Chapter 35

Ask for the moon 35

Pinanlakihan ko ng mata si Wendrix at mukhang nakuha naman ata niya ang gusto kong iparating.

Tumayo siya "Bro, Kilala mo 'to?" pakita niya ng screen kay Ben.

Parang nakuha rin ni Ben ang plano ko kaya tumango-tango siya kahit na kulay blue na lockscreen lang ang ipinakita ni Wendrix.

Malawak ang ngiti akong lumapit sa upuan ni Wendrix at binalingan ng tingin 'tong katabi ko na ngayon ay umiigting na ang panga. Mukhang iritadong-iritado siya sa presensya ko kahit na balingan ako ng tingin ay hindi niya magawa. Nakakunot ang noo at salubong ang kilay siyang tumingin sa kawalan.

"Cyrus," malambing kong tawag sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin sa halip ay nilabas lang ang cellphone.

"Cyrus," ulit ko.

Nararamdaman ko na ang panlalambot ng tuhod ko. Kinakabahan ako! Kinagat ko ang labi at dinungaw ang mukha niyang nakayuko dahil nakatingin sa screen.

"Cyrus," basag ang boses kong tawag.

Ibinalik niya sa loob ng bulsa ang cellphone at iritado akong binalingan ng tingin.

"What do you want to say? Yoreh," Iritadong tanong niya.

Ngumuso ako at tinitigan siya.

The way he looked at me? Bakas na bakas ang pagkakairita, galit at inis.

"Bakit Yoreh?" bakit hindi Selene.

He chuckled "Why not Yoreh?"

I pouted "Bakit hindi Selene?"

He smirked "Why Selene?" balik niya.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Oo nga naman.

Gusto ko siya sigawan dahil sa pagiging pilosopo niya pero hindi dapat ako mag-inarte pa dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit siya umaakto ng ganito.

Napatingin ako sa mga kaibigan niyang nagpapatay malisya na parang walang naririnig.

"Nasa school ka sa monday?" pag-iiba ko.

He sighed "Nasa school ka ba sa monday?" balik niya.

I nodded " Yes,"

"Then wala, hindi ako pupuntang school," sagot niya na nagpatahimik sa'kin.

Pinisil ko ang kamay ko para pakalmahin ang sarili. Nag-iwas muli ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng pagpapahiya. Kahit na nagpapatay malisya 'tong mga 'to alam kong narinig nila dahil bahagya silang tumikhim.

Naramdama ko naman ang ang pagpigil ko sa paghinga na feeling ko ay sasabog na ang ibang parte sa dibdib ko.

Pwede niya naman sabihin na hindi siya pupunta! Bakit kailangan pa ipamukha sa'kin.. sa'min na hindi siya pupunta dahil nand'on ako?!

"Cyrus, Can I get your number?" kinakabahan kong tanong.

"No," matigas niyang sagot.

Habang ang mata ay direktang nakatingin sa'kin.

Sa paraan ng pagtitig niya ay naramdaman ko ang pagtutubig ng mata ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin, nasikip na naman ang dibdib ko dahil sa pag-asta niya.

I sighed "Are you mad at me?" matapang kong tanong.

He chuckled "Yes," matigas niyang sagot.

Kinunot ko ang noo para pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Are you married?" sabay baling niya sa kamay ko.

I raised my hands "No," at pinakita sa kaniya na walang singsing.

Sumeryoso muli ang mukha niya "Engaged?" tanong niya.

I shrugged "No," Iling-iling kong sagot.

He chuckled " You dissappoint me, Nagpabuntis ka pala ng hindi kasal?" sabay ayos niya sa pagkakatupi ng long sleeve niya.

Kumunot ang noo ko. "Wala akong asawa at anak, Cyrus. Tumigil ka nga 'tsaka anong masama kung mabuntis kahit hindi kasal? Krimen ba 'yon?" Iritadong sambit ko.

"Sorry," mahinahong paumanhin niya.

"Can I get your number?"

"No," malamig niyang sagot.

Sayang! Kala ko malilinlang ko na siya!

Hindi ko na siya kinulit pa kung ayaw niya edi 'wag! Sa mga kaibigan niya na lang ko kukunin! Napakasnobber na niya! Parang hindi ako inayakan.

