Chapter 39

Ask for the moon 39

"You're not done yet?" Baling niya sa'kin.

Naglagay muna ako ng lipsticks bago siya balingan ng tingin. Nakasandal siya sa gilid ng pinto habang ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa bahagya rin nakakrus ang hita niya.

Tumikhim ako "Pwede saglit? Nag-aayos pa ako," Iritadong sagot ko.

Binalik ko ang atensyon sa blush on, naglagay ako ng kaunti. Ayaw ko naman magmukha akong sinapak habang naglalakad.

He chuckled "Oh, Don't get annoyed. Nagtatanong lang ako, Baby." Malambing niyang sabi.

Tinagilid ko pa ang ulo ko para makita kung ayos lang ba 'yung make-up ko.

"Ayos lang ba?" Tukoy ko sa itsura ko. "Hindi ba masyadong makapal or weird tingnan? Be honest para naman maayos ko feeling ko napakapal 'yung sa kilay ko," Sabay lapit ko sa salamin.

He nodded "Yeah, It's fine," nakangiting sagot niya.

"Baka sinasabi mo lang na ayos lang kahit hindi naman para lang makaalis na tayo agad," Paratang ko.

He pouted "You arrange for almost an hour. I don't know why you even arrange and do that in your face. If in the first place, you are so pretty. H'wag ka na mag-ayos pa at baka tunawin ka lang sa titig ng mga lalaki na makakakita sa'yo,"

Umirap ako "Nambobola ka na naman! Oo na, tapos na," natatawang sabi ko.

He chuckled "Baby, Hindi kita binobola. I'm just stating fact."

Ayan na naman siya sa 'stating fact'

"Stating fact," I murmured.

Binalik ko na sa loob ng purse ang iba kong makeup buti na lang kahit papano may dala akong pangretouch!

"Tara na," Aya niya.

Hinintay niya pa ako makalapit sa kaniya.

"Ayan ka na naman sa pahawak hawak mo. Kala mo naman lilipad ako!"

Mas lalong niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa baywang ko. Nginitian niya lang ako ng nakakaloko. Inirapan ko lang siya imbis na bulyawan pa. Sino ba naman kasi ang hindi titiklop sa titig niya?!

"By the way, Tomorrow come with me. Lavilla's Reunion." He said.

Napahinto ako sa pagpasok sa pagpasok sa elevator. Hinila niya pa ako para lang makapasok dahil hindi nagproseso sa utak ko ang sinabi niya.

"H-huh?" kinakabahang tanong ko.

He pouted "Bukas ay reunion ng mga Lavilla's. Isasama kita dahil soon to be Lavilla ka na naman diba?"

Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Tumigil ang pagproseseo ng utak ko na parang 'yung sinabi niya ay mga yelo na nagpafreeze sa utak ko.

"Why your hands shaking?" tanong niya. "You don't want?" Kumalas ang pagkakahawak niya sa'kin. "Ayaw mo akong pakasalan?"

"Nagpopropose ka ng ganto?" Iritadong tanong ko.

His brows furrowed "Hindi, Tinatanong ko lang kung ayaw o gusto mo ba ako pakasalan,"

Hinampas ko siya sa braso. "Gan'on na din 'yon!" Ang panget!

Hinawakan niya ang kamay ko "Kung magpoprose ako sa'yo malamang gagandahan ko,"Natatawang sabi niya.

Inis ko siyang tiningnan "Bwiset ka," naglakad na ako palabas.

Hindi ko naman ineexpect na gan'on ang tanong niya! Sana hindi na lang siya nagtanong! Hindi naman sa pag-aano pero babae ako! I do have a dream like in the fairy tales, he must propose with at least some effort but he just ask suddenly! Okay, it would be fine with me without the balloons or what sana man lang kasi inayos niya na lang.. I mean kahit nilambingan niya na lang 'yung boses niya! Ayos na 'yon sa'kin pero hindi nakakaloko lang 'yung pagtatanong niya.

But it's fine.

"Baby," tawag niya sa'kin ng makasakay na kami sa sasakyan niya.

Humarap ako sa kaniya "Hmm?" tanging sambit ko.

"Are you mad?" seryosong tanong niya.

Pinaandar niya na ang sasakyan nakita ko pa ang sunod-sunod niyang paglunok. Ngumuso ako at nginitian siya bago umiling.

"Nagtatampo lang ako dahil babae ako Cyrus. May gusto akong way ng pagtatanong ng lalaking gusto ko sa akin lalo na kasal ang pinag-uusap. Don't mind it." I smiled "Basta ikaw, It was fine for me."

Nakita ko ang maghigpit niya ng pagkakahawak sa manibela bago kinagat ang labi.

"Kinikilig ka?" Manghang tanong ko.

Umiwas siya ng tingin, Napatakip ako sa bibig at dinuro siya.

"You are!" Pang-aasar ko.

