Chapter SIXTEEN

Masaya akong pumasok ng trabaho kaya gano'n na lang karaming tanong ang tinanong ni Alem masaya akong nagkwento sa kaniya.

"Buti naman bumalik na siya," nakangiting sabi ni Alem.

"Oo nga, akala ko wala na talaga."

“Akala ko rin iniwan ka na talaga pero sana ‘wag niya na ulitin dahil susuntukin ko talaga siya.”

“Mapanakit ka talaga.”

“Syempre. Love kita kaya dapat kung sino ang nanakit saiyo lagot sa akin.”

“Love rin kita.”

Nang matapos ang trabaho ay nakita ko kaagad si Laurent na hinihintay ako kaya nagmadali akong tumakbo at niyakap siya.

"How's your day?" Nakangiti niyang tanong at humalik sa pisngi ko.

"Masaya, nandito ka na ulit."

"Good to hear that. I can cook what do you want?" Sabi niya habang ang tingin ay nasa daan.

"Adobo," nakangiti kong sabi.

"Always?"

"Eh, paborito ko iyon."

Walang mapaglagyan ang saya ko nang bumalik kami sa dati naming saya. Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa kasal kontento na ako. Nakayakap ako sa likod niya habang nagluluto siya.

"Oh shit! Too much sweet. Ant anywhere."

Napalingon kami kay Resttan na ngayon ay nakangisi. Nahihiya akong tinanggal ang pagkakayap ko kay Laurent.

"Kumusta?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.

"Still alive," nakangiti niyang sabi. Sumulyap siya kay Laurent. "You really sure about this?"

Napakunot ang noo ko nang itanong niya iyon kay Laurent. Ano 'yon? Hindi ko ugaling magtanong sa privacy ng iba kaya nanahimik na lang ako.

"Let's talk later, Resttan," seryosong sabi ni Laurent.

KINAGABIHAN

Dito ako matutulog sa kwarto ni Laurent. Pinanood ko lang siya habang tinutuyo ang buhok. Nakatali ang towel sa baiwang niya. Mabilis akong yumakap sa likod niya. Nilambing ko siya at isiniksik ang sarili sa likod niya. Ramdam ko ang lamig ng katawan niya at ang basang parte.

Ano ba naman iniisip ko?

"Hmm?" Nakangisi niyang sabi.

Mukhang nahulaan niya ang gusto ko pero nahihiya ako kaya bumalik na lang ako sa kama at humiga.

Pumikit na ako pero naramdaman ko ang pagdagan niya sa akin.

"You're craving.. my bebe girl is craving to me," nakangisi niyang sabi.

Nag-iwas ako ng tingin dahil umiinit ang pisngi ko. Hindi ko naman tinatanggi 'yon. Bakit kasi gano'n?

Nanlaki ang mata ko nang makitang ihagis niya ang towel sa kung saan. Bago pa ako magsalita ay nagawa niya na akong halikan. Mabilis lumalim ang halik. Naglaro siya at naglakbay sa iba't ibang daan papuntang palasyo.

Naramdaman ko nalang na pinaghiwalay niya ang hita ko. Tumindi ang kung anumang nararamdaman ko sa katawan.

"Bebe girl?" Nakangisi niyang sabi.

"Y-yes?" Halos hindi ako makasagot nang maayos dahil nararamdaman ko ang digits sa loob ng palasyo, may ginagawang milagro, at gumagalaw rin ang katawan ko dahil sa ginagawa niya.

"Akin ka lang ‘di ba?" Nang-aasar niyang sabi at humalik sa leeg ko.

"O-oo," nauutal kong sabi dahil ramdam ko na ang papatinding paglalaro ng digits sa loob ng palasyo.

"Good," walang pasabing ipinasok niya ang kawal sa palasyo.

Gano'n na lang katindi ang init na tumunaw sa buo kong sistema. Naghalo-halo ang masaya at matinding pagmamahal ko sa kaniya. Tumugtog muli ang kanta sa marahan hanggang papabilis. Ramdam na ramdam ko ang sarap niyon sa pandinig. Wala akong ibang nagawa kung hindi damhin ang nakakahalinang musikang iyon kasabay ng nakakabinging ingay naming dal'wa sa kwartong ito.

"Laurent," paulit-ulit na pagtawag ko habang tumutugtog ang kanta.

Rinig na rinig ko ang bawat ingay na pinapakawalan niya habang ginagawa niya iyon pabalik-balik lang ang labi niya sa labi at leeg ko. Ramdam ko rin ang mga haplos niya na naglalakbay sa kung saan-saan.

"I love.. you," hingal na hingal niyang bulong. Hindi ko magawang sagutin iyon, kinakagat ko ang labi ko dahil ang ingay ko.

