Chapter BAD ROMANCE CHAPTER 12

ETON was relieved that his two day mission was over.

Nang ipatawag siya ni Lord Nicholas kapalit ni Tyrus, nakasama niya ang ibang mga squad captains sa pagsundo kay Prince Estefano sa airport hanggang sa paghahatid dito sa mansiyon ni Lord Nicholas. Gaya ng alam na niya, dala nga ng prinsipe ang himlayan ng Rareblood na si Lord Riccos. Pero ang mga Grandkeeper na mga loyal servants ni Lord Riccos, hinahabol ang prinsipe para bawiin ang ataol.

But Prince Estefano had been heavily injured and he needed to drink Lord Nicholas’ blood to “recharge.” Kaya habang wala pa sa maayos na kalagayan ang prinsipe, silang mga squad captain (at vice-captain sa sitwasyon niya) ang nagbantay dito habang nagpapalakas pa ito.

Sa ngayon, wala na ang banta ng mga Grandkeeper. Maayos na rin ang lagay ni Prince Estefano, gano’n din si Lord Nicholas. Kaya ngayon, pauwi na siya.

Denim, I hope you missed me, too.

Napangiti si Eton nang sulyapan niya ang mga pinamili niyang grocery items sa backseat. Sa dami ng binili niya, hindi na nagkasya sa compartment ang mga `yon kaya `yong ibang plastic bag, pinasok na niya sa loob ng kotse niya. Namili siya ng maraming pagkain at ingredients para ipagluto si Denim.

Sa dami ng libreng oras niya noon, nakapagtapos siya ng Culinary Arts kaya mataas ang kumpiyansa niyang masarap siya magluto. Umaasa siyang maibabalik niya ang gana ni Denim sa pagkain.

But still, I overshopped.

Pero bumili rin naman si Eton ng malaking gatas at diaper para kay Sterling. Nang nagkausap sila sa phone ni Tyrus, naibalita na nito sa kanya na nakuha na nito at ni Lilac ang sanggol. Kaya nga no’ng nasa grocery store siya, tinanong niya ang kakambal niya kung may kailangan ang baby.

Nagulat nga si Isabel kanina dahil nagpatulong siya ritong hanapin ang brand ng gatas at ng diaper na sinabi sa kanya ni Tyrus sa text…

“Is your girlfriend pregnant?” gulat na tanong ni Isabel habang naglalakad ito sa harap niya at abala sa pagbabasa ng mga label ng naglalakihang lata ng gatas sa paligid nila. “Manganganak na ba siya kaya naghahanda na kayo ng mga gamit ng baby?”

Gusto sanang ngumiti ni Eton pero nangako siya kay Denim na gagawin lang uli `yon kapag binigyan na siya ng permiso ng babae. Gayunman, sigurado siyang maaliwalas ang mukha niya. “Hindi, Isabel. Hindi pa buntis si Denim. Para sa pamangkin ko `yan. May anak na ang kakambal ko at ang asawa niya.”

“You didn’t deny it this time,” nangingiting komento ni Isabel. “Denim being your girlfriend, I mean. Ni hindi ko nga siya pinangalanan.”

Tumango lang si Eton. Nitong nakaraan, puro si Denim na lang ang laman ng isipan niya. Sa tuwing nakakalayo sila, mas lalong lumalalim ang damdamin niya para sa babae. Pero wala naman siyang nakikitang problema ro’n kaya hinahayaan niya lang ang sariling mahalin ito ng todo.

“Ngayon lang uli kita nakitang ganyan kasaya,” nakangiting sabi ni Isabel, saka nito inabot sa kanya ang malaking lata ng gatas na hinahanap niya. “Masaya ako na nagkaro’n ka na ng buhay ngayon.”

Tinanggap ni Eton ang lata ng gatas at tumingin siya sa mga mata ni Isabel.

Wala na ang kirot na nararamdaman niya sa tuwing titingnan siya ng babae na walang rekognisyon sa mga mata. Hindi na rin siya nakakaramdam ng pagod sa paghihintay na bumalik ang mga alaala nito para mabago niya ito at magkasama uli sila. May espesyal pa rin namang lugar sa puso niya si Isabel. Pero hindo na sing lalim at sing tindi noon ang damdamin niya para rito ngayon.

