Chapter 12

Ask for the moon 12

Umayos na ako ng pagkakaupo ng simula ng kumain ng masarap n'yang niluto na sopas. Hindi ko alam kung anong trip n'ya bakit sopas? Ang init-init! pero dahil sa sarap ng luto n'ya ay naenjoy ko na.

"Gusto mo pa ba?" Tanong niya.

Inirapan ko lang s'ya at umiling nakadalawang tasa na kaya ako!

Simula na natapos ang pag-uusap namin nila Mama at pinatitigil ako sa pagtatrabaho ay wala na akong nagawa mag-iisang buwan palang ako ay magreresign na agad ako? Nakakahiya kay Ms. Faith!

"Drink this," seryosong sambit niya.

Nilapag niya sa gilid ng plato ko ang isang basong tubig.

"Thanks," Pasasalamat ko.

He just nodded, Pinapanood n'ya lang ako kumain dahil tapos na s'ya kanina pa samantalang ako nag-over time.

I sighed "Hindi ka pa ba uuwi?" Iritadong tanong ko.

Kahit gustuhin ko man na sabihin na dito na muna s'ya dahil wala akong kasama ay hindi ko sinabi. Ayaw kong sabihin niya na mabilisan lang makuha ang oo ko.

Umiling siya " Wala ka pang kasama, mamaya na lang kapag nakauwi na ang isa sa kaibigan mo," Mahinahon niyang sagot.

Para namang nagbunyi ang kaloob-looban ko dahil sa sinabi n'ya.

Tumango-tango ako at umaktong walang pakialam. Tahimik lang kami tanging paghigop ko lang sa sabaw ang naglilikha ng ingay. Naagaw ng atensyon namin ang biglaang pagtunog ng kaniyang cellphone nakalapag sa gilid n'ya kaya natanaw ko.

Unknown Number ang nakasulat kaya nagtaas ako ng kilay ng hindi niya sinagot. Napahinto ako sa pag-abot ng baso ng mapansin na biglaan niyang paglunok.

"Bakit hindi mo sagutin?" Mahinahon kong tanong bago uminom.

Agad s'yang umiling at daling-dali kinuha ang cellphone at binalik sa bulsa.

"Hindi ko kilala," seryosong sagot niya.

Uniwas siya ng tingin na para bang gusto niya din iiwas 'tong pinag-uusapan namin.

"Bakit alam 'yung number mo kung 'di mo kilala?" Curious kong tanong.

"Ewan," Tipid niyang sagot.

Nanatili na lang akong tahimik habang nainom ng tubig. Biglaan na namang tumunog ang phone niya.

"Sagutin mo na kase," utos ko.

Bakit ba ayaw n'yang sagutin? Mamaya importante 'yan!

Tiningnan niya muna ako ng seryoso bago tumango-tango.

"Excuse me," paalam niya bago tumayo at tumalikod.

He sighed.

"Who the hell are you? Can you please stop bothering me? W-what? Alliah?Who? Wala akong pakialam kung sino ka just stop bothering me," iritadong sambit niya.

Bago pinutol ang tawag at kunot-noo na nakatingin sa cellphone habang humarap sa'kin. Ayun ba 'yung babae kagabe?

"Alliah, huh?" Wala sa sarili kong sambit.

Pinadausdos niya ang kaniyang daliri sa kaniyang buhok at bahagyang tumikhim bago bumalik sa pagkakaupo.

"Hindi ko siya kilala," malumanay niyang saad.

"Okay," Tipid kong sagot.

"I don't know her," Pag-uulit niya.

Mukhang hindi din siya kumbinsido sa sagot ko katulad sa hindi ko pag-agree sa sagot niya.

"Okay," Pag-uulit ko.

Tumayo na ako para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko pero agad niya naman akong pinigilan.

"Ako na," Saad niya.

Bago kinuha sa'kin ang pinagkainan ko at s'ya na ang nagbalik.

"Thanks," Seryosong sambit ko.

"Selene... hindi ko kilala si Alliah," giit niya.

Napabaling ako sa kaniya na naghuhugas na ng pinagkain ko.

"Okay nga, Elio," ulit ko. " Dapat hindi mo na hinugasan 'yan kaya ko naman," Umirap ako.

Binabalik na niya sa lagayan ang tasa, kutsara at baso na hinugasan niya.

"Ayos lang," nagpunas siya ng kamay.

Tumalikod ako at umupo sa sofa. Binuksan ko ang t.v dahil feeling ko baka kung ano ano na naman ang lumabas sa bibig ko.

