Chapter Epilogue Part: 1

Ask for the moon Epilogue Part: 1

Cyrus Elio Lavilla's POV

Kanina pa natunog ang cellphone ko pero tinititigan ko lang.

Ilang beses na sinasabi sa'kin ni Mom na pumunta ako sa birthday ni Akia. Hindi pa ako tuluyan na nakakamove on! I can't lower my pride! She cheated on me but I still love her.

I chuckled " I am Cyrus Elio Lavilla from room 26029,Is there any bullshit messages for me?" I asked while touching his lips.

Kilalang-kilala ko na si Mom, Alam kong uutusan niya ang secretary niya na iwanan ako ng message.

Napatingin ako sa babaeng naglahad sa'kin ng papel. I stare at her, 'Yung maganda niyang mata ay sinusuri ang pagmumukha ko na para bang ngayon lang siya nakakita ng katulad kong lalaki. Napadako ang tingin ko sa mapula niyang labi ng hindi niya napapansin.

'Tsaka ko napagtanto na pwede ko siyang isama sa birthday ni Akia. Matatahimik si Mom, makikita ni akia na may nahanap akong iba at pwede pa akong mapalapit sa babaeng 'to.

"I thought 5 pa ang uwian n'yo?" Tanong ko sa kaniya.

Pinanood ko siyang makihalubilo sa mga kagrupo niya isang beses ko pa siyang sinaway dahil lutang na lutang ata siya. Hindi ko rin alam kung bakit ako nangingialam sa bawat galaw niya.

Basta ang alam ko lang napansin ko ang sarili ko na nakatulala sa kaniya. Para bang hindi siya nakakasawang titigan.

Habang nakatanaw sa kaniya ay parang nasungkit ko ang mga bituin.

"Hindi ba bagay sa'kin 'tong ayos ko?" Seryosong titig niya.

My eyes directly looking at the road and because of what she asked my jaw clenched. She didn't know how beautiful and breathless her look!

"Ayos lang," I simply said.

Pinigilan kong puriin siya masyado. Saglit pa akong tumingin sa kaniya pero agad rin akong nag-iwas ng tingin dahil sa bawat pagdampi ng titig ko sa kaniya ay parang napapaso ako.

She took a deep breath "It's okay," she shrugged "Kung sasabihin mong hindi bagay sa'kin 'to. Well alam ko naman maganda ako lahat ng babae ay maganda! Pero may part talaga sa babae na kahit mag-ayos ay hindi babagay ang mga ginamit na make-up or what! Just say it if---"

I glared at her reason why she stopped talking.

Bakit ba nagtatanong pa siya ng mga gan'yan?! Hindi niya ba talaga alam na ang ganda ganda niya?! Hindi niya ba alam na sa bawat pagdapo ng tingin ko sa kaniya ay napapaso ako? Pero handa ata akong magpakalusaw masulyapan lang siya.

"Damn," iritadong bulong ko habang hinahampas ang manibela ng sasakyan n'ya. Binalik ko muli ang tingin sa kaniya. " You're... Damn, B-beautiful... Very... beautiful... Damn it," sambit ko.

Pinakilala ko siya kay Mom and Dad, Nagulat pa nga ako dahil angdaldal niya rin pala pinabalik niya pa nga 'yung shanghai na kinuha ko dahil wala naman daw kaming regalo.

"So where did you meet my friend, Cyrus? I didn't think he would come here with a nice looking girl," Rinig kong tanong ni Ben.

Biglang nag-init ang ulo ko dahil nagtitigan pa sila na para bang nagpapaligsahan kung sino ang unang bibitaw sa titig ang siyang talo.

Fuck you! Ben.

"Ben... Don't hit on her or do you want me to hit you? Using my hands?" I stopped and looked at her, back to Ben "You want?"

"Are you happy?" I seriously asked and opened the front seat of my car for her

"Masarap 'yung pagkain at mabait yung parents mo. Ang ganda dito kaya oo masaya ako, Why?" Inosenteng sagot niya.

I don't know, why the hell I care if Ben talked to her!

"No... I mean," I stopped, Kinabit ko ang muna seatbelt gan'on rin siya. "I mean, You? Flirting with my ex- girlfriend cousin," paratang ko sa kaniya.

