Chapter Pepper’s Chase: 18

NAPABALIKWAS ng bangon si Pepper nang pagmulat niya ay nasa isang silid siya na hindi pamilyar sa kanya. Nakatulog siya sa sasakyan at sinabi ni Chase na gigisingin siya. Sa halip ay natagpuan niya ang sarili sa isang lugar na hindi niya alam.

Iginala niya ang mata sa paligid subalit wala ito. Sumilip siya sa bintana at nakitang madilim pa rin sa labas. Pinakiramdaman niya ang sarili. Suot pa rin niya ang damit na suot kanina. Ibig sabihin ay wala itong ginawa sa kanya.

Lumabas siya ng silid. “Chase!” sigaw niya at bumaba ng hagdan. “Nasaan ka?”

Nagkasalubong sila nang lumabas ito mula sa kusina bitbit ang tasa ng kape. “Ano ba ang nangyari sa iyo at nagsisisigaw ka?”

“This is not my house!” nagpupuyos niyang sabi. “Nangako ka na iuuwi ako…”

“Shhh!” saway nito. “Gigisingin mo ang buong village sa kasisigaw mo.”

“Anong ginagawa natin dito? Anong lugar ito?” mariin ngunit mahina niyang wika.

Nagmamalaki itong ngumiti at iginala ang tingin sa paligid. “This is our house.”

“Our house?”

“Yes, our house.” Inalalayan siya nito patungo sa sala. “Dito na tayo titira kapag kasal na tayo. So feel at home.”

Iniikot niya ang paningin. Maganda ang mga muwebles pati ang disenyo sa paligid. They are simple but elegant. Pastel color ang pinta sa mga dingding kaya malamig sa paningin. Hindi niya iyon napansin kanina sa sobrang pagkalito kanina. This is the kind of house where she would like her children to grow up to.

Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat mula sa likuran. “Kung may gusto ka pang baguhin, please feel free to do so.”

“No. It’s perfect,” aniya. “Ito mismo ang gusto ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito?”

Hindi nila napag-usapan kung saan sila titira pagkatapos ng kasal. Masyadong na-focus ang atensiyon niya sa paghahanda sa kasal at sa exhibit.

“It’s a surprise. Matagal nang nasa pangalan ko ang lupa. Ipinatayo ko ang bahay pagdating ko sa Pilipinas. Gusto ko kapag kinasal ako, may uuwian na kami ng bride ko. Ngayon lang kita idinala dito dahil kailan lang natapos itong bahay. I want it fully furnished once I bring you here. Master’s bedroom ang tinulugan mo kanina. It’s big enough for the two of us. Siguro hindi ka na magde-demand ng hiwalay na kuwarto.”

Nag-init ang pisngi niya at tumayo upang hindi nito mapansin ang pamumula niya. “Maganda nga. Pero iniisip ko lang kung saan ilalagay ang workshop ko.”

“Iyon mismo ang dahilan kung bakit idinala kita dito.” Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa likod ng bahay. May binuksan itong isang silid na wala pang laman o disenyong kahit ano. “This will be your atelier.”

Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman habang hinahaplos ang malamig na dingding. Mas malaki ang silid na iyon kumpara sa nasa bahay niya.

“It’s still void of design because I want to give you the freedom in choosing the design you want. Sa iyo ito kaya ikaw ang dapat na masunod. Nagustuhan mo ba?”

Yumakap siya dito. “I love it.”

“Wala ba akong thank you?” pabirong tanong nito.

Tinitigan niya ang mga mata nito. She pulled his head near hers and their lips met. Matagal na niyang hinihintay ang halik na iyon. His lips took hers in an all-consuming passion. He was taking everything with that kiss.

“Chase, please do me a favor.”

He kneaded her face. “What favor?”

“I want to remember that night. Detail by detail.”

BILANG sagot ay binuhat ni Chase si Pepper at ipinasok sa loob ng bahay. “You were half-awake when I swooped you out of my car,” sabi nito habang naglalakad sila. “You were so talkative that night. Lagi mo akong hinahamon na patunayang totoo akong lalaki at hindi ako katulad ni Perry.”

“I remember that,” anas niya.

Galit na galit siya noon. Ngunit malinaw pa sa alaala niya ang init ng katawan nito. Maybe it was the alcohol. Subalit mas malinaw ang pandama niya ngayon. Nararamdaman niya ang pagtugon ng katawan nito sa paglalapit nila.

She opened the button of his shirt and pressed her open lips to his bare skin. Humigpit ang hawak nito sa kanya. “Don’t,” saway nito. His voice in pure agony. “Kapag hindi mo itinigil iyan, pareho tayong gugulong pababa nitong hagdan. And you are not following the script.”

“But I want to feel you.” To hell with the script.

Nalasahan na niya ang mga halik nito. Bukod sa pagkakataong nasa impluwensiya siya ng alkohol, ngayon lang niya nadama ang balat nito. And she loved the feel of her hand and lips on his skin.

He gave out a hiss. “Not yet, Pepper,” he said when her lips touched his skin.

“Mas mabuti na ang ganito,” katwiran niya. “Lest I will rip your shirt again. Hindi ako marunong manahi.”

“Bibili na lang ako ng bago,” natatawang sabi nito.

Naglaho ang ngiti nito nang ipagpatuloy niya ang pagkalas sa butones ng damit nito. Her lips remained motionless at the base of his throat. Subalit hinayaan naman niya ang palad na maglakbay sa katawan nito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.