"Selene..." he softly called me.

"Hmm?" Tanong ko at bumaling sa kaniya.

Nakatayo siya sa gilid ko kaya nagtaas ako ng kilay at sinenyasan siya na umupo sa tapat kong single sofa.

"Blinocked ko na 'yung number niya," Paliwanag niya.

"Bakit ka pa nagpapaliwanag? Maglandi kayo kung gusto niyo," Iritado kong saad.

Magharutan sila hanggang gusto nila! Hindi niya naman ako girlfriend but why I acting like this?! Bakit parang umaakto na din ako na girlfriend niya?! Why do I felt like i'm jealous?!

I'm jealous!

"Gusto ko lang, Selene. Hindi ko talaga siya kilala," Malambing niyang saad.

"Okay,"

Tiningnan niya lang ako na parang hinuhuli ang tingin ko kaya umirap na lang ako. Tumikhim siya at nagtiim-bagang.

"Baka naman siya 'yung babae kagabi? 'Yung hinihingi 'yong number mo? 'Yung sexy na todo ang kapit sa braso mo na parang linta," Inis kong sinabi.

Parang narealized n'ya 'yong sinabi ko dahil bahagya siyang natahimik at nag-iwas ng tingin na parang nasapul ko ang target. So, Alliah is her name. Huh?

"So binigay mo pala 'yung number mo?" Tanong ko.

Nag-iwas ako ng tingin at binaling nalang sa t.v ang tingin.

"No," matigas niyang sagot.

Umirap ako "Ano 'yon? Magic?"

"Binigay ni Sai," pag-amin niya at kumamot sa batok.

I chuckled "Masaya ka naman?" Sarkastikong tanong ko.

"Hindi,"

Hindi ur face!

"Okay,"

Tumikhim lang siya at binaling na lang din sa pinapanood ko 'yung pinapanood. Kung minsan ay nakikita ko sa peripheral view ko ang pagsulyap niya pero hindi ko na lang pinapansin.

Sobrang bored na ako sa kapapanood ng t.v dahil puro kung ano-ano lang.

"Hindi ka pa ba uuwi? Magtatanghalian na. Pauwi na din si Angel," saad ko.

"Dito muna ako hanggang wala pa siya," Seryosong sagot niya.

"Wala ka bang ibang pupuntahan?" Tanong ko at naglakad papunta kusina.

"Wala," nakasunod niyang sagot.

Uminom ako saglit ng tubig at bumaling sa kaniya.

"Saan ka pala na nakuha ng ingredients kanina?"Curious kong tanong.

His brow furrowed " D'yan," turo niya sa isang maliit na cabinet.

I pouted " Mayr'on pala d'yan,"

Sabagay, Malamang d'yan tinabi ni Angel at Mawi para hindi na sila malito. Kung nasaan ang mga ingredients na lulutuin nila.

"Yes, Apartment niyo 'to but you didn't know?" Iiling n'yang sambit.

Umiling na lang ako.

Bumalik ako sa sofa samantalang siya ay nagpaalam na iinom din.

"Girl! Nakita ko si Josh, 'Yung ex mo ang kapal pa ng mukha na lapitan ako para tanungin kung saan kana daw nag-iistay! Nagkakatext naman daw kayo minsan pero dimo sinabi! " Bungad sa'kin ni Angel.

Inis siyang umupo sa tabi ko at nilapag ang pinamili. Hindi niya ata napansin na nadito si Cyrus.

"H-huh?" Biglang kinakabahan na tanong ko.

Tumingin pa ako kay Cyrus para siguraduhin kung narinig niya.

His eyes met mine, Seryoso ang tingin niya sa'kin. Bahagya niya ding binasa ang labi gamit ang dila at pinasok ang kamay sa kaniyang bulsa.

"C-Cyrus? Omyghad, sorry! I didn't know!" Tarantang paumanhin ni Angel.

"No, Its okay, Im just courting, Yoreh. " Seryosong sambit niya.

Bakit kanina Selene? Bakit ngayon Yoreh na lang? Pero bakit parang ang big deal sa'kin

Seryoso siyang naglakad. Samantalang si Angel biglang tumayo.

"L-lagay ko lang 'to," saad niya at sinenyas ang dala sa kusina.

"Okay,"

Napatingin ako kay Cyrus na seryosong naglalakad.

"U-uwi kana?" Bigla akong napatayo.

