Chapter Pepper’s Chase: 20

“Are you hurt?” tanong ni Chase habang hinahaplos ang buhok ni Pepper.

Umiling siya at iniunan ang ulo sa dibdib nito. Wala sa sarili siyang napangiti. “I just remembered you telling me that I will forget all the pain and all I will remember was pure pleasure.” Ibinaba niya ang tingin. “Well, nagsabi ka ng totoo.”

Nakalimutan niya ang lahat ng sakit. He was so gentle yet so passionate. She was only glad that she gave herself to him the first time kung kailan mahal na niya ito. It made everything so special.

Tinalunton ng daliri nito ang kanyang mukha. “I remember teasing you that we shared a passionate night together. I was only trying to tease you. Naiinis ako sa iyo dahil pati ako sinabihan mo ring bakla. But the truth is I was taunting myself dahil walang nangyari sa atin. You passed out before we even hit the sheets. I slept naked with a gorgeous woman but I can’t have you.”

“Napipikon na ako noon sa iyo. Alam ko kasi na walang nangyari pero lagi mong inilalayo ang isyu. Lagi mong ipinipilit na inakit kita at…”

“Lagi mo naman akong inaakit.”

Kinurot niya ito sa braso. “Nang-iinis ka na naman.”

“Any regrets?” tanong nito.

Umiling siya. Paano niya pagsisisihan ang isang bagay na bukas-mata niyang ginawa? Alam niya sa sarili na mahal niya ito. Akala nga niya ay hindi na siya magmamahal pa ulit pagkatapos ni Perry. But he brought her back to life.

“Baka ikaw ang nagsisisi,” sawata niya.

“The first time I saw you at the bar, I’ve been thinking about this. I keep on saying that when we’re together, we’ll explode. Alam ko na ngayon na hindi lang iyon dahil lagi tayong nag-aaway. We have a chemistry.”

Pinagmasdan niya ito. “Chemistry? This happened because of chemistry?”

Tumango ito. “We can’t deny the attraction, Pepper. Alam natin na anytime soon, sa ganito rin tayo hahantong.”

Napapailing siyang bumangon. “Chemistry lang pala ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito,” mapait niyang sabi.

Hindi iyon ang inaasahan niyang isagot nito. Ibinigay niya ang sarili dito dahil mahal niya ito. She wanted to hear that he also loved him. Sa halip ay tungkol lang sa chemistry ang sasabihin nito. Ayaw pa mandin niyang maririnig ang tungkol sa chemistry dahil kaaway niya ang chemistry teacher niya noong high school. Ngayon ay chemistry na ang kaaway niya dahil ganoon lang kababa ang nararamdaman sa kanya ni Chase.

“Pepper…”

Bago pa nito nadugtungan ang sasabihin ay buong lakas niya itong itinulak sa kama. Napahiyaw ito nang bumagsak sa sahig. Dali-dali itong bumangon at may bahid ng iritasyon siyang hinarap. Unlike the first time she saw him naked, hindi na siya nailang nang pumarada itong hubad sa harap niya. Nangibabaw ang galit niya.

“Bakit mo ginawa iyon?” tanong nito.

“Nagtatanong ka pa!”

Kung mas malakas siya ay baka isang uppercut pa ang ibinigay niya dito. Mabilis siyang bumangon at ibinalabal ang bedsheet sa sarili. Hindi nakaligtas sa kanya ang mantsa na naroon, the proof of her now gone virginity. Parang isang pagkakamali na dito niya ibinigay dahil lang sa chemistry.

Nanatili pa rin itong nakatayo na parang isang marmol na estatwa. Mukha itong fertility god. Subalit sa mga oras na iyon ay mas gusto niya itong gawing pataba sa lupa.

“Pepper, ano ang problema mo?” tanong nito. “I thought everything’s okay.”

Natigil siya sa pagdampot ng gown. Gusto na niyang umiyak pero pinigilan niya ang sarili. Lalo lang siyang magiging kawawa.

“The problem is I was so stupid to give myself to you.”

Pumasok siya sa banyo at nagbihis. Kumatok ito. “Pepper, sabihin mo kung ano mali sa ginawa ko. Hindi na mauulit.”

Hindi siya sumagot. Walang mali sa ginawa nito. He was a perfect lover. Pero sa sinabi ay mayroon. Sana ay sinabi man lang nito sa kanya na espesyal siya dahil mahal siya nito. Ano ang ipinagkaiba niya sa mga naging girlfriend nito noon? Lahat ng mga babaeng iyon ay pinatulan nito dahil sa chemistry. Hindi niya kailangan ang chemistry nito. Kailangan niya ang pagmamahal nito. Pero hindi siya nito mahal.

Marahas niyang binuksan ang pinto. Nakadamit na itong nakatayo sa may pinto. “Tumabi ka diyan,” aniya sa mababa ngunit mapanganib na boses.

“Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Mas gusto mo na hinintay ko muna ang kasal natin? I’m sorry. Pero…”

Naningkit ang mga mata niya nang marinig ang salitang kasal. “Kasal? Sa tingin mo ba magpapakasal pa ako sa iyo pagkatapos nito? Wala nang kasal!”

Hinawakan siya nito sa braso at nagseryoso ang anyo nito. “After what we had, saka mo sasabihing ayaw mo na akong pakasalan?” Binitiwan siya nito at nasapo ang noo. “Daig ko pa ang babaeng pinangakuan ng kasal ng boyfriend. At pagkatapos makuha ang gusto ay saka ako iiwanan.”

Hindi niya napigil ang sarili. Sa labis na galit ay umigkas ang kamao niya at tumama sa panga nito. Nasapo nito ang nasaktang panga. Laking tuwa lang niya kung nabasag ang panga nito. He deserves it.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.