He chuckled "Oo na," namumulang pag-amin.

"Gago, Weh?" Natawa kong sabi. "Ay oo nga! Kinikilig ka namumula ka!"

"Baby, Please. H'wag mo'ko asarin baka pag-ikaw ang inasar ko hindi ka matuwa,"

I raised my brows "Bakit naman hindi ako matutuwa?" Curious kong tanong.

Nakita kong gumalaw ang panga niya bago magpakawala ng tawa. 'Yung biceps niya umiigting rin kahit na nakasuot siya ng longsleeve polo ay kitang-kita ko. Binalingan niya ako bago ibalik sa daan ang tingin.

"Selene," seryosong tawag niya. "Do you want to get us marrie--"

Pinanlakihan ko agad siya ng mata at bahagyang hinampas sa braso.

Bakit ba ang big deal sa'kin nito?!

Pero why not?! Babae ako! Hindi masamang humiling ng magandang proposal right?

"Oh, diba? Sinabi ko sa'yo na 'wag mo ako asarin," he laughed. "Hey, Are you mad?"kinakabahang tanong niya.

Bumaling ako sa kaniya bago umiling.

"Hindi,"

Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela dahil sa biglang pagbabago ng atmosphere.

"I'm just kidding!" Natatawang sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin "Saan ba tayo pupunta?" Pag-iiba ko.

May iniabot siya sa'king sling bag.

"Ilagay mo 'yung gamit mo d'yan,"

I nodded "thanks,"

"Saan ba tayo talaga pupunta, Cyrus?" Ulit ko.

Kasi naman sinabi niya lang na magdedate kami pero wala siyang sinabi kung saan at syempre siya si Cyrus pumayag agad ako.

"Ayaw ko na magdate tayo like kakain sa restaurant gusto ko 'yung iba naman,"

"So saan sa sinabi mo ang sagot sa tanong ko?" Mataray kong balik.

Bahagya siyang natawa, Umiling-iling pa siya bago ako sulyapan.

"Gusto ko sa Enchanted kingdom naman. So yeah, There." He smiled.

Napatitig ako sa kaniya na malawak ang ngiti habang nakatitig sa daan.

"Talaga?!"

He nodded " Gusto mo din ba d'on?" Tanong niya.

Tumango-tango ako "Ofcourse!" I excitedly answered.

Sino ba ang hindi maeexcite kung sa enchanted kingdom? Maybe those person who scared of height. Sino rin ba ang hindi maeexcite kung Cyrus Elio ang kasama?!

"Really?" He laughed.

I nodded "Oo nga paulit-ulit?" I sarcastically answered.

He just chuckled.

Sa bawat pagtakbo ng oras ay pinapanood ko lang siya na nagda-drive. Nabaling pa ako sa paligid mga dahon sa puno na sumasabay sa agos ng hangin.

"Ilang beses ka na nakapunta dito?" Manghang tanong ko sa kaniya habang nililibot ang paningin sa paligid.

Tanaw ko na agad ang mga nagtataas na rides! Madami rin ang mga tao sa paligid. Mga teenagers, families at couples na nagpipicture.

May iilan din na naririnig kong nag-aalok ng mga buko pie at mga cassava cake.

"Hmm, Limang beses pa lang ata," kibit-balikat niyang sagot.

"Wow! Limang beses pa lang?! Pa lang? As in, Limang beses pa lang?" Natatawa kong ulit. "Eh, Ako nga isang beses pa lang nung fieldtrip pa namin!"

He shrugged "So pangsecond time mo na?" He smiled.

I nodded

"So pang-anim mo na?" Balik ko sa kaniya.

He nodded.

Sana all!

"Tara na nga!" Natatawang sabi niya.

Nagsimula na ako maglakad pero hindi pa kami tuluyan na nakakalayo ay hinawakan na niya agad ang kamay ko. Napalingon sa kaniya na nginitian ako. Our fingers intertwined. Sa bawat hakbang namin magkasama ay parang naglalakad kami sa buwan.

"D'on!" Turo ko sa extreme tower.

"Baby, Really? Agad-agad? Ayaw mo ba muna sa iba? Manghihina ka dyan!" Natatawang sabi niya habang hinihila ko lang siya sa pila.

"Masaya 'yan!" Kahit kinakabahan kong sabi.

He nodded "Okay," he pinched my hand.

Nanatili kaming nakapila ng halos ilang minuto. Nausad naman pero dahil marami rin ang nakapila ay medyo natagalan pa kami. May iilan na babaeng napapabaling sa lalaking nasa harapan ko na ngayon ay feel na feel ang pagkakayakap sakin. Nakapatong rin ang baba niya sa balikat ko.

"Bakit ba kasi ngayong sabado mo naisipan na pumunta dito? I mean sabado ngayon at maraming mga tao ang walang pasok or whatever," reklamo ko.