Inis akong nag-iwas ng tingin. Nagtalo pa kami dahil ang sabi niya ay hindi naman siya nakikipagharutan at kinausap lang siya ni Ben nung iniwan ko siya ng ihatid ko si Akia.

Hinatid ko siya, Halos dalawang linggo ko siya inisip. Tiniis kong huwag siyang makita yung ngiti niya, magandang mata at maamong mukha. Tiniis ko 'yon na halos dalawang linggo! Nababaliw ako ni kasi saan ako pumupunta ay naaalala ko siya! Nakakabaliw.

Laking pasasalamat ko sa kaibigan niyang si Sadnie dahil sa requirements nila ay nilapitan ako ni Yoreh Selene.

Nilapitan ako ng babaeng nagpabaliw sa sistema ko.

"Basta si Ben hindi ka talaga nakakahindi tapos kanina ayaw mo pa talaga na malaking karayom ang gamitin sa kaniya," Iiling-iling kong sabi.

"What do you mean by that?" curious niyang tanong.

"Nothing, Sige sumama kana mamaya kung 'yan ang gusto mo," Masungit kong sabi.

"Nababaliw ka na ba?"

Oo sa'yo! Nababaliw ako sa'yo! Tangna!

"I'm not,"

"You are,"

"I'm not,"

She pouted " You are,"

Bakit gan'to Yoreh Selene?! Bakit?

"Okay," Suko ko.

Tiningnan ko ulit siya na bumuntong hininga at umiwas ng tingin.

Nagkaayayaan pa 'tong mga kasama namin na pumunta sa Lacasa kaya sinabihan ko siya na huwag magsusuot ng revealing na damit. Marami pa akong pangarap at ayaw kong makulong lang ako.

Pero hindi ata talaga siya matitinag ng mga salita ko dahil nagsuot pa rin siya ng sexy'ng dress.

"Hey...Why are you acting like this?" Curious niyang tanong.

Nakayakap pa rin ako sa kaniya. Ayaw ko siyang bitawan gusto ko sa tabi ko lang siya.

"I can't take it," bulong ko habang nakapatong padin ang baba sa balikat niya "Hindi ko na kayang makita ka sa malayuan.Kanina sinubukan kong tiisin na h'wag umaktong ganito. Two damn fucking weeks, baby...I tried to avoid you but I can't. I really can't," Malambing kong saad.

"Two damn weeks without hearing your voice, Two damn weeks without glancing at your smile, Two damn weeks without staring at your sparkling eyes. I can't take it anymore, Baby... I will never be," Seryosong paliwanag ko.

"The first time I saw you, You already hooked my attention. Sa bawat oras na hindi kita nakikita nababaliw ako," amin ko. "And baby...The way you smiled at Ben? I want to punch him because I want my baby to smiled only at me," I confessed.

"Excuse me? I'm not your baby and hindi mo'ko pagmamay-ari, Cyrus." Apila niya.

"Oh, My baby hurting me with her words," malungkot kong sagot.

"T-truth hurts?" Ngisi niya.

"Nah, I'm allowing you to hurt me because you're my baby,"

"Lasing ka ba? Hindi ka naman amoy alak bakit genyan ka?" Iritadong tanong niya.

"Maybe?" Balik ko sa kaniya. "Basta ang alam ko lang ay nalasing ako ng maamo mong mukha na umabot sa puntong hindi na'ko makapag-isip pa ng maayos, Baby. Nalasing ako ng isang ikaw na hindi ko alam kung makakabangon pa'ko," malumanay ang boses kong saad.

"Stop it," Utos niya. "Kung balak mo'kong paglaruan then stop it. I'm not new in this field alam ko kung saan patungo 'yang mga pinagsasabi mo. So better stop," giit niya.

Umiling ako "Kung tingin mo ay pinaglalaruan kita... Kung tingin mo ay para sa'kin laro lang 'to then you're wrong ... because if it's just a game for me why am I here? why am I asking to get your attention? why am I crazy to think of you?" Malumanay kong tanong. "If it was just a game I would have stop it because I knew eventually I would be the chaser, I would fall, I would lose." Malambing kong sinabi.