It might be long overdue, but he had finally moved on from his past love without realizing it. Ngayon niya lang namalayan `yon dahil habang nakatingin siya kay Isabel, si Denim pa rin ang nasa isipan niya.

“Hindi na uli ko babalik dito, Isabel,” seryoso pero magaang ang tono na sabi ni Eton. “Ingatan mo ang sarili mo at patuloy ka sanang maging mas masaya pa kasama ang asawa at pamilya mo. Maraming salamat sa lahat ng masasayang alaala natin noon.”

“Ni hindi ka nga complete attendance sa ilang taong pagtatrabaho mo rito kaya anong masasayang alaala ang sinasabi mo d’yan?” natatawang biro ni Isabel. “Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Pero kung si Denim ang dahilan nang pag-alis mo rito, wala namang problema `yon. Huwag mo na siyang pakawalan, hijo. Bagay na bagay kayo ng batang `yon.”

Muli, tumango si Eton at pinigilan ang pagngiti. “Hindi ko na pakakawalan si Denim.”

Natauhan lang si Eton mula sa pagmumuni-muni nang dumating na siya sa apartment building kung saan nakatira si Lilac. Pinarada niya muna ang kotse niya saka siya bumaba.

Doon siya pinaderetso ni Tyrus at sinabing magpapaliwanag na lang daw ito pagdating niya. Sigurado siyang nando’n din si Denim dahil wala namang dahilan para iwan ng mga ito ang babae sa mansiyon. Baka nasa apartment lang ang mga ito para protektahan ang sanggol mula sa mga Bloodkeeper. Ayon kay Tyrus, mabango daw kasi ang dugo ng anak nito.

Umakyat siya sa floor ng apartment bitbit ang lahat ng pinamili niyang grocery items. Pero no’ng nasa tapat siya ng pinto, nagtaka siya sa naramdaman at naamoy niya. Kunot-noong nag-doorbell siya.

I can’t feel Denim’s presencen nor can I feel her scent.

Bumukas ang pinto at ang seryosong si Tyrus ang sumalubong sa kanya. “Come in, brother.”

Tahimik na pumasok si Eton sa loob ng apartment. Sumalubong agad sa kanya ang mabangong amoy ng dugo ng sanggol na kasalukuyang nasa crib habang nilalaro ni Lilac na nakaupo sa silya at parang hindi makatingin sa kanya. Ramdam niyang may mga Bloodkeeper pang nagkukubli sa buong gusali para siguro bantayan si Lilac at ang sanggol, pero hindi niya maramdaman ang presensiyang hinahanap niya.

Something was definitely wrong here.

Binaba ni Eton ang mga bitbit niya sa coffee table, saka siya pumihit paharap kay Tyrus. “Where’s Denim Blue Benitez?”

Humalukipkip si Tyrus at binigyan siya ng seryosong tingin. “Ethan, Denim was kidnapped.”

Kulang ang sabihing nabigla si Eton sa narinig. Hindi niya napigilan ang biglaang paglabas ng Bloodlust niya dala ng matinding pag-aalala. Nagsiliparan ang magagaang na bagay sa paligid at sa isang iglap lang din, wala na si Tyrus sa harap niya.

Eton turned around to face his brother again. Sa pagkakataong `yon, si Tyrus ay nakatayo na sa harap ni Lilac na nakatayo naman sa harap ng crib na para bang pinoprotektahan ang sanggol mula sa kanya.

“Calm down, Ethan,” kunot-noong saway ni Tyrus sa kanya. “Baka maaksidente mong masaktan ang anak namin dahil sa Bloodlust mo.”

“Paanong nadukot si Denim?” sa halip ay tanong ni Eton. “Nasa mansiyon siya. May mga bantay siya!”

“Si Cerise Alessandra Stratton ang mismong umatake sa mansiyon kaya walang nagawa ang mga kasamahan natin para labanan siya. Our squad members were heavily injured,” paliwanag ni Tyrus sa pasensiyosong boses. “Ang hinala namin, natunton si Denim sa pamamagitan ng amoy ng dugo niya. Her scent is unique and she’s been with Cerise since she was a toddler.”

