Chapter BAD BLOOD CHAPTER 13

NAPASINGHAP sa gulat si Denim nang makita ang bite marks ni Finn sa leeg niya habang tinitingnan niya ang reflection niya sa rearview mirror ng dina-drive nitong kotse. “Finn! Bakit hindi mo inalis ang bite marks mo? You usually don’t leave a trace when you drink my blood.”

Nanatiling nakasimangot si Finn habang deretso lang ang tingin sa kalsada. “Ginagantihan lang kita dahil hindi mo na naman ako sineryoso.”

Walang comeback si Denim do’n kaya sumandal na lang siya sa kinauupuan at humalukipkip. “Saan ba tayo pupunta? Bakit hindi na lang tayo sa condo mo matulog? Medyo pagod na ko, eh.” Nag-pout siya. “Saka maaga pa ang call time ko bukas.”

Sinulyapan siya ni Finn at dumaan ang pag-aalala sa mukha nito. Mabilis bumalik sa daan ang tingin nito pero umangat naman ang kamay nito at hinaplos ang leeg niya. “I’m sorry, baby girl. Hindi tayo puwedeng mag-stay sa condo ngayong gabi. Kung hindi lang ako nakatulog, kanina pa sana kita inalis sa lugar na `yon.” Inalis na nito ang kamay sa leeg niya. “Do’n muna tayo sa townhouse.”

Lumabi lang si Denim. Totoong pagod siya kaya wala siyang lakas makipagtalo kay Finn. Balak sana niyang magmuni-muni na lang habang nakatingin sa labas ng bintana, pero may nakita siya sa side mirror na kumuha ng atensiyon niya. “Finn…” Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa coaster van sa likuran nila. Kilalang-kilala niya ang tatak ng sasakyan. “Sinusundan tayo ng news team from BBS.”

“Baka pareho lang ang daan nila sa’tin.”

Nilingon ni Denim si Finn at binigyan ito ng nagdududang tingin. “`Yong van na `yon, sigurado akong `yon ang van ng news team na puro Helper mo ang member. Inutusan mo ba sila na sundan tayo? Pero bakit naman? Hindi naman makakatulong sa publicity nating dalawa kung makukuhanan tayong magkasama ng ganitong oras dahil ang alam ng mga tao, magpinsan tayo. Plus, hindi na natin kailangan ng scandal para lalong sumikat. Nakakalat na ang mukha natin mula billboard hanggang sa cover ng mga notebook. So, anong point ng pagsunod nila sa’tin? May pinaplano ka ba to boost your fame even more?”

Natawa si Finn habang iiling-iling. “Baby girl, magkakasakit ka ba kapag hindi ka nagtanong?”

“What’s wrong with asking?” reklamo naman ni Denim. “Sa curious ako, eh. Masama ba `yon?”

“I’ll kiss you if you don’t stop asking questions, baby,” nakangiting “banta” ni Finn.

“You’re so aggressive tonight,” gulat na komento ni Denim. “You’re acting strange, Finn. May problema ba? Nasa age ka na ba na pinu-push ka na ng dugo mo na magparami ng lahi?” Napasinghap siya nang may maalala. “Puwede bang makabuntis ang mga male half-vampire?”

Sinulyapan siya ni Finn, nakataas ang kilay. “Gusto mong i-try natin kung makakabuo tayong dalawa ng little Mancinis?”

Nag-init ang mga pisngi ni Denim. Medyo nabastusan siya kay Finn, pero mas nangibabaw ang pag-aalala niya dahil sa kakaibang kinikilos ng best friend niya. Medyo clingy ito dahil madalas itong natutulog sa tabi niya, pero ni minsan ay hindi pa ito nagsalita ng ganito. Hindi siya papayag na makatulog sa tabi ng lalaki kung alam niyang mamanyakin siya nito. “Y-you’re so crass tonight, Finn. What’s wrong with you?”

Ngumisi lang si Finn. Pero mabilis ding nawala ang ngisi na `yon kasabay ng bahagyang panlalaki ng mga mata nito. Pagkatapos ay bigla nitong inapakan ang preno.

