Chapter BAD BLOOD CHAPTER 14

NAKAHALUKIPKIP si Denim habang binibigyan ng iritadong tingin si Alejandro, ang bagong Bloodsucker na in-assign ni Finn bilang bodyguard-slash-driver niya, na nakatayo sa harap niya. Malaki ang pangangatawan ng bampira, nakapusod ang mahabang buhok, at kita ang barcode sa leeg dahil sa suot nitong itim na V-neck shirt.

Sa kasalukuyan, nasa loob sila ng isang hotel room kung saan siya nagpahatid kay Alejandro himbis na dumeretso sa puntod ng mga magulang niya gaya ng paalam niya kay Finn kaya siya pinayagan ng best friend niya na umalis ng townhouse.

“So why are you still here?” masungit na tanong ni Denim kay Alejandro.

“Finn told me to keep an eye on you all the time,” sagot ni Alejandro sa nag-aalangang boses.

Bumuga ng hangin si Denim. “Bago ka pa lang kaya hindi mo pa kami kabisado ni Finn `no?”

“Bakit?” parang naguguluhang tanong ni Alejandro. “Magkikita ba kayo ni Finn ngayon?”

Iminuwestra ni Denim ang kuwarto. “Hindi ba halata? Kaya nga umalis ka na at sunduin si Finn sa office.” Tinuro niya ang lingerie sa kama, gano’n din ang mga scented candles at petals ng red roses na nakapatong sa night table. “I-pe-prepare ko pa ang mga surprise ko for him.”

“Wala namang nabanggit si Finn na magkikita kayo ngayong araw dahil ang sabi niya sa’kin, sa sementeryo ka pupunta ngayon kaya nga nagulat ako kanina nang dito ka nagpahatid,” nag-aalangang sagot ni Alejandro. “Saka walang magbabantay sa’yo kung aalis ako. He’ll kill me if I leave you alone.”

“Hindi mo ba narinig ang sinabi kong ‘surprise’ ko `to for Finn?” mataray na sabi ni Denim. “Magiging surprise ba `to kung sinabi ko sa kanya na hindi ako sa sementeryo pupunta at hihintayin ko siya sa hotel suite na `to dahil may hinanda akong special lunch date for him? Nag-iisip ka ba?”

Hindi sumagot si Alejandro, pero hindi rin kumilos.

Umupo naman si Denim at sumimangot. Pagkatapos, kinuha niya ang phone niya at nagsimulang i-dial ang number ni Finn. “Okay. Sasabihin ko kay Finn na first day mo pa lang as my bodyguard, hindi mo na ko sinusunod. Ano kaya sa tingin mo ang gagawin sa’yo ni Finn kapag nalaman niyang hindi natuloy ang surprise ko for him dahil sinuway mo ang utos ko sa’yo? Just so you know, ang pinakaayaw ng boss mo sa lahat eh `yong na-a-upset ako. So I’m going to tell him that you’re making me really, really mad.”

“Fine, I’ll go,” mabilis na sabi naman ni Alejandro.

Napangiti si Denim, saka niya hinagis ang phone niya sa kama. Pagkatapos, kinuha niya ang lingerie sa pagtayo niya. “Okay. Bilisan mo, ha?” sabi niya sa pinasiglang boses, saka siya nagmamadaling pumasok sa banyo.

Nawala ang ngiti niya no’ng nasa loob na siya. Binuksan niya ang shower, saka siya lumabas ng shower room para hindi siya gaanong mabasa. Hinagis niya lang sa sahig ang lingerie na wala naman siyang balak isuot sa harap ni Finn dahil wala rin siyang balak mag-stay sa hotel na `yon.

Sumandal siya sa dingding habang naghihintay. Mabuti na lang at bago ang Bloodsucker na pinagbantay ni Finn sa kanya kaya natakot at nauto pa niya. `Yong dating mga bodyguard kasi niya, kabisado na ang mga style niya sa pagtakas. Pero siguro, nadala rin talaga sa acting niya si Alejandro.

Hindi na ko puwedeng mag-aksaya ng oras dito.

Lumabas si Denim ng banyo. Nang masiguro niyang wala na si Alejandro, saka siya lumabas ng suite niya. Handa siya sa pagtakas kaya nga ang suot niya lang ay simpleng white V-necked shirt, ripped jeans, at white sneakers. Para hindi siya makilala ng publiko, nagsuot din siya ng bullcap, shades, at face mask. Meron ding nakasukbit na backpack sa likod niya kung saan nakalagay ang laptop niya.

