Ask for the moon 36
"Uminom ka muna ng tubig," sabay abot niya sa'kin ng tubig.
Umirap ako, Nandito kami ngayon sa unit niya dahil dito niya ako dinala. Gustuhin ko man na sa bahay muna pero tama ang sinabi niya kanina na malalaman nila Mama na umiyak ako dahil sa pamumugto ng mga mata. Ayaw ko naman na sila pag-alalahin pa dahil nung nagbreak kami ni Cyrus ay talagang nawala ako sa sarili ko.
Kinuha ko ang tubig na nilagay niya sa harapan ko. Pinunasan niya pa ang dinning table dahil may tubig pang natapon dahil sa paglalagay niya ng baso sa harapan ko. Gwapo siya sadyang gwapo lang din ang gusto niya.
"Sorry pala kung nakisawsaw ako sa usapan niyo kanina nag-init 'yung brainlalu ko nung nakita kitang naiyak, girl! Ayun ba 'yung kinukwento mong exlalets mo? Infairness, Gwapo si papsi pero ayaw ko sa attitude niya, girl," Prankang sabi niya.
I laughed "Gaga ka bakla, Hindi naman ganun ang ugali n'on at mabait 'yon! By the way hindi ko ineexpect na matutulungan mo'ko sa gan'ong bagay! Pahiyang-pahiya na ako kanina ni kahit magsalita hindi ko na magawa dahil pagkakapahiya. Kaya Salamat talaga ng marami, beks!" nakangiting sabi ko.
Tumayo ako at niyakap siya, Hinampas niya naman agad ako na parang isa akong mikrobyo na dumapo sa makinis niyang katawan!
"Kadirdir naman, girl! Don't hugged me. Ligo ka muna, girl!" saway niya at tinaboy ako na parang isang langaw.
I chuckled "Arte mo namang bakla ka! Paligo ako!" Paalam ko.
Pumasok ako sa kwarto niya at sinundan niya naman agad ako. As if naman na may mananakaw akong gamit dito! Well, Meron nga pero hindi naman ako magnanakaw! Dumaretso ako sa cabinet niya dahil sa bakla siya at madalas na ginagawan ako ng ibang design na damit or dress ay may mga pwede akong gamitin dito.
Yes, He's a gay! Ako lang at sila mama ang may alam. Hindi ko nga alam sa baklang 'to kung bakit may lakas siya ng loob na sabihin ang totoo sa pamilya ko samantalang sa pamilya niya ay hindi niya magawa!
Umaakto siyang lalaki sa harap ng iba pero kapag ako na ang kaharap o dikaya'y sina ate ay lumalabas na ang pagkababae niya. Minsan nga gusto ko siyang ibuking sa pamilya niya lalo na kapag sinasabunutan niya ako ng malakas kapag hindi niya bet 'yung makeup ko. Ang chaka-chaka ko daw magmakeup!
Kumuha ako ng pajama at kulay itim na sando malaking pasalamat talaga sa kaniya dahil may panty at bra din na nandito. Madalas din kasi ako dito dahil patay na patay sa kaniya si Ms. Valencia 'yung co-teacher ko na to the point na sinusundan siya dito.
Nandidiri ko siyang tiningnan "Dito ako matutulog ha? Bawal kang umangal! Alam kong gwapo ka pero.. hindi kita pagnanasaan," dahil alam ko na ang isasagot niya.
Umirap siya, Baklang-bakla! Sayang na sayang! Khalil, jusko po!
"Oo na girl! Bilisan mo na nagdidilim na ang paningin ko sa pagmumukha mo," Iritadong tulak niya sa'kin.
Natatawa akong pumasok sa banyo.
Ipinatong ko kung saan ang susuotin mamaya.
Mahinahon kong hinilot ang sentido ko. Ayaw na ba talaga sa'kin ni Cyrus? Kasi kung ayaw na niya.. Gusto ko pa rin sa kaniya.
Gusto ko pa rin siya pero hindi ibig sabihin non patuloy akong manggugulo sa kaniya.
Sa ilang taon na lumipas siya pa rin siya at siya pa rin. He didn't let me fall to a different man. Kahit ilang beses na ako sinet nitong si Khalil o dikaya'y ni ate or Samuel ay wala. Siya at siya pa din pala talaga. Weird man pakinggan para sa iba pero wala talaga si Cyrus at Cyrus pa rin. Kahit ata tumigil ang pag-agos ng tubig sa sapa siya at siya pa rin.
Siya pa rin pala talaga kahit hindi na ako.
Pinikit ko ang mata habang dinadama ang tubig na umaagos sa katawan ko.
Ilang minuto din ang ginugol ko sa pagligo kung minsan ay nakanta pa ako at nasayaw para malibang ang sarili kasi kung hindi? Baka naiyak na naman ako.
Ipinalibot ko ang paningin sa loob nitong kwarto. Saan na naman kaya naglusot ang bakla na 'yon? Iniwan na naman ako dito!
"Sige na Khalil, Let Cyrus and Yoreh talk,"
Agad akong lumabas ng kwarto. Pinupunasan ko pa ang buhok ko gamit ang tuwalya na hiniram ko rin. Napadako ang tingin nila sa'kin.
