Ask for the moon 40
Matapos ng nangyaring nakakawindang kahapon ay nag-enjoy pa kami sa mga rides kasama 'yung mga kaibigan ko na minsan ko na lang ulit makita. Naikwento pa nga nila sa'kin na chinat pa talaga sila ni Cyrus para lang masabihan sa pagsusurprised sa'kin.
Ang magproposed sa harap ng mga mahal ko sa buhay ang pinakamagandang ideya para sa'kin. Iba pala talaga kapag sa gan'ong paraan.
Inayos ko ang kaunting buhok na sumabay sa ihip ng hangin. Napatingin ako kay Cyrus na nilagay sa likuran ng aking tenga ang tikwas ng aking buhok na tumatama sa'king mukha.
He smiled, As if I was the most immeasurable person he had acquired.
"Kinakabahan ka ba?" he asked.
I bit my lower lips and nodded.
"Oh, My Baby, Don't be because I promised to build a happy family to you and to stay at your side in my life time," Lumapit siya at hinimas ang buhok ko. "Alam nilang pupunta 'yung babaeng papakasalan ko kaya huwag ka kabahan sa kanila. Hindi rin naman sila nangangagat o kaya'y na ngangain ng tao," he joked.
Umirap lang ako narinig ko pa ang pagngisi niya bago ako hapitin sa baywang na parang pinapamukha niya sa nakakakita sa'min na pagmamay-ari niya ako.. na ako ay para sa kaniya.. na siya ay para sa'kin.
"Son!" I heard Tita Alejandra voice. "Omg, my future daughter-in-law is already here!" yinakap niya ako at sinuklian ko naman ang yakap niya.
"Mom, Mas inuna mo yinakap si Selene kaysa sa'kin, seriously?" Cyrus mouthed.
Nandidiri kong binalingan si Cyrus ng tingin dahil sa tono ng pagsasalita niya na para bang nagselos sa ginawa ni Tita.
"Seriously, Cyrus?" I asked.
Ngumisi siya "Just Kidding, Baby." sambit niya at hinapit muli ako sa baywang.
"Asus! Napakaclingy mo naman anak! Sige ka baka mairita sa'yo si Yoreh at iwan ka niya," Tita Alejandra teased him.
Cyrus chuckled "Kahit mairita pa siya sa'kin hindi ko siya hahayaan na iwan ako. Mom, please stop giving my Selene that idea,"
Me and Tita Alejandra laughed.
"Nagbibiro lang si Tita!"
"Omg Dear, You can call me Mama or Mom,"
My eyes widened, I bit my lower lips and nodded.
Mama or Mom?
"Mom, Where's Dad?" Cyrus asked.
"Ay nako 'yung ama mo nakikichismis na d'on sa ibang kapatid niya nakikipagkwentuhan na malamang sa malamang may baon na naman na chismis ang mga tito mo," Tita.. Mom laughed.
Umiling-iling pa siya habang natawa.
Bumaling ako kay Cyrus na natawa rin sa sinabi ng Mpm niya.
"Papakilala ko Mom si Selene kina Tito and to some of our relatives," sambit niya.
Naramdaman ko ang biglang pagdaloy ng kaba sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Alam kong dapat handa na ako kahapon pa pero hindi ko pa rin talaga maiwasan na kabahan kahit sabihin niya pang mababait ang mga relatives nila at magugustuhan ako ng mga ito.
Kinakabahan pa rin ako.
"Oh sige, Actually kanina pa kayo hinihintay ng mga tito mo tara," Aya niya sa'min.
Bumuntong hininga ako, Nakangiting bumaling sa'kin si Cyrus na para bang sinasabi ng mga mata niya na ayos lang talaga.. na wala dapat akong ikakaba.
"Armando, andito na ang anak mo pati ang mapapangasawa niya," Ani Mom,
Mapapangasawa niya, Ang sarap pakinggan!
Naalarma naman si Tito at tumayo siya at lumapit sa'min na nasa harapan ng lamesa nila.
"Ija!" sambit niya at niyakap ako.
Napabaling ako kay Cyrus na natatawa sa biglang pagyakap ng ama.