“Bakit hindi mo agad sinabi sa’kin `yan?” galit na tanong ni Eton. “Madalas tayong magkausap sa phone sa lumipas na dalawang araw!”

“Kung sinabi ko sa’yong nadukot si Denim, siguradong iiwanan mo ang tungkulin mo para hanapin siya,” katwiran ni Tyrus. “Ethan, mabigat ang magiging parusa mo kung iniwan mo ang prinsipe sa kalagitnaan ng misyon niyong protektahan siya. He’s the vampire prince, you know. Ayoko lang namang mapahamak ka kaya hindi ko muna sinabi sa’yo ang nangyari.”

Sumigaw si Eton para ilabas ang galit niya. Alam naman niyang nag-aalala lang si Tyrus para sa kanya, pero hindi pa rin nabawasan ang inis niya sa nangyari. “Hinahanap na ba si Denim? May clue na ba kayo kung nasaan siya? She’s still alive, isn’t she?”

Marahang umiling si Tyrus. “Hindi pa namin siya nahahanap.”

Inangilan ni Eton si Tyrus at nang muling lumabas ang Bloodlust niya, mas malakas na `yon kaya nagkaro’n ng biyak ang mga dingding at nabasag ang mga figurine sa sala.

Then the baby in the crib cried.

Sa pagkakataong `yon, si Tyrus naman ang umangil at naglabas ng mga pangil sa kanya at tinulak siya palayo gamit ang sarili nitong Bloodlust.

The next thing Eton knew, he was already smashed against the wall. Kahit paano, nakatulong ang pagkakauntog niya ng malakas para matauhan at kumalma siya. Nang tumayo siya, tumingin agad siya kay Tyrus na nakaangil pa rin sa kanya. Samantalang si Lilac naman, karga-karga na ang sanggol na hinehele nito para patahanin. Medyo nakaramdam na siya ng pagkapahiya sa inasta niya.

“Kalmado ka na ba o gusto mong liyaban pa kita ng apoy?” galit na tanong ni Tyrus.

“No, thanks,” sagot ni Eton sa mas kalmadong boses. Pagkatapos, binalingan niya si Lilac na nakasimangot sa kanya. Pero tahimik naman na ang sanggol. “I’m sorry, Lilac. I didn’t mean to scare your son. Babayaran ko rin ang lahat ng nasira ko dito sa apartment mo.”

Bumuga ng hangin si Lilac at naging kalmado na rin ang anyo. “It’s fine, Eton. Naiintindihan kita. Hanggang ngayon naman, frustrated din ako na hindi pa natin nahahanap si Denim. Ngayong wala na si Finn, wala na tayong aasahang magpoprotekta sa kanya mula kay Magnus.”

Naikuyom ni Eton ang mga kamay. `Yon din ang kinakatakot niya ngayon. Nag-vibrate ang phone niya at sa pagkagulat niya, phone number ni Denim ang lumabas sa caller ID. `Yong number kasi na pinangtawag sa kanya noon ni Isabel nang pinapunta siya nito sa grocery store ay phone ni Denim dahil gusto ng babae na makuha ang number niya. “It’s a video call from Denim’s number.”

Mabilis na nilingon ni Tyrus si Lilac. “Babe, magtago kayo ng anak natin sa kuwarto.”

Tumango si Lilac at humalik sa pisngi ni Tyrus bago ito patakbong pumasok sa kuwarto habang karga ang sanggol na si Sterling. Narinig niya ang bulong nito sa anak. “Please don’t make a noise, baby. Okay?”

Nang masiguro ni Eton na nakatago na sina Lilac at ang sanggol, saka niya sinagot ang tawag. Tumayo naman sa tabi niya si Tyrus. Gaya ng inaasahan niya, si Magnus ang unang nakita niya sa frame ng video. Pareho tuloy silang na-estatwa ng kakambal niya.

“Human technology is a beautiful thing, isn’t it?” nakangising bati ni Magnus sa kanila. “Hello, Rousell Twin Brothers. Naisip niyo ba isang siglo na ang lumilipas na magiging posible na makapag-“video call” gamit ang maliit na teleponong ito? Hindi rin, tama ba?”

Umangil si Eton. Wala siyang panahong makipagbiruan sa bampirang ito. “Nasa’n si Denim?!”