Bumalik ako sa pwesto ko dahil naiirita ako sa pag-asta niya. Alam kong may mali ako pero kasi naman! nakakairita siya!

Umayos ako ng pagkakaupo at nagdekwatro kinuha ko na lang ang cellphone ko dahil sa sobrang pagkairita.

From: Khalil

Where are you?

Sinamaan ko ng tingin si Sai na nakasilip sa screen ng cellphone ko.

"Boyfriend mo?" Tanong at ngumuso sa screen.

Napatingin naman sa kaniya ang mga kaibigan niya at bumaling sa'kin. Hindi ko sila pinansin at tinuon na lang ang pansin sa screen.

Ano na naman bang kailangan nitong Khalil Alfero na 'to?!

To: Khalil

Nakikibirthday, Bakit ano na naman problema mo?

Tinuon ko lang ang pansin sa screen ng phone ko.

Nakaramdam ako ng parang nakakamatay na titig kaya nag-angat ako ng tingin kay Cyrus. Tiim bagang siyang nakatingin sa'kin at seryosng-seryoso ang mukha.

Umirap ako dahil mas naiirita na'ko. Ganito niya na ba talaga kaayaw sa'kin?

From: Khalil

Ay sayang sasama pa naman sana kita.

Sayang nga!

Sayang kasi pag si Khalil ang kasama ko lagi niya akong binibiyayaan ng swerte! Mga chocolates!

"Can you fix your dress? Kitang-kita na 'yung cleavage mo," Iritadong sabi ni Cyrus.

Bigla naman akong nahiya dahil sa sinabi niya kaya napatingin ako sa cleavage ko!

"Style 'yan, Bro." Paliwanag ni Izi.

"Yeah, It's style," simpleng sagot ko.

Babaling na ulit sana ako sa screen ng phone ko ng magsalita muli siya.

"Really?" He sarcastically asked.

Totoo naman!

Hindi ko na siya pinansin at nagsimula muling magtipa.

To: Khalil

Oo nga sayang! Pero mamaya-maya naman baka makauwi na'ko.

I crossed my fingers na sana ay pumayag siya na magkita kami mamaya. Kapag nakikita ko talaga kasi siya hindi pwedeng hindi niya ako bigyan ng chocolates!

To: Khalil

Lol, Gusto mo lang ulit makuha ang isang pack ng kitkat na kakabili ko lang.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya.

"Stop laughing," Seryosong utos ni Cyrus.

Kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.

From: Khalil

Bakit? For sure naman na may ipapagawa ka sa'kin o dikaya ay magpapatulong ka sa'kin sa kung ano-anong bagay!

Mabilis naman siyang nakapagreply. Bored na bored na'to for sure.

To: Khalil

Yes!

From: Khalil

Alright! See you later!

"Bro, See you later daw," sumbong ni Ben at nginuso ang screen ng phone ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. Agad ko namang binalik sa purse ang phone ko.

Hindi sumagot si Cyrus sa sumbong ni Ben sa halip ay nagcrossed arm siya at tinitigan ako ng masama. Kung nakakapatay man ang titig niya malamang sa malamang ay patay na'ko.

"Khalil pangalan, Bro," Sumbong naman ni Sai.

"Boyfriend mo?" Tanong ni Hugo.

Hindi ako sumagot dahil sa inaasta nila kasi hindi ba halata?! Hindi ba halata na si Cyrus ang hinahabol-habol ko?! Hihingian ko ba siya ng cellphone number kung may boyfriend ako?! Mga tinaguriang registered nurse at civil engineers tapos walang common sense?!

Nagsimula na ang party, Todo pa ang tawa ko dahil sa pagjojoked ng mc. Gusto ko tuloy siyang lapitan at sampalin ng malakas na tawa.

May mga palaro din as usual mga pangbata na palaro. Feel na feel ko tuloy pagiging bata! Gusto ko nga sana sumali pa sa stop dance ng mga bata! Ah, I missed being a kid.

"Sa'yo na 'to," sabay lapag ko ng tatlong shanghai sa plato ni Cyrus.

Hindi siya nag-angat ng tingin sa'kin. Feeling ko tuloy may kausap akong hangin dahil dinededma niya lang talaga ako.

"Ayaw mo ng juice? Kukuhaan kita kung gusto mo," sambit ko.

Hindi niya pa rin ako pinapansin sa halip ay kumain na siya at luminga-linga na lang sa paligid.

