CHAPTER 33

AURORA’S POV

Hindi ako mapagpahinga sa kakaisip sa pagsabak ng aking munting anak sa delikadong paghahanap. Pero wala akong iba pang mapagpipilian.

Tumayo si Caleb at saka inilabas ang isang scroll paper mula sa kanyang bulsa. Ang paper ay napakanipis at halos mapunit na ito sa sandaling buksan naming ito.

Inilapag naman iyon ni Caleb sa may lamesa at saka ito nagsimulang magpaliwanag, “Ibinigay ito sa akin ng isang makapangyarihang manghuhula dahil may utang na loob siya sa akin. Isa itong sinaunang mapa na magtuturo sa atin upang mahanap ang portal. Nasa gitna ito ng isang kagubatan. Ang gubat na ito napapaligiran ng mga napakalawak na dagat, mga desyerto at matataas na bundok.”

“Dang it! Caleb, imposibleng madadala natin ang bagong silang na sanggol sa ganyang lugar! Paano naman kakayanin ni Tiara ang walang katapusang paglalakbay at iba-ibang klima na haharapin natin….” sabi ko.

“Sino bang nagsabi na kailangan nating maglakbay? Kaya nating mag-teleport,” sabi ni Zarina habang inaangat ang kanyang balikat kasabay ng kanyang kamay.

Agad ko namang nahampas ang noo ko. Nakalimutan ko na may kapangyarihan nga pala ako. Si Tyson at Aslan ay pwedeng magpalit-anyo bilang mga dtragon at lumipad papunta doon. Ang mga daan papunta doon ay mahirap kung isa kang normal na tao.

Matapos naming pag-usapan ang mga detalyeng gagawin namin, agad naman akong hinila nina Tyson at Zarina sa isang sulok para sa kausapin ako.

“Aurora, sa tingin mo ba makakaya mong magpunta doon ng ligtas kasama ang anak mo?” sabi ni Zarina ng may nag-aalalang boses.

Nagtaas kilay naman ako sa pagtataka, “Hindi ba’t sinabi mong kaya nating mag-teleport?”

“Oo kaya mong mag-teleport papunta sa portal. Pero pgkatapos no’n, kailangan mo ang mga binti mong palakasin sa oras na matunton mo ang bato. Ang mahika ay hindi gumagana sa lugar na iyon, maski ang mga dragon at mga werewolves ay mawawala din ang kanilang mga kapangyarihan sa lugar na iyon.”

“What the bloody hell! Bakit hindi mo sinabi ang bagay na iyan ng mas maaga? Hindi ko ipupunta ang anak ko sa mapanganib na misyon na ito. Baliw na ba si Tyson para isipin na papaya ako!” sabi ko habang naglalakad palapit kay Tyson.

Hinila naman agad ako ni Aslan pagnalik sa sulok bago pa man ako makalayo. “Please making ka muna sa lahat ng sasabihin naming,” sabi niya at may nagmamakaawang mga mata.

Pinulipot ko ang mga kamay ko at saka sinabing, “Sabihin mo na ang gusto mong sabihim.”

“May plano kami. Pwede tayong mag-teleport papunta sa portal at buksan agad ito sa tulong ni Tiara. At babalik kami pauwi ni Aslan kasama si Tiara habang kayo nina Tyson at Caleb ay dederetsyo para hanapin ang bato.” sabi ni Zarina.

Ilang beses akong huminga, hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. “Hindi ko magagawa iyon Zarina… huwag mo sanang masamahin. Hindi sa hindi kita pinagkakatiwalaan… pero hindi ko kayang mapalayo sa anak ko.”

Hinawakan ako ni Aslan sa balikat at sinabing, “Hindi ka naming pinipilit na gawin iyon, Aurora. Pero gusto kong pag-isipan mo ito ng mabuti.”

“Tama si Aslan, Aurora. Kapag hindi natin nahanap ang heart of magic, hindi mawawala ang panganib na nakaabang sa anak mo.”

“Kapag sinabi natin ang tungkol dito kay Tyson, hindi siya papayag sa gano’ng pakikipagsapalaran. Alam ko kung gaano siya kaparanoid!”

“Hmmm… totoo iyon… bakit hindi natin gawin ang ganito. Babalik ako kasama ni Tiara dito sa palasyo habang si Tyson at si Caleb ay hahanapin ang bato.”

“Ang bato ay mahahanap mo lamang kapag may kasama kang pure blood-witch. Maaaring ako ang pumunta pero isa lamang akong hybrid.”

Nanatili akong nakatayo habang pinag-iisipan ko ang mga sinabi nila. Napakahalaga ang desisyong iyon at hindi ako pwedeng basta-bastang magpadalos-dalos…

“Hindi mo kailangang magmadali, Aurora. Pag-isipin mo munang maigi.”

Isang gabi na lang bago ang paghahanap naming, naupo ako sa may hardin at pinag-iisipang mabuti ang inalok sa akin nina Aslan at Zarina. Kahit pa anong hirap kong subukang mag-isip, hindi ako makaisip ng mas mabuting ideya o plano.

Bigla namang naupo sa bench na malapit sa akin si Caleb at pinagmamasdan ako at si Teytey ng napakatahimik lamang.

Hindi naman siya gano’n. Gustong-gusto niyang nakikipag-usap sa akin lalo na kay Teytey.