"Just stop," matigas niyang sabi.

Umiling at umayos ako ng pagkakaupo "Don't stop me dahil para sa'yo ay susugal ako," tiim bagang kong sabi. "Para sa'yo, susugal ako... kahit pa ikadudurog ko," Sabi ko bago tumayo at naglakad palayo.

Gusto kong makapag-isip pa siya ng maigi.

Tinatanaw ko siya sa malapitan pinili kong 'wag magpakita sa kaniya para lang hindi siya mailang sa presensya ko.

Hindi ako mapanatag kapag hindi ko siya nakikita tinetext ko siya kahit na wala naman akong karapatan sa kaniya. Niligawan ko siya pero ayaw niya dahil mahal ko pa nga daw si Akia pero hindi ko alam kung bakit sa ilang beses kong magmove-on kay Akia ng makilala ko siya ay naging madali na dumating sa puntong siya na lang ang iniisip ko. Nakilala ko rin ang pamilya niya ng tumawag sila. We had no label yet enough for me to just be with her.

May tumawag sa'king unknown number na dahilan kung bakit mairita na naman sa'kin si Selene. Ilang beses kong sinabi at pinaliwanag sa kaniya na hindi ko 'yon kilala o nakasama man lang. Sakto naman na hindi napansin ng kaibigan niya na si Angel sa presensya ko. They talked about the Selene's ex-boyfriend who was still in contact with Selene. I'm so upset that it was that? So she doesn't want to talk to me or give me a chance because she still loves her ex?

Imbis na ako ang iritadong umalis ay hindi dahil nagawa niyang baliktarin ang nangyayari.

Kinulit ko siya, tinawagan o ano pa. Hanggang sa pumayag siya sa'kin na makipagdate tila nagbunyi ang buwan at ang mga bituin at ang kalangitan dahil sa araw din na 'yon ay sinagot niya ako.

Isang buwan ang nakalipas ay biglang tumawag sa'kin si Akia. Pinaliwanag niya sa'kin lahat ng nangyari na si Tito Ferdy na step father niya ay minsan ng pumasok sa kwarto niya at nagtangkang gahasain siya. Sobrang galit ang naramdaman ko dahil kahit na papaano ay tinuring ko na rin na kaibigan si Akia kahit na nagkahiwalay kami.

"Bakit ayaw mong sabihin kay Hastler siya 'yung boyfriend mo. Baka magtaka na sa'kin si Selene kahit hindi niya sabihin sa'kin alam kong malaki ang pagseselos n'on sa'yo,"

Hindi ko nasundo si Selene dahil kay Akia gustuhin ko man na bumalik sa school ay hindi ko magawa dahil hindi ko maiwan si Akia natatakot ako sa kung anong pwede niya pang gawin sa sarili bukod sa pagsugat sa balat niya.

"Nag-aaral pa siya sa U.S ayaw ko naman na umuwi siya dahil sa'kin dahil for sure mapapabayaan niya lang 'yung pag-aaral niya. Ayaw ko naman rin na pag-alalahanin pa siya. Sorry, kung ikaw lang malalapitan ko talaga," she explained

Wala na akong nagawa kundi ang tumango-tango ang tanging hiling niya lang naman ay magstay siya sa unit ko ng ilang araw bago bumalik sa canada ang stepfather niya kaya pinagbigyan ko na. Inasikaso ko siya, binantayan dahil nakakatakot na baka sa isang iwas ko ng tingin ay may gawin na naman siya sa sarili niya.

Naririnig ko ang pagtunog ng cellphone ko senyales na may natawag at nagtetext pero hindi ko nasagot dahil nagising si Akia na takot na takot mukhang may masama siyang panaginip.

Halos takbuhin ko ang apartment nila Selene ng malaman kong nagkasakit siya. Parang binugbog ang puso ko ng makita ang pagod at namamaga niyang mga mata na halatang kakagaling lang sa pag-iyak.

"Baby... Why?" Nag-aalalang tanong ko habang kinukusot ang mata.

She sobbed "Namiss lang kita," sabi niya at yinakap ako.

