Ask for the moon 30
Napahilamos ako sa pagmumukha ko. Napapagod na akong umiyak ng umiyak at magpunas ng mga luha dahil paulit-ulit na lang. Ang akala ko magiging ayos na kami dahil sa bago niya na namang pag-asta.
He acted like he's willing to risk something just for me! But he didn't!
He's just acting!
Napasinghap ako ng maramdaman muli ang pagsikip ng dibdib ko. Mukhang may isang matulis na punyal ang bumabaon sa dibdib ko. Kasi sobrang sakit na habang natagal mukhang hindi ko kakayanin.
Pinigilan ko ang paghikbi pero taksil na rin ata ang katawan ko dahil hindi ko na mapigilan. Naramdaman ko na lang ang biglang pangangatog ng balikat ko.
Daretso ang tingin ko sa daan habang hila-hila ang maleta ko. Kahit tingnan ang mga kaibigan ko na nasunod sa'kin ay hindi ko magawa. Hiyang-hiya ako dahil feeling ko hindi na ako 'yung kaibigan nila na nakilala.
Dahil ngayon puro sakit lang ang nararamdaman ko sa twing kasama ko sila.
Dahil kapag kasama ko sila nalipad ang utak ko.
"Tangina niya, Malaman ko lang na pinagsabay ka niya at nung bago niya baka mapatay ko siya. Hayop siya pinagkatiwala na nga kita sa kaniya. How dare him to made you cry a million times? Bullshit!" Nanggagalaiti na saad ni Samuel.
Padabog niyang ipinasok sa kotse ang maleta ko. Sunod-sunod ang pagpapakawala niya ng malalim na pagbuntong hininga. Nararandaman ko rin na anytime ay pwede na siyang sumabog sa sobrang galit.
Napailing akong pumikit.
Niyakap ko sila Mawi at Angel.
Tipid ko silang nginitian bago tuluyan na makalayo. Nakakainis isipin na dahil sa isang lalaki mapapalayo ako sa mga kaibigan ko. Mapapalayo ako sa lugar kung saan ang kinagisnan ko.
Ngunit mas nakakainis kung pipilitin kong manatili kahit alam kong anytime pwede na 'kong bumigay.
Ayaw kong bumalik sa Cavite, Marami rin namang magagandang lugar na pwedeng puntahan but I used to be here at Manila.
Pero siguro senyales na rin 'to na bumalik ako para na rin magkasama-sama kami nila Ate.
"Ikabit mo 'yang seatbelt mo! Umayos ka nga, Yor. Don't let that guy to ruin your life! Hindi na ikaw 'yung Yoreh na nakilala namin. Tingnan mo 'yang pagmumukha mo sobrang maga na ng mata mo kakaiyak," bulyaw niya sa'kin bago paandarin ang sasakyan.
Natahimik ako dahil sa sinabi niya.
Kinwento ko sa kaniya lahat na ng nangyari na naman. Kamuntikan niya pa nga na hanapin si Cyrus para lang mabugbog.
I'm touched.
Bumuntong hininga siya. "I'm sorry, Kung ganito ako umasta. Ayaw ko lang talaga na nakikitang nasasaktan ka dahil kapatid ka ng girlfriend ko at tinuturing na kitang kapatid," mahinang usal niya bago kinagat ang labi.
Huminga na lang ako ng malalim. I know that I look pitiful in front of him and my friends.
Nakakaawa ako.
Naaawa ako sa sarili ko.
Napabalikwas ako at bahagyang napahawak sa dibdib ng marinig ang malakas na pagtunog ng cellphone ko na nasa loob ng aking bulsa.
Sa hindi malaman na dahilan ay biglang nagkandabuhol-buhol ang pinag-iisip ko.
Paano kung siya ang tumawag?
"Answer that, Tell him you won't give him a chance. You don't deserve what he does to you. Hindi ka isang bagay o ano na pwede niyang saktan anytime," nanggagalaiti niyang sambit.
Agad akong nag-iwas ng tingin, I swallowed hard.
Kinuha ko ang cellphone ko at hindi nga siya nagkakamali dahil litrato namin ni Cyrus at pangalan niya ang lumantad sa screen.
Nanggagalaiti kong sinagot mabibigat ang paghinga ko at pinipigilan ang pagsabog ng galit.
Manloloko!
Mapangpanggap!
Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang pagsasalita.