Hanggang sa bumagsak na lang siya sa ibabaw ko. Ramdam ko ang init ng paghinga niya sa leeg ko pero gumapang ang takot sa buong sistema ko nang maramdamang nando'n pa rin sa palasyo ang kawal hindi niya inilabas. Gumapang papasok sa loob ang mga alagad nito papunta sa kung saan sila abutin ng buhay nila.

Hindi ba ako mabubuntis?

Ilang beses niya iyong ginawa sa akin at ramdam ko palaging may kung ano ang nagtra-travel sa loob ko.

Kung sakali mang mabuntis ako papakasalan niya na ba ako?

Siguro..

Napangiti ako sa isiping iyon pero nalungkot din dahil paano kung hindi?

Nakatulog siya sa ibabaw ko nasa gano'n pa ring posisyon. Pinagmasdan ko lang ang gwapo niyang mukha pero tumulo ang luha ko.

Bakit hindi mo ako pakasalan?

Muling gumulo iyon sa isip ko.

Ano bang dahilan kung bakit hindi pwede?

Niyakap ko lang siya at kahit pinangingiliran ng luha ay nakatulog na rin ako.

Nagising ako nang maaga pero wala na si Laurent sa tabi ko. Nagmadali akong mag-ayos at lumabas. Napatago ako sa pader nang makitang magkausap sila ni Resttan sa balcony.

Anong pinaguusapan nila?

"Resttan! Alam mo naman ang mangyayari!" Inis na sigaw ni Laurent.

"Anong gagawin mo? Imposibleng wala kayong ginagawa, Laurent! Magkatabi kayo matulog tapos sa tingin mo hindi siya nag-iisip kung bakit hindi mo siya pakasalan?! Umayos ka!" Sigaw pabalik ni Resttan.

Tumulo na ang luha ko.

Anong ibig sabihin no'n? Hindi ko talaga maintindihan. Bakit nga ba hindi niya ako pakasalan?

Patuloy sa pag-agos ang luha ko hindi ako makapaniwalang kung gaano ako kasigurado sa kaniya ay gano'n naman siya nag-aalinlangan sa akin.

"Deal with it, bro! Hindi habang buhay kaya mong itago sa kaniya!" Inis nanamang sigaw ni Resttan.

Napaupo na sa frustration si Laurent.

Ano ba kasi 'yon? Anong tinatago niya at hindi niya masabi sa akin?

Tumutulo lang ang luha ko habang nakasilip sa kanila.

"I can't!" Tumutulo ang luha na sabi ni Laurent.

I can't? Hindi niya talaga ako kayang pakasalan? Bakit?

Napahawak na ako sa dibdib ko. Sana pala hindi na siya bumalik. Ginulo niya lang ulit ang buhay ko. Akala ko magiging maayos na ang lahat sa amin. Ume-edad kami taon-taon kasal na lang ang hinihintay ko para bumuo kami ng pamilya pero gano'n kahirap akong pakasalan.

Dahil ba sa magulang niya? O totoong may pamilya na siya?

"Maiba tayo ng usapan. Pinatay mo na ba ang lalaking 'yon?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong na iyon ni Resttan. Nanginig ang buo kong katawan. Nabingi ako sa lagabog ng puso ko. Kumirot nanaman iyon dahil sa sakit. Hindi na matigil ang pag-iyak ko.

Pinatay? Bigla ay natakot ako sa isasagot ni Laurent.

Sinong pinatay? Hindi siya mamamatay tao!

"Oo, pinatay ko na."

Tumigil ang mundo ko sa sagot na iyon ni Laurent.

'Wag niyang sabihing mamamatay tao siya? Sila? Kaya ba gano'n na lang kadali ang bantaan ako ng kapatid niya na papatayin ako?

Tumakbo na ako nang mabilis at muling pumasok sa kwarto. Humahagulgol kong niligpit ang gamit ko. Hindi ako makapaniwalang nagmahal ako ng mamamatay tao. Paulit-ulit ang pag-alis ko ng luha pero patuloy lang din iyon sa pagpatak.

Hindi ko ito kaya. Sa lahat ng pagtitiis ko ito ang hindi ko kaya kahit kailan.

Mamamatay tao siya!

Lumabas ako ng bahay na iyon at mabilis na nag-empake sa apartment. Hindi na natapos ang kakaiyak ko. Ang buong akala ko mabuti siyang tao.

Akala ko lang pala!

Iniwan ko ang phone ko sa apartment para hindi niya na ako mahanap kahit posibleng mangyari iyon dahil uuwi naman ako kala nanay.

Tinawagan ko sina Ardent at Alem na uuwi muna ako sa amin at 'wag sabihin iyon kay Laurent bago ako tuluyang umalis ng apartment.

Bye, Laurent...

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.