"Sinasabi ko na nga ba na kayo ang magkakatuluyan simula pa lang nung una kita makita! Alam ko na 'yung titig sa'yo ni Cyrus kakaiba," Laglag niya sa anak ng kumalas sa pagkakayakap.
"Ito na ba ang sinasabi mong si Yoreh ang mapapangasawa nitong si Cyrus, Armando?" tumayo ang lalaking kasing tangkad ni tito at bumaling sa'kin.
"Yes, Tito Ram she's Yoreh Selene my fiancée," Cyrus introduced me.
"Hello, I'm Ram kapatid ako nitong Father-in-law mo na si Armando at itong nasa gilid ko naman ay si Tito Raphael mo at ang nasa tabi niya ay si Tito Alfredo mo ,"
"Hello po," sambit ko.
"Ang ganda naman pala talaga ng mapapangasawa mo Cyrus," manghang sabi ni Tito Raphael.
Naramdaman ko agad ang pamumula ng pisnge gusto ko sanang isagot na 'Parang tanga naman Tito Raphael' pero hindi ko na sinabi dahil ayaw ko naman na maweirduhan sila sa'kin.
Tito Alfredo nodded "At mukhang mabait at magalang pa hindi katulad ng iilan na babae na nalalaman namin na syota mo na dinadaan-daan lang kami kung minsan kahit na kakilala kami,"
Napatingin ako kay Cyrus. Iilan na mga babae, huh? So marami na pala siyang nakalandian pa at pinakilala sa angkan niya.
"Baby," malambing na tawag niya. "Hindi gan'on ang ibig sabihin ni Tito Alf. I mean nakilala nung mga ex-flings or what ko sila dahil nagbabackground check at gan'on rin 'tong sina tito dahil mga chismoso nga diba sila. Hindi ko sila pinakilala sa mga relatives ko ikaw pa lang ang pinapakilala ko sa kanila. I swear! Crossed my heart! hope to die!" He seriously justify.
Narinig ko ang pagtikhim ng mga mas nakakatanda sa'min kaya bahagya akong nahiya. Tinitigan ko si Cyrus dahil nagsisimula na agad akong mairita dahil sa mga sinasabi niya. Naiirita ako, hindi ko alam kung bakit.
Bumuntong hininga ako ng mapagtanto na kahit anong irita ko basta tapunan niya lang ako ng mapupungay at maamong mga mata ay bumabaliktad na ang sikmura ko. Sa titig niya pa lang ay alam kong talo na ako pagdating sa mga ganito.
Basta akin na siya!
"Umupo na nga muna kayo! Kayo talaga past na 'yon hindi na dapat pang pag-usapan at ikaw naman Alfredo tigilan mo ang pagiging chismoso," Bulyaw ni Mom.
Kumamot naman sa ulo si Tito Alfredo "Pasensya na, Tara umupo na tayo 'yung misis namin ay nand'on sa loob ng kusina at nag-aasikaso ng kakainin,"
Hinawakan ako sa siko ni Cyrus at ginawi sa bakanteng upuan. Magkatabi kami, His left hand was getting into my right thigh reason why I hit him immediately on his arm.
"Tumigil ka nga," saway ko.
Pero imbis na pakinggan ako kay ngumisi lang siya sa'kin at bahagyang pinisil ang hita ko at dahil nakadress lang ako ay ramdam na ramdam ko ang mainit niya palad na dumapi sa balat ko.
"Cyrus," may pagbabantang sambit ko.
He pouted "Oo na," sa halip ay hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ang daliri.
"Ilang taon ka na, Ija?" tanong ni Tito Raphael.
"24 po," simpleng sagot ko.
They nodded,
"Ikaw Cyrus?" Tito ALfredo.
"27," simpleng sagot ni Cyrus.
Nagulat ako ng bigla niyang halikan ang kamay ko sa harap ng mga kamag-anak niya. Bumaling ako kina Tito Armando na natatawang umiling-iling para bang hindi makapaniwala sa sobrang kaweirduhan ng anak nila.
"Mag po ka," bulong ko.
He smiled "27 po," Ulit niya.
"Matanda ka pala ng ilang taon kay Yoreh," manghang sambit ni Tito Ram.
