhin kaya naman mas pinili kong wag munang mag pakita. Gusto kong kapag bumalik ako sa kaniya ay maayos na. 

Iyong wala ng problema at kung anu-ano pa. Iyong saya nalang ang mararamdaman niya dahil sobrang dami niyang tiniis para sa akin. 

When I arrived here I saw him talking to himself, sobrang sakit sa dibdib na makita siyang ganoon. I fight for my life just to be with him. I promised to him that I will come back, I promised to them that no one left behind. 

Maaga akong nagising para mag grocery, though I still using a mask dahil wala pa namang nakakaalam na buhay ako bukod sa pamilya at kaibigan ko, and of course I hate attention. 

Ni isang stock ng pagkain ay wala man lang sa bahay ni Nexus. Hindi ko alam kung nag luluto pa ba siya o kumakain nalang sa labas. His family know about my existence that's why they'd left him without worries. 

I'm planning to cook a sopas, naging paborito ko ito doon kila aling Belen dahil madalas ako nitong bilhan ng sopas sa baryo. Matapos ang operasyon ko sa ibang bansa ay nag take ako ng therapy at kasabay non ay ang pag aaral ko ng ibang putahe. 

Of course, I want to surprise my husband with my cooking skills. Hindi naman siya lang itong laging nang i-impress sa akin. Hindi ko alam kong iniisip niya bang guni-guni lang ang pag uusap namin kagabi. 

Nang makarating ako sa bahay ay agad kong inayos ang mga pinamili. Mag mula sa mga delata, juices, biscuits, mga karne at gulay at siyempre pati na ang prutas. Aba, hindi pwedeng puro alak lang ang makikita ko rito. 

Mang ilang oras ay natapos ko ng lutuin ang sopas at adobong baboy. Pati na ang chicken curry at inihaw na bangus ay luto na. Naka hain na ang lahat at ang kailangan nalang ay ang gisingin si Nexus. 

I wonder kung anong magiging reaksyon niya kapag nakita na ako. 

Napangiti ako sa naisip, finally. We will live like a normal couple. Mararanasan rin naming maging masaya matapos ng ilang taong hindi magkasama. 

Nang makarating ako sa kwarto niya ay wala na siya sa kama, kaya naman napakunot ang noo ko at tumingin tingin sa paligid. Napahinto ako ng bumukas ang isa pang pinto, pinto ng banyo. 

Bumilis ang tibok ng puso ko ng mag tama ang tingin naming dalawa.

Napahinto siya at napatulala ng makita ako, bahagya pang nakanganga ang bibig nito. Nang makabawi siya ay marahas siyang pumikit at sinampal ang sarili. 

"Tanginang guni-guni 'to, ayaw tumigil.." mahinang sambit nito kaya naman ay napangisi ako sa narinig.

Nang dumilat siya ay tumingin ulit ito sa akin. 

"Good morning..Hubby!" Nakangiti kong saad at muli na naman itong pumikit at muling dumilat. 

"Damn, I'm delusional!" Naiiling nitong saad at nilagpasan ako. "Paano ko pa mahaharap ng maayos si Ezra kapag nahanap ko siya kung pati guni-guni ko pinapatos ko!"

Napakunot ako ng noo sa narinig. Lumabas ito ng kwarto kaya naman dali-dali akong sumunod sa kaniya, ano bang pinag sasabi ng lalaking 'to? 

Nang makarating siya sa dinning area at napahinto ito at nag tatakang lumapit sa mga pagkaing niluto ko. Nang makalapit ako sa kaniya ay naluluha iting humarap sa akin. 

"T-Totoo ba 'to? Totoo ka ba?" Umiiyak nitong tanong kaya mabilis akong tumango bilang tugon. 

"Totoo ako Nexus! Bumalik na 'ko!" Naiiyak kong saad at mabilis ako nitong niyakap ng mahigpit. 

Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi maiyak. 

"Akala ko..akala ko hindi na kita makakasama! Sobrang hirap na wala ka Ezra! Pakiramdam ko araw-araw akong pinapatay!" Humagulhol na ito kaya naman ay marahan ko itong hinaplos sa likod. 

"Nandito na ako Nexus! Wala ng rason para mawala ulit ako.."

Hindi ko na hahayaang masayang pa ulit ang oras at panahon para sa aming dalawa. 

"Mahal na mahal kita Ezra!"

Agad ako nitong hinalikan sa noo. 

Kitang-kita ko ang saya sa kaniyang buong mukha, hindi ko akalaing sa kakaibang sitwasyon ko makukuha ko pang umibig at mahalin ng lalaking kagaya niya. 

Napaka swerte ko dahil palagi siyang nandiyan para sa akin at suportahan at tulungan ako sa lahat ng bagay. Hindi man siya ang unang minahal ko pero, siya naman ang lalaking gusto kong makasama hanggang sa huling sandali. 

Hindi naging madali para sa akin, sa amin ang lahat ng nangyari. May nawala, may dumating at may mga bagay na nagpa bago ng buhay namin pero heto parin kami at patuloy na mamahalin ang isa't-isa. 

Siya lang ang magiging laman ng puso ko at wala ng iba pa. 

"WHAT?!" 

Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa akin na ikinatawa ko naman. 

Grabe naman 'yan love? Gulat na gulat?! 

"Oo! Alam nila iyon. At isa pa ako naman ang humiling sa kanila na wag na munang sabihin sayo iyon." 

Pinag uusapan kasi namin iyong nangyari sa akin matapos ng malakas na pag sabog at ang pag balik ko rito. 