"B-baby? Where are you? Nandito ako sa apartment niyo at tinatanong ko sina Angel kung nasaan ka. Hindi nila ako sinasagot a-and 'yung mga damit mo wala sa cabinet mo. Please, Don't tell you change your decision? You promise.. na hindi ka aalis.. na hindi mo ako iiwan.. then w-why?" Nangangatog ang boses na sambit niya.
Hindi ko na napigilan ang matawa kasabay ng paglandas ng luha sa mga mata ko.
I chuckled "Just wow," Iiling-iling kong saad. "Huwag mo na ako hanapin. Napakasama ng ugali mo! Ang lakas ng loob mong saktan ako ng paulit-ulit!" Suminghap ako.
Natahimik na naman kaagad siya.
"A-ang sama-sama mo.. wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin ka..pero ikaw? Wala kang ibang ginawa kundi paiyakin ako.. saktan ako ng paulit-ulit," pinigilan ko ang pagpiyok. "Ano bang kasalanan ko sa'yo? Ba't ganito mo'ko parusahan?"
"B-baby? What are you talking about? Nasaktan na naman ba kita? I told you huminto na ako sa pagtulong kay Akia tanging 'yung pinsan ko ang natulong na sa kaniya. I keep my distance away from her kasi alam kong masasaktan ka. Pag-usapan naman na'tin to, Huwag kang umalis mag-usap tayo, Selene," malambing niyang saad.
Humikbi ako at umiling "Hindi mo na ako madadala sa mga kasinungalingan mo--"
"I'm not lying." Mabilis niyang apila.
"Yes you are!" Bumilis na naman ang paghinga ko kahit na ang pagtibok ng puso ko sa sobrang galit. Kitang-kita ko na! Rinig na rinig ko! Hindi ako tanga! Hindi ako tanga para hindi malaman ang nangyayari! Tangina niya! Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis.
"Kitang-kita ko, Cyrus. Rinig na rinig ko," basag ang boses kong sabi.
"Ano ba ang mga pinagsasabi mo? Bumalik ka dito.. No, kahit sabihin mo na lang kung nasaan ka at ako ang pupunta sa'yo. Ako ang hahabol sa'yo," pursigidong saad niya.
"Bakit parang masmadami pa 'yung sakit na nararamdaman ko?" Tanong ko.
"Tell me, Ano ba talaga ang problema? Ayusin naman na'tin," nagsusumamong sabi niya.
Umiling ako. "Hindi na maaayos dahil sirang-sira na pati ang tiwala ko sa'yo," humikbi muli ako. Narinig ko ang pagsinghap sa kabilang linya. Naiyak siya.
I sighed "Hindi ko na alam kung paniniwalaan ko ba lahat nung sinabi mo sa'kin. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba paniwalaan mga sinasabi mo. Sobrang sakit na napapagod na'ko,"
"S-selene.." nagsusumamong tawag niya.
"Hindi ko alam kung dapat ko pa ba paniwalaan 'yung sinabi mong mahal mo ak--"
He cut me off "Don't" pigil niya. "Huwag na 'wag mong kokwestyunin kung paano kita minahal." Basag ang boses na saad niya.
Natahimik ako at kinagat ang labi. Nararamdaman ko ang mariing pagsulyap ni Samuel sa gawi ko pero hindi ko na siya binabalingan pa ng tingin. Tumingala ako para pigilan ang mga luha na nagbabadya na naman na bumagsak. Pagod na pagod na 'ko.
"L-lahat ng sinabi ko sa'yo ay totoo. Hindi ako isang tao na hindi kayang panghawakan ang mga binibigsak na salita. I love you," humihikbing sabi niya.
"Naguguluhan ako, Hindi ko alam ang mga paratang mo sa 'kin. Ayaw mong sabihin at hindi ako manghuhula, Selene." Malungkot niyang sabi. Hindi ako nagsalita. Ayaw ko muna dahil nakakapagod.
"Yeah, I lied," saad niya kaya nanlaki ang mata ko.
"Alam ko, Niloko mo'ko.. Niloloko mo'ko!" sagot ko at pinunasan ang mga luha sa pisnge.
