Chapter 10

Ask for the moon 10

Halos mataranta naman ako dahil sa sinabi niya. Did he called me baby?

"B-baby?" Ulit ko.

Pilit akong lumalayo pero hindi niya ako hinahayaan. Gusto kong kumawala. Gusto kong makalayo kahit kaunting distansya sa kan'ya. Gusto kong 'wag masyadong mapadikit sa kan'ya dahil baka kapag tumagal pa ay bumigay ako sa mga mabulaklak na salitang sinasabi niya.

Mariin ko siyang tiningnan habang ang mga braso niya ay nakapulupot padin sa baywang ko. Nagsusumamo ang kaniyang mata na nakatingin sa'kin. He's not even drunk! Why he's already acting weird?!

He pouted "Just answer me, Didn't I told you that don't wear a freaking revealing dress like this?" Tanong niya.

Mas lalo niya pa akong nilapit sa kaniya at dahan dahan na ipinatong ang baba sa'king balikat. Sobrang lapit namin sa isa't-isa na parang isang kalabit lang sa'kin ay sasabog na ang puso ko.

"Huh?" Wala sa wisyo kong saad.

He took a deep breath and looked at me "Damn it," bulong niya. "Nevermind, Wala na din naman akong magagawa," Malambing na bulong niya.

"Hey...Why are you acting like this?" Curious kong tanong.

Kasi hindi naman siya ganito.

"I can't take it," bulong niya habang nakapatong padin ang baba sa'kin balikat. "Hindi ko na kayang makita ka sa malayuan.Kanina sinubukan kong tiisin na h'wag umaktong ganito. Two damn fucking weeks, baby...I tried to avoid you but I can't. I really can't," Malambing niyang saad.

Nanatili lang akong tahimik at hindi nagsasalita. I can't find any words to say! I'm speechless.

"Two damn weeks without hearing your voice, Two damn weeks without glancing at your smile, Two damn weeks without staring at your sparkling eyes. I can't take it anymore, Baby... I will never be," Seryosong paliwanag niya.

So he really do avoid me?!

"The first time I saw you, You already hooked my attention. Sa bawat oras na hindi kita nakikita nababaliw ako," amin niya. "And baby...The way you smiled at Ben? I want to punch him because I want my baby to smiled only at me,"

Nababaliw na ba talaga siya?!

"Excuse me? I'm not your baby and hindi mo'ko pagmamay-ari, Cyrus." Pagtatama ko.

May kaunti man sa'kin na nagbubunyi sa inaakto niya ay mayr'on ding hindi.

"Oh, My baby hurting me with her words," malungkot niyang sagot.

Pinalibot ko ang paningin natanaw ko ang mga kaibigan niya at kaibigan ko sa iisang gawi na nanonood sa'min at sabay-sabay na tumalikod sa'kin.

"T-truth hurts?" Natatawang tanong ko kahit na kinakabahan ako.

"Nah, I'm allowing you to hurt me because you're my baby,"

"Lasing ka ba? Hindi ka naman amoy alak bakit genyan ka?" Iritadong tanong ko.

Naiinis ako dahil kapag may sinabi pa siyang nakakapanlambot ng damdamin baka ay tuluyan na kong bumigay.

"Maybe?" Balik niya sa'kin. "Basta ang alam ko lang ay nalasing ako ng maamo mong mukha na umabot sa puntong hindi na'ko makapag-isip pa ng maayos, Baby. Nalasing ako ng isang ikaw na hindi ko alam kung makakabangon pa'ko," malumanay ang boses niyang saad.

"Stop it," Utos ko. "Kung balak mo'kong paglaruan then stop it. I'm not new in this field alam ko kung saan patungo 'yang mga pinagsasabi mo. So better stop," giit ko.

Iiwan niya din ako, after he gets what he want then he gonna leave. He gonna leave me, Alone.

Umiling siya "Kung tingin mo ay pinaglalaruan kita...Kung tingin mo ay para sa'kin laro lang 'to then you're wrong ... because if it's just a game for me why am I here? why am I asking to get your attention? why am I crazy to think of you?" Malumanay niyang tanong. "If it was just a game I would have stop it because I knew eventually I would be the chaser, I would fall, I would lose." Malambing niyang sinabi.

