Chapter 31

Ask for the moon 31

"Ms. Yoreh, 'Yung academic assessment daw na files ay isend mo na sa email ni Ms. Valencia," Kinakabahang sabi ng co-teacher ko, Si Ms. Jean.

Umirap ako at pasimpleng nagdabog "Awit naman pala si Ms. Valencia, Pinapahirapan na naman ako. Umay siya girl," Iiling-iling kong reklamo.

She acted like not a professional! Hindi ko talaga magets, why? Siguro nga baliw na baliw talaga siya kay Khalil. Hindi ko naman kasalanan na bestfriend ko 'yon!

Tumalikod na si Jean, Parang hindi naman siya teacher kasi ang mahiyain niya at talagang kinakabahan sa'kin. As if naman na kakagatin ko siya.

"Thanks, Ms. Jean!" Pasasalamat ko.

Napatingin naman sa'min ang iilan na teacher.

Wala talaga akong masyadong closed dito. I mean 'yung katulad ng kina Mawi, Angel at Sadnie.

Napanguso tuloy ako, Apat na taon na din ang nakakalipas simula ng bumalik ako dito sa Cavite. Nakakapagvideo call naman kami. Si Mawi kasi ay nasa Cebu ang trabaho. Si Angel naman ay nasa Makati nagtuturo. Si Sadnie naman ay nasa Makati din. Kung minsan ay napunta sila sa bahay para bisitahin ako pero sa mga nagdaang buwan ay hindi na ulit naulit dahil sa mga sari-sariling career na tinatahak na namin.

Sumalumbaba ako at tumulala.

Kumusta na kaya si Cyrus? Ang sinabi kasi sa'kin ni Angel ay may anak na nga siya at 'yun ay galing sa babaeng nakita na'min. Mabuti nga nagkausap sila ni Cyrus at mukhang masaya na naman daw. Well, Masaya naman ako para sa kaniya at masaya na din ako. Ayun naman talaga ang gusto ko. Ang sumaya siya dahil alam kong sa huling pag-uusap namin ay sobra din siyang nasaktan.

"Ms. Yoreh? Ano? Tulala ka lang d'yan porket wala kang klase ngayon? Bakit hindi mo na lang asikasuhin 'yung pinapagawa ko?" Sarkastikang saad ni Ms. Valencia.

Inis ko siyang binalingan, Nakacrossed arm siya at nakataas ang kilay na nakatingin sa'kin. Umayos siya ng pagkakatayo bago umirap.

"Edi wow," I murmured.

"What?" Mataray niyang tanong.

I sighed "What your face," walang ganang sambit ko.

Suminghap siya at tumalikod, Halos sanay na'ko sa pag-uugali niya. Napakaattitude!

Ipinalibot ko ang paningin sa buong faculty. Mga seryoso ang pagmumukha nila na parang stress na stress na sa paaayos ng grades ng mga makukulit na students.

"Saan ka pupunta? Tapos ka na, Ms. Yoreh?" Tanong ni Athena.

Isa din siya sa madalas kong makausap dito. Kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Hindi pa, maggagala-gala lang ako dito sa hallway bago 'yung sa next class ko," Sagot ko.

Bumuntong hininga siya "Sitahin ka na naman n'on ni Ms. Valencia. Alam mo naman 'yon insecure na insecure sa'yo," nag-alalang sabi niya.

"As if I care, Go lang," walang pakialam kong sagot bago tumalikod.

Narinig ko naman ang bahagyang paghalaklak ng ibang mga nakarinig dahil sa sinabi ko. Alam kong medyo iritado na rin sila ugali nong babae na 'yon.

"Good Morning,"

"Good Morning po,"

"Good Morning, Ms."

Bati sa'kin ng ibang estudyante. Some of them are familiar pero hindi lahat kaya nginitian ko na lang sila.

Umupo ako sa bleachers, May iilan pang napapatingin sa'kin at binati ako. Ngayon lang ba sila na nakakita ng teacher na nakaupo sa bleachers? Ngumuso ako ng ang ibang students ay lumayo sa gawi ko. As if naman makikinig ako sa mga paghaharutan niyo.

Wala naman akong judgement sa mga pinaggagawa ng ibang students dito. Magharutan sila? Parang hindi naman ako dumaan sa ganiyan para pigilan pa sila. Mag-ingay sa hallway? Magtakbuhan? Mag-away? It's part of their highschool life! As long as ginagawa pa rin nila ang part nila bilang estudyante ay hahayaan ko lang sila. Well, Buhay nila 'yan but all I have promised is that through their ups and down they can talk to me and ask for my help.