Napasinghap si Denim dahil sa biglaang paghinto ni Finn. Mabuti na lang at naka-seatbelt siya dahil kung hindi, malamang ay tumama na ang ulo niya sa dashboard. Pero kahit hindi siya nasaktan, para namang tinatambol ang puso niya dala ng matinding kaba.

“Denim, baby, are you hurt?” nag-aalalang tanong ni Finn sa kanya, nakahawak agad sa mga balikat niya. “I’m sorry. I’m really sorry.”

Tumingin si Denim kay Finn. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito, pero siya ang mas nag-alala para rito nang may nakita siyang malaking bulto sa likuran. Bago pa niya masabi sa best friend niya ang nakita niya, umalog na ang sasakyan dahil sa pagsipa ng kung sino o kung ano sa labas.

“Finn Lee Mancini!” galit na sigaw ng pamilyar na boses habang patuloy sa pagsipa sa driver’s side.

Nanlaki ang mga mata ni Denim nang makilala ang boses na `yon. “Eton?”

“Stay here, Denim Blue Benitez,” mahigpit na bilin sa kanya ni Finn bago siya nito binitawan, saka ito bumaba ng kotse.

Alam ni Denim na magagalit si Finn kapag bumaba siya ng kotse. Kapag binubuo nito ang pangalan niya, nangangahuluhan lang `yon na seryoso ito. Kaya pinindot na lang niya ang command para unti-unting tumiklop ang bubong ng sasakyan. Gusto niyang makita ang mangyayari.

Napangiti siya nang makita si Eton na hindi na suot ang nakita niyang uniform nito kanina. He wore a dark jacket now with white T-shirt, maong pants, and his dirty sneakers. Kabaligtaran ng pagiging kaswal nito ang pagiging formal naman ni Finn na naka-dark polo naman.

Parehong nasa harap ng sasakyan sina Eton at Finn na kaharap ang isa’t isa. Kaya sa paningin ni Denim na nasa loob ng kotse, naka-sideview ang dalawang lalaki.

They’re both good-looking men. They shouldn’t be fighting. Kahit anong mangyari, pipigilan ko kapag nagsuntukan na sila. Hindi puwedeng masira ang mukha ng kahit sino sa kanila!

Kitang-kita ni Denim ang mabilis na hinablot ni Eton ang kuwelyo ni Finn. Kahit naka-sideview si Eton mula sa kanya, nakita pa rin niya ang galit sa mukha nito. Samantalang si Finn naman, nanatiling kalmado.

“Nasa’n sila?” galit na tanong ni Eton. “Kapag hindi mo sinabi kung nasa’n sila, papatayin kita!”

Napaderetso ng upo si Denim. Kinilabutan siya sa matinding galit na narinig niya sa boses ni Eton. Ibig sabihin, seryoso ito sa banta nito!

Ngumiti lang si Finn at namulsa. “Sigurado ka ba d’yan, Ethan Albert Rousell? Hindi mo ba nararamdaman ang mga mortal na kasama natin?” Tinuro ni Finn ang van na huminto sa likuran ng kotse. “Just so you know, mga reporter ang audience natin ngayon. Puwede mo ring i-assume na sa mga sandaling ito, naka-record na sa mga camera nila ang nangyayaring ito ngayon.”

Nanlaki ang mga mata ni Denim sa gulat. Ah. Ito pala ang plano ni Finn kaya tumawag siya sa mga reporter na hawak niya. Alam ba niyang susugurin siya ni Eton?

Inalis ni Finn ang mga kamay ni Eton sa kuwelyo nito. “Bakit natigilan ka? Hindi mo ba ko pauulanan ng mga icicle mo gaya noon?” Tumango-tango si Finn. “Hindi na siguro dapat ako nagtaka. Ang grupo mo, misyon ang panatilihing lihim ang existence ng mga uri natin. Lalo na ang tungkol sa mga bampira.”

Sumigaw si Eton para marahil ilabas ang galit nito. Halata rin sa lalaki ang pagpipigil nitong umatake o ang ilabas ang tunay na anyo.

Napahawak si Denim sa knob ng pinto sa gilid niya. Pero pinigilan niya ang sariling lumabas. Hindi naman siguro sila maglalaban dahil sa mga reporter. Please, Eton. Control yourself.