Paglabas niya ng hotel, sumakay agad siya sa taxi.

“Saan tayo, Ma’am?” magalang na tanong ng matandang driver habang nagmamaneho.

“Alam niyo ba `yong Isabel’s Mart, Manong?” nag-aalangang tanong ni Denim dahil hindi siya sigurado kung tama ang pagkakaalala niya sa grocery store kung saan nagtatrabaho si Eton. “Malapit `yon sa street na puro mga restaurant at coffee shop.”

“Oo, Ma’am,” sagot ng driver. “Malapit lang `yon dito.”

Hindi na nagkomento si Denim at tumingin na lang siya sa labas ng bintana.

Alam niyang hindi siya mapapatawad ni Finn sa pagtakas niya ngayon, pero kailangan niyang patigilin ang best friend niya sa kasamaang ginagawa nito. Pagkatapos ng napanood niyang video mula sa memory card na pinag-aagawan ng mga Bloodkeeper sa paligid niya, nagdesisyon siyang i-involve na ang sarili mula sa napakalaking gulo na kinakasangkutan ni Finn. Hindi siya papayag na magpatuloy pa ito.

She was grateful for being sheltered all these years, thanks to Finn. Pero hindi na siya bata na kailangan ng proteksyon at mas lalong ayaw na niyang magbulag-bulagan sa mga nakikita niyang mali. Oras na para siya naman ang magprotekta sa mga tao, nilalang, at bagay na importante sa kanya.

I’m going to pull you out of darkness, Finn.

“Nandito na tayo, Ma’am,” anunsiyo ng driver, saka nito hininto ang taxi sa gilid ng kalsada.

“Thank you po,” magalang na sabi ni Denim habang inaabot ang buong one thousand bill kay manong, pagkatapos ay bumaba nang hindi na hinihintay ang sukli.

Patakbo siyang nagpunta sa establishment kung saan nakita niya ang malaking sign board ng Isabel’s Mart. Mag-a-alas diyes pa lang ng umaga kaya siguro kaunti pa lang ang tao, idagdag na weekday naman ng araw na `yon. Nakayuko siyang pumasok sa loob ng grocery store para walang makakilala sa kanya.

Nasa’n ka ba, Eton?

Tumingin siya sa paligid at yumuyuko na lang kapag may nakakasalubong siya. Dahil sa kakayuko niya, nakabunggo tuloy siya ng isang matandang babae na natumba sa sahig.

Napasinghap si Denim at mabilis na tinulungang tumayo ang matanda. “I’m sorry, Lola. Hindi ko po sinasadya. Are you okay? May masakit po ba sa inyo? Kailangan niyo po bang dalhin sa hospital?”

Napangiti ang matanda pero napahawak din sa balakang nito. “I’m fine, hija.” Iwinasiwas nito ang isang kamay. “Huwag ka masyadong mag-alala. Hindi naman ako masyadong nasaktan.”

“Ma’am Isabel, sigurado ba kayo?” nag-aalalang tanong naman ng isang lalaking staff na nakasuot ng uniform na nakita niya kay Eton no’ng nakaraan.

Kumunot naman ang noo ni Denim. Isabel? Siya ba ang owner nitong grocery store?

“I’m okay, Kevin,” nakangiting sabi ni Lola Isabel sa male staff. “Go back to work.”

Tumango lang si ‘Kevin’ at umalis na bitbit ang malaking kahon na naglalaman ng mga bottled drinks.

“Lola, kayo po ba ang ‘Isabel’ na owner nitong Isabel’s Mart?” magalang na tanong ni Denim.

Nakangiting tumango si Lola Isabel pero bahagyang kumunot ang noo nito. “Ako nga. Can I help you with something?”

Mabilis na tumango si Denim. Hinawakan pa niya ang kamay ni Lola Isabel. “Please help me, Lola Isabel,” pagmamakaawa niya. “Meron po kayong employee dito na kailangan ko pong makausap. Kaya niyo po bang papuntahin dito si Eton ngayon?”

“Si Eton?” nagtatakang tanong ni Lola Isabel. “Pumapasok lang siya dito kapag gusto niya. Pero sige. Susubukan ko siyang tawagan at papuntahin dito. May iba ka pa bang kailangan?”

Tumango uli si Denim. Desperada na siya kaya sasamantalahin na niya ang lahat ng tulong na makukuha niya. “Puwede niyo po ba kong itago dito sa grocery store niyo?”