Sa tono ng boses niya ay ramdam ko ang pagkakapagod niya. Namamaos,

"I'm already here now, Baby." Malambing kong sambit.

Agad na kumirot ang dibdib ko ng marinig ang paghikbi niya gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa mga paghikbi niyang naririnig ko.

"Baby... Please stop crying," Pagtahan ko.

"Baby... Please, Hearing you sobbing and seeing you crying made my heart broke into pieces. I'm sorry if you did miss me," Malambing kong saad.

Parang 'yung paghikbi niya ay isang matulis na bagay na kada naririnig ko ay ang siyang pagbaon sa puso ko dahilan ng pagdama ko ng sakit.

Tinapik ko bahagya ang likuran niya. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa'kin.

"H'wag ka na magtampo, Baby,"

"Hindi ako nagtatampo," agarang sagot niya.

"Baby..." I softly said.

Kumalas ako sa pagkakayakap at ipinatong ang aking kamay kaniyang balikat at dahan-dahan siyang iniharap sa'kin.

"Sorry," sabi ko. "Nagkaproblema lang," Halos nakayuko kong saad.

"Can you please explain? Kasi nababaliw na ako sa kakaisip," sambit niya.

Pinaliwag ko sa kaniya pero hindi lahat dahil ayaw ni Akia na ipaalam sa iba. I respect Akia's privacy.

Pinagluto ko rin siya ng pagkain ng tinanong ko pa siya ang laging sagot ay manatili lang ako ang gusto niya. Pinigilan ko ang maiyak sa harapan niya masakit para sa'kin ang marinig sa kaniya na halos magmakaawa na huwag ako umalis. Kasi 'yung taong mahal na mahal ko nahihirapan.. nasasaktan.. nagmamakaawa basta't manatili lang ako sa tabi niya.

Sabay kami na kumain sa canteen at talagang makita ko lang siya na natawa at naiirita sa mga banat kong mga salita sa kaniya ay masaya na'ko makita at makasama siya ay sapat na para sa'kin. Umiyak pa siya ng akala niya ay hindi na naman ako susulpot para sunduin siya. Masakit, masakit na mayr'on siyang pagdududa sa'kin na baka wala na naman ako.. na si Akia na naman ang kasama ko pero hindi ko naman siya masisisi.

Inaya ko siya sa dinner ng maalala ko na gusto na ulit siyang makita nila Mom and Dad ramdam ko pa ang pagkakakaba niya. Naging maayos naman kahit papaano ang pag-uusap namin sa hapag ng tumunog ang cellphone ko.

Natawag si Akia, Kinakabahan akong bumaling kay Selene na ngayon ay tulala sa kung saan. Gusto kong huwag na lang sagutin pero baka emergency.

Tumayo ako kahit na ayaw ko. Tumalikod ako at naglakad palayo sa kanila kasabay ng pagtulo ng luha ko. Masasaktan ko na naman siya! Nasasaktan ko na naman siya!

"C-cyrus, Si Tito Ferdy nakita ko sa mall! Pinagbantaan niya ako na sa susunod na magkikita kami ay isasama niya ako sa Canada!" natatarantang sigaw niya.

Kailangan na matapos 'tong problema ni Akia para maging maayos na ulit kami ni Selene.

Agad akong umuwi sa unit ko, Kinabukasan ay nagset na agad kami ng abogado na hahawak para sa pagsasampa ng kaso ni Akia kay Tito Ferdy.

"H'wag mo na lang muna siya pabayaan hangga't hindi pa nakukulong ang Step father niya. Mahirap na lalo't lulong sa pinagbabawal na gamot 'yon at malamang sa malamang ay pwedeng mawala 'yon sa kaniyang ulirat baka balikan si Akia," Ani ng Abogado.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pwede naman siguro na magtake muna kami ng space ni Selene? Kapag ayos na ang lahat ay pwede na ulit? Fuck!

[Hello] Panimula niya.

Sa tono ng boses niya ay alam kong kakagaling niya lang sa pagkakaiyak. Inis kong sinabunutan ang sarili ko.

[H-hello] Garalgal ang boses na ulit niya.

"B-baby..." hirap hirap na sambit ko.

Rinig ko ang paghikbi niya na nagpaguho sa mundo ko.

