Chapter “VICTORY”

Napaatras ako nang maramdaman ang bunganga ng shotgun sa mismong mukha ko.

Laurent...

Imbes na matakot ay nagmadali akong iikot ang kamay ko sa shotgun gulat siyang sa isang iglap ay hawak ko na iyon at itinutok sa kaniya. Tinagilid niya ang mukha niya at para bang inaral akong mabuti kung kaya kong iputok iyon.

"Atras," mahinahon kong sabi habang nakatutok sa kaniya ang shotgun. Hindi siya sumunod kaya pinilit kong maging matapang. "Atras!" Kunwaring tiningnan ko siya nang masama upang matakot at hindi ako nagkamali. Umatras siya. Dahan-dahan akong naglakad patalikod habang tutok pa rin sa kaniya ang shotgun. Nang makalayo ay nagtatakbo na ulit ako.

Kinakabahan kong tinahak ang daan. Napaluhod ako nang makitang nasa tuktok na ako. Kitang-kita ko ang matingkad na ilaw at magandang paligid na pinalilibutan ng iba't ibang bulaklak.

Nagtagumpay ako...

Hinanap ng mata ko si Laurent. Nakita ko siyang nakaupo at humahagulgol ng iyak sa parehong palad niya. Nagtataas baba ang mga balikat niya at sa tingin ko ay hirap na hirap na siya. Lumapit ako at nang makita niyang may paang huminto sa ibaba niya ay nag-angat siya ng tingin. Kitang-kita ko ang saya, pagmamahal at pagkamangha niya. Mabilis niya akong niyakap at parehas na kaming humagulgol ng iyak. Mahigpit ang yakap namin sa isa't isa. Unti-unting lumiliwanag na. Mag-uumaga na, sumisikat na ang haring araw kasabay ng pagsibol ng bagong buhay naming ni Laurent, kasabay ng sayang panghabang buhay na.

Tinanggal niya ang pagkakayakap. Mabilis niyang kinuha ang medical kit.

"Saan.. ang masakit? Si baby.. okay lang ba? Okay ka lang ba?" Umiiyak niyang sabi at halos hindi magkanda-ugaga sa pagkuha ng kung anu-anong gamot.

Nawala ang sakit sa katawan ko, napalitan iyon ng saya. Sobrang saya at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ko sa kaniya. Pinaupo niya ako at lumuluha pa ring ginagamot ang mga sugat ko. Ang lakas ng iyak niya na halos tumulo na ang sipon niya kakaiyak. Nakatingin lang ako sa kaniya habang tahimik na lumuluha.

"Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin?" Punas siya nang punas gamit ang likod ng palad niya. Para siyang batang hindi matigil sa pag-iyak. Nang matapos niya akong gamutin ay yumakap na ulit siya. Sobrang higpit.

"Salamat at nagbalik kayo ni baby.. ligtas ka," halos mabasa na ang damit ko dahil sa luha niya. Ilang minuto kaming nagtagal sa gano'ng posisyon. Matunog na umiiyak at mahigpit na yakap ang isa't isa. Sa tindi ng pinagdaanan ko mahirap kumalma agad, takot at pangamba ko ay unti-unti nang naglalaho at halos hindi na ako maubusan ng luha dahil sa nangyari.

Tinanggal niya ang pagkakayakap, lumuhod ka-level ng tiyan ko at saka yumakap siya roon. "Nahirapan ka ba, huh? Sorry anak ko," kinausap niya ang tiyan ko na para bang may buhay na iyon at mahigpit muling yumakap doon.

Napakabuti niyang ama nakikita ko na iyon.

Hindi ko lubos maisip na mangyayari ito no'ng araw na una akong nabunggo sa malapad niyang dibdib ay hindi ko inisip na may ganito palang pamilya. Akala ko ay mahirap siyang abutin pero ang akalang iyon ay totoo dahil sa taas ng pinagdaanan kong bundok, madugong laban, milyong luha sa sakit at higit sa lahat ay pangungulila para lang maikasal sa kaniya at maging parte ng pamilya niya.

Hindi ko inisip kung anong klaseng pamilya ang mayroon siya basta ang laman lang palagi ng puso't isip ko ay mahal ko siya. Ngayon ay maari na kaming magsimula bilang masayang pamilya. Kung babalik ako sa nakaraan ay siya pa rin ang pipiliin kong mahalin kahit pa gaano kahirap iyon. Kahit pa dumaan ako nang paulit-ulit sa patunay ay hindi ako magdadal'wang isip. Mapatunayan lamang na totoo at sinsero ang pagmamahal ko sa kaniya.

