Chapter “BAIDER’S SECRET”

Lumipas ang isang linggo na nandito ako kala nanay. Ikinatuwa ko namang hindi niya ako masundan dito pero ikinalungkot ko rin na wala siya. Pinagmasdan ko ang mga bituin. Iginuhit ko ang hintuturo sa mga bituin at nagsulat ng Laurent. Kahit sa mga bituin siya ang naiisip ko. Kung mayroon mang magandang nangyari sa buhay ko iyon ay nang makilala ko siya pero sadiyang malupit nga talaga ang tadhana ibinigay sa akin ay mamamatay tao pa. Hindi ko akalaing nagmahal ako ng maling tao.

Mamamatay tao siya...

Iyon lang ang naisip ko ay tumulo nanaman ang luha ko. Natanawan ko ang mansyong ipinagawa niya sabi niya bahay raw namin iyon pero mukhang malabo nang mangyari 'yon. Tahimik lang ako habang nakaupo sa duyan nang biglang may umikot na kung ano sa tiyan ko. Nagtatakbo ako papunta sa damuhan at doon dumuwal.

Nasapo ko ang noo ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ang lalaki talagang iyon nag-iwan pa ng marka sa aking kahit saan ako magpunta ay sa kaniya ako pero hindi ko iyon pinagsisihan. Nakangiti kong hinamplos ang tiyan ko. Ang saya ng puso ko. Kahit paano may naiwang alaala niya sa akin.

"Hi, baby," tumulo ang luha ko.

Magiging masaya ka ba, Laurent kung malalaman mo na daddy ka na?

Umiiyak ako sa tuwa habang hawak-hawak ang tiyan ko.

"Laurenz.." Nakangiti kong sabi. May kung ano sa akin na nahulaan ko na lalaki siya. "Laurenz Anm.. Baider, iyon ang pangalan mo anak," nakangiti kong hinaplos haplos ang tiyan ko.

Alam kong buntis ako, una palang na ginawa namin iyon ay alam kong posible dahil nurse ako alam ko iyon. 25 millions of sperms o higit pa ang kailangan bago marating ang egg cells at lahat 'yon ay mamamatay at isa lang ang mabubuhay para mag-unite sila at sa ginawa namin paulit-ulit siyang naglagay sa akin ng sperm cells. Masaya ko na lang na binalikan ang mga alaalang iyon sa isip ko.

“Ang masaya nating pagsasama ay nasa isip ko na lang. Sana ‘wag ka nang bumalik.”

Nang magmulat ako ng mata ay nagulat ako dahil nakita ko si Laurent na nakaupo sa sofa. Nasa mansyon ako rito sa Camarines Norte nasisiguro ko iyon dahil minsan na akong nakapasok dito.

"Laurent.." Mahina kong sabi.

Tiningnan niya ako nang masama.

'Oo, pinatay ko na.'

Gumapang ang takot sa katawan ko nang maalala ang sinabi niyang iyon. Lumapit siya pero gano'n na lang ang takot ko kaya umatras ako.

"May problema ba?"

Sa kakaatras ko ay muntik na akong malaglag sa kama kung hindi niya ako nahila. Nakahinga ako nang maluwag dahil baka kung ano ang mangyari sa baby kung nangyari 'yon. Gumapang ulit ang takot sa buo kong sistema nang makita ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nahila ko iyon at tumakbo ako sa isang gilid habang nakatakip ang mukha at umiiyak.

"Anong problema, mahal ko?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Niyakap niya ako at gano'n na lang ang paghagulgol ko. "Mamamatay tao ka!"

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. "Is that the reason why you left me?"

"Oo!" Kahit nagagalit na ako ay hindi ko talaga magawang sumigaw dahil hindi iyon ang ugali ko.

"Hindi mo alam ang tradisyon ng pamilya," tumitig siya sa mga mata ko. "Life in exchange with life," seryoso niyang sabi.

Buhay kapalit ng buhay? Nangilabot ako sa sinabi niya at napatitig sa kaniya. Ang takot ko ay lalong tumindi nang makita ko sa mata niya ang katotohanan sa sinasabi niya.

"Pinatay ni Dred si Restelle, ang kapatid ni Resttan dahil ako ang panganay na apo ay naiatas sa aking patayin si Dred dahil iyon ang tradisyon kinuha niya ay buhay kaya buhay rin ang kinuha sa kaniya," napasalampak siya ng upo sa sahig at sinandal ang likod sa semento.