“`Yan nga eksakto ang dahilan kung bakit tinawagan kita,” natatawang sagot ni Magnus. “Simula nang dalhin siya rito ni Cerise, hindi pa siya nagsasalita sa kabila ng mga ginawa ko sa kanya.”

Hindi napigil ni Eton ang muling paglabas ng Bloodlust niya. Sa pagkakataong `yon, hindi siya sinaway ni Tyrus na umangil naman. “Anong ginawa mo kay Denim?!”

“Huwag kang mainip,” nakangising sagot ni Magnus. “Ipapakita ko siya sa inyo.”

Nawala sa frame ng video ang nakakabuwisit na pagmumukha ni Magnus. Sa paglibot ng video cam sa paligid, napansin niyang parang nasa loob ng isang private hospital room ang bampira. Posible kayang bumalik ito sa ospital kung saan nito tinago noon ang mga babaeng biktima nito?

All his thoughts vanished when he saw Denim sitting on a chair with her hands and feet tied. Sa kuhang `yon, walang ibang kasangkapan sa paligid ng babae. May nakatutok ding ilaw sa itaas nito. Puti lang din ang kulay ng mga dingding.

Base rin sa kuha ng video, may salaming nakapagitan kina Magnus at Denim. Mukhang nakakulong ang babae sa isang selda.

Pakiramdam ni Eton ay sinuntok siya sa dibdib. “Denim…”

Narinig yata siya ni Denim dahil nag-angat ito ng tingin. Pero napansin din niyang kinagat nito ang ibabang labi na para bang pinipigilan ang sariling magsalita.

Nanlumo si Eton nang makita ang hitsura ni Denim. Malalaki ang eyebags na halatang walang tulog, sabog ang buhok na halatang hindi nasuklay, tuyo ang mga labi na para bang hindi pinapainom ng tubig, at may mahaba at malalim na sugat din ito sa pisngi. Pero hindi lang ang mukha ng babae ang sugatan.

Denim wore a sleeveless white dress that was already covered in dirt and blood stain. Kitang-kita ang mahahabang latay sa mga braso, leeg, at binti nito. Pulang-pula pa ang mga iyon at dumudugo pa na parang bago lang. Pero meron ding mga pasa at sugat na patuyo na. Ibig sabihin, simula nang madukot ito ay nakakatanggap na ito ng pisikal na pang-aabuso.

Gustong sumigaw ni Eton sa galit pero ayaw naman niyang mag-alala si Denim. “Baby Blue, hintayin mo ko. Darating ako para iligtas ka.”

Sa pagkagulat niya, isang mariing iling ang sagot sa kanya ni Denim. Nasa mga mata rin nito ang matinding pagtutol sa mga sinabi niya.

“Hindi ka puwedeng pumunta rito ng nag-iisa, Ethan,” sabi naman ni Magnus na wala pa rin sa frame pero malinaw naman ang boses. “Kapalit ni Denim Blue Benitez, gusto kong dalhin mo sa’kin si Lilac Alonzo at ang anak ko.”

Sa pagkakataong `yon, si Tyrus naman ang umangil at nagsalita. “Wala kang anak, Magnus!”

“Naibalita na sa’kin ng mga dating tauhan ni Finn na buhay ang anak na isinilang ni Marigold,” seryoso nang sabi ni Magnus. “Sayang nga lang at mabagal mag-isip ang mga walang kuwentang Bloodsucker na `yon kaya hindi nila naisip na anak ko ang sanggol na nasa ampunan. Naisip lang nila `yon nang dumating sa si Lilac Alonzo para kunin ang bata. Mabuti na lang at napadala nila sa’kin ang mensahe bago mo sila tinupok ng apoy mo, Captain Tyrus Hector Rousell.”

“Ikaw na ang susunod kong tutupukin ng apoy ko, Magnus Cadmus Stratton,” galit na sabi ni Tyrus. “Pakawalan mo si Denim Blue Benitez. Wala siyang kinalaman dito!”

“I hold grudges, you know that,” natatawang sabi ni Magnus. “Hindi ko pa rin napapatawad ang batang `yan sa ginawa niyang pagsaksak sa dibdib ko. Kaya doble ang ipaparanas kong sakit sa kanya hangga’t hindi ko pa nakukuha ang gusto ko.” Saglit itong tumahimik. “Margarita, gawin mo na.”