[Hmm] tanging saad niya.

Alam kong alam niya na nagkakaganito ako sunod-sunod na mabibigat na pagbuntong hininga ang ginawa niyang narinig ko.

"Baby, I love you but," I stopped.

Hindi ko kaya! Ayaw ko! Ayaw kong bumitaw!

"I can't give you my whole damn time because some of my friends need me. I can't choose to be selfish right now, baby." basag ang boses kong sabi.

Tumungkod ako sa upuan para kumapit dahil sa panghihina ng buong katawan ko nang marinig ang malakas niyang pag-iyak.

"She needs me right now but Baby. I loved you, alright? Kailangan lang talaga ako ngayon ni Akia dahil sa problema niya---"

[But I need you too,] Hagulgol niya.

Sumikip ang dibdib ko, iniimagine ko pa lang ang itsura niya ng puno ng luha ang mukha ay parang pinagbagsakan na ako ng langit at lupa.

"Baby," garalgal rin na boses na sambit ko.

Hindi ko na napigilan ang paghikbi. Ayaw ko!

[Kailangan ka niya pero kailangan rin kita.] Nagsusumamong sabi niya.

"Baby... Kailangan niya talaga ako at ako lang ang makakatulong sa kaniya. I want to tell you why I'm doing this. I want to tell you the real reason. Pero hindi pwede dahil nirerespeto ko ang gusto ni Akia na itago ito kahit kanino," I explained.

"Ang unfair ko kung ipagpapatuloy pa natin ito. Even I don't want this to happen but I want to be fair especially to you. I can't give that damn time for you, baby." sabi ko kasabay ng paghikbi.

"Anong gusto mong mangyari?"

Huminga ako ng malalim, Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kama ko dahil parang hindi kakayanin ng lakas ko ang mga salita bibitawan ko.

"B-baby, Break up with me. Tell me that you want us to break up. Hindi ko kaya na ako ang makikipagbreak sa atin," malungkot kong sambit.

[Tingin mo ba madali lang para sa akin?]

"Baby... We need to end this," malungkot kong saad.

[Are you sure about this?] Tanong niya.

Natahimik pa ako ng bahagya dahil hindi ko kaya.

[Kasi... Kapag natapos na ito,] she stopped to take a deep breath. "Wala na... Wala ka ng babalikan pa,"

Parang isang kidlat ang sinabi niya sa'kin. Napabalikwas ako sa pagkakatayo na para bang isang malamig na tubig ang binitawan niyang salita.

"Baby.." natatakot kong sambit.

[Hindi ako isang bagay na kapag iniwan anytime pwede mong balikan. Always remember that kite when you let it go is difficult and blurry to obtain again,]

Tangina!

[Tell me, Sigurado ka na ba na maghiwalay na tayo? Dahil kapag naghiwalay na tayo wala na tapos na. This means that it is the last for us. Our finish lines and no longer can go or find other lines because it's finished,] malumanay niyang sambit. [Are you sure?]

"No," Biglang sagot ko..

Tinawag ako ni Akia.

and then Selene agreed.. to broke up with me.

Taranta kong hinanap ang susi ng kotse ko.

[Bro! Nakita namin si Yoreh kasama si Samuel at sabi nitong si Angel aalis daw si Yoreh! Tangina mo anong ginawa mo?!]Bulyaw sa'kin ni Sai sa tawag.

"fuck!" tanging sigaw ko at binabaan siya ng tawag.

Sunod-sunod pa ang luhang bumagsak sa pisnge ko habang naglalakad may mga napapatingin pa sa'kin.

"Return Selene's clothes. Please Mawi!" sigaw ko.

Nataranta naman agad siya, hinablot ko ang maleta ni Selene at inakyat sa kwarto niya.

Napigilan ko siyang huwag umalis pero pinagduduldulan niya sa'kin na hindi na siya babalik pa sa'kin kahit na ano ang gawin ko pero para sa kaniya handa akong maghintay.

Inaya ako nila Mom sa isang restaurant kung saan makikita ko ang half sister ko na talagang tinuring kong isang kapatid.

"Mabuti naman at napag-isipan mo na Liane na ipakilala sa amin si C.E," Tita Rina said.