Kumilos si Eton at biglang nawala sa harap ng sasakyan.

Napasinghap si Denim nang bigla-bigla, nasa gilid na niya si Eton na nakayuko sa kanya habang mahigpit ang pagkakahawak sa hamba ng pinto ng kotse.

Narinig niya ang malakas na pag-ungol ni Finn pero kasabay niyon, may malakas na hangin na lumabas mula sa katawan ni Eton. Sa gilid ng mga mata ni Denim, nakita niyang parang may ipo-ipong nabuo mula sa enerhiyang nakapalibot kay Eton at inatake niyon si Finn na humagis palayo. Muntik na siyang mapapikit dahil sa “hangin” sa paligid ni Eton pero buti na lang, humina rin `yon.

Napasinghap at napapikit na ng tuluyan si Denim nang sugatan ni Eton ang sariling dibdib gamit ang mahahaba nitong kuko. Mabilis sumirit at umapaw ang sariwang dugo mula sa bukas nitong sugat.

Hindi niya napigilan ang pag-aalala para kay Eton nang makita ang pagtulo ng dugo nito mula sa katawan nito pababa sa parte ng kalsada kung saan ito nakatayo. Parang gripong nakabukas ang nahiwang bahagi ng dibdib ng lalaki sa dami ng dugong lumalabas dito.

“Denim Blue Benitez,” mariing pagtawag sa kanya ni Eton, may kasama pang angil, kaya siya nag-angat ng tingin dito. “Ikaw ang sasagot sa mga tanong ko.”

Sa pagkagulat ni Denim, bigla na lang umangat ang katawan niya mula sa kinauupuan. The next thing she knew, she was already being carried by Eton like a bride and they were floating in the air.

Nang tumingala siya kay Eton, hindi man nakatingin ang lalaki sa kanya, ay nakaramdam pa rin siya ng kakaibang kaba. Nang tumalon muli ito papunta sa tuktok ng lamppost, napasinghap siya at naipalupot niya ang mga braso sa leeg ng Bloodkeeper. Ang tigas ng katawan nito!

“Denim!”

Tumingin si Denim kay Finn sa ibaba. Nakatayo ito sa dugong naiwan ni Eton sa kalsada. Tinangka ni Finn na tumalon para siguro sundan sila, pero hindi ito nakakilos kaya napatingin ito sa mga paa.

Nanlaki ang mga mata ni Denim nang makita ang nangyayari kay Finn: mabilisn na nagiging yelo ang dugo ni Eton at binabalot niyon ang mga paa ng best friend niya! Ilang segundo lang, nabalot na ng yelo ang mga paa ni Finn hanggang sa baywang nito, kaya hindi na ito makaalis sa kinatatayuan!

Umangil si Finn na parang galit na galit, pagkatapos ay nilabas nito ang mahahaba at matatalas na kuko, saka nito sinubukang basagin ang yelo sa katawan nito.

“Finn!” nag-aalalang sigaw ni Denim. Sinubukan niyang tumalon mula sa pagkakakarga sa kanya ni Eton, pero mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya. She turned to him with a pleading look. “Hindi naman mababasag ang katawan ni Finn na nabalot ng yelo, `di ba?”

Eton glared and growled at her. Sa totoo lang, intimidating ang lalaki dahil pula na ang mga mata nito, at nakalabas pa ang dalawang pangil na tanda na lumabas ang pagiging kalahating-bampira nito. Idagdag pa na nagtatatalon sila ng pagkataas-taas gamit ang matatayog na punong nakahilera sa magkabilang-gilid ng kalsada. Kung minsan naman, sa mga lamppost. Pero hindi siya natakot.

