Namasa ang mga mata niya sa realisasyon. Mahal niya si Chase. That made their lovemaking so special. Ibinigay niya ang sarili sa lalaking mahal niya. At ang totoong pagmamahal ay hindi naghihintay ng kapalit.
Naalala niya ang sinabi nito sa kanya. Na pipilitin daw siya nitong mahalin niya ito. Ngayon ay nagawa na nito. Bakit hindi rin niya gawing ito namana ng turuan niyang magmahal sa kanya?
Subalit hindi iyon madali. Wala siyang lakas ng loob. Paano kung kahit subukan niya ay hindi siya nito magagawang mahalin?
Pinisil nito ang balikat niya at tumayo. “Time is running out. Mag-isip ka na kung mag-iisip ka. Make it fast. Alalahanin mo na kailangan mong harapin ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.”
Nakadama siya nang matinding takot sa dibdib. “Perry, can’t I stay here forever?”
Umiling ito. “Huwag kang magtago. Harapin mo siya. Maging totoo ka sa puso mo at huwag kang matakot. Kapag wala ka nang problema, pwede kang bumalik dito. Mas mag-e-enjoy ka.”
ANIMO’Y batang paslit si Pepper habang namumulot ng kabibe sa tabing-dagat at nakikipaghabulan sa alon. Iyon ang huling araw niya sa resort kaya nangunguha na siya ng souvenir. Tama si Perry. Kailangan niyang harapin ang problema. Sinusulit lang niya ang oras sa mala-paraisong lugar na iyon.
Wala pa rin siyang desisyon tungkol sa kanila ni Chase. Mahigit isang linggo na lang at kasal na nila. Hindi niya alam kung tutuloy siya. Ni wala pa nga siyang naiisip na sabihin dito kung sakaling magkaharap sila. Pero gustong-gusto na niya itong makita.
“Dito ka lang pala nagtatago. Alam mo bang kung saan-saang lupalop ka namin hinanap? Pinag-alala mo kami.”
Nabitiwan niya ang hawak na kabibe at lumingon sa nagsalita. “Chase?”
Ilang beses niyang ikinurap ang mata subalit hindi pa rin naglalaho ang imahe nito. Maraming pagkakataon niyang hiniling na dumating ito upang sunduin siya. Kapag nasa tabing-dagat siya, parang nakikita niya itong nakangiti sa kanya. Subalit kapag hahawakan na niya ito ay naglalaho ito. She just realized that she missed him so badly.
Lumapit ito at inilagay sa likod ng kanyang tainga ang buhok na naligaw sa kanyang mukha. “You look good. No wonder nawiwili ka dito.”
Napasinghap siya at napaurong. Gusto niyang pigilin ang sarili na yakapin ito dahil baka bigla itong naglaho. “A-Anong kailangan mo?”
Inalis nito ang shades at nakita niya ang nanlalalim nitong mga mata. Sa tingin niya ay ilang araw na itong walang matinong tulog. “Huwag kang mag-alala. Wala akong planong pilitin kang sumama sa akin pauwi. Tinawagan ako ni Perry at sinabing nandito ka para hindi kami mag-alala. Gusto ko lang I-check kung maayos ka. Sa tingin ko nga hiyang ka dito. Hindi ka naman niya pinababayaan.”
Namaywang siya. “At ngayong nakita mo nang okay ako, ano pang kailangan mo?” mataray niyang tanong.
Lumambot ang anyo nito. “Gusto kitang makausap. Marami akong tanong. Hindi ko alam kung bakit ka nagalit. Hindi ko alam kung ano ang mali kong nagawa. But whatever your reason is, hihintayin pa rin kita sa altar.”
Nanikip ang lalamunan niya sa pinipigil na luha. Dahan-dahan nitong tinutunaw ang puso niya. “Why are you doing this, Chase? Are you trying to ease your guilt? Takot ka ba sa pamilya ko? Sa simula pa lang, hindi mo na ako kailangang pakasalan. You knew I was a virgin. Pwedeng patunayan ng medical records. Umurong na ako sa kasal pero itinuloy mo pa rin.”
He tenderly caressed her face. “Because I fell in love with you the moment I saw you at the bar. Akala ko simpleng atraksiyon lang iyon. Pero hindi kita maialis sa isip ko. I wanted to take you that night but I didn’t. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko ginawa at gusto kong paniwalaan mong naging akin ka. Kahit na biro. Kahit na sandali lang. At bakit hindi ako kumontrang pakasalan ka? Because I love the idea. Ayoko nang mawala ka sa akin. Kung hindi dumating ang kuya mo at pinilit na ipakasal tayo, I would still pursue you and make you love me. Kaya kung hindi mo ako mahal, huwag ka nang magpakita sa simbahan. Huwag mong isipin ang pamilya mo dahil ako ang magpapaliwanag sa kanila. Isipin mo ang sarili mo. Sundin mo kung ano ang gusto mo.”
Yumuko siya upang itago ang pagluha. Mahal siya nito. Kahit minsan balingo ang paniniwala nito at wala itong ginawa kundi inisin siya, mahal pa rin siya nito.
Pag-angat ng paningin niya ay nagulat siya nang makitang wala na ito sa harap niya. Tila isa itong talunan. Nakayuko ang ulo, bagsak ang balikat at nakapamulsa habang naglalakad palayo.
“Chase, saan ka pupunta?” sigaw niya.
Nilingon siya nito. “Aalis na ako. Ayokong abalahin ka pa. Sasabihin ko sa kanila na ligtas ka dito para hindi na sila mag-alala.”