“Hindi ka naman mukhang masamang tao, pero bakit kailangan kitang itago, hija?”

Inalis ni Denim ang sunglasses at face mask niya.

Nanlaki ang mga mata ni Lola Isabel nang dumaan ang rekognisyon sa maamo nitong mukha. “Denim Blue Benitez… `yong sikat na artista!”

Nakangiting tumango si Denim. Ayaw man niya, pero napilitan siyang magsinungaling kay Lola Isabel. “May stalker po kasing humahabol sa’kin ngayon, kaya puwede po bang dito muna ako?”

“ISABEL, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Eton nang makita niya ang babae na naghihintay sa kanya sa labas ng grocery store.

Hinampas siya ni Isabel sa balikat na ikinagulat niya. “Alam kong lumaki ka sa bansa na kahit ang mga magulang mo eh tinatawag mo lang sa pangalan, pero ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na nandito ka sa Pilipinas kaya ‘lola’ ang dapat mong itawag sa’kin?”

Sumimangot lang si Eton. As if he would call her ex-lover ‘lola.’ “Hindi `yon ang importante ngayon. Why did you call me? Ano `yong emergency na sinabi mo sa phone kanina?”

He was busy looking for Tyrus and Lilac, he really was. Hindi rin siya nagpapabaya sa tungkulin niya. Pero kahit anong pigil niya sa sarili, hindi niya magawang hindi pansinin ang tawag ni Isabel. The last time he ignored her call, she ended up almost dead. He would never let that happen again.

Saka ilang minuto lang naman ang ilalaan niya kay Isabel. Babalik na siya sa pang-ha-hunting kay Finn at Miguel pagkatapos niya rito.

Tumingin muna si Isabel sa paligid. Nang masiguro nitong walang ibang tao na malapit sa kanila, saka ito tumingala sa kanya at nagsalita sa mahinang boses. “Nagpunta rito `yong girlfriend mo at hinahanap ka. She was also here with you last time, wasn’t she? Pero mukhang may problema siya ngayon kaya nga pinapunta agad kita rito. Kailangan ka raw kasi niyang makausap.”

“I don’t have a girlfriend,” kunot-noong tanggi ni Eton. It’s not like I’ve already moved on from you, you know. “Who are you talking about?”

“Si Denim Blue Benitez,” nanlalaki ang mga matang sagot ni Isabel. “She’s here.”

Now that caught Eton’s interest. “Where exactly?”

Sumenyas lang si Isabel na sumunod siya rito.

Mabilis namang sumabay si Eton ng lakad sa babae. Una silang pumasok sa loob ng grocery store, deretso sa underground basement na nagsisilbing private office nito. Huminto si Isabel no’ng nasa harap na sila ng pinto ng opisina.

“Hinahabol daw siya ng stalker niya kaya dito ko muna siya tinago,” paliwanag ni Isabel, bakas sa mukha ang pag-alala. “She looks really scared, so please help her calm down. Okay?”

Tumango lang si Eton. “Thanks for calling me, Isabel.”

Ngumiti lang si Isabel, saka nagpaalam.

Kumatok naman si Eton at nang narinig niya ang boses ni Denim na pinapapasok siya, binuksan niya ang pinto at pumasok siya sa loob ng opisina.

Sumalubong sa kanya si Denim na nakaupo sa likod ng mahogany table at nakapalumbaba. Hindi niya aaminin, pero nagulat siya nang makita ang simpleng ayos ng babae ngayon, malayo sa nakasanayan niyang magagarang bestida at makapal na koloreteng nakasanayan niyang makita rito. Nakalugay lang ang mahaba nitong buhok at wala ring “make-up.” Parang natural naman ang pamumula ng mga pisngi nito at ang mahahaba nitong pilik na dahilan kaya mala-manika ang maliit nitong mukha. Kaswal din ang damit nito. Because of her simplicity today, her youthful and natural beauty seemed to glow even more.

Damn! Ano ba `tong pinag-i-iisip ko?

Ngumiti si Denim nang makita siya. “Hello, baby boy. I’m glad to see that you’re fully recovered now.”

“Stop calling me that,” naiinis na saway ni Eton kay Denim, saka niya sinara ang pinto. “May pangalan ako at alam mo kung ano `yon.”

Tumango si Denim. “I know. You’re my Baby E.”