Umangil din si Denim na halatang ikinabigla ni Eton na biglang kumalma ang mukha, hindi gaya kanina na parang galit na galit ito. “Buong buhay ko, inaangilan na ko ng mga bampira sa paligid ko. Tingin mo, matatakot pa ko sa paangil-angil mo?” Sa inis niya, muli na naman siyang nag-“dial” sa dibdib ni Eton gamit ang daliri niya. “First, alam kong hindi puwedeng uminom ng dugo ng mga tao ang mga bampira. Second, alam ko ring hindi puwedeng saktan ng mga Bloodkeeper ang mga mortal, lalo na ang mga civilian like me. Hindi nga ako puwedeng madamay sa war niyo, eh. And lastly, kung gusto mo kong i-date, you should have just asked me out. You don’t have to do this. Sasama naman ako sa’yo, ha?”

“Sa daldal mong `yan, mukhang hindi mo naiintindihan ang sitwasyon mo,” iiling-iling na sabi ni Eton. “Mataas ang sunod kong tatalunin. Kung may natitira ka pang lakas, gamitin mo na lang `yan sa pagpikit kaysa sa pagdaldal,” sabi nito, saka ito huminto sa tuktok ng mataas na puno habang nakatingala sa kaharap nilang mataas na building.

Napalunok si Denim. Nasa vicinity pa sila ng condominium building nila kaya napapaligiran pa sila ng matataas na building. May ideya na siya kung saan pupunta si Eton kaya pumikit siya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa lalaki. “Go. Ready na ko.”

“I’m not asking for your permission,” masungit na sabi ni Eton, saka ito tumalon.

Sinubsob ni Denim ang mukha sa matigas at mabangong dibdib ni Eton. Napigilan niya ang pagtili dahil hindi naman `yon ang unang pagkakataon na may Bloodkeeper na kumarga sa kanya habang nagtatatalon sa matataas na lugar. Kapag nag-ma-moutain climbing sila ni Finn noon, kinakarga lang siya ng lalaki paakyta sa tuktok ng bundok.

Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang maramdaman ang pagbagsak nila ni Eton. Ang sunod niyang naramdaman ay ang paggulong niya sa matigas at malamig na sahig.

Masakit, ha!

Nang nagmulat si Denim ng mga mata, natagpuan niya ang sarili na nakadapa sa rooftop ng isang building na mukhang helipad. Mahapdi ang mga braso at tuhod niya kaya siguradong may mga sugat siyang nakuha mula sa pagbagsak at paggulong niya.

Pero mas nangibabaw ang pag-aalala niya nang makita si Eton na nakaluhod sa sahig, nakatukod ang mga kamay sa kalsada. Mabigat ang paghinga nito at wala pa ring panay ang pagdugo ng dibdib.

“Nauubusan ka na ng dugo, Eton,” nag-aalalang sabi ni Denim, saka siya mabilis na tumayo at naglakad palapit kay Eton kahit iika-ika siya dahil masakit ang kanang binti niya. “Mukhang mabagal din ang recovery mo dahil malalim ang sugat mo. Kailangan mo nang magamot…”

Tumingala sa kanya si Eton para bigyan siya ng masamang tingin at muling angilan. “D’yan ka lang.”

Para namang makikinig si Denim. Hindi naman sa hindi siya natatakot. Nararamdaman niya lang na hindi siya magagawang saktan o patayin ni Eton. “Convincing sana `yang pananakot mo kung hindi ka namumutla d’yan na parang multo,” sabi niya, saka siya lumuhod sa tabi ni Eton na patuloy sa pag-angil, pero wala namang ginagawa para itulak siya palayo rito. “Titingnan ko lang ang sugat mo. Stop snarling, will you? Kung may natitira ka pang lakas, gamitin mo na lang `yan sa pagpapabilis ng recovery mo kaysa sa pag-angil. That doesn’t scare me.”

Eton snorted at that. Mula sa pagkakaluhod ay umupo ito sa sahig at lumiyad habang nakatukod ang mga kamay sa likuran nito. “Dahil ba lumaki ka sa mundo ng mga bampira?”

Bahagyang yumuko si Denim at pinalaki ang mga mata habang tinitingnan ang sugat ni Eton mula sa sira nitong T-shirt. Napansin niyang humihina na ang pagtulo ng dugo at dahan-dahan na ring sumasara ang mahaba at malalim nitong hiwa. “Dahil hindi ko nararamdaman sa’yo ang intensiyon mong saktan o patayin ako,” sagot niya sa tanong ni Eton. “Hindi ka kagaya ng mga bampirang may barcode sa leeg.”