"Just stop," matigas kong sabi na direktang nakatingin sa kaniyang mata na nagsusumamo.

Umiling siya at umayos ng pagkakaupo "Don't stop me dahil para sa'yo ay susugal ako," tiim bagang niyang sabi. "Para sa'yo, susugal ako... kahit pa ikadudurog ko," Sabi niya bago tumayo at naglakad palayo.

He left me stunned! I can't even blink! Did he said what?! Gusto ko man na gumalaw ay hindi ko magawa dahil kapag nagkataon ay baka biglang matunaw ako.

How I can trust him? He's so inlove with his ex?! Bakit biglang ganito?! Is he really trying me? Bakit feeling ko ay parang umeepekto?!

No, Hindi pwedeng madala ako sa mga salitang binigkas at sinabi niya sa'kin. Hindi pwedeng bumigay ako dahil sa malambing niyang boses. Hindi pwedeng mahulog ako dahil lang sa mabulaklak niyang salita. Hindi pwede, Hinding-hindi.

"Party na!" Rinig kong sigaw ni Angel ng bahagyang lumakas ang tugtugan.

Nag-angat ako ng tingin sa kanila na bakas ang pagkakaawkward. Tinaasan ko lang sila ng kilay.

Maingat naman na inilapag nila Ben ang dala-dala nilang alak na mukhang tinatantya ang ekspresyon ko. Tiningin ba nila ay galit ako dahil sa biglaan nilang pagtalikod? No, I'm not. Dahil first of all hindi sila si Cyrus. Kaya bahagya akong ngumiti sa kanila. Hinawi ko ang nakalugay kong buhok na tumatama sa pisngi ko.

Nagsisimula na kaming uminom ng dala nilang alak. Sa bawat pagtungga ko ay inaalala ko ang sinasabi niya. How can he say those words! Hindi ko na alam kung bakit ako nagkakaganito.Napapatingin pa bahagya sa'kin ang mga kaibigan ko na parang alam nila na may malalim akong iniisp. Inilibot ko ang tingin sa paligid hindi ko padin nakikita si Cyrus simula nung huli naming pag-uusap halos magdadalawang oras na pero hindi pa din siya bumabalik.

Nasaan siya? Siguro bumalik siya sa ex niya nung mapagtanto ang sinabi ko? Pero diba ang sabi niya handa siyang sumugal kahit pa ikakadurog niya? Bakit wala siya dito? Bakit wala siya dito sa tabi ko? Bakit hindi niya pinanindigan 'yung mga sinabi niya? Bakit iniwan niya agad ako dito? Hindi ba dapat ay nandito siya at sinusuyo pa ako para bumigay akong tuluyan? Pero bakit nagtataka ako? Bakit parang nagdedemand ako?

"Where's Cyrus?" Tanong ng malanding boses.

Kahit hirap ako dahil sa pagkakahilo ay iniangat ko ang tingin sa kaniya. Umiikot na bahagya ang paningin ko pero kitang-kita ko ang mapupulang labi niya na mukhang kumain ng isang lipstick.

"E-ewan," Hugo answered.

Mukhang may tama na din sila dahil bahagya ko silang tiningnan. Nakasandal sila sa sofa at nakasalampak na mukhang suko na.

Humagikgik 'yung babae "Sayang naman pero andito naman siya diba?" Tanong niya.

The hell she care!

"Oo," walang ganang sagot ni Jake.

"Ay, gan'on sige hintayin ko na lang dito!" Nakangiting saad niya at umupo sa tapat kong sofa.

Ano hihintayin niya?! Tapos ano? Maghaharutan sila sa harapan ko? Ang kapal naman nitong babaeng 'to.

"Layas," iritadong saad ko at tinuro ang aking daliri kung saan.

"What?"

I rolled my eyes " U-umalis ka dito!" Naghihisterical kong sabi.

She laughed a bit "Hihintayin ko dito si Cy---"

"Bawal!" I cut her off.