Yumakap ulit si Laurent at pinaliguan ng halik ang buong mukha ko. Nakapikit ko iyong tinanggap. Isang halik ay sapat na pero sa pagpaligo niya ng halik sa noo, ilong, pisngi at paulit-ulit na halik sa labi ko ay wala na akong naramdaman pang sakit.

"ANMELA ERIS VELASCO," sabay-sabay na sabi ng buong angkan ng mga Baider.

Tumayo sila sa harap namin ni Laurent. Si Ariya, Lauressa, Resttan, Cristoph, Anton, Leroi, Lucio, Semon at noon ko lang nakita ang mommy at daddy ni Laurent na nakangiti sa amin.

Yumuko silang lahat maging si Laurent. "ANMELA ERIS VELASCO-- BAIDER, WE ARE ACCEPTING YOU IN OUR FAMILY!" Malakas, marespeto at nakayuko nilang sabi. Tumulo nang tumulo ang luha ko sa sobrang saya na nararamdaman ko.

Tapos na...

Tinatanggap na nila ako, maari na kaming ikasal ni Laurent. Hinaplos ko nang hinaplos ang tiyan ko.

I love you, baby..

"Salamat," nakangiti kong sabi sa kanila. Pare-parehas silang nag-angat ng tingin at gulat nanamang tumingin sa akin. Lumapit sila isa't isa.

"Idol na talaga kita. Pinapatay ka na pinapatulog mo lang," tumatawang sabi ni Leroi. Lumakas ang tawanan nilang lahat.

Humaplos iyon sa puso ko. Nang makilala ko sila kaba at takot agad ang naramdaman ko pero ngayon ay kapanatagan na ng loob at masayang pakiramdam. Yumakap si Leroi, sunod ay si Anton, Lucio at saka lumapit si Cristoph.

Umiiling-iling siya habang nakangiti. "Laurent, saan mo in-order si Anmela? I-order mo nga ako," biro ni Cristoph na nakasulyap kay Laurent.

Taas noong tumingin si Laurent. "Sorry, out of stock na nag-iisa lang siya." Natatawang parang may naisip si Laurent "Actually, can you imagine siya pa ang malakas ang loob na manligaw." Nag-init ang pisngi ko nang maalala ang kabaliwan ko sa kaniya.

"Woah! Gusto ko rin ng Anmela!" Tatawa-tawang sabi ni Lucio.

Wala pa silang mga asawa dahil sa nakamamatay nilang patunay.

Grabe! Sino ba naman maglalakas loob na itaya ang buhay ng taong mahal nila?

Sunod ay lumapit si Resttan yumakap siya nang sobrang higpit. Napakunot ang noo ko nang ilang minuto na siguro ay hindi siya nagtatanggal ng yakap kaya naman naramdaman ko ang mga kamay ni Laurent na pinaghiwalay kami.

"Hoy! Sumusobra ka na!" Masamang tingin na sabi ni Laurent.

Tumawa nang malakas si Resttan. "Fuck you! Kasalanan mo ito!"

"Kasalanan ko?" Kunot-noong tanong ni Laurent.

"Fuck you! Ikaw kaya halik-halikan ko sa noo. Ako nag-aalaga sa asawa mong kupal ka! Hindi ako makatulog sa kaartehan niya! Kung sigaw-sigawan ako kala mo kung sino. Halos ako na tumayong asawa! Uutusan mo pa akong halikan sa noo? Ano ka!" Pagmamaktol ni Resttan.

"Sinong nagsabing maging bihasang actor ka?" Inis na sabi ni Laurent kinuha niya ako at inilayo kay Resttan.

"Fine! Sakit tuloy ng dibdib ko." hinamas-himas pa ni Resttan ang dibdib niya bago ngumisi "Nakawin ko ang asawa mo, eh!" biro niya na tinawanan ng lahat. "Kainis corny mo kasi ako pa ginamit mo, sa pagiging dakilang playboy ko ginawa mo akong baliw diyan sa.. wala!" Tinawanan siya muli ng lahat bago tumalikod.

Sunod na lumapit ay si Lauressa. Ikinagulat ko ang mga ngiti niya saka siya yumakap sa akin. "I should love you more, sister," bulong niya sa tainga ko. Todo ngiti ako dahil naramdaman ko ang yakap ng isang kapatid.