Hindi niya ako tinatapunan kahit na isang tingin.

"Kayo? Gusto niyo ba? Kukuha kasi ako ng para sa'kin sumabay na kayo," bumaling ako kina Wendrix.

Nagkatinginan pa sila at parang nangkakapa pa kung sasang-ayon o hindi.

Hindi sila sumagot kaya naging senyales na 'yon para tumayo ako.

Tumayo ako, Inayos ko pa saglit ang dress ko dahil bahagyang humangin kaya sumayaw ang laylayan ng dress ko.

Lumunok ako at hinawi ang buhok ko. May iilan pa na ngumingiti sa'kin kaya nginitian ko na rin sila.

Gusto ko sana na lapitan sila Akia at ang anak niya na nasa kabilang gawi pero mukhang busy pa sila makipag-usap. For sure naman ay lalapit sila sa pwesto namin mamaya tulad ng sinabi niya.

Humingi ako ng dalawang baso na may lamang juice.

"Thank you," nakangiting sabi ko sa nag-abot sa'kin ng juice.

She smiled " You're welcome,"

Tumango-tango ako at nagsimula ng maglakad.

Ngumiti ako kay Jake at Hugo na dinudungaw ako habang pabalik sa pwesto ko.

"Here," sabay lapag ko sa gilid ni Cyrus ng juice.

Agad naman akong umupo at nilapag rin ang akin. Inangat ko ang tingin kay Cyrus na walang pakialam sa paligid. Ngumingiti pa siya sa mga nadaan na nginingitian siya.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain kung minsan ay binabalingan ko siya ng tingin. Nararamdaman ko naman ang pagkakailang nitong mga kasama namin sa table.

I wonder kung hindi sila dito sa pwesto ko may kasama kaya ako ngayon dito? Siguro naman hindi ako pababayaan ni Akia.

Bumaling ako kay Akia na ngayon ay naglalakad na sa gawi namin.

"Hello, Ayos naman ba kayo dito? May kailangan pa ba kayo or what? By the way, This is Prince my son," baling ni Akia sa'kin.

Tumayo ako at kinarga si Prince. Ang taba taba niya at halos pumutok na rin ang pisnge! Ang ganda din ng mga mata niya! Akia and his husband genes is not a joke!

"Hello, Baby Prince." Nakangiting tawag ko kay Prince.

Bahagya siyang humagikgik at luminga-linga sa paligid.

"Eto gift sa'yo ni Tita Yoreh oh," sabay pilit kong pagsabit ng hawakan ng paper bag sa kamay niya.

Hindi naman kasi masyadong malaki at mabigat ang bag.

Pilit kong pinapakuha sa kaniya pero nakatikom lang ang palad niya kaya natatawa akong bumaling kay Akia.

"Ang cute ng baby mo! Eto pala gift ko sa kaniya. Hindi 'yan mamahalin tulad ng ibang gifts na matatanggap niya pero ayos na 'yan. Atleast nga nagbigay ako ng regalo," natatawang saad ko.

Akia laughed "It's fine, thanks" kinuha niya naman ang inabot kong paper bag.

Bumaling naman agad ako kay Cyrus.

"Cyrus," may pagbabantang tawag ko sa kaniya.

Hindi niya ako binalingan ng tingin. Nakapulupot na ang braso ng babae na hindi ko kilala sa braso niya. Nagtawanan sila na parang hindi ako nakikita.

Seeing him smiling like that mades my world shake.

Bakit sa iba nagagawa niyang tumawa at ngumiti? Bakit sa'kin hindi? Nagsisi naman na ako sa ginawa ko kaya nga kahit hindi niya ako pinapansin ay nagawa pa rin ako ng paraan mapansin niya lang.

Binalingan ko si Akia na nakatingin na rin pala kay Cyrus at pailing-iling.

Naramdaman ko naman agad ang pagbabadya ng luha sa mata ko. Kasi naiinis ako sa kaniya! Kasi naiinis ako sa sarili ko! Ilang beses niya akong binabara at pinipilosopo! Ilang beses niya akong pinapahiya sa harap ng kaibigan! Pero eto ako binababaan 'yung pride na mayr'on ako.

"Baby, Go back to your mommy na ha," basag ang boses kong sabi.

