Ask for the moon 11
Inis akong bumangon mula sa pagkakahiga dahil sa sobrang sakit ng ulo kaya ayaw kong nag-iinom,e. Npakapirwisyo t'wing umaga!
Unknown Number:
Good morning.
Unknown Number:
Drink more water.
Unknown Number:
What time ang shift mo bukas? Day-off mo ngayon diba? So, Stay at home and take a rest, Huh?
Unknown Number:
Baby...
Unknown Number:
Text me back if you're already awake.
Umiling-iling na lang ako ng mapagtanto kung sino 'yon at iniwan ang cellphone sa kama.
Hindi ko alam kung nababaliw na ba talaga siya? Gustuhin ko man na maniwala sa mga pinagsasabi niya ay hindi ko ginawa dahil alam kong may mas mahal pa s'yang iba. Kung totoo man na sa unang pagkikita naming ay naagaw ko ang atens'yon niya, pwes, hanggang d'on lang ako hanggang sa pag-agaw lang ng atens'yon niya.
"Aalis ako, Pupunta muna ako sa bahay namin pinapapabisita ako ni Mama. Masyadong malayo dito kaya baka gabihin ako," Paalam ni Mawi ng maibaba ang ininom na tubig. "
Tumango ako " Asaan si Angel?" Tanong ko at nilibot ang paningin.
"Namili ng groceries ayaw na niyang gisingin ka kasi kaya na naman daw n'ya. Kakaalis niya lang." Walang ganang sagot niya.
"Sige, mag-ingat ka," paalala ko bago umupo sa sofa.
Umirap siya " As if naman hindi," Mataray niyang sagot at kinuha na ang sling bag na nakapatong sa sofa.
Minsan hindi ko alam kung attitude ba 'tong babae na 'to or what minsan naman ang ingay-ingay minsan ang taray taray. Red days?
"Okay," malumanay kong sagot.
Napahawak na naman ako sa'king sentido na biglang tumibok. May maliit bang puso dito or what? Ramdam na ramdam ko kasi!
"Sige, alis na'ko! Ilock mo 'yung pinto pagnakaalis na'ko,"
Tumango-tango lang ako, walang gana akong nakasalampak dito sa sofa kaya umirap na naman siya bago tuluyan na lumabas.
Tinaas ko ang tingin sa kulay puting kisame.
I took a deep breath.
Mga ilang minutong nakatulala ay bumangon ako para makainom ng malamig na tubig.
"Saglit!" Iritadong sigaw ko ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto.
"Anong ginagawa mo dito?" Iritadong tanong ko.
"Gising ka na pala bakit hindi ka nagrereply?" Tanong niya.
I chuckled " Hoy, kung makatanong ka ng genyan parang may relasyon tayo ha? Pwede ba stop acting like my boyfriend," Inis kong sinabi.
Para namang sampal ang mga salitang sinabi ko sa kaniya.
I sighed.
He sighed.
Isasara ko na sana ang pinto pero agd n'ya namang pinigilan.
"Then pwede bang manligaw?" Daretso ang tingin sa'king tanong niya.
Yes!
Umiling ako " No," walang emosyon kong sagot.
"Why?" He pouted.
Tumayo s'ya ng maayos 'tsaka ko lang napagtanto na hawak s'yang isang boquet na bulaklak.
"Mahal mo pa 'yung ex mo, hindi pa ba sapat na dahilan 'yon para tanggihan ka?" Nakataas ang kilay kong tanong.
He sighed "Give me a chance, Simula nga ng maihatid kita nung birthday ni Ben...Hindi mo na hinayaan si Akia na isipin ko kasi sinakop mo lahat,"
Umirap ako! Here again! His flowery words.
Tiningnan kong mabuti ang kan'yang mata na puno ng pagsusumamo sa mata.
"Wala akong pakialam," Malumanay kong sambit.
Agad ako nag-iwas ng tingin na pilit niya namang hinuhuli.
"Here," sambit niya at iniabot ang bulaklak.
I sighed " No need naman na n'yan kasi hindi ako magpapaligaw sa taong may mahal pang iba," seryosong sinabi ko bago tumalikod.
Hindi ko sinara ang pinto dahil ayaw kong maging rude. Its up to him kung papasok siya para pilitin pa ako or hindi.
"Alam ko masyadong mabilis pero kasi nababaliw na talaga ako kakaisip knowing na kahit anong oras may lalaking maunahan ako at makuha ang atens'yon mo. Give me a chance,"
I raised a brow " O? Edi ayaw mo lang na maunahan ka? Ayaw mong matatapakan ang ego mo? Gan'on ba ang gusto mong iparating?" I crossed an arm over my chest.