"No, Hindi kita niloko ang sarili ko ang niloko ko," He stopped "Hindi kita lolokohin dahil alam ko kung gaano kasakit ang maloko, Selene. Alam ko 'yung sakit na 'yon dahil niloko ako ni Akia... Ayaw nga kitang nasasaktan dahil sa twing nakikita kitang nasasaktan dumodoble ang sakit sa'kin," nangangatog ang boses niyang sabi.
Napatakip naman akong muli sa bibig ko dahil sa paghikbi. Mga taksil na luha kailan ba kayo titigil? Hindi pa ba kayo napapagod? Kasi ako pagod na pagod na.
Humikbi siya "Niloko ko ang sarili ko.. kasi ang akala ko maiintindihan mo'ko.. kasi ang sinabi ko sa sarili ko ay hindi ka na makakawala sa'kin.. na hindi mo ako iiwan."
"Cyrus.." may pagbabantang sabi ko. Gusto kong tumigil na siya.
"Nasasaktan rin naman ako, Selene. Na kapag tinitingnan ko ang mga mata ng taong mahal ko ay laging may pagdududa. Ayos lang naman sa'kin na pagduduhan mo'ko p-pero 'yung pagduduhan 'yung pagmamahal ko sa'yo, Hindi. Ibang usapan na'yon, Selene. Masakit na 'yon," hikbi niya.
"I was also have a bad memories in my past. Nasira na once ang pagtitiwala ko to the point that I didn't want to try again to love someone. Pero dahil sa'yo I take the risk na ayos lang. Pasensya na kung nagduda ka dahil mas inuna ko nga ang iba.. I'm sorry, Selene."
Nasapo ko ang noo ko at hindi napinigilan ang pag-iyak. Humagulgol ako hanggang sa kaya ko alam kong naririnig niya ako. Wala na akong pakialam.
"S-Selene," tawag niya sa'kin. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko siya sinagot o inimik ang gusto ko ay umiyak.
"Nasasaktan ka na ba ng sobra? Kaya mo ako iiwan?" Nangangatog ang boses niya na namang sambit. Hindi ako nagsalita, Tumingala akong muli.
"Sobrang pagod ka na ba? Kaya mo ako iiwan?" tanong niya. Kinagat ko ang labi ko.
"Oo, pagod na pagod na," naiyak kong sagot.
Suminghap siya. "Sorry.. Kung napagod ka kahit wala akong ginawa kundi ang mahalin ka ng paulit-ulit kahit na hindi mo'ko pinaniniwalaan.. Sorry, kung nasasaktan kita ng sobra-sobra ng hindi ko alam, Sorry, kung 'yung pagmamahal ko sa'yo ang nagpapahirap sa'yo ng sobra," Basag ang boses niyang sabi.
Nanatili akong tahimik dahil parang pinipiga na naman ang puso ko dahil sa boses niyang mukhang pagod na pagod na rin sa mga nangyayari. Nagsisimula na rin na sumikip ang dibdib ko. Kahit na nakaupo ako ay nararamdaman ko ang panglalambot ng tuhod ko.
Gusto kong bumalik at patigilin si Samuel!
"B-baby, Hindi na kita susundan kung saan ka pupunta." malungkot niyang sabi. "Hindi dahil sa hindi na kita mahal.. Hindi kita susundan kasi alam kong ito ang makakapagpabuti sa'ting dalawa. I believe that love is not just about staying and holding on. It also about letting go of the hands of you.. The person that I love the most,"
Sabay-sabay na naman na nagsituluan ang mga luha sa mata ko. Napakapit ako sa hita ko ng maramdaman ang panlalambot ng buong katawan ko.
"You're my Moon, Maybe I ask for the moon but it is hard," bumutong hininga siya.
"You lost yourself and I do the same." Sambit niya.
"My Baby, My Selene, My Moon, Can you even now say that you love me as a farewell? This is the only one I ask before I can completely let you go. Mahirap pero kakayanin ko,"
Para namang paulit-ulit na tinutusok ng matulis na punyal ang aking puso. Nangangatog ang kamay kong pinunasan ang mukha ko na basang-basa na ng luha.
Kapag sinabi ko ba ang gusto niya ibig sabihin n'on ay wala na talaga?
Tumikhim siya sa kabilang linya. "K-kahit w-wag mo na sabihin kung nahihirapan ka rin, I love you," naiyak niyang saad at pinatayan na ako ng tawag.
Napatulala ako sa kawalan habang patuloy ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. Napigilan ko na rin ang paghinga.
I left him and he already let me go.