Iniangat ko paningin sa kulay asul na kalangitan. Itinaas ko ang kaliwang kamay para takpan ang sinag ng araw na tumatama sa'king mata. Malakas na simoy ng hangin ang tumama sa'kin balat kasabay ng pagsabay ng aking buhok sa pag-alon.

Looking up at heaven, I had never done this for about four years again. So here I'm doing it because I'd miss it.

Hinawi ko bahagya ang buhok ko at ipinalibot ang tingin sa mga estudyanteng nagdadaan.

"Sorry, Miss," Paumanhin ng nakayukong estudyante.

Natalisod kasi siya sa paa ko na nakaharang. Sinilip ko ang mukha niya dahil parang naiyak siya. Yeah, She is.

Maglalakad na sana siya ng hinawakan ko siya sa palapulsuhan dahilan kung bakit siya napahinto. Nakayuko pa rin siya na parang iniiwas niya ang basa niya mukha na makita ko kahit na obvious naman.

Bumuntong hininga ako "Seat," Maawtoridad na utos ko.

Hindi siya gumalaw kaya hinila ko siya paupo sa tabi ko.

"You can talk to me," Mahinahong saad ko.

Inayos ko ang buhok niya na magulo.

Hindi siya umimik kaya tumahimik na lang muna ako. Kung ayaw niya naman magkwento ay ayaw lang sa'kin.

"It's natural," I smiled. "Magkakaproblema't magkakaproblema tayong lahat sa iba't-ibang dahilan," I sighed "Family, Friend, finacially, Love at ano pa,"

Nanatili pa rin siyang nakayuko at nangangatog.

"You can open up to me," Mahinahong sambit ko.

Umiling-iling siya at nakayuko pa rin.

Kinuha ko sa kaliwang wrist ko ang itim na ponytail na mayr'on ako. Hinawi ko ang buhok niya at sinimulan ang pagtali sa mahaba niyang buhok. Nakayuko pa rin siya kaya nahirapan ako dahilan ng pagtayo ko. Rinig ko pa ang sunod-sunod niyang pagbuntong hinga.

Bumalik ako sa pagkakaupo at tinapik-tapik siya.

"Stone, Ayos ka lang?" Tanong ng isang babae na lumapit sa'min.

Mukhang itong babae ang kinakausap niya pero hindi siya pinansin. Tiningnan ko ang babae na tumawag na ngayon ay nakangusong nagkakamot sa ulo.

"Sorry po, Miss. Ako nga po pala si Elie Paumanhin niya.

I waved my hands like it's okay.

"Magkaibigan kayo?" Tukoy ko sa kanilang dalawa.

Napatingin siya sa babaeng nasa tabi ko na nakayuko at binalik ang tingin sa'kin bago umiling.

"Bakit naman?" Cuurious kong tanong.

Tumabi naman siya sa'kin kaya umayos ako ng pahkakaupo.

Ngumuso siya "Snobber kasi siya kahit gusto kong makipagkaibigan sa kaniya hindi ko magawa kasi lagi niya ko iniiwasan. Kahit lahat ng classmates namin iniisnob niya," She explained.

"Hindi magiging masaya ang highschool life mo kung wala kang kaibigan, Stone," Baling ko sa nakayukong si Stone.

Unti-unti siyang nag-angat ng tingin.

Hindi na basa ng luha ang mukha niya. Kinagat niya pa ang labi niya bago nag-iwas ng tingin.

Nanatili kaming tahimik tanging paghinga lang namin at mga estudyanteng nadaan lang ang naglilikha ng ingay.

"Ano ba ang nangyari dito kay Stone? Bakit naiyak siya kanina?" Curious kong tanong kay Elie.

She sighed "Kanina po kasi kinausap siya ni Ms. Valencia,"

My brows furrowed.

"Sinabihan po siya ni Ms. Valencia na magbayad na sa tuition fee," Paliwanag niya.

Hinilot ko ang aking sentido "Sinabihan o pinahiya?"

She bit her lower lips and took a deep breath "Pinahiya po siya,"

Napapikit ako sa inis, Kahit bata pinapatulan niya! She's too immature! Hindi ko rin talaga alam kung saan nakuha ng lakas ng loob at tibay ng sikmura niya! She's too heartless!

Bumuntong hininga ako tinapik ko ang likuran ni Stone na ngumiti naman sa'kin, pilit na ngiti.

"Don't worry about money," ngumiti ako. "Ako na bahala muna sa tuition mo. Enjoy your highschool life,"

Agad naman na nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi.

"H-hala, Miss." nahihiyang sambigt niya.