"Hindi mo ba alam na gusto ko ng magpakamatay sa bawat araw na nagdaan sa buhay ko na hindi ka kasama ha?! Sana sinabi mo man lang sa akin para naman nasa tabi mo ako habang nagpapa galing ka." Bakas ang pag tatampo sa boses nito kaya naman mabilis ko itong hinalikan sa pisngi na ikinangiti niya. 

Namiss ko ang dimples niya! Bakit kasi sobrang gwapo ng lalaking 'to? Siguro maraming babae ang lumapit dito noong panahong wala ako. Hmmp! 

"Hindi parin effective! Dapat sa lips-aww!" Mabilis ko siyang hinampas at ngumiti. 

"Alam kong sobrang dami mong tiniis para sa akin Nexus. Kaya naman hindi ko na kayang dagdagan pa yung sakit na nararamdaman mo kaya pinili kong wag ng ipaalam sa iyo. Gusto kong bumalik sayo na saya na lang ang dala ko. Iyong purong saya na alam kong deserve mo.." malumanay kong saad habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. 

"What did I do on this earth to have you? You are more than everything. I can't dare to live without you baby..and I am so blessed that I have you in my life." 

Sa muling pagkakataon ay nahanap namin ang isa't-isa.

Siya ang pumuno ng pag mamahal na matagal ng nawala sa puso ko, siya ang naging dahilan para maging magaan para sa akin ang lahat ng bagay. Si Nexus ang dahilan para magkaroon ako ng lakas ng loob na ipagpalatuloy ang lahat ng ginagawa ko. 

"You will have me forever Ezra, I promise.." 

He sealed his promise with a kiss. 

Pakiramdam ko ay lumilipad ang katauhan ko sa ulap, sobrang sarap sa pakiramdam na mas mahal ka ng taong minamahal mo. Lagi nalang doble ang ibinabalik niya sa akin na alam kong mas kaya niya pang higitan ang mga iyon.

"Can I have a favor?" I asked him. 

Ngumiti muna ito bago tuluyang tumango. 

"Anything for my wife.."

"I want to help aling Belen and mang Rogelio. They did well noong nasa puder pa nila ako, they did everything just to make sure na maayos lang ako." Nakangiti kong saad at mabilis itong tumango. 

"Spill it baby.."

After a couple of months everything seems right and good of course, by the help of Nexus everything is set. The Philippine president honored me and introduced me to anyone. The president and his family thanked me for everything that I have done for his daughter and wife.

It is my pleasure to help them without expecting in return. 

The organization are still open for those who are in needs or in danger. Officer Almonte got promoted. Dia and Alexis got married and Justin and Calliope will having a baby. 

Drake, Zack and Flare are exclusively dating some beautiful woman out there, hindi pa man nila pinapakilala but I know sooner mangyayari din iyon. Cody have his own house and business. 

Kuya Shan chasing Danica since he realize he still love her, at alam kong may pag asa pa siya sa babaeng iyon. Well, paano ko nalaman? Uso naman ang girls talk kaya hindi na ako magugulat kung bigla nalang din silang magpakasal pagkatapos ng suuyuan nilang dalawa. 

Marthinie and Chase are still together, in a relationship na ang dalawang iyon at sabay na nag aaral sa isang sikat na private school. Take note, brand ambassadress na ngayon si Marthinie. 

My parents are still proud of what we have right now, they are very thankful for having us in their life. Hindi man naging maganda ang resulta noon ng malaman nilang parte ako ng organisasyon pero ngayon ang mahalaga ay natanggap nila ng lubusan. 

Commander Nazi and Miss Yvette are now together. Oo, nagka balikan silang dalawa at masaya. Nalaman naming hindi naman talaga niya pinag taksilan si Commander Nazi, bagkus ay iniligtas niya ito sa kamatayan at isinakripisyo ang sarili para sa lalaking minamahal. 

Kahit maraming hindi magandang nangyari kay Miss Yvette nakuha nitong magmahal at mag tiwala ulit. Noong una ay natakot siya dahil baka husgahan namin siya o kung ano pa mang hindi maganda pero at the end naintindihan rin niyang tanggap namin siya para kay Commander Nazi. 

I hope they will find peace to each other's arms. 

Napakaraming hirap, lungkot, sikat at pag subok na dumaan sa buhay namin pero hindi iyon ang mag papatumba sa amin. 

I realize na masarap sa pakiramdam na may karamay ka sa bawat laban mo sa buhay, hindi man madali pero maraming totoong kaibigan ang nandiyan para sa akin. Wala na akong iba pang hihilingin kundi ang kasiyahan ng lahat. Deserve nating lahat ang sumaya, ang mahalin at pahalagahan. 

Nexus and I planning to have a baby, ang totoo niyan ay sobrang excited niya ng malamang gusto ko na ring magka anak. Hindi na kami bumabata. Though, 6 years ang age gap namin pero hindi naman importante iyon. 

And of course, my parents are expecting to have a grandchild. I hope my journey will lead to success. Marami pa akong gustong masubukan. Isa na roon ang maging isang ganap na ina, ang maranasang mag buntis at maging mabuting asawa. 

Nexus never failed to treat me like his queen. He spoiled me a lot. Halos hindi na nga ito humiwalay sa akin, at gustong kasama nalang ako sa bawat oras. Sobra sobrang effort ang ginagawa niya sa bawat oras na kasama ko siya.

Talagang bumabawi siya sa mga panahong hindi kami magkasama. Araw-araw na bumibili ng bulaklak at kung ano-ano pa. 

"Hey guys! She's my wife..my lovely wife." Saad nito sa mga taong nakakasalubong namin kaya naman natawa ako sa narinig. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.