Nakaakbay ako kay Liane dahil ito na ata ang huling beses na makakaakto ako ng ganito sa kaniya.

Nalaman kong Liane is pregnant, nung una ay nagalit ako dahil kasing edad lang siya ni Selene at masyadong bata pa siya pero wala na rin naman kaming magagawa pa. Mabait naman 'yung boyfriend niya at nakipag-usap naman sa'min.

Pinili kong dito sa restaurant na malapit kina Selene dahil sinabi kong pagkatapos ay pupuntahan ko si Selene pero nabigo ako dahil pagdating ko sa kanila ay wala na siya. Una kong tiningnan ang mga gamit niya pero wala na.. pati siya umalis na. Tinanong ko sila Angel at Mawi pero tanging pag-iwas lang ng tingin ang ginawa nila.

[B-baby? Where are you? Nandito ako sa apartment niyo at tinatanong ko sina Angel kung nasaan ka. Hindi nila ako sinasagot a-and 'yung mga damit mo wala sa cabinet mo. Please, Don't tell you change your decision? You promise.. na hindi ka aalis.. na hindi mo ako iiwan.. then w-why?] Nangangatog ang boses na tanong ko.

I heard her chuckled "Just wow," i bit my lower lips "Huwag mo na ako hanapin. Napakasama ng ugali mo! Ang lakas ng loob mong saktan ako ng paulit-ulit!"

Natahimik na naman kaagad ako. Ano ba ang pinagsasabi niya? Has I done something bad?

[A-ang sama-sama mo.. wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin ka..pero ikaw? Wala kang ibang ginawa kundi paiyakin ako.. saktan ako ng paulit-ulit,] she stopped [Ano bang kasalanan ko sa'yo? Ba't ganito mo'ko parusahan?]

"B-baby? What are you talking about? Nasaktan na naman ba kita? I told you huminto na ako sa pagtulong kay Akia tanging 'yung pinsan ko ang natulong na sa kaniya. I keep my distance away from her kasi alam kong masasaktan ka. Pag-usapan naman na'tin to, Huwag kang umalis mag-usap tayo, Selene," malambing niyang saad.

Humikbi siya "Hindi mo na ako madadala sa mga kasinungalingan mo--"

"I'm not lying."

"Yes you are!"

Ano ba talaga ang mga pinagsasabi niya?!

"Kitang-kita ko, Cyrus. Rinig na rinig ko," basag ang boses niyang sabi.

"Ano ba ang mga pinagsasabi mo? Bumalik ka dito.. No, kahit sabihin mo na lang kung nasaan ka at ako ang pupunta sa'yo. Ako ang hahabol sa'yo," pursigidong saad ko.

Sa bawat na salitang binitawan niya ay nalulunod ako. Ang sakit marinig galing sa kaniya na hirap na hirap na siya sa'ming dalawa na para bang suko na suko na siya. Gustuhin ko man.. gustuhin man ng mga paa ko nahabulin siya.. gustuhin ko man na pigilan siya ay hindi ko nagawa dahil nahihirapan siya.. dahil sa nasasaktan siya.

Ang katotohanan na mawawala na siya sa'kin ay parang dinudurog ang puso ko. Paano ko siya magagawang panatilihin sa tabi ko kung ang pananatili niya ang nagpapadurog sa kaniya? Mas ayos na ako ang madurog.. mas ayos na ako na lang.

Sa bawat araw na lumipas ay wala akong ginawa kundi ang magkulong sa kwarto wala akong gana na kumain dahil kahit anong gawin ko nasasaktan ako.. nasasaktan ako kasi nasaktan siya. Ano pa ang halaga ng paglaban ko? kung ang taong gusto kong ipaglaban ay iniwan ako?

"Kumain ka na, Cyrus! Huwag mo na isipin si Yoreh. For pete's sake! You deserves better!" sigaw ni mommy.

Pinapanood lang ako ni Mom and Dad pati ng mga kaibigan ko na tulala sa gilid. Yinakap ko ang tuhod ko at inangat ang tingin kay Mom. Alam kong gusto niya para sa'kin si Selene.

