Chapter 37

Ask for the moon 37

Mga naglalakihan na gusali at malapainting na paligid. Ang ganda pagmasdan ng kalangitan at malinaw na tubig mula dito sa gusali. Nagcrossed arm ako at pinagmasdan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga sasakyan sa ibaba. May mga tao pang naglalakaran na mukha ng mga langgam sa sobrang liit.

"Malapit na 'to matapos," anunsyo ni Cyrus.

Humarap ako sa kaniya, Nakatalikod siya at nakaharap sa nilulutong adobo. Ang sarap pagmasdan ng paggalaw niya at sa bawat paggalaw niya ay umiigting na din ang braso niya. Nakakulay puting sleeveless lang siya ay itim na khaki short.

Napangiti ako, 'Yung lalaking gusto ko nandito.. Malapit sa'kin.. Pinagluluto ako.

"Siguraduhin mo lang na masarap 'yan. Ang tagal mo akong pinaghintay para maluto 'yan kaya siguraduhin mo lang talaga, Cyrus," May pagbabanta kong sabi.

Napatingin naman agad siya sa'kin bago maglapag ng plato sa lamesa. Nginitian niya ako ng nakakaloko.

Nakakaloko at the same time nakakabighani!

"Seat," utos niya, sinunod ko naman. "Masarap 'to! Baka nga sa sobrang sarap mapasigaw ka," sabay ngisi.

Umirap ako sa kawalan. "Okay," tanging sagot ko.

Nilagyan niya ng kanin at adobo ang plato ko bago umupo at lagyan sa kaniya.

"Para ka namang alipin ko," biro ko.

"Alipin naman talaga ako ng pag-ibig mo," corny'ng sagot niya.

"Alam mo ilang taon 'yung lumipas pacorny ka ng pacorny,"

He chuckled "Alam mo ilang taon 'yung lumipas pamahal kita ng pamahal," balik niya.

Nag-iwas ako ng tingin, Naramdaman kong parang 'yung mga salitang binigkas niya ay parang apoy na tinapat sa pagmumukha ko.

"Mahal na mahal mo talaga ako?"

He nodded "Sobra pa nga sa sobra diba,"

Ngumuso ako, Grabehan, Wala naman akong ginamit na gayuma!

"Let's go back together, Be my girl, my moon, my selene, my baby again." Matapang niyang sabi.

Umiwas ako sa nakakapasong titig niya.

"Okay, Tikman ko na," turo ko sa pagkain. "Pag 'to talaga hindi masarap..Dito nakasalalay 'yung sagot ko kung papayag ako sa gusto mo," biro ko.

He panicked "Fuck! Talaga? Wait," inagaw niya ang pagkain sa'kin tinikman. "Pwedeng magkaiba kasi 'yung taste natin. Minsan kung masarap para sa'kin sa'yo hindi. Pwede rin na masarap para sa'yo tapos sa'kin hindi! Talaga d'yan ka babase?"

Natawa naman ako, Pilit kong inaagaw ang plato ko sa kaniya na pilit naman na nilalayo sa'kin.

"Hindi ka ba confident sa luto mo?" Mapanlokong tanong ko.

He bit his lower lips "Tss," binalik na niya sa'kin. "Kahit naman hindi mo magustuhan 'yan hindi kita hahayaan na makawala pa sa'kin." Proud niyang sabi.

Umirap ako sa kawalan "blah, blah, blah," I murmured like a kid.

Ngumuso siya "Pwede kitang ikulong dito sa condo ko at depende rin sa sagot mo ang desisyon ko," lokong sabi niya.

"Are you blackmailing me?" I raised my brows.

He chuckled "No, I'm just stating what condition my brain has,"

"Edi wow," pambabara ko.

"Kumain ka na nga," natatawang utos niya.

I shrugghed " Pafall ka?"

"Hindi ka pa ba?"

"What?"

"Hindi ka pa ba na fall?" He raised his brows.

Ngumuso ako "Whatever," mataray kong sagot.

He laughed "I missed this," he softly said. "Namiss ko 'yung ganito," he pouted.

"Okay," sabay irap.

Nagsimula na ako kumain, Sa bawat pagsubo ko ay pinipigilan ko ang pagsasalita at pagpuri sa kaniya. Nanatili akong walang ekspresyon at pinapamukha sa kaniya ang pagkakadissappointed sa luto niya.

"Ano, Baby? Masarap ba? Ayos lang ba 'yung lasa? Pasok ba sa standard ng taste mo?" Sunod-sunod na tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Ba't hindi ka magsimula kumain? Ba't ka nagtatanong kung masarap ba o hindi kung pwede mo naman tikman ulit? Ba't ka pa nagtatanong?" Mataray kong tanong.

Nakita ko naman agad ang paglunok niya at biglaang pamumutla.

He bit his lower lips.

"B-baby naman," kinakabahan niyang sabi.