"Yeah, Three years po," Cyrus answered.
"Alam ko, Cyrus," pambabara ni Tito Ram.
Umirap sa kawalan si Cyrus bago ako balingan ng tingin. Narinig ko ang ngisi ni Tito Ram na para bang nagtagumpay siya sa pang-aasar sa pamangkin niya na todo ang pisil pa rin sa kamay ko.
"Yung iba mong pinsan ay nand'on sa loob nasa sala ata at naglalaro ng uno cards ba 'yon?" Baling ni Tito Armando.
Cyrus nodded "Mamaya na lang kami d'on tito at 'tsaka mas gusto ni Yoreh na dito muna sa garden sa labas kasi medyo mahangin. Baka kung ano lang gawin ng mga pinsan ko na katarantaduhan,"
Napatingin ako kay Cyrus, Seryoso ang pagkakasabi niya na para bang kilalang-kilala na niya ang mga pinsan niya. Ofcourse, Pinsan niya 'yon! May mga pinsan rin naman ako pero hindi ko sila close o talagang nakakausap ng matagal. Kasi naman kapag nagkikita-kita kami sa reunion or what nahihiya akong iaapproach sila samantalang si Ate close niya halos lahat ng pinsan namin. Well, mas madaldal naman sa'kin si Ate kaya hindi na ako magtataka.
Mom stood up "Babalik na ako sa kusina at tutulungan ko na sila na maghanda ng pagkain. Mag-usap muna kayo d'yan. When it's okay, you all be called." sambit niya.
Uminom muna siya ng tubig bago tumalikod sa'amin.
"Honey, Sarapan mo naman pagtimpla ng juice," pahabol ni Tito Armando.
Nanlilisik ang mata siyang tiningnan ni Mom bago tumalikod muli.
"Matabang kasi magtimpla ng juice," natatawang sabi ni Tito Armando.
I laughed, Ako rin!
Tito Raphael laughed "Ikaw na ang magtimpla d'on Alf!" utos niya.
Tito Alf chuckled "Ikaw na Armando asawa mo 'yon,"
Tito Armando sighed "Baka pagbalik ko dito puro pasa na'ko kaya tigilan niyo ko,"
Natawa naman agad kaming lahat sa sinabi ni Tito.
"Baby," bulong ni Cyrus sa tenga ko.
"Why?" tanong ko habang pinapanood ang mga nakakatanda sa'min na nagkukwentuhan.
He leaned on my shoulder "Pag nakita mo 'yung ibang pinsan ko na lalaki 'wag ka masyadong makipag-usap. Mga babaero 'yon at hindi malabo na harutin ka ng mga 'yon kahit na fiancée na kita," He softly said.
Umayos ako ng pagkakaupo para makita ng kabuuan ang pagmumukha niya. Nilayo niya ng kaunti ang mukha sa'kin. Direkta ko siyang tiningnan sa mga mata napansin ko rin ang paggalaw ng kaniyang panga at mabilis na iniwas ang tingin. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya kaya bumaling ulit siya sa'kin.
I nodded "Don't worry,"
He smiled "Pero mababait naman ang mga 'yon kaso lang talaga puro kalokohan 'tsaka mo na sila masyadong kausapin kapag nasa pangalan mo na ang apelyido ko."
I pouted "Okay," simpleng sagot ko.
Humilig ako sa balikat niya habang hinihintay ang pagtawag sa'min. Sa bawat paghinga ko ay nararamdaman ko ang ginhawa.
Inangat ko ang tingin sa madilim na kalangitan, kumiskislap na mga bituin at maliwanag na buwan. Malakas na ihip na hangin na dahilan kung bakit napahawak ako sa makisig niyang braso. Lumingon siya sa'kin na may suot na magandang ngiti sa labi.
"Are you cold?" he asked.
"A little bit,"
He nodded "Gusto mo ba pumasok muna sa loob?"
Seryoso ko siyang tinitigan, Ayaw niyang kausapin ko o ako ng pinsan niyang lalaki kaya ayaw niyang pumasok muna kami hangga't hindi pa ayos ang pagkain.
"Are you sure?" Tanong ko.