Bahagya akong napaatras dahil tumambad sa'kin si Cyrus na namumugto ang mga mata na mukhang kakagaling niya lang din sa kakaiyak.
Natigil ko ang pagpupunas at kunot-noo silang binalingan ng tingin.
"B-bakit?" Kinakabahan kong tanong.
Tanging si Samuel, Ate at Cyrus ang nandito maliban sa'kin at Khalil.
"Selene," nagsusumamong tawag sa'kin ni Cyrus.
Humakbang siya palapit sa'kin at kinulong ako sa pagkakayakap. Sobrang higpit, Sa sobrang higpit ay hindi ko alam kung makakawala pa ba ako.
Naramdaman ko ang paggalaw ng balikat niya. Is he crying?!
"Cyrus," pilit kong kawala sa kaniya.
Suminghap siya "No," matigas niyang sabi.
Hinigpitan niya pa ang pagkakayakap.
"I'm sorry for acting stupid lately," nagsusumamong saad niya.
"It's fine," pagsisinungaling ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap "Umiyak ka, Hinding-hindi 'yon magiging ayos lang,"
Hinarap niya ako sa kaniya at tinitigan ng direkta sa mga mata. Ngayon naman iba na ang nakikita ko sa mga mata. Na para bang sa pagtitig niya sinasabi niyang bumalik ako sa kaniya.
Puno ng pagsusumamo.
"Bakit ka nandito? Tapos na 'yung party ni Baby Prince?" Nagtatakang tanong ko.
Luminga-linga pa ako sa paligid para hanapin sila Sai o dikaya'y si Ben pero nabigo ako.
"No," mahinang sagot niya. "I'm here because of you," nanginginig ang boses niyang sabi.
Kinagat ko ang labi bago siya tingnan muli.
"W-why? May nagawa na naman ba akong masama?"
May masama na naman ba akong nagawa na umabot sa puntong pupuntahan niya ako?
He shook his head and smiled "I want to say sorry. Sorry kung nakapagbitaw ako ng mga masasakit na salita sa'yo. Sorry kung napaiyak na naman kita,"
Inayos niya ang buhok ko na tumama sa mukha at nginitian ako.
"You are forgiven, Cyrus." nakangiting sabi ko. "Naiintindihan naman kita kung bakit gan'on ka umasta kanina. Usually, I expected that you will act like that because I know I've hurt you I'm prepared but I cried because it merely hurts. It's heartbreaking to hear from you the words that I was afraid of, " bumuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin.
Dahil sa bawat pagtitig ko sa kaniya bumabalik sa memorya ko 'yung malamig at seryoso niyang titig kanina nung nasa party kami.
Hinawakan niya naman ang mga kamay ko at pinisil-pisil dinampian niya pa ng halik ang likuran ng aking palad. Agad na nagtayuan ang balahibo ko dahil sa pagkagulat.
His passionate kiss!
I craved from his kisses!
"I'm really sorry, Baby." Humakbang ako palayo.
He panicked "Baby, I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya 'yung mga salitang sinabi ko sa'yo. I admit it, I'm mad at you."
Humakbang siya at hinawakan ako sa magkabilang pisnge upang iharap sa kaniya. Napatingin ako sa adams apple niyang gumalaw dahil sa sunod-sunod na paglunok niya.
Sa paraan ng pagtitig niya ay hindi na ako makakawala pa sa kaniya. Parang may sarili namang pag-iisip ang katawan ko.
I hugged him.. very tight.
"Galit ako, First of all you promised na hindi ka na aalis but you still left," Bumuntong hininga siya at hinawi ang likuran ko.
"Second, Hinintay kita ng ilang taon na bumalik sa manila pero hindi ka bumalik kaya ako ang nagbaka sakali ng nagpaassign ako dito," malamyang paliwanag niya.
"Third, I thought that you and Samuel were married, Na 'yung babaeng gusto kong magpatakbo sa mundo ko ay hawak na ng iba," Naramdaman ko naman agad ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
"Fourth, Parang ang dali-dali lang sa'yo na balikan ako kasi alam mong babalik at babalik pa rin ako sa'yo," malambing niyang sabi.
"Fifth, Kahit anong gawin ko kahit na anong pag-iwas ko, kahit na anong paglayo ko sa'yo. I'm still into you, that you're still what I want and I can only want," malambing niya sabi at hinimas ang buhok ko.
Humilig ako sa matipono niyang braso. Pinikit ko ang mata at hinayaan na magbagsakan ang mga luha ko.
Kung kanina ang luha na puno ng sakit ang lumalabas.
Ngayon mukhang tears of joy.
"Let's go home," sabi niya.
Naalarma ako sa binigkas niyang salita kaya kumalas ako sa pagkakayakap niya.
"Huh?" gulat kong tanong.
Hindi niya ako hinayaan na makawala sa kaniya sa halip ay hinapit niya ako sa beywang. His habits that I really miss the most.