Bumuga na lang ng hangin si Eton. Wala nang pag-asang makausap ng matino ang Denim na `to. Umupo siya sa gilid ng mesa, paharap sa babae, habang nakahalukipkip at nakatingin ng masama rito. “Bakit gusto mo kong makausap?”

“Gusto ko lang makasigurong buhay ka,” halos pabulong na sabi ni Denim. Nawala na ang pagbibiro sa boses nito at napalitan na `yon ng takot. “Mabuti na lang at nakatakas ka bago pa dumating si Finn. Alam kong wala kang pakialam sa’kin, pero bukod sa kaunting gasgas, wala na kong ibang injury.”

Mabilis namang bumaba ang tingin ni Eton sa mga braso ni Denim. Nakapalumbaba ito kaya kitang-kita niya ang sinasabi nitong mga gasgas. Hindi niya aaminin, pero may sumuntok sa dibdib niya. Hindi naman niya sinasadyang mabitawan si Denim no’ng nasa rooftop na sila. Nanghina lang talaga siya dahil sa maraming dugo na nawala sa kanya para gawing yelo.

“Ngayong na-confirm ko nang buhay ka, ako naman ang magtatanong sa’yo,” pagpapatuloy ni Denim. “Sino si Marigold Hamilton?”

Mabilis na nag-angat ng tingin si Eton sa mukha ni Denim. Bakas sa mukha nito ang takot at pag-aalinlangan, kaya sigurado siyang hindi inutos ni Finn ang pakikipagkita sa kanya. Even Isabel sensed this girl’s fear and she was a good judge of character. “Tinakasan mo ba si Finn?”

Namula ang mukha ni Denim. Mula sa pangangalumbaba ay sumandal ito sa swivel chair at humalukipkip habang nakatingala sa kanya. “Siguro.”

“`Yong “stalker” na sinabi mo kay Isabel, Bloodsucker `yon, `di ba?” nakataas ang kilay na tanong ni Eton. “Hinahabol ka ng bantay mong bampira kaya ka nagtatago rito. Bakit mo sila tinakasan?”

“Kasi alam kong hindi papayag si Finn na makialam ako sa masamang ginagawa niya,” sagot ni Denim sa boses na halata man takot, mariin pa rin na para bang nagtatapang-tapangan ito. “`Yong unicorn necklace na pinag-aagawan niyo, nakita ko na kung ano ang laman no’n.”

“Nasa’n ang memory card na `yan, Denim Blue Benitez?”

“Tinago ko `yon at hindi ko ibibigay sa kahit sino hangga’t hindi ko nakukuha ang mga sagot na gusto ko,” mariing sagot ni Denim. “Pero napanood ko ang lahat ng videos na nasa memory card, except do’n sa isang folder na naka-lock at kailangan ng password.”

Eton was frustrated. Pero hindi ang pagbawi sa memory card ang priority niya ngayon. Kailangan muna niyang alamin kung ano ang nasa isip ni Denim. “Ano ang laman ng videos na napanood mo?”

“The videos are like a documentary of a certain Marigold Hamilton,” sagot ni Denim sa halos pabulong na boses. “Siya ang narrator sa lahat ng vids na nasa memory card. Dino-document niya in secret ang masamang ginagawa ng isang maliit na private hospital sa Bulacan.”

“What kind of activity are you talking about?”

Napalunok muna si Denim bago nagsalita sa basag na boses. “Si Marigold Hamilton, based on the first video she made, mukhang naka-confine siya sa ospital na `yon dahil sa maselan daw niyang pagbubuntis. Pero habang nando’n daw siya, marami raw daw siyang napansing kakaiba. Nakikita raw niya si Finn, ang “secretary” daw ng fiancé niya, na dumadating sa ospital kapag sobrang late na at may kasama pa itong pamilyar na mga babae. Nang i-research daw niya kung sino ang mga `yon, nalaman niyang ang mga babaeng `yon ang mga nawawalang starlet nitong nakaraang buwan. Ang ipinagtataka niya raw ay ang kawalan ng presence ng mga pulis. Nang tanungin daw niya ang mga hospital staff tungkol sa mga starlet na nasa ospital, sinabi raw ng mga ito na walang naka-confine na kahit sinong artista do’n. Pero ang sabi raw ni Marigold, sigurado raw siyang nakita niya ang mga babaeng `yon na buntis pa raw.”

Napamura si Eton sa isipan. Kung gano’n, nagtatrabaho nga si Finn hindi lang para kay Cerise, kundi para na rin kay Magnus! Magkasabwat nga ang magpinsan na Stratton.