"Yeah, 'Tsaka nilalamig ka na babantayan na lang kita para hindi ka malapitan ng iba kong pinsan," malambing niyang sabi.
I nodded.
"Dad and Tito's d'on muna kami sa loob giniginaw na kasi si Selene," paalam ni Cyrus.
"Oh sure!" sagot nila.
Hinawakan na ako sa baywang ni Cyrus at maingat na inangat. Nginitian ko ang mga nakakatanda sa'min bago tuluyan na maglakad.
Napatingin ako kay Cyrus na salubong ang kilay habang naglalakad kami. Gumalaw muli ang panga niya kasabay ng paghigpit ng hawak sa'kin ni Cyrus.
"What are you doing here?" matigas ang tono na tanong ni Cyrus.
Dahan-dahan na umangat ang tingin ko sa babaeng tinanong niya. She's wearing a black dress at maamo ang mukha.
"Hi, My name is Yoreh Selene. I'm Cyrus fiancée," pakilala ko bago maglahad ng kamay.
Nanlilisik ang mata niyang tinitigan ang kamay ko na naiwan sa ere. Bumaling ako kay Cyrus na nakatingin sa'kin habang namumutla ang mukha.
"Hera, Cyrus Ex-girlfriend," she said and shook my hand.
Naestatwa naman ako sa sinabi niya, Naguguluhan akong bumaling kay Cyrus. Sa mahigit ilang taon na nagkahiwalay kami hindi malabo na mayr'on siyang mga naging ex pa bukod kay Akia at sa'kin. Ang akala ko ay pinsan niya rin 'to dahil sa maganda rin pero hindi pala!
Magsasalita pa sana si Cyrus pero inunahan na siya ni Hera.
"I'm pregnant,"
Parang isang kidlat ang salitang binigkas niya bahagya akong napaatras. Na pawang may taong tumulak sa'kin para mapaatras sa kaniya.. sa kanila. May kung ano na naman na tumusok na matulis na punyal sa dibdib ko kasabay ng pagbara ng kung ano sa lalamunan ko. Nagsisimula ng manlabo ang paningin ko dahil sa luhang gusto na kumawala. Naninikip na naman ang dibdib ko. Kala ko tapos na ang lahat ng 'to.
Agad akong tumalikod kasabay ng pagtulo ng luha sa pisnge ko. Ang tanga-tanga ko kung bakit ba hindi ko 'to naisip?! Bakit ba hindi ko naisip na pwede.. na pwedeng mangyari ang ganito.
Kahit hirap ay dahan-dahan kong nilingon sila Cyrus. Matiwasay silang nag-uusap sa bawat titig ko sa kanila ay parang pagsampal sa'kin ng katotohan na hindi kami nasa isang fairytale na may masayang happy ending dahil sa realidad ay malabo.. malabong magkar'on ng masayang pagtatapos.
Iniwas ko na ang paningin sa kanila narinig ko pa ang tawag sa'kin ng mga tito niya at si Tito Armando ng lumagpas ako sa kanilang lamesa habang umaagos ang mga luha. Naglakad akong ng daretso at walang lakas na loob na huminto dahil ano pang karapatan ko tumungtong dito?
Sana.. Sana pigilan mo'ko.. Gustuhin ko man na pigilan niya ako ay may parte rin na ayaw ko dahil ayaw kong makasira ng pamilya.
Nangangatog ang kamay kong tinakpan ang bibig kasabay ng paghikbi. Ang buhok ko na sumabay sa ihip ng hangin na humarang sa pagmumukha ko.
Ang sakit isipin na nangako na siya na ako na.. lumuhod na siya sa harapan ko.. na kami ang makakabuo ng pamilya na gusto namin.
Pero bakit sa iba niya matutupad 'yung pangakong binitawan niya?
Bakit sa ibang babae na siya bubuo ng pamilya?
Bakit sa ibang babae na siya muling luluhod?
Bakit ganito na naman 'yung sakit?
Paano na kami kung gan'to?
Paano na naman ako?
Ang akala ko wala ng mas sasakit pa sa nangyari dati pero mas masakit pala 'yung kala mo kayo na.. na pwede na.. pero hindi pa pala.