“Tama nga ako na kunin ka mula kay Finn Lee Mancini dahil mukhang marami kang alam,” sabi ni Eton. “Alam mo ba rin ba kung saan tinago ng boyfriend mo si Lilac at ang kakambal kong si Tyrus?”

Nanlaki ang mga mata ni Denim sa gulat kaya napatingin siya kay Eton na blangko na ang mukha. Pero dahil simula pagkabata ay gumagalaw na siya sa magulong mundo ng mga bampira, mabilis din siyang nakabawi. “Nawawala si Lilac at ang manager niya? Pero bakit mo naman sila sa’min hinahanap?”

“Nagpunta sila sa condo mo para bawiin ang unicorn necklace ni Lilac na ninakaw ni Finn,” paangil na sagot ni Eton. “Simula no’n, hindi pa sila bumabalik. Kagagaling ko lang sa condo mo, Denim Blue Benitez. Sigurado akong dugo ng kakambal ko ang nakakalat sa buong lugar.”

“Hindi ko gets–”

“Isa ka ring tao kaya dapat may simpatya kang nararamdaman para kay Lilac na katulad mong mortal,” sermon sa kanya ni Eton sa mapait na boses. “O baka naman nawala na ang pagiging tao mo dahil sa ilang taon mong pamumuhay kasama ang mga bampira?”

Napahawak si Denim nang biglang kumirot ang sentido niya. Nasaktan siya sa mga sinusumbat ni Eton sa kanya, pero mas nangibabaw pa rin ang biglaang pag-atake ng kung ano sa isipan niya.

Parang naririnig niya ang boses nina Lilac at Tyrus sa isipan niya na tinatanong siya tungkol sa unicorn necklace na binabanggit ni Eton ngayon, pero hindi naman matandaan ng isipan niya ang mga eksena kung kailan at paano `yon nangyari. Umiling-iling siya sa pag-asang mababawasan ang sakit ng kanyang ulo, pero bale-wala `yon. Para pa ring may kung anong bumabasag sa bungo niya dahil sa pag-iisip niya.

Sina Lilac at Tyrus na naaalala niyang nakita niya sa mall pero hindi niya matandaan kung ano ang napag-usapan nilang tatlo maliban sa pagsasabi ni Tyrus kung nasaan si Eton.

Ang sinasabi ni Eton ngayon na nagpunta sa condo niya sina Lilac at Tyrus pero hindi na nakabalik.

Kung bakit lahat yata ng nilalang sa paligid niya ay masyadong interesado sa unicorn necklace.

At siyempre, ang napakaraming dugo sa kanyang unit.

Posible kayang…

Mariing umiling si Denim at tumingin ng deretso sa mga mata ni Eton na halatang ikinabigla nito. “Eton, hindi magagawa ni Finn ang iniisip mong ginawa niya kay Lilac o sa kakambal mo.”

Umangil si Eton, pero hindi para takutin siya. Napahawak ito sa dibdib nito na para bang nasasaktan ito. Malamang, nauubusan na ng dugo si Eton para panatilihing malakas ang ginawa nitong barrier. Pagkatapos, napatingala ito sa madilim na kalangitan. “He broke the ice this fast, huh?”

Nanlaki ang mga mata ni Denim sa gulat at tuwa. “Nakawala na si Finn?”

Bumaba ang tingin ni Eton sa kanya. Sinubukan nitong angilan siya pero mabilis din itong napasinghap, kasabay ng muli nitong paghawak sa dibdib nito. Nanghihina na talaga ito.

“Go, Eton,” nag-aalala at nagmamadaling sabi ni Denim. “Sa lagay mong `yan, babagal ka kung isasama mo pa ko. Kapag naabutan ka ni Finn, hindi ko sigurado kung ano ang gagawin niya sa’yo.”

Binigyan siya ni Eton ng gulat na tingin.

“Hindi kita pinapatakas para lang iligtas ka,” mabilis na bawi ni Denim. “Ayoko lang may magawa si Finn na pagsisisihan niya dahil sa pag-aalala niya sa’kin. So make me sleep, Eton. Kapag nakita ni Finn na wala akong malay, hindi na niya maiisip na habulin ka.”