Umiling ka "No, Ofcourse. I mean ayaw ko kasi mababaliw ako,"
Umayos siya ng pagkakatayo nakaupo ako dito sa sofa at pilit n'yang iniaabot ang bulaklak na dala niya. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago umirap. Nakakaguilty naman kung hindi ko kukunin. Masyadong rude.
He shrugged " Nababaliw ako, kung iisipin ko na may ngingitian kang iba the way I want you to smile at me. Nababaliw ako, kung iisipin ko hindi ako ang magpapangiti sa'yo,"
"Edi maging clown kana lang," pambabara ko sa kaniya.
"Baby..." nagsusumamong tawag niya sa'kin.
Umayos ako ng pagkakaupo at umirap dahil sa pagtawag n'ya.
"Drop that word baby, H'wag mo'kong tawagin na genyan," Inis kong sinabi.
"Alright... Selene, Please give me a chance," Pagmamakaawa n'ya.
Halos mataranta ako sa pagkakatayo ng umupo siya sa tabi. Para namang binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa gulat.
He chuckled "Gan'yan mo ba ako kaayaw?" Malungkot niyang tanong.
Hindi ako nakasagot, Siya naman ngayon ang nag-iwas ng tingin at nagtiim bagang.
"Nagbreakfast ka na ba?" Walang ganang tanong niya.
Agad akong umiling medyo maaga pa pero wala talaga kasi ako sa hwisyo na mag-agahan knowing na magluluto pa ako para sa sarili ko.
"Umupo ka, Ipagluluto kita ano bang gusto mong agahan?" Tumango-tangong tanong niya.
"Huh? Wag na, Okay lang," pagtanggi ko.
Nakakahiya naman!Puta!
"Just tell, Anong gusto mo?" Seryosong tanong niya at tumayo.
Ikaw... kaso bawal...kaso hindi pwede...kasi ayaw kong masaktan.
"Hindi na," Pag-ulit kong pagtanggi.
He sighed and looked at ceilling.
"Selene, please tell me. Kailangan mong kumain," Pamimilit niya.
Naglakad na siya patungo sa kusina hindi naman ga'nong malaki 'tong apartment kaya kahit na nasa sala ako ay tanaw ko ang kusina.
"Bahala ka,"suko ko.
Umakyat na ako sa kwarto at iniabot ang cellphone kong nasa kama.
Unknown Number:
Did u already eat breakfast?
Unknown Number:
Baby, Wake up, You need to eat breakfast.
Unknown Number:
Otw na'ko pupuntahan kita d'yan sa apartment n'yo. I missed you, I really do.
Ibaba ko na sana ang phone ko ng magvibrate.
From: Relydeah lang malakas
Hoy! Boba ka, pagnakaonline ka daw tumawag ka sa'kin sa messenger. Trabaho pa more, ligwak ka kay Mader haha.
Umirap ako dahil sa nabasang mensahe ng ate ko. Just wow.
To: Relydeah lang malakas
HAHHAHAHAHA parang pumiyok ka lang tumawa ha? Seriously? Haha? Oo na saglit tatawag na duh.
Kinuha ko ang laptop ko at bumaba dala-dala ko din ang cellphone ko ng makalabas ng kwarto.
Natanaw ko pa si Cyrus na nakatalikod at abala sa pagluluto hindi niya pa ata alam na nandito na ako sa sala.
"Ano?" Iritado kong bungad sa Ate ko.
Hindi ako bastos sa kan'ya we just used to be like this. Parang magbestfriend na din kasi at the same time ang turingan namin hindi naman kasi magkalayo ang agwat ng edad namin.
She laughed " Anong ano? Wala man lang bang good morning ate?"
"Wow, E? Ano 'yung kanina? Boba agad? Wala man lang bang good morning kapatid?" Balik ko sa kaniya.
Umirap lang siya dahilan kung bakit ako bahagyang natawa. Natanaw ko pa sa'king peripheral view ang pagsulyap sa'kin ni Cyrus kaya napabaling ako sa kaniya.
Agad akong nagtaas ng kilay ng nginitian niya ako at sinenyas na 'wag ko s'yang pansinin dahil magluluto lang siya.
"Boba ka naman talaga, Gago ka ha ayan trabaho pa may nakakita sa'yo sa hotel daw na nand'on ka sa front desk. Lagot ka kay Mama sabing 'wag ka magtrabaho pasaway ka ha," nananakot niyang sinabi.