“Kaya raw nag-imbestiga si Marigold,” pagpapatuloy ni Denim sa nanginginig pa ring boses. “Do’n daw niya na-discover ang masamang sekreto ng ospital. No’ng sundan niya ang doktor na nakita raw niyang kausap ni Finn, nakarating siya sa basement.” Tinakpan ni Denim ng mga kamay ang mukha nito at tuluyan nang nabasag ang boses. “Eton, nakita ko sa video kung ano ang nakita ni Marigold sa basement na `yon. `Yong mga babaeng buntis, nakalagay sila sa malalaking tube na puno ng tubig. `Yong iba naman, nakahiga sa kama at wala nang buhay na parang manganganak base sa posisyon ng mga binti nila. Karamihan pa, bukas ang tiyan kung saan makikita ang patay na fetus.”

Napapikit si Eton. Hindi niya napigilang ibagsak ang kamao niya sa mesa dahilan para mahati `yon sa gitna at malaglag sa sahig ang mga nakapatong do’n. This was so frustrating. Mas marami pa palang babae ang nadukot nila kaysa sa listahang meron kami!

“Hindi ako makapaniwalang involved si Finn sa gano’ng klase ng activity,” parang naguguluhang sabi ni Denim. “Sino ba si Marigold Hamilton?”

“Marigold Hamilton was Lilac Alonzo’s twin sister,” mariing sagot ni Eton sa mapait na boses. “Dead sister, to be precise.”

Inalis ni Denim ang mga kamay sa mukha para bigyan siya ng hindi makapaniwalang tingin. “The woman in the videos is dead?”

Mariing tumango si Eton, nagtatagis ang mga bagang. “Nang araw na makita namin ang wala nang buhay na katawan ni Marigold Hamilton sa condo niya, nando’n din si Finn.”

Nanlaki ang mga mata ni Denim. Pagkatapos ay mariin itong umiling. “Sinasabi mo bang si Finn ang pumatay kay Marigold… sa kapatid ni Lilac?”

“Paano sa tingin mo napunta kay Finn ang kuwintas ni Marigold?”

Biglang namutla si Denim. Umiling-iling ito habang nakahawak sa noo. Halatang nanghina ito sa nalaman. “Hindi… imposibleng magawa `yon ni Finn, lalo na sa isang babaeng walang kalaban-laban sa kanya… wala siyang dahilan para gawin `yon.”

“Finn is working for Cerise Alessandra and Magnus Cadmus Stratton,” deklara ni Eton kahit alam niyang hindi siya maiintindihan ni Denim. “Si Magnus Cadmus Stratton ang bampira na may balak na magparami ng lahi niya sa pamamagitan ng pang-aakit sa mga mortal na babae.”

Umiling-iling si Denim. “Wala akong kilalang Magnus…” Natigilan ito bigla. “That voice…”

“What voice?”

“May narinig akong boses noon na tumawag kay Finn,” sagot ni Denim. Mukhang natuyo na ang mga luha nito pero hindi pa rin nawala ang takot sa mukha. “Hindi ko kilala kung kanino `yon. Nang tanungin ko siya kung sino ang tumawag sa kanya, nagalit siya at sinabing kalimutan ko na ang tungkol do’n.”

Dinukot ni Eton ang phone sa bulsa niya. Pinarinig niya kay Denim ang kinopya nilang voice record sa silver horn na bahagi ng unicorn necklace. `Yon ang huling usapan nina Magnus at Marigold.

“What are you, Marigold Hamilton?”

Napasinghap si Denim, titig na titig sa phone niya. “That’s the voice I heard!”

Pinatay na ni Eton ang recorder at muling binulsa ang kanyang phone. “Naniniwala ka na ba sa sinasabi ko na nagtatrabaho si Finn para sa bampirang tinutugis namin?”

“Magnus Cadmus Stratton…” hindi makapaniwalang bulong ni Denim.

“Pinsan siya ni Cerise Alessandra Stratton,” pagkumpirma ni Eton sa tanong na hindi masabi ni Denim ng malakas. “Denim, alam kong pinoprotektahan mo si Cerise Alessandra Stratton, pero wala na `yong silbi dahil matagal nang alam ng squad namin na kayong mga Benitez ay Helper ng bampirang ito.”