"Baby, Wala pa tayong 5 minutes na nakapila nagrereklamo ka na agad," natatawang sabi niya.

Umirap ako buti ba naman kasi kung may upuan!

"Angtagal naman kasi," pabulong ko.

He chuckled "Ilang tao nalang bago tayo naman.. Isa..dalawa..tatlo..apat," bilang niya sa taong nasa unahan namin. " Apat na lang, Baby. Tayo na next d'yan," sabay angat niya ng tingin sa tower.

I nodded "Okay," tamad kong sabi.

Ilang minuto pa ay kami na!

"Palagay na lang po nung ibang gamit d'on sa lagayan," the girl said.

Tinuro niya ang isang gawi kaya tumango-tango kami iniwan ko ang slingbag ko.

"Baby, Dito ko sa bag mo ilagay 'yung wallet at cellphone ko ha," paalam niya.

"Sure!"

Nilagay naman agad niya sa loob ng sling bag ko ang wallet niyang mukhang puputok na!at 'yung iphone niyang cellphone.

Sa magkatabi kaming pwesto, He hold my right hand. Bago na kami tuluyan na ilocked sa pagkakaupo. Pinahubad rin samin ang suot namin na sapatos.

Nararamdaman ko na ang kalabog ng dibdib ko. Hindi pa man kami masyadong nakakataas ay tinawag na ako ni Cyrus.

"Baby!" He called me.

May mga kinikilig pa nga na tumingin samin.

"Why?!" Natatawa kong sabi.

Mabagal pa lang ang pag-angat namin.

Sa hindi kalayuan ay natatanaw ko si Angel, Mawi, Sadnie, Elica, Khalil, Samuel, Ate, Mama at Papa. Nakumakaway samin sa kabilang gilid nila ay nand'on ang mga kaibigan ni Cyrus, Tita Alejandra and Tito Armando, Akia, Lianne.

"Will you marry me?!" Cyrus asked, shouting.

Mabagal pa lang ang pag-angat namin. Hindi ko buuan na nakikita ang pagmumukha niya. Tanging gilid niya lang at bahagyang pagpisil sa kamay ko.

Agad na naghiyawan ang mga nakarinig.

Nanlaki naman ang mata ko, Parang may bumara sa lalamunan ko. Kinagat ko ang labi dahil sa nagbabadyang luha. Ngumiti ako dahil sa sobrang saya. He really asked me! He did! Omyghad! The person that I want to spent my time for my whole life is asking me to marry him!

Bahagya pa ako natulala sa ganda ng paligid. Tanaw na tanaw ko ang kalawakan nitong EK.

Tumulo muli ang luha ko na agad ko pinunasan dahil hawak ni Cyrus ang right hand ko ay ginamit ko ang left hand para punasan ang luha.

"Baby," tawag sa'kin ni Cyrus dahil sa pananatili kong tahimik.

I bit my lower lips and took a deep breath.

Ready na ba ako?

"Yes!"

Kasabay ng pagtunog senyales na pababa na kami.

Tumili ako ng malakas hanggang kaya ko kasabay ng sunod-sunod na pagbagsak ng luha sa mata ko.

Tangina!

Nang tuluyan na kami makababa na nangatog ang tuhod ko nararamdam ko ang panlalambot nito hindi ko alam kung dahil ba sa rides na 'to o sa pagproposed ni Cyrus.

Habang kinakalas ang locked sa'kin ay natanaw ko na agad si Cyrus na namumula ang mata na hindi magkandaugaga habang hinihintay ako at dahil nakaloafers lang siya na sapatos ay nakasuot na siya.

He hugged me while I'm putting my flat shoes.

My tears rolled down on my cheeks.

Tiningnan niya kung suot ko na ang sapatos ko. Hinila niya ako ng makita na nakasuot na ko ng sapatos.

He slowly kneeled down!

Pinadausdos niya ang daliri sa buhok habang may mapupungay na mata. Nakita ko pa na inabot ni Papa ang isang maliit na box kay Cyrus.

Nangangatog ang tuhod ko siyang tinitigan habang kinakagat niya ang ibabang labi kasabay ng dahan-dahan na pagbukas sa maliit na box.

Tumambad sa'king paningin ang isang bagay.

Isang bagay na hihilingin ko lagi na sa'kin niya ibigay.

Sa akin nga!

"Will you marry me?" He formally asked.

I nodded, Hindi ko magawang magsalita dahil sa sabay sabay na luhang bumagsak sa pisnge ko.

Narinig ko ang hiyawan at palakpakan. Dahan-dahan niyang inilagay sa palasingsingan ko ang singsing. He stood up.

He grabbed both of my cheeks before slowly bringing his face to me.

His lips were touching mine.

His careful and loving kiss on my lips.

The kiss that slowed the movement of things.

The kiss I will never regret.

The kiss that I will ask only to him.

Only him.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.