“Bakit tila ata ang tahimik mo tulad ni Tyson? May gusto ka bang sabihin?”

Binasa niya naman ang kanyang labi at sinabi sa mabibigat na paghinga, “Sa oras na mahanap natin ang bato, kailangan ko na ding bumalik sa amin. Gusto ko lamang itatak ang mga espesyal na ala-alang mga ito sa puso ko.”

Halos mahulog ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko iyon naisip na mangyayari. Kapag nahanap na ang bato, ang mahikang nakapalibot kina Tyson at Caleb, ang Code Red, ay mawawala na ng bisa nito. Sa kanilang mahabang kasaysayan ng pag-aaway, sa palagay ko hindi nila magagawang mabuhay ng may pagkakaisa na may kusang-loob.

Kailangan ko ng magdesisyon mamaya…

TYSON’S POV

Pakiramdam ko ay nasasabik akong lumipad pa sa kalangitan at hindi ko mapigilan ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking katawan.

“Aslan, guto mo bang mag-unahan tayo katulad lamang noong mga bata pa tayo?” tanong ko at lumipad ng mabagal para makasabay ko siya.

“Nagbago na ang panahon Tyson. Hindi na tayo mga bata na kaya pa nating pagkatiwalaan ang isa’t-isa.”

Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya. Ano ang kinalaman ng tiwala sap ag-uunahan?

“Aslan, ano ang ibig mong sabihin?”

“Wala… dumulas lang sa dila ko… bilisan na lang natin… siguradong hinihintay na tayo ni Aurora.”

Patuloy siya sa paglipad ng mabilis hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Naghintay ako ng ilang mga sandali at nagbabakasakaling babalikan niya o hihintayin niya ako pero hindi man lang siya bumalik.

Ang inaasta niya ay tila kakaiba. Hindi niya ako nagawang iwanan dati. Sigurado akong may gumugulo sa kanyang isipan. Pinapangako kong aalamin ko iyon mula sa kanya pagbalik namin.

AURORA’S POV

Ang mga huni ng dahon ng mga puno at mga tangkay nitong kumakaway sa amin ang siyang bumati sa amin pagkarating namin.

Agaad ko namang hinawakan ng iisang kamay lamang si Tiara at saka humawak agad sa isang tangkay ng puno at saka sinabing, “Mukhang matagal na ang punong ito. Pero ramdam ko ang lakas nito na dumadaloy sa aking mga ugat.”

“Iyon na nga… maaaring nasa apat na daan na ang taon nito,” sabi ni Zarina habang sinusuri ang puno.

“Ano na ang gagawin natin? Kahit pa ang tagapaghula ng propisiya ay hindi magawang makita kung paano gumagana ang portal,” sabi ni Caleb habang nakatitig sa puno.

“Anong nangyari sa dalawa at ang tagal nilang makarating?” sambit ko habang umiikot sa paligid ng oak tree. Ang puno ay walang mga marka maliban lamang sa simbolo ng Code Red.

“Dang it! Kahit pa ang mahika ko ay walang silbi dito. Sa paanong paraan natin mapapagana ang portal na ito?” sigaw ni Zarina habang sinusuntok ang puno. Sa sumunod na sandali ay bigla na lamang siyang napaatras na tila ba itinulak siya nito.

“Ayos ka lang ba?” tanong ko nang may pag-aalala.

Tumango siya at sinabing, “Kasalanan ko… Nakalinutan ko na ang punong ito ay enchanted. Bigyan mo muna ako ng ilang sandali, susubukan kong gumamit ng spell para maalis ang mahikang nakapaloob dito.”

Idinikit niya ang pareho niyang kamay sa puno at nagsimulang bumulong ng mga salita. Napapaisip ako habang pinapanuod ko ang puno na kumikinang na parang ginto at nawala rin ito makalipaas lamang ng mga ilang sandali, at saka bumalik sa normal na hitsura nito.

Ngumiti naman sa akin si Zarina at saka sinabing, “Ngayon, nakahingi na ako dito ng tawad.”

Tatanungin ko na sana siya kung ano ba mismo ang kanyang ginawa nang biglang dumating sina Aslan at Tyson at naglakad palapit sa amin.

“Ang inaasahan ko ay nagawa niyo ng buksan ang portal. Anong ginagawa niyo?” sabi ni Tyson sabay bumuntong-hininga.

Huminga ako ng malalim at sinabing, “Hinihintay naming ang dakilang hari ng mga dragon upang gawin iyon.”

“Cool, akin na ang aking munting anghel,” sabi ni Tyson at saka kinuha si Tiara mula sa aking kamay.

Nag-umpisang umiyak si Tyson nang subukan niyang ilapit ang mga palad ni Tiara sa puno, pipilitin sana siya ni Tyson ngunit agad ko itong pinigilan.

Ipinikit ko ang aking mga mata, at sinubukan kong gamitin ang aking mahika upang magkaroon ako ng koneksyon sa lupa, hangin at sa tubig na nasa ilalim ng lupang ito; pinakiramdaman ko ang mga ito at sinubukang hanapin ang mga harang na nakapaloob dito.

Namangha ako nang masaksihan ko ang makapangyarihang spell na nakapaloob sa portal. At agad namang napangiti ang mga labi ko sa pagkapanalo ko ng magamit ko ang mahika ko upang alisin ang spell.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.