“Helper din ni Aunt Cerise si Finn…” hindi pa rin makapaniwalang kongklusyon ni Denim. “Pero mukhang `yong Magnus ang mas sinusunod niya.” Tumingin sa kanya ang babae na puno ng pagkalito ang mga mata. “Bakit hina-hunting niyo ang Magnus na `to? Masama ba siyang bampira? Siya ba ang nag-uutos kay Finn na gumawa ng kasamaan? At anong koneksyon niya kay Marigold Hamilton?”

“Technically, lahat ng purong bampira na nabubuhay ngayon ay masama at traidor ng lahi nila,” sagot ni Eton. “Anyway, bukod do’n, nadagdagan pa ang mga kasalanan ni Magnus nang manakit siya ng mga mortal sa kagustuhan niyang magkaro’n ng anak. Hindi pa namin alam kung bakit, pero dapat siyang maparusahan para sa mga inosenteng buhay na nawala dahil sa kasakiman niya. Alam niyang hindi kayang dalhin ng mga mortal ang anak ng isang purong bampira na gaya niya, pero pinilit pa rin niya.”

“Kaya ba namatay ang mga babaeng `yon?”

Tumango si Eton. “Isa rin si Marigold Hamilton sa mga babaeng nabiktima ni Magnus. Pero espesyal si Marigold dahil pinanganak siya sa ilalim ng pulang buwan. Ibig sabihin, may kakayahan siyang dalhin sa sinapupunan niya ang anak ng isang purong bampira. Pero `yong batang isinilang ni Marigold ay pinatay kasama niya. Kung sino ang may gawa no’n at kung ano ang agenda, hindi pa namin alam.”

Kumunot ang noo ni Denim. “Kung kambal sina Lilac at Marigold... then it means Lilac was also born under the red moon? So she has the ability to carry a pure vampire’s child in her womb, too? Kaya tina-target din siya ni Magnus Cadmus Stratton?”

Humanga si Eton sa pagiging mabilis mag-isip ni Denim, pero hindi niya `yon pinahalata. “Muntik nang ma-kidnap ng grupo ni Finn si Lilac noon. Mukhang nagtagumpay na sila ngayon.”

Ngumiti ng mapait si Denim. “Kaya pala kay Finn mo hinahanap sina Lilac at Tyrus.”

“Hindi mo talaga alam kung saan posibleng tinago ng boyfriend mo sina Lilac?”

“Hindi ko boyfriend si Finn,” mariing tanggi naman ni Denim, saka ito umiling. “At wala akong idea kung saan niya tinago sina Lilac. Maraming bagay na tinatago sa’kin si Finn. Kaya nga napilitan akong tumakas sa kanya ngayon para malaman ko ang totoong nangyayari sa paligid ko.”

“Hindi puwedeng makialam ang isang mortal na gaya mo sa gulong ito, Denim. Kaya ibigay mo na lang sa’kin ang memory card na iniwan ni Marigold Hamilton para sa kakambal niya.”

Tumayo si Denim at tumingin ng deretso sa mga mata niya. Nawala na ang takot sa mukha nito at napalitan na `yon ng determinasyon. “Ilalabas ko lang ang memory card kapag may na-confirm na ko sa mga gusto kong malaman.” Sinukbit nito sa mga balikat ang strap ng backpack nito na lalong nagpamukhang bata dito. “Kaya samahan mo muna ko sa hospital na nakita ko sa video.”

Kumunot ang noo ni Eton sa pagtataka, pero tumayo pa rin siya. “Tingin mo ba, nando’n pa rin ang mga babaeng nakita mo sa video?”

“Hindi ko alam,” malungkot na sagot ni Denim. “Pero ang sabi ni Marigold sa video, pinapabayaan lang ang mga babae sa basement ng gano’n ang hitsura. Kung wala na tayong maililigtas na buhay na biktima mula sa ospital na `yon, gusto ko sanang maibalik man lang ang mga bangkay nila sa mga pamilya nila.”

Hindi maintindihan ni Eton ang mainit na bagay na pumuno sa dibdib niya habang nakatingin sa magandang mukha ni Denim na puno ng pag-aalala at malasakit, pero ang sigurado niya, unti-unti nang nagbabago ang masamang impresyon niya sa babae. “Bakit ginagawa mo `to kahit alam mong puwede kang mapahamak, Denim?”

Tumingala sa kanya si Denim at ngumiti. Nagkaro’n na ng buhay ang mga mata nito. “Because contrary to what you believe, I actually have a conscience.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.