Kumunot ang noo ni Eton nang may isang babaeng Bloodsucker na itim ang suot mula ulo hanggang paa ang pumasok sa silid kung nasaan si Denim. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may hawak itong latigo. “Huwag!”

Hindi nakinig ang Bloodsucker sa kanya at walang awang nilatigo nito si Denim.

Eton bellowed in rage. Pakiramdam niya ay siya ang nilalatigo sa tuwing guguhit ang mahahaba at dumudugong sugat sa balat ni Denim. Sa pisngi, leeg, mga balikat at braso. Pero ang mas dumurog sa puso niya ang matinding sakit na makikita sa mukha nito at ang mariing pagkagat nito sa ibabang labi na para bang pinipigilan pa rin ang pagsigaw, pero nangingilid naman ang mga luha nito.

“Itigil mo `yan,” mariing sabi ni Tyrus na gaya niya ay hindi rin masikmura ang ginagawa kay Denim. “Tama na ang pananakit kay Denim!”

“Titigil lang ako kapag hawak ko na si Lilac at ang sanggol,” mariing sagot ni Magnus. “Kaya kung ako sa inyo, gagawa na ko ng desisyon. Mukhang hindi na magtatagal ang mortal na `to.”

Much to Eton’s utter disbelief, Magnus ended the video call.

Sinubukan niyang tawagan uli ang number ni Denim pero out of reach na `yon. Wala tuloy siyang ibang nagawa kundi ang muling sumigaw dala ng galit at pag-aalala.

Denim was being tortured for two days?

“I’m going to kill that vampire!” galit na sigaw ni Eton, saka niya tinangkang tumakbo palabas.

Pero niyakap siya ni Tyrus mula sa likuran para pigilan. “Tumigil ka, Ethan! Sa estado mo ngayon, hindi ka mananalo kay Magnus kung susugurin mo siya ng nag-iisa! Kumalma ka muna, okay?”

“Paano ako kakalma kung alam kong sa mga minutong `to ay sinasaktan nila si Denim?” galit na katwiran ni Eton habang pilit na kumakawala mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Tyrus. Inangilan niya ang kakambal. “Let me go, Tyrus!”

“No!” paangil na sagot ni Tyrus. “I won’t let you get yourself killed!”

Sumigaw uli si Eton pero sa pagkakataong `yon, may kasama nang iyak. Naalala niya ang matinding sakit sa mukha ni Denim kanina, pero halatang pinipigilan nito ang sumigaw. Alam niyang ginawa nito `yon para ipakita sa kanya na kaya pa nito. “Dammit,” nanghihina nang bulong niya. “She won’t even cry…”

“Shh,” pag-aalo naman sa kanya ni Tyrus. “We’ll save her, Ethan. We will.”

“How, Tyrus?” frustrated na tanong niya. “Sigurado naman akong hindi mo ibibigay ang asawa’t anak mo kay Magnus bilang kapalit ni Denim.”

“May ibang paraan pa, Eton,” deklara naman ni Lilac.

Mabilis na pumihit si Eton paharap kay Lilac nang bitawan na siya ni Tyrus. Nakatayo ang babae sa gilid ng pinto ng kuwarto habang karga ang anak nito. “Ano naman `yon, Lilac?”

“Make me a bait.”

“BABY Sterling, behave ka lang dito, ha?” bilin ni Lilac sa anak na karga-karga ni Tyrus. “Susunduin lang nina mommy at daddy ang Ninang Denim mo. Pagkatapos, uuwi agad kami.”

“Sina Tito Lucho at Tita Jinny mo muna ang mag-aalaga sa’yo,” dagdag naman ni Tyrus, saka hinalikan sa noo si Baby Sterling. “Mga kaibigan sila nina mommy at daddy kaya huwag kang matakot, okay? Hindi ka puwedeng lumaking iyakin.”

Hinalikan ni Lilac ang anak sa pisngi. Hindi na siya nagsalita dahil sumakit na ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak. Hindi naman sa natatakot siya sa misyon nila, separation anxiety lang siguro kaya bigla siyang naging emosyonal. Pero nagpakatatag siya. “It’s time, babe.”