He chuckled and looked at my sister "Can I borrow Selene?" na para bang isa lang akong walis tingting na hinihiram ng kapitbahay.
Bumaling ang tingin ko kay Ate na nakakapit sa beywang ni Samuel.
She smiled and nodded "Sure, Kahit 'wag mo na iuwi 'yang si Yoreh," nakangising sabi niya.
Naramdaman ko naman agad ang pamumula ng mukha ko dahil sa sinabi ni Ate. Desisyon ka?!
Ngumuso ako ng maramdaman ang pagpisil niya sa tagiliran ko kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya. Pinipigilan niya ang pagngisi gamit ang pagkagat sa ibabang labi. Dahan-dahan na ibinaba niya ang tingin sa labi ko kaya nakagat ko din ang akin.
Bakit parang gusto ko siya halikan?!
'Yung maganda niyang mata na nakakatunaw na feeling ko anytime pwede akong malusaw. Naramdaman ko na agad ang panlalambot ng tuhod ko kasi sino ba naman ang hindi manlalambot sa titig niyang puno ng pagsusumamo at pagkamangha.
Bumaling siya kay Khalil "Babawiin ko na 'tong si Selene," mas hinigpitan ang kapit sa'kin.
As if naman na pipigilan kami ni Khalil na ngayon ay nakangangang nakatitig kay Cyrus. Bumaling ako kay Cyrus na proud na nagkibit balikat. Ginawi niya ako palakad para bang sinasabi na aalis na kami.
"Teka," awat ko. "Hindi ba muna ako magpapalit ng damit? Magdress muna kaya ako? Nakasando at pajama lang ako." Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan.
He grins and slightly giggled "Okay na 'yan, Mas maganda pa 'yan kaysa d'on sa dress mong kita ang cleavage. Mabuti ba kung ako lang kasama mo o nakakakita," He licked his lower lips.
I blushed "Style kasi tawag d'on," pagdadahilan ko.
He gazed at me like he's not satisfied "You're wearing well, so come on, let's go home."
Bumuntong hininga ako bilang pagsuko. Kasi kahit na ano pa ang idahilan ko sa kaniya ay alam kong hindi ako mananalo. Kasi titigan niya lang ako ng maganda niyang mga mata ay nanlalambot na'ko.
"Ate, Sama muna ako kay Cyrus," nagkamot ako sa batok. "May mga pag-uusapan lang kami," I bit my lower lips.
Cyrus chuckled "Hindi ako naniniwalang usap lang," and then he winked.
Hinampas ko naman agad siya sa braso, How could he respond to me in front of my sister with those words? Napahawak ako sa pisnge ko dahil sa biglaan na pag-init ng paligid. Para bang isang attack ang mga salita niya dahilan ng pagyanig ng puso't isipan ko.
Umiling-iling ako dahil sa mga kung anong iniisip.
"Tumigil ka nga!" saway ko.
He laughed "Oh, My baby," tinitigan niya ako. "Have an unusual thought, huh?" he played my fingers.
Umirap ako at nag-iwas ng tingin.
"Sige na, Ako na ang bahala kay mama at papa. Alam naman nila na pinuntahan ka ni Cyrus dito." bumaling siya kay Cyrus. "Kinausap naman rin na ni Cyrus si mama at papa," nakangiting sabi niya.
I wonder ano ang pinag-usapan nila? Hindi naman strict sila mama at papa. Pero dahil sa nangyari samin dati ay nag-ingat na sila sa mga lalaking papasukin ko sa buhay ko. Nasubukan ko 'yon ng ipakilala ko si Khalil sa kanila hindi pa kasi nila alam na shukla.
"Dito muna kami sige na alis na kayo," taboy sa'min ni ate.
Tumango-tango ako at naglakad palapit sa dinning table kung nasaan nakapatong ang purse ko. Naramdaman ko naman agad ang pagsunod ni Cyrus sa'kin dahil sa muling paghapit niya sa beywang ko.
Hindi ako tatakbo!
Tinanguan ko sila Khalil, Samuel at ate bilang paalam.
Lumabas na kami, Nananatili pa rin ang mahigpit niyang paghawak sa beywang ko. Inangat ko ang tingin sa kaniya. Nagkatinginan kami diretso sa mga mata. 'Yung mga mata niya puno ng pagsusumamo na parang sinasabi na napakaswerte niya sa nangyayari ngayon. Inilagay niya ang sobrang tikwas ng buhok ko.
Hindi pa'ko nagsusuklay! Bigla tuloy akong tumalikod dahil sa kahihiyan.
"Why? What's wrong?" he panicked.
"Hindi pa ako nakakapagsuklay! Paepal ka talaga!" pag-amin ko.
Hinawakan niya naman ang kamay ko na nag-aayos sa buhok.
He held my hands tightly and our fingers interlocked.
"Mas maganda ka nga kapag messy hair," He joked "Hayaan mo na, Kahit naman anong itsura mo mahal pa rin kita," pambobola niya.
Nagsimula kaming maglakad, Magkahawak ang kamay.
I felt like I'm walking through the sky. I wanted no more, for every step I had with him and as we holding hands was enough for me, No one could mess,