Wala ako noon pero mayroon na ngayon.

Sunod na lumapit ay si Ariya. "Masasabi kong sobrang humanga ako saiyo. No'ng dinner pa lang, mabait ka pero nasa lugar ang tapang, iyon ang isa sa hinangaan namin. Hindi mo sinaktan si Lauressa at nakakatawang pinatulog mo lang sila kahit na sila ay gigil na patayin ka. Unang beses na nakita kita ay nasabi ko na sa sariling may madadagdag sa pamilya." Yumuko siya sa akin bilang paggalang. "Anmela Eris Baider, nagtagumpay ka at ngayon ay bahagi ka na ng pamilya. Aasahan kong ang lahat ng aral na nakuha mo sa patunay ay ituturo mo sa magiging anak mo. Iyon ay ang sobrang pagpapahalaga at pagmamahal sa pamilya. Handang suongin anumang laban para sa mahal niya. Nawa'y magkaroon din ng lakas at tapang ang mga susunod pang Baider."

Nang mag-angat siya ay nakita ko ang gulat sa mukha nila nang ako naman ang yumuko. "Ikinagagalak kong maging parte ng pamilyang ito."

Hindi na nila napigilang ngumiti animo'y nagsasabi kay Laurent na tamang babae ang napili niya.

Masaya kaming nagsalo sa isang mahabang lamesa roon. Ang ganda ng lugar, si Laurent ay hindi na mapakali kakatingin sa sugat ko at kakaasikaso sa akin. Panay ang tanong kung may masakit o ano. Inanunsyo niya na buntis ako kaya gano'n na lang ang paghanga nila sa akin dahil sa nga pinagdaanan ko sa patunay. Nakakatuwa silang pagmasdan dahil talagang may isang salita sila na kapag tinanggap ka nila mararamdaman mo ang pagmamahal. Ang mga boys ay walang tigil din sa pag-aasikaso sa akin. Masarap sa pakiramdam na mayroon akong masayang pamilya. Hindi ako nagkamaling suongin ang patunay.

Ngayon ay parte na ako ng PAMILYANG BAIDER.. ang pamilyang minsan ko nang kinatakutan pero magiging isang bangungot na lang iyon dahil ang reyalidad ay mayroon na akong masaya at mapagmahal na pamilya.

Nang matapos naming mag-celebrate sa tuktok ng bundok ay bumaba kami nang magkakasama, patuloy sila sa kwentuhan at tawanan. Nakasakay ako sa likod ni Laurent kaya naman feel na feel ko iyon. Lagi niya talagang pinaparamdam na 'bebe girl' niya ako.

"Nilamok ako sa pagkakatulog ko," tumatawang sabi ni Lucio. Sumulyap siya sa akin. "Dapat naman doon sa hindi malamok mo ako pinatulog," tawanan nanaman nila.

"Sayang hindi kami nagtagpo ni Anmela, sana nakatulog din ako nang mahimbing," lakas ng tawa ni Anton.

"Akala ko nga may ahas sa paa ko nang magising ako akala ko rin namatay na ako dahil baka sinaksak ako ni Anmela pero parang napasarap pa ang tulog ko," tawanan nanaman nila sa sinabi ni Leroi.

"Galit pa nga ako nang may malaglag na sanga ng puno sa mukha ko at naistorbo ang pagkakahimbing ko," ngayon ay nakita ko ang malapad na ngiti ni Lauressa nang sabihin niya iyon.

Nang lingunin ko si Ariya ay nakangiti siyang nakikinig sa kanila maging ang iba pang angkan ng Baider.

"Sarap nga ng tulog ko, nananaginip pa akong kinakasal na raw ako," kwento naman ni Cristoph.

Parang ang pagpapatulog ko sa kanila ay ikinatuwa pa nila dahil masaya daw ang makatulog ng may magandang panaginip.

Mga siraulo!

“Kaya nga panaginip hindi mangyayari ‘yon sa reyalidad,” malakas na tumawa si Resttan.

“Isinusumpa kita, Resttan, hindi ka rin ikakasal.”

“Tatanda tayong magkakasama nang walang asawa,” nag-apiran pa sila habang malakas na nagtatawanan.

“The best talaga si Anmela. Idol!” Sigaw ni Leroi.

Nakangiti akong nilingon ni Laurent.

"That's my bebe girl."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.