Tumayo ako at nginitian siya.

"Mamaya o kaya'y bukas na bukas puntahan mo'ko sa faculty sumama ka sa'kin na magbayad,"Saad ko.

Tumango-tango siya "Salamat!" Nakangiting sambit niya.

Nginitian ko siya at binaling si Elie.

Nagpaalam na ako sa kanila na babalik na ako sa faculty dahil maya-maya ay magsisismula na ang sunod kong klase.

Pinadausdos ko ang daliri sa'king buhok at tinanguan ang ibang students na padaan-daan.

Nakakamiss din palang maging estudyante. 'Yung tamang takbo lang sa hallway habang nagtatawanan. Yung nag-uunahan kami pababa ng hagdan para mauna sa pila sa canteen. Nakakamiss,

Bumuntong hininga ako at kinagat ang labi para pigilan ang paghinga.

"Oh! Well! Mabuti naman at bumalik ka na? Pwede bang pakisend na nung pinapasend ko?" Ms. Valencia sarcastically said.

Gustuhin ko man siya na bugahan na ng apoy ay hindi ko ginawa. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at umupo sa upuan ko.

"H'wag mo'ko simulan ng pudpod na pag-uugali mo Ms. Valencia. Stop being immature, Ilang beses ko na nasend sa'yo 'yung files na gusto mo try to check your email. Double check it," Mahinahon kong saad.

Sinuklay ko ang buhok ko dahil kapag hindi ko pa naifocus sa iba ang atensyon ko. Baka samain na siya sa'kin.

"Duh," maarte niyang sabi.

"Kung pwede lang din ba na huwag ka magpahiya ng estudyante? You are a teacher act professional. Hindi ka dapat na nagpapahiya ng students mo lalo na kung sa seryosong sitwasyon," Walang prenong saad ko.

I admit it, Kung minsan ay nakikipagbiruan ako sa iba kong students pero kapag alam kong sumosobra na ako ay nahingi ako ng tawad. Pero hindi ko naman hinahayaan na humantong sa gan'on.

"Excuse me?" Mukhang naoffend sa sinabi ko.

Tamad ko siyang tiningnan bago taasan ng kilay.

"Hindi kasalanan ng bata na wala siyang pambayad sa tuition. You can talk to her parents or what. Hindi mo siya kailangan na pahiyain pa sa harap ng ibang students." mahinahon kong sabi.

She chuckled "What are you talking about?"

Tumayo siya ng maayos bago maglakad palapit sa table ko.

"Si Stone," I sighed. "She's your student," Hinawi ko ang buhok ko bago tumingin sa kaniya. "You should not humiliate her in front of several students. Instead, you should approach her well."

Bahagya siyang natahimik at napaisip dahil sa sinabi ko. May iilan na napapatingin sa gawi namin.

"Kailangan niyang magbayad ng tuition at hindi pwedeng nag-aaral siya dito ng hindi bayad!" Inis na saad niya.

Tumango-tango ako "Oo, Alam ko," tanging sagot ko.

Hindi ko maintindihan bakit gan'yan ang mindset niya?

Bakit imbis na tulungan niya 'yung sarili niyang estudyante ay pinahiya niya pa? Education is not about money! Hindi 'to tungkol sa kung sino lang ang bayad sa pag-aaral!

"Tsaka wala naman akong pakialam sa student na 'yon," Iiling -iling niyang sabi bago ngumisi.

Naramdaman ko naman ang pagwawala ng kung anong inis sa kaloob-looban ko. How can she say those words! Naikuyom ko ang kamao ko para pigilan ang pagsasalita.

Tumalikod na siya at bumalik sa pagkakaupo.

Paano siya mawawalan ng pakialam sa student niya?! Teacher ba talaga siya.

Inis akong tumayo at mabilis na naglakad sa harapan niya. Kaya muling napatingin ang ibang guro sa'kin. Ramdam kong namumula na ako sobrang inis sa pagasta niya.

I crossed my arm over my chest and smirked "I'm just wondering how can you educate your students if in the first place you can't educate yourself?"

Tumikhim siya na para bang nagpipigil ng galit.

Bumuntong hininga muli ako at tingnan siya habang iiling-iling na parang nadissappoint ako sa kaniya. Yes, I am.

"Diba nga 'education is a right, not a privilege' Like duh, huh."

Tumalikod na ako naglakad palabas ng faculty pupunta na lang ako sa next class ko kaysa naman makipagtalo pa sa kaniya. Hindi talaga kami magkakasundo kahit gustuhin ko man o gustuhin nila.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.