CHAPTER 34

TYSON’S POV

Halos matapakan ang pride ko nang mapanuod ko kung paano gumawa ng isang hex si Aurora at ng spell checker. Ang tumira na kasama ang isang witch kong kapatid ay natutunan kong aralin kung ano ang mga mahikang mga iyon.

Ang pagkakahawak ko kay Tiara ay humigpit, kamuntikan ko nang ipagsapalaran ang buhay ng munti kong anghel kanina. Kaya naman ipinapangako kong mag-iingat na ako sa susunod.

“Ayos na ang lahat ngayon,” bulong ni Aurora saka namn kinuha sa akin si Tiara.

Bumungisngis naman si Tiara at ngumiti ng napakatamis na nasa isipan kong para talaga iyon sa kanyang ina.

Para bang tinamaan ng mainit na sikat na araw ang kinaroroonan naming matapos makulong sa tila isang malamig na lugar. At nang ilapit ni Aurora si Tiara sa puno, bigla na lamang inangat ni Tiara ang kanyang kamay ng may pagkukusa saka hinawakan ang puno.

Lahat kami ay sabik na sabik habang hinihintay ang oras na magbukas ang portal; pwedeng magkaroon ng napakalakas na tunog ng kidlat, bagyo, o kaya naman isang matinding liwanag, pero wala paring nangyayari.

At nang wala paring nangyayari sa loob ng limang minute, kailangan kong tanggapin na lahat ng ideya ko ay hindi mangyayari.

“Sinubukan ko na, ngayon, pagkakataon mo naman, Aurora,” sabi ko bago pa man niya ako asarin. Niliitan niya naman agad ako ng tingin pero wala siya ni anong sinabi.

Aslan, Caleb, Zarina, at Aurora, lahat sila ay hindi mapakali at patuloy sa pag-iisip. Naupo naman ako sa malapit na bato at kinuha ang pagkakataon na iyon para makasama si Tiara.

Hindi pa man siya nakakapagsalita pero ang mga mata niya ay nagpapakita ng mga gusto niyang ipadama. At puso ko ay lumalambot sa mga oras na pinagmamasdan ko ang mga mata niya.

“Damn! Bakit hindi ko iyon naisip kanina? Ang simbolo ng Code Red!” sigaw ni Aurora ng napakasaya.

Agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya para tignan ang gagawin nito.

“Halika ditto, samahan moa ko,” masayang sabi niya at nagtungo kami pabalik sa may puno kung saan ang isang malaking simbolo ang nakatatak dito. Apat na petal ng bulaklak. Bawat isa sa pulang bulaklak na iyon ay may mga simbolo; dragon, werewolf, at dalawang witches. Ang pagkakaiba lang ng simbolong iyon at ang simbolo ng Code Red ay ang nakakatatak na puso ng mahika sa gitna nito.

Ang mga mat ani Aurora ay kuminang at sinabing, “Hindi ba’t ang simbolong ito ay sinasabi na mismo sa atin ang lahat.”

Sina Zarina, Caleb at Aslan ay agad na tumingin sa kanya ng may pagtataka. Sa totoo lang maski ako hindi ko alam ang ibig sabihin ng simnolong mga iyon.

Agad naman niyang hinampas ang kanyang noo at saka sinabing, “Tyson, ilagay mo ang kamay mo sa simbolo ng dragon…”

Hindi niya na kailangan pang ipaliwanag ang nangyayari, agad namang inilagay nila Zarina at Caleb ang kanilang mga kamay sa kung saan sila sumisimbolo.

Huminga ng malalim si Aurora saka naman naglakad lagpas sa akin at humawak sa isang simbolo ng biglang hilain ni Tiara ang kanyang buhok. Ang puso ko ay bumibilis sa pagtibok habang kinakabahan kaming naghihitay sa susunod na mangyayari.

Sampung segundo ang lumipas hanggang sa maging dalawampu… Aalisin ko n asana ang aking kamay ng biglang lumapit sa may puno si Tiara, bigla namang lumapit agad si Aurora sa puno, at ang mga daliri ni Tiara ay nakahawak sa gitna ng simbolo.

Bigla na lang nagkaroon ng malakas na liwanag at malakas na hangin. At bigla na lang kaming nilamon ng isang mala-ipo-ipo.

Nagulat naman ako bigla nang ibigay agad ni Aurora si Tiara kay Zarina. At agad namang hinawakan ni Zarina ang kamay ni Aslan pabalik ang bigla na lamang silang naglaho. Sinubukan kong lumabas pero huli na ako.

“Tiara!” sigaw ko at pilit na inaabot ang labas pero tuluyan na kaming nilamon.

“Huwag kang mag-alala, Tyson. Kami ng bahala kay Tiara,” sinig kong sabi ni Aslan at lahat ay nagdilim.

AURORA’S POV

Minasahe ko agad ang ulo ko sa sandaling buksan ko ang aking mga mata. Napakaliwang ng ilaw na kinailangan ko pang ipikit muli ang aking mga mata. At matapos kong buksan ang mga mata ko ng paulit-ulit, ay nagawa ko namang ibukas ang mga mata ko ng tuluyan.

Hinaplos ko ang mga mata ko habang tumtingin sa paligid. Hindi ko alam kung ano ba ang inaasahan kong makita pero hindi iyon ganito… Isa lamang itong mulkhang normal na gubat na puno ng mga puno at mga marka galing sap aa ng mga hayop.