Umangil si Eton. “Hindi ako tumatanggap ng utos mula sa isang mortal na nag-traidor sa kanyang lahi.”

Denim just rolled her eyes. Pagkatapos, kinuha niya ang malamig na kamay ni Eton. Tinangka nitong bawiin `yon pero nagmatigas siya. Pinatong niya ang kamay ng lalaki sa ulo niya. “Paano mo mahahanap sina Lilac at Tyrus kung dito pa lang, mamamatay ka na?”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Eton na parang biglang natauhan sa mga sinabi niya. Naging kalmado rin ang mukha nito. Pagkatapos, deretso itong tumingin sa mga mata niya. “Sleep and grow a conscience, mortal.”

Magrereklamo pa sana si Denim, pero mabilis na siyang hinila ng antok at hindi na niya alam ang sumunod na mga nangyari. Pero sana lang, hindi na habulin ni Finn si Eton. Ayaw niyang may masaktan sa dalawang lalaking importante sa kanyang buhay.

NANG nagmulat si Denim ng mga mata, hindi na siya nagulat nang si Finn ang sumalubong sa kanya. Parehong patagilid ang higa nila ng lalaki sa kama kaya nakaharap sila sa isa’t isa ngayon.

“Kumusta ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Finn.

“Okay lang,” sagot ni Denim. “Nasa townhouse na ba tayo?”

Tumango si Finn. Pagkatapos, hinaplos nito ang pisngi niya. “Denim, may ginawa o sinabi bang masama sa’yo si Eton nang subukan niyang dukutin ka kanina?”

Kumunot ang noo ni Denim. “Si Eton? Hindi ko maalalang nakita natin si Eton kanina.” Bumangon siya para umiwas ng tingin kay Finn. Pagkatapos, sinapo niya ang ulo ng mga kamay niya. “The last thing I remember, bigla ka na lang nag-preno.” Tumingin siya sa mga braso niya na may mga sugat. Masakit din ang mga kalamnan niya. “Naaksidente ba tayo, Finn?”

Bumangon din si Finn at hinawakan siya sa balikat. “`Yon ang huli mong naaalala?”

Humarap si Denim kay Finn at tumango. “Si Eton ba ang nakaaksidente sa’tin kanina?”

Bahagyang kumunot ang noo ni Finn at tinitigan ang mukha niya na parang pinag-aaralan siya. Pero sa huli, tumango ito. “It was just a minor accident. Nawalan ka siguro ng malay dahil sa shock. Magpahinga ka pa at huwag ka munang magtrabaho bukas. Ako na ang bahalang kumausap sa manager mo.”

Lumabi si Denim. “Kapag hindi ako pumunta sa pictorial bukas, siguradong matsi-tsismis na naman ako na primadonna at hindi professional.”

“Ako na rin ang bahala ro’n. Sisiguraduhin kong wala silang sasabihing masama sa’yo.”

Tumitig si Denim kay Finn. Simula three years old siya, ang lalaki na ang nag-aalaga sa kanya. For twenty years, she had lived a secured and fulfilled life because of him. He was like a brother, a best friend, and a father figure rolled into one. He was family. “Thank you, Finn,” puno ng sinseredad na sabi niya. “For everything. Siguro hindi ako magkakaro’n ng ganito kasayang buhay kung hindi dahil sa’yo.”

Ngumiti lang si Finn, pagkatapos ay kinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito. Pagkatapos, hinalikan siya nito sa noo. “Kung ganyan ka ka-grateful sa’kin, dapat sinusunod mo na ko. Huwag ka na uling tatakas sa mga bantay mo, ha? Mahirap ka pa namang i-trace dahil walang amoy ang dugo mo.”

Kumunot ang noo ni Denim sa pagtataka. “Bakit hindi naaamoy ng mga bampira ang dugo ko, Finn?”

“It was a gift for you,” simpleng sagot ni Finn, pagkatapos ay tumayo na ito. “Magpahinga ka na. Nasa kabilang kuwarto lang ako. Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ko.”