Napadilat naman ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Cyrus dahil sa pagsigaw ko mukhang naagaw ko ang atensyon nila kaya taas ang kilay nila akong binalingan ng tingin.

"Oh, He's already here," malanding sabi niya at tumayo at naglakad.

Tiningnan ko ang gawi na tinitingan niya. Our eyes met, Bakit parang galit siya? Bakit parang umihip lang ang hangin ay nagbago na agad ang ekspresyon niya?

"Cyrus, I don't have a chance to get your number last night," malambing na sabi ng babae at pinalupot ang braso sa baywang ni Cyrus. "Can I get it now?"

Galit kong tiningnan si Cyrus na agad na nag-iba ang ekspresyon dahil sa galit sa mata ko. He looks scared kaya agad niyang hinawi ang braso ng babae at naglakad palapit sa tabi ko.

I glared at him " Bawal," wala sa hwisyo kong sabi.

Tiningnan ako ni Cyrus na parang sinusuri ang pagmumukha ko.

"Damn it! Baby, You're drunk lets go home," Malumanay niyang sabi.

Hinawakan niya ako sa'king braso at inalalayan.

"Cyrus," tawag sa kaniya ng babae.

"Tawag ka ng babae mo," seryosong saad ko at hinawi ang kamay niya.

Suminghap siya at binalingan ang babae " Sorry but I don't know you, If I flirted with you last night then I'm sorry. So for now mind your own business and I will mind mine," seryosong sabi niya at binalingan ako pabalik sa babae "And please go away, My Baby is jealous," he pouted and snake his arm around my waist.

Umirap ako sa kaniya at tiningnan niya lang ako ng seryoso at bahagyang suminghap.

"Uuwi na tayo!" Anunsyo niya sa mga kaibigan at bumaling ulit sa'kin. "Baby...Lets go home na, Hahatid ko kayo," malambing niyang sabi.

Pinilit niya akong maglakad pero hindi ako nagpapatinag. Kung malakas niya akong ginaya para makapaglakad ay natinag na ako ngunit maingat lang kaya ay hindi ako natinag.

Tiningnan niya ako na para bang walang magagawa sa pag-akto ko.

Bumaling siya sa mga kaibigan at bahagyang sinipa upang mapatayo " Uuwi na!Bilisan niyo!" Saad niya.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko na naglakad na wala sa sarili kasabay ang sila Sai. Si Sadnie naman ay ayos lang na para bang nakatulog na ng bahagya at nasa tamang hwisyo na. Mabuti nalang!

"Baby...lets go home na," malambing niyang sabi at inalalayan na'ko.

I pouted " D'on kana sa babae mo!Maganda siya tapos sexy d'on kana! Magharot kana d'on!Bwiset ka!" Inis kong sigaw habang naglalakad palabas.

Nanatili lang s'yang tahimik at walang sinasabi.

Umirap ako " Ano?! Wala kang masabi?! Diba kanina sabi mo! Handa kang sumugal para sa'kin kahit na ikakadurog mo?! Bakit iniwan mo'ko?!Bakit ngayon ka lang bumalik?!Siguro nakipagharutan ka pa sa ibang babae no! 'Yung mas sexy pa sa'kin? Sige, D'on kana!" Paratang ko.

Hinawi ko ang kamay niya pero hindi niya ko hinayaan na makawala sa bisig niya.

"Baby... Lahat ng sinabi ko ay totoo. Handa ako sumugal basta para sa'yo at iniwan kita kanina dahil gusto kong makapag-isip ka pero binabantayan kita sa malayo. Ngumingiti ka pa nga kay Ben," Aniya at umiling-iling. "Hindi ako nakipagharutan sa iba. Ikaw lang ang haharutin ko kung maari dahil ikaw lang ang gusto ko," pag-amin niya. "So for now baby lets go home sobrang ganda mo sa suot mo. I don't know if I still can handle to not punch other guys who staring at you. Please, Baby...Ayaw kong maging kriminal," Pahabol niya pa bago ipasok ako sa sasakyan niya.

May sinabi pa siya sa mga kaibigan niya at kaibigan ko. Bahagya akong pumikit at pinilig ang ulo ko. Before all went black.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.