" Pag ka narinig ni Mama na nagmura ligwak ka din," balik ko sa kaniya.
She chuckled " Ma! Pa! " Tawag niya at bumaling pa sa paligid. " Si Yoreh tumawag na!" Sigaw niya.
Napatingin naman ulit si Cyrus dahil sa pagsigaw ni ate. Well, hindi naman siya bingi para hindi marinig.
"Panget mo naman te," Biro ko.
Sinamaan niya langa ko ng tingin at nakita kong sumilip na si Mama at Papa sa screen.
"Ilang beses kong sinabi sa'yo na wag kang magtatrabaho? Baliktad ba 'yang utak mo? Hanggang nabubuhay kami ay ibibigay namin ang pangangailangan mo ayaw kong naaabala ka sa pag-aaral dahil lang sa pera. Kaya tigilan mo magresign ka dyan sa pinagtatrabahuhan mo dahil hindi ako natutuwa," bulyaw sa'kin ni Mama.
I bit my lower lips para pigilan ang pagsasalita. Baka umuwi ako sa Cavite ng wala sa oras.
"Grabi ka naman Claire kung makapagsalita. Ayan agad ang bubungad mo sa anak natin," sambit ni Papa "Kumusta ka d'yan sa Qatar, Anak?" Biro ni Papa.
Bahagyang natawa si Cyrus dahil sa sinabi ni Papa natawa din ako pero natigil ng mapagtanto na nakakunot ang noo nila sa kabilang screen.
"Bakit parang lalaki?" May mapanlokong ngiti sa labi na sabi ni Ate.
"Sino 'yon?" Tanong ni Mama.
"May boyfriend kana ulit anak?" Seryosong tanong naman ni Papa.
Umiling ako, Hindi naman sila istrikto nung kami pa nga nung ex kong si Josh pinakilala ko pa siya sa kanila proud na proud pa'ko. Nasusuka tuloy ako twing naiisip 'yun.
"Elio," Tawag ko sa kaniya.
Napanganga pa siya at tinuro ang sarili niya kaya tumango-tango ako. Agad naman siyang lumapit at umupo sa tabi ko.
Mas bet ko pa 'yung Elio.
"Hello po, My name is Cyrus Elio and Yoreh Selene suitor," He proudly said.
I bit my lower lips na anytime pwede na atang dumugo.
"Oh," Manghang sambit ni Mama at napatakip pa sa bibig.
"Ke gwapong bata mo naman," puri niya pa " Yoreh, Pahard to get ka pa sagutin mo na kahit di halatang papatulan ka niyan," Biro ni Mama.
I pouted and rolled my eyes.
"Naks," Gataw pa ni Ate.
"Bakit ka nakasuot ng apron? Pinagluluto mo ba ang anak ko?" Kalmadong tanong ni Papa.
Napatingin naman kaagad ako sa katabi na todo ang ngiti at ang tango. Grabe, Kung ganito ba naman ang itsura na masusulyapan ko sa umaga. Sana lagi nalang umaga.
"Yes po," nakangiting sagot ni Cyrus.
Tumango-tango naman si Papa bilang pagsang-ayon.
"Seryoso ka ba naman sa anak namin? Kasi kung hindi ay 'wag mona ipagpatuloy ang panliligaw," Paalala ni Papa.
"Baka samain ka sa'kin," Pagbabanta ni Ate.
I'm so touched!
"In good terms naman ba kayo?" Curious na tanong ni Mama.
Agad akong umiling.
"Why not?" Tanong ni Ate.
Wow, may paenglish english na din pala s'yang nalalaman.
Seryoso namang lumingon sa'kin gamit ang parang pagod na sa kakapaliwanag si Cyrus. The hell I care.
"He's still inlove with his ex," Mariin kong sambit.
He sighed and massage his temple, glaced at me.
"Baby..." malambing niyang tawag sa'kin.
Kita ko ang pagtikhim nila sa screen ng marinig ang nagsusumamong boses ni Cyrus. Umirap lang ako ng matanaw na parang mas kinikilig pa si Mama at ate kaysa sa'kin.
"Kung siya parin ang mahal ko edi sana nand'on ako ngayon sa airport at pinipigilan siyang umalis but look I'm here," He softly explained.
"As if naman magpapapigil 'yon sa'yo," walang emosyong kong sambit at umirap.
"Anong oras kang uuwi, Cyrus?" Pag-iibang tanong ni Mama.
Mukha atang alam nila kung saan patungo ang pag-uusap namin nito.
He smiled and looked at the screen "I'm with your daughter when she's with me, I'm fine like I'm already home,"