Tumango lang si Tyrus, pagkatapos ay maingat nitong nilipat si Baby Sterling sa naghihintay na mga bisig ni Jinny. “Please take care of our son, Jinny.”

Nakangiting tumango si Jinny, hindi maalis ang tingin sa anak nila na titig na titig din sa babae na para bang kinakabisado ang mukha nito. “I will, Kuya Tyrus. Ang cute-cute ng anak niyo ni Ate Lilac!”

“You have good eyes, little girl,” nakangiti at proud na sagot naman ni Tyrus na akala mo ay tunay na ama ni Sterling. “Thank you.”

Napangiti naman si Lilac habang nakatingin kay Tyrus na nakatitig kay Sterling na puno ng pagmamahal ang mga mata. Hindi niya akalaing mabilis itong mapapamahal sa sanggol at magiging ganitong kabuting daddy. Sigurado siyang magiging mabuting asawa rin ito sa kanya.

Maybe it’s time to give him your answer, Lilac Alonzo, sabi niya sa sarili.

“Jinny, simula nang dumating ang baby, hindi mo na ko pinapansin,” pabirong reklamo ni Lucho na umakbay sa asawa nitong hindi pa rin inaalis ang tingin kay Sterling. “Mas guwapo ba siya kaysa sa’kin?”

“Oo naman, hubby,” sagot ni Jinny, saka tinalikuran si Lucho habang kausap si Sterling sa malambing na boses habang paakyat ng grandstaircase sa mabilis na pagkilos. “Anong gusto ng baby? Do’n tayo sa room namin. Maraming toys akong binili for you.”

Humalukipkip naman si Lucho at umiling. “Pinagpalit na ko ng asawa ko.”

“Bakit hindi niyo pa pag-usapan ang pagkakaro’n ng anak?” tanong ni Tyrus na inakbayan na si Lilac at kinabig palapit sa katawan nito. “Malakas si Jinny dahil isa siyang Mortal Vessel. Malaki ang posibilidad na kaya niyang magbuntis sa anak ng isang Bloodkeeper.”

Ngumiti si Lucho at tumango. “Gusto munang magtapos ng college ni Jinny bago kami magkaro’n ng anak. Inagaw ko sa kanya ang pagiging tao niya nang walang paalam ko siyang binago, kaya hinahayaan ko muna siyang i-enjoy ang normal na buhay gaya ng pagtatapos ng kolehiyo.”

“Ah. Apat na taon lang naman ang pagkokolehiyo,” komento ni Tyrus. “Mabilis lang `yon.”

Tumango lang si Lucho, pagkatapos ay naging seryoso na ito. “Sigurado ba kayong susugod kayo kay Magnus ng walang back-up?”

“Hindi kami puwedeng magsama ng iba dahil hawak ni Magnus si Denim,” sagot ni Tyrus. “Isa pa, ang misyon namin ay bawiin lang si Denim. Tatakas agad kami kapag nakuha na namin ang mortal. Kung wala nang hawak na biktima si Magnus, saka kami magpaplano ng mas malaking pag-atake para hulihin siya.”

“Lilipatan ni Magnus ang katawan ni Sterling kaya hindi namin puwedeng isama ang anak namin. Kaya ang ginawa namin, nagdala kami ng manika na pinatakan namin ng dugo ng anak namin para maakit si Magnus sa amoy. We’ll lure him out using that scent,” dagdag na paliwanag ni Denim, saka niya ipinalupot ang isang braso sa baywang ni Tyrus. “Nagdesisyon kaming iwan ang baby namin dito sa mansiyon niyo ni Jinny dahil dito rin nagpapahinga ngayon sina Prince Estefano at Lord Nicholas.” Ayon kay Tyrus, naparami ang dugong ininom ng prinsipe mula kay Lord Nicholas kaya sa kasalukuyan, parehong nagpapahinga at hindi pa makakalaban ang dalawang malakas na bampira. “Pero kahit gano’n, sigurado kaming hindi magagawang lapitan ni Magnus si Sterling sa kampo kung nasaan ang prinsipe at ang pinakamalakas na Nobleblood. Kaya kampante kaming iwan ang anak namin sa inyo pansamantala.”