“Mukha lang itong…” sabi ni Caleb pero napahinto siya sa gitna ng kanyang pagsasalita.

“Gubat…” sabi ko.

“Ano sa tingin mo ang ginawa mo doon kanina, Aurora?” sigaw ni Tyson sa akin, at inikot niya ako para makita ko siya. At ang mga mata niya ay nagliliyab sa galit.

“Sinusubukan ko lang protektahan ang anak ko Tyson.”

“Huwag mong kakalimutan na SIYA ay anak NATIN! Bakit ka na lamang nagpapasya ng hindi man lang ako sinasabihan.”

Natutukso akong labanan at sigawan siya pero kita ko sa kanya ang pag-aalala niya kay Tiara, nagpakawala ako ng malalim na paghinga at saka ipinaliwanag, “Wala nang oras Tyson. Isa iyong mabilisang pagdedesisyon. Alam mo ba na may isang taong naglagay sa portal na iyon ng matinding mahika.”

“F***! Hindi maaari!”

“Paano kapag may nagsara sa portal na iyon mula sa labas habang nandirito tayo sa loob? Gusto mo bang kasama natin si Tiara sa hindi natin alam na lugar na ito?”

Ngumiwi ang ulo niya, at nahihirapan kung paano niya sasabihin ang gusto niyang sabihin, “Aurora, alam kong maaaring isa itong delikadong lugar, pero mas Mabuti na iyon dahil nakikita natin ang ating anak…”

“Tigilan mo na ang pagiging paranoid mo, Tyson. Nasa Mabuti siyang kamay,” sagot ko.

Tinitigan niya muna ako ng matagal bago niya ako pakawalan. May kung ano siyang ibinubulong na para bang sinasabi niya na sana lang tama ang naging plano ko… at saka naglakad lagpas sa amin.

Ako at si Caleb naman ay halos tumatakbo na para makasabay naming siya sa mabilis na paglalakad niya.

“Masyado siyang paranoid, hindi ba?” sabi ni Caleb habang sinusundan ang bawat padyak ko.

“Huwag mo na akong tanungin…” sabi ko at tumago sa sinabi niya. Dahil mismong sarili niya posibleng hindi niya pagkatiwalaan.

“Hindi ko din siya masisisi… kung mismong ina mo ay nagawa kang lokohin at pagtaksilan, siguradong napakahirap nga na magtiwala sa iba…”

Bigla naman akong napahinto sa narinig ko at tinanong, “Anong ibig mong sabihin?”

Agad namang suminghap si Caleb at saka sinabing, “Kwento niya iyon, Aurora, at siya mismo ang dapat magsabi non. May mga nabalitaan lamang akong mga kaunting impormasyon patungkol dito…”

“Alam ng Diyos na hindi katulad ni Tyson ang magkwento ng tungkol sa nakaraan niya… Hindi mo ba pwedeng sabihin sa akin kahit yung mga bagay lamang na alam mo?” pagmamakaawa ko pero tumanggi siya.

Bumuntong-hininga ako at nagmadali ako palapit kay Tyson.

“Tyson, sandali lang,” tawag ko sa kanya ng mabilisan pero mas lalo pa siyang lumayo sa amin.

Natutuyo na ang lalamunan ko at sa tingin ko hindi ko na kayang habulin pa siya.

“Ahhh!” sabi ko sabay hawak sa aking tyan at saka naupo sa may sahig.

Huminto si Tyson at agad akong nilapitan. Agad naman ding tumakbo si Caleb papalapit sa amin ni Tyson. At ngayong nakuha ko na din ang kanilang atensyon, agad naman akong tumayo at saka hinawakan si Tyson.

Niliitan naman ako ng mat ani Tyson at saka sinabing, “Nagpapanggap ka lamang?”

Umiling ako at sinabing, “Hindi moa ko pinapakinggan, ano pa nga bang magagawa ko?”

“Aurora, ikaw talaga,” nanggigil na sinabi niya saka ako inakbayan ng napakahigpit sa may leeg ko.

“Ilang beses kitang paulit-ulit na tinatawag pero pabilis ka ng pabilis sa paglalakad, ano sa tingin mong magagawa ng mahinang katulad ko?”

Nagtaas kilay naman siya at sinabing, “Anong mahina ka? Pwede ka namang magteleport?”

Di ko na lang binigyan pansin ang sinabi niya at sinabing, “Kailangan kita mapahinto at isa pa humuhiwalay ka na. Hindi lang ito simpleng gubat, parang maze lang din ito na katulad ng nilalaro ko noong bata pa ako.”

Nagtaka naman ang mga mata niya, “Hindi iyan possible, hindi ko naman napansin na nawawala ako… at hinding-hindi iyon mangyayari…”

“Dahil tinutulungan ka ng pagiging dragon mo, hindi biro ang taglay mong kakayahan. Pero sabi ni Zarina kahit pa ang mahika, o mga kapangyarihan ng mga dragon at werewolves ay hindi gagana rito.

“At bakit hindi mo iyon sinabi sa amin?” sabi nito at nanliit ang kanyang mga mata.

“Maaaring nakalimutan ko… o kaya naman, gusto ko ring maramdaman niyo ang pakiramdam ng pagiging normal na tao, kahit minsan lang,” sabi ko at nagsimula na ulit na maglakad.

Inaasahan ko na susundan nila ako pero hindi sila lumakad kaya naman sinabi kong, “Baka gusto niyong sundan ako. Magaling ako dito sabi ko at saka sinenyasan sila na papunta sa mala-maze na lugar…”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.