"Ang pamilya ko ay kakaiba sa lahat, nagmula kami sa liblib na lugar sa America. Protektado dapat ang bawat isang miyembro ng pamilya dahil kapag may ginawa ka ay gano'n din ang gagawin saiyo. Takot kaming magmahal, si Resttan, ako, Lauressa, Restelle at ang iba ko pang pinsan dahil dadaan ang taong mahal namin sa... patunay," bumuntong hininga siya. "Maraming kondisyon doon at walang ibang parusa kapag may hindi ka sinunod kung hindi kamatayan, mamamatay ka at ang pamilya mo kapag may sinuway ka sa palatuntunan ng patunay."

'kamatayan'

Umalingawngaw ang salitang iyon sa tainga ko at wala sa sariling napahawak sa tiyan ko.

"Kung ang pinagmamaktol mo ay ang hindi kita mapakasalan, 'yon din ang ikinagagalit ko dahil gustong-gusto kitang pakasalan at bumuo ng pamilya kasama mo pero natatakot akong dadaan ka muna sa impyerno bago mangyari 'yon."

Wala akong ibang nararamdaman kung hindi takot at kaba. Takot para sa sarili ko at sa anak ko.

"Matatakot ka muna sa mga Baider bago sa kamatayan." Nasapo niya ang noo. "Posible kang mamatay sa patunay! Pwede naman tayong hindi magpakasal!" Dagdag pa ni Laurent halata sa kilos niya ang sobrang pag-aalala at pangamba. Tumulo na ang luha ko dahil kumikirot ang dibdib ko sa sakit nito.

Gano'n ba kahirap ang patunay na iyon? Bakit ngayon niya lang sinabi?

Kaya pala hindi niya ako niyayaya magpakasal kahit parehas na kaming propesyunal. Kaya pala para sa kaniya kontento na siya na magkasama lang kami.

"Kailangan nating magpakasal dahil.." Humagulgol ako ng iyak at napaupo na lang sa sahig. "dahil... buntis ako," nanghihina kong sabi sa kaniya.

Nakita ko ang panlulumo ng katawan niya. Lalong tumindi ang emosyon niya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya basta ang nakikita ko sa mata niya ay takot. "Fuck! Fuck! Fuck!" Paulit-ulit niyang sinuntok ang pader. "Buntis ka pa? Paano ka lalaban do'n mahal ko? Paano ka mabubuhay roon?"

Naihilamos ko ang kamay sa mukha ko at napahawak sa dibdib. Sunod ay dumapo ang kamay ko sa tiyan ko.

"Hindi ka nila hahayaang makapasok sa pamilya nang 'di dumadaan sa patunay. Kasalanan ko ito," hindi na alam ni Laurent ang gagawin niya kahit nagtataka ako sa kinikilos niya ay iniisip ko na lang na may dahilan siya. Nanlulumong napaupo siya sa sofa. "Mahal ko, ikamamatay mo at ng anak natin ang patunay hindi mo alam ang sinasabi mo. Ang sakit sa dibdib na isiping dadaan ka ro'n lalo na sa kalagayan mo. Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa buong pamilya namin kapag nalaman nilang buntis ka kaya hindi nila pwedeng malaman 'yon. Kakaiba ang pamilya namin, ang mga tradisyon dahil sa matinding pagprotekta nila sa bawat miyembro ng Baider."

Kahit wala akong maintindihan ay natigilan ako. Hindi ko pa nga lubos na kilala ang pamilya nila at ang lalaking minahal ko.

"Hindi ko alam ang gagawin ko," lumapit sa akin si Laurent at niyakap ako. Sobrang higpit ng yakap niya, ramdam ko ang panlalamig at panginginig ng katawan niya. "Sorry, kung nalalagay ka sa ganitong sitwasyon, kayo ng anak natin." Tumulo na ang luha niya kitang-kita ko ang sakit na namumutawi sa ekspresyon niya. "Mahal na mahal kita. Ayaw kong mapahamak ka," lumuluhang hinaplos niya ang buhok ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at tumitig sa mata niya.

"Magtiwala ka sa akin kaya ko ang patunay. Kakayanin ko dahil dal'wa kaming lalaban ng anak mo. Magiging isang kompletong pamilya tayo. Hindi ako mamamatay. Kung anumang patunay ang sinasabi mo ay pipilitin kong malampasan kahit pa gaano ito kadelikado," tinitigan niya ang mukha ko at hinaplos ang pisngi ko.

“Ayaw kong dumaan ka roon. Natatakot akong mawala ka sa akin. Natatakot ako, Anmela Eris,” lumalakas ang paghikbi niya.

Idiniin ko ang palad niya sa pisngi ko at pinunasan ang mga luha niya bago muling magsalita. Sa hitsura niya ngayon para siyang batang hindi mapapatahan kahit anong alo.

"Papatunayan ko sa kanila na totoo at puro ang pagmamahal ko saiyo."

Kahit si kamatayan hindi mapipigilan ang aking pagmamahal.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.