Pinanood ko siyang tikman ang niluto niya. Dinilaan niya pa ng bahagya ang labi niya bago sumubo ulit para siguro siguraduhin ang lasa.

He looked puzzle when he stare at me. Na para bang sinasabi niya na 'Anong panlasa ba ang mayr'on ako?'

Tumikim ulit siya, bumaling sa'kin bago tumikim muli.

Gusto kong matawa sa reaksyon niya. Napailing-iling pa nga siya bago balingan muli ako ng tingin.

"Masarap naman?" nag-aalinlangan niyang sambit.

Nagkibit- balikat ako "Oo?" balik ko sa kaniya.

Tumango siya. "Yeah,"

Tumango-tango rin ako "Oo nga," natatawang sabi ko.

Kinagat ko ang labi ko bago magpakawala ng hagikgik.

I giggled "Masarap!" Natatawang papuri ko.

His brows furrowed "For real?" tanong niya.

I rolled my eyes "Yes," ulit ko.

He chuckled "So?"

"So?" ulit ko.

Umayos siya ng pagkakaupo at nilapag ang kutsarang hawak. Pinatong niya pa ang siko sa lamesa at makahulugan akong tinitigan.

Sa paraan ng pagtitig niya alam ko na ang gusto niyang iparating. His lips began to be raised. 'Yung titig niyang nakakapagpayanig sa buong sistema ko. 'Yung tititg niyang nakakatunaw pero handa akong magpatunaw, cause why not?

"Balikan mo na kasi ako," seryosong sabi niya.

My lips parted, Sobrang seryoso niya na sa sobrang seryoso ay parang may halo na ding pagbabanta at pagsusumamo.

I laughed "Para namang paghindi ako sumang-ayon sa gusto feeling ko babarilin mo'ko," I joked.

He laughed "Babarilin talaga kita," Sinalinan niya ng tubig ang baso na nasa gilid ko. "Nangpagmamahal," sabay abot sa'kin ng baso.

I smirked "Corny,"

"Kailan ka ba kikiligin sa mga sinasabi kong pick up lines?" parang batang sabi niya.

Ngumiwi ako "Pick up lines ba tawag d'on?" Natatawang balik ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya kasabay ng pagtiim bagang.

"Ewan ko sa'yo, Kumain ka na lang. Ubusin mo 'yan kapag hindi mo 'yan inubos hindi mo magugustuhan gagawin ko sa'yo," pagbabanta niya.

I raised my brows "Paano kung hindi ko 'to maubos?"

He pouted "Wala," kamot-ulo niyang sagot.

Natawa naman agad ako sa reaksyon. Kanina ang seryo-seryoso ng itsura niya tapos ngayon ay para siyang bumaliktad ang mood.

"Okay," I shrugged. "Uubusin ko 'to syempre ikaw ang nagluto!"

He smiled and nodded "Good," and tapped my head like a puppy.

Ngumiti na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Ang akala ko hindi na kami darating sa gan'to. Ang akala ko hindi na kami magkakaayos pa pero akala ko lang pala.

"Pa'no ka nga pala natuto na magluto? I mean the way na nagluluto ka parang expert na expert ka na," bumaling ako sa kusina na malinis. "Tapos ang sarap pa! Naalala ko 'yung sopas na niluto mo sa'kin dati," papuri kong muli.

Sumandok muli siya ng kanin at nilagyan ang plato niya pati ang akin. Gusto ko sana umangal pa pero dahil tinaasan niya ako ng kilay ay wala na akong nagawa.

"When I was 15, Minsan nanonood ako kay Mommy while she's cooking. Tapos sinubukan ko magluto ng kung ano-ano hanggang sa matuto. Hindi naman mahirap basta alam mo lang 'yung step by step," he stopped and looked at me, confused. "Hindi ka pa rin marunong magluto ng main dish? I mean katulad ng mga gan'to like this chicken adobo?" manghang sabi niya.

I bit my lower lips and slowly nodded, Bigla tuloy ako nahiya! Well, sumubok naman ako pero kada nagtatry ako ay nasasayang lang! Kaya hindi na ako pinagluluto pa ni ate o kaya ni Mama manang-mana pa nga daw ako kay Papa na walang alam lutuin kundi hotdog at itlog kaya mukha na nga daw kaming hotdog!

Nagsimula muli siya kumain, Tinititigan niya ako na parang sinusuri ang bawat paggalaw ko. Napainom tuloy ako ng tubig.

"Naturn off ka na ba? Hindi mo na ako babalikan? Ano?" sunod-sunod kong tanong.

Agad naman siyang nasamid dahil sa mga tanong ko. Kaya inabot ko ang baso niya na agad niyang kinuha at ininom.

"O-ofcourse not!" pilit niyang sagot. "Bakit naman ako mateturn off dahil sa hindi ka marunong magluto?! It wasn't a crime! Pwede ka rin naman matuto katulad ko," giit niya.

Seryoso ko siyang tiningnan, he smiled.. awkwardly.