Uuwi na agad siya? Porket ba nandito na si Angel? Saan naman siya pupunta after dito? D'on kay Alliah? Paalisin ko muna kaya si Angel? Ah, what the hell.

"Yes,"malamig niyang sagot.

Pinadausdos niyang muli ang daliri sa buhok at huminto sa harapan ko.

"Josh, huh?" Seryosong saad niya.

Narinig ko naman ang pagtikhim ni Angel at umiling-iling.

I raised my palms and shook my head "Hindi ko sinabi sa kaniya,"

Totoong nagtext sa'kin si Josh pero isang beses ko lang siyang nireply at ang nireply ko pa ay tigilan niya na'ko.

"Okay," malamig niyang sagot. "Uwi na'ko," seryosong paalam niya.

Bago pa man siya makapaglakad ulit palayo sa'kin ay hinawakan ko na siya sa braso para mapigilan ang pag-alis.

He raised his brows.

He sighed.

"Why?" Malumanay niyang tanong.

Tiningnan niya pa 'yung kamay ko na nakakapit sa matipono niyang braso na hindi ko parin inaalis.

I pouted "Saan ka pupunta? Uuwi kana ba talaga o may pupuntahan ka pang iba?"

Sobrang lapit na namin sa isa't-isa dahil sa nakahawak parin ako sa braso niya. I felt like anytime my world will stop!

"Di ba kanina atat kana na paalisin ako? Then uuwi na ako may kasama kana," seryosong sagot niya at sinenyas pa si Angel.

Hinigpitan ko na lang ang pagkapit sa kaniya. Nababaliw na ba ako? Bakit ako nagkakaganito? Bakit para akong isang bata na takot maiwan? Kaya agad ko siyang binitawan.

"Magtext mate nalang kayo nung ex mo," Malamig niyang sambit at naglakad na palayo.

Is he jealous? damn u, Cyrus Elio!

Pinadausdos ko din ang daliri sa buhok ko.

"Sige, Uwi kana at magcall mate kayo nung Alliah mo," Balik ko sa kaniya.

Tumalikod naman din ako para lumapit kay Angel na nakaawang ang bibig na nakatingin sa'kin. Ramdam ko na may gusto siyang itanong pero nanatiling tahimik.

"What?"

Binalingan ko siya ng tingin na naglalakad na pabalik sa'kin. Tama 'yan bumalik ka sa'kin. Sa'kin lang.

Umirap ako "Kala ko ba aalis kana?"

He sighed " Pa'no ako makakaalis kung ganiyan ka?"

"Anong ganiyan?" Iritado kong tanong.

Isa-isa kong binuksan ang mga pinamili ni Angel.

"Are you mad at me?" Nagsusumamong tanong niya.

"Anong pinagsasabi mo? Umalis kana kung gusto mo. Mukhang pinaglalaruan mo lang naman ako. Alis na d'on ka na sa mas sexy at magandang babae na 'yon. Ayaw mo pa? You can call Alliah na," wala sa sariling sambit ko.

Inis ko siyang tiningnan. Binalingan niya ng tingin si Angel na pinapanood kami.

"See how my baby turns the table?" Tanong niya kay Angel na bahagyang natawa at tumango-tango.

"Baby your face," Inis kong saad.

"Ako dapat ang nagtatampo dahil katext mo 'yung ex mo. But why you're the one na galit?" Malambing niyang saad.

Humakbang pa siya palapit sa'kin. Tinitigan niya ako dahil tanaw ko sa peripheral view ko. Hindi ko na siya pinansin dahil naiirita ako. Naiirita ako sa sarili ko kasi bakit nagkakaganito ako?!

Biglang bumaliktad ata ang pag-iisip ko dahil naramdaman ko ang kaniyang braso na pumupulupot sa'king baywang mula sa aking likuran. Feeling ko isang galaw ko lang ay sasabog na ang puso ko dahil sa sobrang sayang nararamdaman.

Ipinatong niya ang baba sa balikat ko. Kagat-labi akong napatingin kay Angel na nakaawang ang labi na pinagmamasdan kami.

"Oo na ikaw na ang panalo...Oo na bawal sa'kin ang ibang babae...Oo na sa'yo pwede ang ibang lalaki kahit ayaw ko...Oo na laro 'to...Oo na talo ako," malambing niyang bulong sa'kin.

Bigla akong naestatwa dahil sa sinabi niya. Miski paghinga ay hindi ko nagawa. Naramdaman ko naman agad ang pag-init ng mukha ko.

Can someone please help me? Because I felt like I was going to drown.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.