Tumango si Denim. “Finn, puwede ba kong mag-laptop sandali? Papanuorin ko lang muna `yong video ni Mommy wherein kinukuwento niya sa’kin na may magic daw `yong dagger na gift nila sa’kin ni Daddy no’ng third birthday ko. Nakakatawa kasi `yon, eh. It makes me calm, too.”

Ngumiti si Finn. Sa mabilis nitong pagkilos, ito na mismo ang kumuha ng laptop na nasa kuwartong `yon. Inabot nito sa kanya `yon, saka nito hinaplos ang buhok niya. “Don’t stay up too late, baby.”

“I won’t,” nakangiting sagot ni Denim. “Goodnight.”

Finn gently pinched her cheek before quietly leaving the room. Sa bilis din ng kilos ng lalaki, hindi na niya nakita kung kailan nito pinatay ang switch ng mga ilaw. Pagkasara ng pinto, madilim na ang kuwarto pero bukas na rin ang lamp shade sa ibabaw ng night table.

Nawala agad ang ngiti ni Denim nang mapag-isa na siya. Tiniklop niya ang mga binti niya at niyakap ang mga `yon ng mahigpit. Sinubsob niya ang mukha niya sa mga tuhod niya pero pinigilan niya ang umiyak. Kapag narinig ni Finn na humikbi siya, siguradong babalik ito para silipin kung okay lang siya.

Nakatakas naman siguro si Eton kanina, `di ba?

Nagsinungaling siya kay Finn dahil ayaw niyang malaman nito na alam na niya ang tungkol sa pagkawala nina Lilac at Tyrus. Dahil kapag nalaman nito ang mga sinabi ni Eton sa kanya kanina, siguradong mas lalong hihigpit ang pagbabantay ni Finn sa kanya. Baka nga hindi na siya nito palabasin ng bahay. Hindi na niya kayang manahimik at magbulag-bulagan sa mga nangyayari.

Kung ayaw mong magsabi sa’kin, ako na lang ang maghahanap ng sagot sa mga tanong ko.

Nang kalmado na si Denim, dinukot niya ang memory card na nasa bulsa ng skirt niya at inangat `yon sa harap niya para matitigan niya…

“I’m just going to take a quick shower,” sabi ni Finn habang papasok ng banyo. “Mag-ayos ka na rin at aalis na tayo. Sa townhouse tayo magpapalipas ng gabi.”

Bago pa makakontra si Denim, sumara na ang pinto ng banyo at narinig na niya ang pagbukas ng shower. Nang masiguro niyang naliligo na si Finn, kinuha niya ang unicorn necklace sa bulsa ng skirt niya.

Ano bang meron sa kuwintas na `to?

May nakita siyang crack sa bandang ulo ng unicorn, hinila niya ang ginintuang buhok niyon. Sa pagkagulat niya, nakita niyang memory card holder pala ang loob ng pendant.

Ano naman kaya ang laman nito?

Nang marinig niya ang pagkawala ng tunog ng shower, mabilis niyang kinuha ang memory card, saka niya hinagis ang kuwintas sa madumi at may dugong damit ni Finn na hinubad nito kanina. Saka niya binulsa ang memory card.

Sinuksok ni Denim ang memory card sa memory card holder, saka naman niya sinuksok ang gadget sa USB portal ng laptop niya. Nang makita niyang puro videos ang laman no’n, nagsaksak din siya ng earphones para hindi marinig ni Finn ang kung ano mang laman ng mga vid.

She played the first video on the list.

Sumalubong sa kanya ang isang magandang babae na may asul na mga mata at blonde na buhok. Seryoso ang mukha nito at seryoso rin ang sinasabi.

Nanlaki ang mga mata ni Denim sa mga naririnig niya. At nang itutok ng babaeng blonde ang camera na hawak nito sa sinasabi nitong “laboratory,” sumalubong sa kanya ang isang eksena na nagpabaligtad ng kanyang sikmura. Mabuti na lang at mabilis niyang natakpan ng mga kamay niya ang bibig niya. Kung hindi lang siya natatakot na baka marinig siya ni Finn, kanina pa siya sumuka.

No, this can’t be true…

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.