"Nagtry naman ako, Kaso hindi ata kaya talaga ng powers ko."Pag-amin ko. "I mean, I'd tried my best but I always failed," pagdadahilan ko.

He chuckled "Don't worry! Bukas na bukas ikaw ang magluluto for our lunch! Tuturuan kita," he proudly said.

"Pag naturuan mo ako ng maayos at masarap! Isa lang ibig sabihin n'on."I stopped.

He raised his brows "Magaling ako magturo?" Hula niya.

Umirap ako "Duh, Pagnatuto ako ibig sabihin ay nakikinig ako sa mga sinasabi mo!" I answered playfully.

Natapos kami kumain na puro pang-aasar at pambabara lang ang sinasagot ko sa kaniya. Infairness, Hindi siya nagagalit sa'kin at sinasabayan lang ako.

"What are you doing? hmmm?" Pinulupot niya ang braso sa baywang ko at sumilip sa screen ng phone.

Umayos ako ng pagkakaupo dito sa sofa. Mas nilapit niya pa ang sarili sa'kin at inamoy-amoy ang leeg ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa hininga niyang tumama sa leeg ko. Nagsisimulang magwala ang puso ko at para bang nagkaroon ng matinding pagyanig sa dibdib ko.

"Chinecheck ko lang kung may nagchat sa'kin," sagot ko at binalik sa purse ang phone.

Bumaling ako sa kaniya, Seryoso siyang nakatingin sa'kin na para bang may hinihintay pa na paliwanag na sasabihin ko.

"Chat ng student," pagtatama ko.

He chuckled, Hinapit niya pa ako ng mas mahigpit habang inaamoy ang balikat ko.

"Tayo na lang ulit," sabi niya at hinalikan ang pisnge ko.

Sumulyap naman ako sa kaniya na may mapanlokong ngiti.

"Okay," sagot ko.

Sinilip niya pa ang mukha ko na para bang naninigurado.

"Hmmm," he sniffed my hair. "I miss you," he softly said.

Naramdaman ko naman ang pagpisil niya sa tagiliran ko kaya gulat akong bumaling sa kaniya at dahil nakasiksik siya sa leeg ko ay hindi ko siya matingnan ng maayos.

He pinched again my waist "Cyrus," Saway ko.

Nagsisimula na magtayuan ang balahibo ko dahil sa ginagawa niya. Para bang isang yelo ang dinampi niya sa balat ko.

"Hmm?" tanging sambit niya.

Tumama muli ang hininga niya sa'king leeg na nagpakawala sa puso kong nagwawala na.

He slowly planted soft kisses on my neck.. my jaw.. my cheek..my temple and my head.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at mabilis na hinawakan ang dalawa kong kamay na nanlalamig na sa nerbyos.

Pinagmasdan ko siyang pinaglalaruan ang daliri ko habang nakangiti siya. Kung titingnan siya para bang isa sa pangarap niya ang mahawakan ang kamay ko dahil sa lawak ng ngiti niya.

Pinagmasdan ko siya habang nakasideview. Katulad ng dati ay hindi ako nabigo kung dati ay gwapo na siya ngayon ay masgwumapo pa ang itsura niya kahit nakatagilid.

Gumalaw ang panga niya at dahan-dahan na tumingin sa'kin. Para bang nagslow motion ang paligid ng kumurap ang maganda niyang mata, umawang ang mapulang labi kasabay ng pagngiti. He let go of my hands just to combed his hair. Para bang binuhusan ako ng kaswertehan dahil sa nasisilayan ko. He bit his lower lips and smiled playfully to me.

"Hindi ka pwedeng mapunta sa iba. Hindi ka pwedeng makawala pang muli sa'kin. Hindi ka pwedeng iwan ako. Hindi pwedeng hindi sa'kin ang bagsak mo. You are not for others, You are only for me and it is a curse," He confidently said, very proud.

Tumango-tango lang ako, Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko maiiwas ang titig sa kaniyang mga mata. Kapag iniwas ko ang titig ay mahuhulog ako sa matulis na bagay. He slowly moves closer to me and grasped my jaw and rubbed it, His touch is it like a soft marshmallow, Incredibly soft. Nababaliw na ata ako sa hawak niya! Inilapit niya ang mukha sa'kin, He licked his lower lips.

Kumurap ako, Sa mabilis na pangyayari he's kissing me. I could feel his hot kiss again na sa sobrang init ay feeling ko napapaso na'ko. The way of the rubbing of his lips upon my lips made my heart and knees trembled so hard. Dahan-dahan kong inangat ang kamay papunta sa maskuladong braso niya upang kumapit.

We continued kissing as if there were no tomorrow, next tomorrow or later. He had raised his level of kissing! Kung dati ay puno ng pag-iingat ang halik niya ngayon ay iba.

Kakaiba.. na sa sobrang kakaiba ay nagawa kong tugunin ng bukal sa puso.

For him, I was willing to receive all with sincerely in my heart.

Just for him, only for him and it's also a curse.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.