"Pero siya 'yung better na gusto kong madeserve," tanging sagot ko na nagpatahimik sa kanila.

Ilang taon ang lumipas ay siya pa rin at siya at siya pa rin talaga.

Nagkita kami sa university na pinapasukan niya. Sa unang dampi ng tingin ko sa kaniya ay gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero hindi ko ginawa dahil gusto kong ipamukha sa kaniya na kaya ko kahit wala siya.. kahit na hindi.

Ang akala ko pa ay mag-asawa sila ni Samuel dahil tinawag siya ng bata na Mommy. Nang marinig ko 'yon ay tuluyan ng gumuho ang mundo at ang tinayo kong pag-asa mabuti na lang at mali ang akala ko.

[Hello, Bro? Nandito kami sa birthday party ni Prince. Hinahanap ka ni Yoreh,] Ani Wendrix.

I don't know if he's telling the truth.

"H'wag mo'kong lokohin, Wendrix. Lagot ka sa'kin bubugbugin kita kapag pinagtripan mo'ko," Iritadong sambit ko.

[Chill, Bro. I'm not joking,]

"Really?" I sarcastically asked.

[Yeah, Gago! Totoo nga. Sabihin ko daw na maraming shanghai dito.]

"Are you fucking kidding me?"

[Ulol, Bilisan mo na,] natatawang sabi niya.

Sa hindi ko malaman na dahilan ay nagbihis na ako ng susuotin. Ilang beses akong inaya ni Akia na pumunta nga sa birthday ni Prince pero ng sabihin niya na kasama si Selene ay bigla akong umayaw pero ngayon na gusto niya ay pupunta ako.

Naiinis ako sa sarili dahil heto na naman ako nagiging mahina pagdating sa kaniya.

Natanaw na agad ng mata ko ang babaeng nagliliwanag sa kaniyang upuan. Mabuti na lang at nagsuot ng salamin, hindi niya makikita ang mata ko na halos lusawin na siya sa titig.

Para akong naalarma ng bigla siyang tumayo at kumapit sa braso ko. Walang emosyon kong tinanggal ang pagkakapit niya sa'kin. Kahit na nagbubunyi na ang kaloob-looban ko dahil sa pagdampi ng balat niya sa'kin..

Tinanggal ko ang suot kong salamin at binati ang mga kaibigan ko.

Nagpanggap ako na masaya at hindi siya nakikita dahil kapag ginawa kong balingan siya ng tingin ay talo na naman ako.. ako na naman ang mahina.. ayaw kong ipamukha sa kaniya na mahina pa rin ako na hindi ko pa rin kaya na mapalayo siya sa'kin.

Ilang beses niya akong kinulit at kinausap, Tanging ginawa ko ay sagutin siya ng pabalang. Tinanong niya pa kung bakit hindi Selene ang tinawag ko sa kaniya. Kung alam mo lang kung ga'no ko gustong bigkasin ang pangalan mo! Kung alam mo lang kung ga'no ko kagusto na hagkan ka.

"Can you fix your dress? Kitang-kita na 'yung cleavage mo," Iritadong sabi ko.

Kanina ko pa nakikita ang iilan na bisita na tumititig sa kaniya na para bang may kung ano na gustong tumulak sa kanila para lang kausapin 'tong babaeng 'to.. babaeng tanging gugustuhin ko.

"Style 'yan, Bro." Paliwanag ni Izi.

Tanginang style 'yan!

"Yeah, It's style," simpleng sagot niya.

"Really?" I sarcastically asked.

Hindi na siya sumagot pa sa halip binalik niya 'yung atensyon sa cellphone. Ano may boyfriend na ba siya? Kaya ba gan'yan nagniningning ang mga mata niya? Paano ako?

Tumawa siya kaya mas nairita ako. Hindi pwede ibang lalaking ang magpasaya sa'yo dapat ako lang Selene.. ako lang.

"Stop laughing," Seryosong utos ko.

Sinunod naman niya agad ako. Gusto kong hablutin ang cellphone niya para sa'kin lang ang atensyon niya.. pero ang tanging nagawa ko lang ay titigan lang siya.

"Bro, See you later daw," sumbong ni Ben at nginuso ang screen ng phone niya.