Napalingon naman sa'kin si Akia na halatang may bakas ng pagkaawa sa'kin. Kinuha naman agad niya si Prince at kinarga.

Napatingin ako kay Wendrix na nakasiksik na sa kabilang pwesto dahil sa pagsingit ng upuan ng babae sa pagitan nila ni Cyrus.

"Babe, Stop it!" Saway sa kaniya ng babae.

Inis ko silang binalingan ng tingin. Pinaglalaruan ni Cyrus ang kamay ng babae dahil kung bakit mapahagikgik ito.

Seriously? Sa harap ko pa talaga sila maghaharutan and what? Babe?!

Umiwas ako ng tingin, parang dinudurog ang puso ko sa panonood sa kanila dalawa. Naiinis ako kasi bakit parang may pumipiga na naman sa puso ko dahilan ng pagbagal ng paghinga ko.

Gusto kong takpan ang tenga ko, sa bawat paghagikgik nilang dahil ay parang pagbara ng kung ano sa lalamunan ko kaya hindi ako makahinga.

Gusto kong tumayo at maglakad palayo sa kanila ngunit hindi ko magawa dahil sa nanlalambot na naman ang tuhod ko.

I sighed " Cyrus," basag ang boses kong tawag sa kaniya.

Nagsisimula na magtambol ang dibdib ko dahil sa biglaan niyang pag-angat ng tingin.

Seryosong-seryoso ang tingin niya sa'kin. Na sa sobrang seryoso hindi ko na alam kung kakayanin ko ba ang titig niya.

"Can you please, don't pretend that you still own me?" Iritadong sambit niya.

"Bro," awat sa kaniya ng mga kaibigan.

Napakagat ako sa labi dahil parang sampal sa'kin ang salitang binitawan niya.

He chuckled "Because whatever you do I will not go back to you," sabay padausdos ng daliri sa buhok.

Yumuko ako dahil sa pagtulo ng luha ko. Ano bang masama sa ginagawa ko?

Gusto ko lang naman na bumalik na kami sa dati!

"Wala ka sa isang teleserye or what! Hindi pagbalik mo after iwan ako ng ilang taon ay babalik ako sa'yo! Stop your nonsense!" Inis niyang sigaw.

Naramdaman ko naman agad ang pagbaling ng atensyon samin. Pinisil-pisil ko na lang ang kamay ko dahil sa sobrang kaba. Na baka may salita pa siyang mas sasakit pa.

"Cyrus, Stop it! H'wag ka magsalita ng ganiyan! Napapahiya si Yoreh," saway sa kaniya ni Akia.

Nag-angat ako ng tingin kay Akia at ngumiti. Tinapik niya pa ang likuran ko para pakalmahin.

Nagcrossed arm si Cyrus at ngumisi-ngisi sa'kin. Pinigilan ko paghikbi at pagtulo ng luha ko.

"Maghanap ka na lang ng ibang lalaki na hindi mo kayang iwan," matigas niyang sabi. "Kasi hindi na ako babalik sa'yo cause you?" Tumitig siya sa'kin. "You're not worth the wait," malamig niyang sabi.

Nakagat ko ang labi kasabay ng pagtulo ng luha ko. Naramdaman ko naman ang pamamanhid ng buong katawan ko.

Parang isang matulis na punyal ang mga salita niya na tumutusok sa dibdib ko.

Alam kong posibleng dadating sa puntong ganito.

Pero hindi ko alam na ganito pala kasakit.. na sa sobrang sakit hindi ko alam kung kakayanin ko pa.

"Hey, Be careful on what you wish for." Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita.

"Khalil," halos pabulong kong tawag sa kaniya.

Hinawakan niya ako sa braso at dahan-dahan na tinayo.

Khalil..

Bumaling siya kay Cyrus na bakas pa rin ang galit sa pagmumukha.

Khalil smirked "Dahil baka sa susunod na magkita-kita tayo," he stopped and planted a kiss on my forehead. "Sa kasal na namin ni Selene," anunsyo niya at nginitian ako.

Kung sa ordinaryong pagkakataon ay baka nabulyawan ko na si Khalil pero dahil natulungan niya akong mabawasan ang pagpapakahiya ay hinila ko na siya.

Kahit saan kami dahil ng paa ko.

With each step I feel like I'm stepping into the thorny things that every time I walk away, it hurts me.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.