“Hindi namin hahayaang makalapit ang mga kalaban sa anak niyo,” pangako ni Lucho sa seryosong boses. “My wife seems to be so fond of your son. Kaya kami ng asawa ko ang mangunguna sa pagprotekta sa kanya. Isa pa, nandito ang elite squad ni Papa. I can assure you that your child is safe here.”

Napanatag si Lilac sa mga narinig niya. “Thank you, Lucho.”

Ngumiti lang si Lucho sa kanya. “Kapag hindi pa kayo nakabalik sa loob ng isang oras, pasusugurin ko na ang squad ko sa ospital na sinabi niyo. Nakaabang na sila ro’n bilang back-up. Hinanda ko `yon kahit alam kong ayaw niyo dahil wala akong tiwala sa mga traidor na Nobleblood. Sigurado akong hindi ipapakita ni Magnus kung nasaan siya nang hindi handa. He might also be expecting this “surprise” attack.”

Bumuga ng hangin si Tyrus at tumango-tango. “Inaasahan ko na rin `yan, Lucho. Pero kailangan namin `tong gawin para kay Denim. Bukod sa natatakot akong mabaliw ang kakambal ko, malaki rin ang utang na loob namin sa mortal kaya hindi namin siya puwedeng pabayaan.”

“On that note, we shall leave,” sabi naman ni Lilac. “Again, thank you for everything.”

Tumango lang si Lucho nang nagpaalam sila rito.

Magkahawak-kamay naman sina Lilac at Tyrus habang naglalakad palabas ng mansiyon. Kanina pa naghihintay sa loob ng kotse si Eton na hindi na makapaghintay makasugod sa ospital.

Ayon kay Eton, sigurado itong naroon sina Magnus at Denim dahil nakapunta na ito sa lugar na `yon. Nang tawagan ni Tyrus ang squad na nakatalagang bantayan ang ospital para hindi na magamit, wala na itong nakausap kaya mas lalong tumibay ang hinala ng kambal na naroon nga ang bampira.

“Tyrus?”

“Hmm?”

“After we save Denim…” pagsisimula ni Lilac at oo, kine-claim na niyang maililigtas nila si Denim. Baka sakaling pagbigyan sila ng universe. “Let’s get married.”

Halatang nabigla si Tyrus dahil natigilan ito, pagkatapos ay pinisil nito ang kamay niya. Nang lingunin niya ang lalaki, napangiti siya nang makitang sobrang luwang ng ngiti nito at nangililid pa ang mga luha. This was the happiest look she had seen on his face yet.

“Are you that happy that I finally said ‘yes’ to your proposal?” natatawang tanong ni Lilac.

“Kung hindi lang ako nag-aalala na baka magising sina Prince Estefano at Lord Nicholas, baka kanina pa ko sumigaw,” nakangiting sabi ni Tyrus habang titig na titig sa kanya. “I gave you a dagger instead of a ring when I proposed to you. I know it sucked, so I promise to give you a grand wedding ceremony. Sabihin mo lang ang dream wedding mo at ibibigay ko `yon sa’yo, Lilac.”

Pinagkasya ni Lilac ang kilig niya sa pagngiti. “Simple lang naman ang dream wedding ko.”

“Ano `yon?”

Pabirong binunggo ni Lilac ang balikat ni Tyrus. “Ang ikasal sa lalaking mahal ko at mahal din ako. I don’t want a grand wedding. Gusto ko ng pang-forever na married life. Tingin ko, naka-jackpot ako sa’yo.” Nilingon niya si Tyrus, saka niya ito kinindatan. “`Di ba?”

Nagdilim ang mga mata ni Tyrus. “Lilac?”

“Hmm?” tanong niya habang inaayos ang dagger na nakatago sa likuran niya para hindi mahalata.

“After we save Denim, unahin na kaya natin na sundan si Baby Sterling? Baka kasi gusto naman niya ng baby sister, `di ba?”

Natawa si Lilac habang iiling-iling. “Gutom ka na `no?”

Tumango si Tyrus at yumuko sa tainga niya para bumulong. “Puwede na ba kitang kainin?”

Nag-init ang mga pisngi ni Lilac pero natatawang siniko niya si Tyrus. “After our wedding, okay?”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.