Nagtiim bagang ako, Ikinuyom ko ang kamao sa ilalim ng lamesa.

"Khalil pangalan, Bro," Sumbong naman ni Sai.

"Boyfriend mo?" Tanong ni Hugo.

Hindi siya sumagot, Tumakbo ang oras tinanong niya pa ako kung gusto ko ng juice pero hindi ko siya tiningnan at sinagot dahil natatakot ako.. natatakot ako na mabasag ang boses ko at manlambot sa maamo niyang mata.

Pasimple kong pinanood si Selene na masayang kinakausap si Prince. How I wished one day we have a child with whom she talks while wearing a wide smile on the lips.

May lumapit sa'king babae na daan upang pagselosin siya hindi nga ako nagkamali dahil bakas na bakas sa tono niya ang pagkakabigo.

"Can you please, don't pretend that you still own me?" no.. magpretend ka pa baby.. please.

"Bro," awat sa'kin ng mga kaibigan.

Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa salitang pinakawalan ko.

I chuckled "Because whatever you do I will not go back to you," sabay padausdos ng daliri sa buhok.

Babalik ako sa'yo.. Hindi nga lang muna ngayon, Gusto kong habulin mo pa ako.

"Wala ka sa isang teleserye or what! Hindi pagbalik mo after iwan ako ng ilang taon ay babalik ako sa'yo! Stop your nonsense!"

Umiiyak siya! Kinuyom ko ang kamao ko.

"Cyrus, Stop it! H'wag ka magsalita ng ganiyan! Napapahiya si Yoreh," saway sa akin ni Akia.

"Maghanap ka na lang ng ibang lalaki na hindi mo kayang iwan," matigas kong sabi. "Kasi hindi na ako babalik sa'yo cause you?" Tumitig ako sa kaniya. "You're not worth the wait,"

Sabihin mong hindi.. sabihin mong ako lang ang gusto mo.. sabihin mong ako lang hanggang dulo.

"Hey, Be careful on what you wish for." Napatingin ako sa lalaking nagsalita.

"Khalil," bulong ni Selene.

Halos hindi ako makahinga, 'Yun ang pangalan ng katext niya kanina.

Hinawakan niya ang sa braso ni Selene at dahan-dahan na tinayo. Gusto ko siyang awatin sa pagkakatayo. Gusto kong lumuhod sa harap niya para huwag umalis.

Khalil smirked "Dahil baka sa susunod na magkita-kita tayo," he stopped and planted a kiss on her forehead. "Sa kasal na namin ni Selene," anunsyo niya at nginitian si Selene.

How dare him! What right she had to kiss Selene in front of me! What is his right to call my world the way I called her! And what marriage is he talking about?! They walked away!

Hindi ko magawang maglakad palapit sa kanila para pigilan.

Pinuntahan ko ang address na binanggit sa'kin ni Samuel ng nakausap ko siya sa chat. Kung minsan sa kaniya rin ako nagtatanong kung ayos lang ba si Selene.

Sinamahan nila ako na puntahan si Selene sa unit ni Khalil na napag-alamanan kong may pusong babae.

Inuwi ko si Selene sa unit ko, Pinagluto ko siya ng adobo and we talked about some things. Nagkabalikan kami, Tinuruan ko siya na magluto.

Ang sarap magising sa tabi niya.

Magising sa tabi ng taong paulit-ulit kong papangarapin at hihilingin sa mga anghel at sa diyos.

I proposed to her, I have chosen in the Enchanted Kingdom because I found that Selene wanted it. After all, her older sister said. I also talked to her friends to witness me kneeling and offering to their friend my damn whole life. I also talked with her family about it before I went to the unit of Khalil.

Sa wakas pumayag na ang babaeng mahal na mahal ko.. ang babaeng pipiliin kong manatili sa buhay ko.. ang babaeng pipiliin ko pa rin kahit na iwan ako.. ang babaeng mamahalin ko ng higit pa sa kahit ano.. ang babaeng paglalaanan ko na ng oras.. ang babaeng gusto ko at tanging gugustuhin ko.

That girl is she. Yoreh Selene Antares soon to be Lavilla.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.