Natigil siya sa pag-iyak. Napalitan iyon ng matinding inis. Kinuha niya ang sandalyas na nasa buhanginan at ibinato dito.
Nasapo nito ang tinamaang ulo. “Aray!” Hinarap siya nito. “Bakit ka nambato?”
“Tanga ka kasi! Bakit ka pa nagpunta dito kung hindi mo naman pala ako isasama pabalik sa iyo?” bulyaw niya.
“Ayokong pilitin ka.”
Naipadyak niya ang isang paa. “Gusto ko ngang pilitin mo ako. Mas matutuwa pa ako kung pinuwersa mo ako. Binuhat mo sana ako at isinakay sa kotse mo. Sa umpisa lang naman ako kokontra. Sa huli papayag rin ako.”
Naguguluhan siya nitong pinagmasdan. “Ano ba ang sinasabi mo?”
Sumimangot siya. “Naiinis ako sa iyo dahil duwag ka. Ang laki-laki mong lalaki pero lampa ka. Ni hindi mo ako ipinaglalaban.”
“Kanino kita ipaglalaban?”
“Sa sarili ko. Na parang laging hindi ang isasagot ko sa iyo. Ni hindi ka nagtanong kung ano ang nararamdaman ko para sa iyo. Tinanong mo sana kung mahal kita. O kaya kung gusto kitang pakasalan. Oo ang isasagot ko. Paano mo ako makukumbinsing mahal mo ako kung hindi ko naman nararamdaman? Kung hinalikan mo ako, hindi ako kokontra. I’ll even kiss you back.”
Lumapit ito sa kanya. Tingin yata nito sa kanya ay isang babaeng nakawala sa mental hospital. “Bakit ganyan ka magsalita? Nahihibang ka na!”
“That’s the exact word. I’m crazy. And it’s all your fault.” Dinuro niya ang dibdib nito. “Alam mo bang parang tanga akong naghihintay sa iyo diyan sa batuhan na iyan. Na sana dumating ka para sunduin ako. Nagha-hallucinate na nga ako na parang naka-shabu dahil nakikita kita sa harap ko. Pero kapag hinawakan kita, hangin lang pala. I miss you, Chase. Gusto kitang yakapin nang makita kita kanina.”
He intently looked at her. “Bakit nami-miss mo ako?”
Sinalubong niya ang mata nito. “Because I love you. I gave my self to you the same way I allowed you to possess my heart and soul. At kung hihintayin mo ako sa altar, darating ako dahil mahal kita. Alam mo bang babalik na ako bukas para sabihing mahal kita? Pero wala namang kwenta ang pagmamahal ko. Mabuti pa ang ilusyon mo, pumunta para sunduin ako. Samantalang ikaw, hindi mo man lang iyon nagawang sabihin sa akin pagkatapos may mangyari sa akin. Wala ka nang sinabi kundi chemistry. I want you to marry me not because of that damn chemistry but because you love me.”
Naputol ang anumang sasabihin niya nang siilin nito ng halik ang labi niya. Sapat na ang halik na iyon upang maglaho ang lahat ng sama ng loob niya. She returned his kisses in wild abandon.
She locked her arms around him. Ayaw na niyang mawala pa ito sa kanya. Sawang-sawa na siya sa Chase na naglalaho sa hangin. She loved the Chase who’s kissing her and touching her as if he didn’t want to let her go.
“Gusto kong sakalin ang sarili ko nang umalis?” anito sa pagitan ng paghalik sa paligid ng kanyang mukha. “Isip nga ako nang isip kung bakit. I’m sorry. Hindi ko alam na gusto mong marinig na mahal kita. I’m not good in words. Siguro dahil natatakot ako sa isasagot mo. Baka hindi mo ako mahal. I didn’t expect that you’ll love me back.”
Para silang mga sira. Pareho lang silang natatakot sa isang bagay na hindi dapat na katakutan. The truth set them free.
“I love you, Chase. Kahit na libangan mo nang inisin at biruin ako. The same way that you love me kahit na malala ang topak ko. I wonder kung paano mo akong nagustuhan. I’m not even your type.”
“You had branded me yours the moment you left this imprint in my hand.” Itinaas nito ang kamay na may marka ng ngipin niya. “You marked me like no other woman did. Since then, I know that you will always be someone special. What we had was special. You are special.”
“Special ba iyon samantalang wala ka nang ginawa kundi inisin ako? Hindi ba’t sinabi mo pa nga na magiging old maid ako.”
Humalakhak ito. “Hindi naman nagkatotoo, hindi ba? Because you will be my bride.” Ginagap nito ang kamay niya. “Pinapatawad mo na ba ako.”
“Basta pagbabayaran mo ang kasalanan mo sa akin.”
“Paano?”
“Make it up, Chase. Ipakita mo sa akin na mahal mo ako.”
He smiled temptingly. “I’m willing to oblige.”
When he claimed her lips, she felt the longing, hunger and love that she couldn’t put into words. Nang mawalay siya sa piling nito, para siyang buhanging tinatangay ng ipu-ipo. But now, the sand is settling. Back to the beach where it belonged.
The same way that she’s back in his arms, in his heart.