"Mabuhay ang bagong kasal!" Sabay-sabay na nagtaas ng baso ang mga Baider at pinatunog iyon. "Mabuhay!" Masaya nilang nilagok ang laman ng baso nila.
Naramdaman ko ang paghawak ni Laurent sa baiwang ko. Kitang-kita ko ang malapad na ngiti niya. Yumuko siya upang gawaran ng halik ang tiyan ko.
Parang mas mahal niya pa ang anak namin, huh? Kakaselos!
"Kumain ka na," sabi ni Laurent habang nakahalik sa noo ko.
Nakatingin lang ako sa mga Baider na ngayon ay nagkakatuwaan, nagkukulitan at nag-iingay.
Ganito pala sila?
Malayo sa kung papano ko sila nakilala no'ng unang araw ko silang makita. Umalis saglit si Laurent para kumuha ng pagkain. Nakita ko ang papalapit na si Resttan.
"Congrats!" Nakangiting sabi niya.
"Salamat," nakangiti ko ring tugon.
"Buti hindi mo na ako sinusungitan."
"Bakit ko gagawin 'yon? Araw ko ito," pagmamaldita ko nanaman.
Bakit ba pagdating sa kaniya nagsusungit ako? Ayaw ba ng anak ko sa kaniya?
Tumawa siya. "Secret lang natin na pinatakas kita, huh? Mayayari ako," bulong niya at kumindat kaya tumango lang ako.
"I hope I'll find my own kind of Anmela," nakangiti subalit nasa malayo ang tingin niya.
"Don't play with the girls makikita mo siya."
Nagugulat niya akong nilingon. "How? if my heart is really beating for you?"
Napatitig ako sa kaniya. Nagkibit-balikat siya. "Siguro sinadya ni Laurent na ipagawa sa akin ang ka-corny-han niya para may tumulong saiyo sa patunay."
"Bakit naman?"
"Para mapalapit ako saiyo at hindi ko magawang patayin ka. Isa ako sa kinatatakutan niya dahil seryoso akong pumapatay pero dahil saiyo," huminto siya at tumingin sa akin. "Nagawa kong sumuway. Actually, it's not a big deal if I kill you or not what's matter is.. I'd lost my responsibilities as one of the Baider's family."
Nagkibit balikat din ako. "Napamahal ka sa akin."
"Baka totoong minahal ka kamo," may pagkasarkastiko sa tono niya pero hindi ko mahulaan iyon. Natulala akong pinagmasdan ang pagtalikod niya.
Minahal? Minahal niya ako?
Sa bagay siguro ay natural lang iyon dahil ginawa niya ang mga inutos ni Laurent. Na-appreciate ko naman ang mga ginawa niya para sa amin ng anak ko.
Hinabol ko siya at hinawakan sa braso. "Resttan, salamat," wala sa sariling niyakap ko siya. Ramdam ko ang gulat niya pero yumakap din.
"Ahem." Napangiti ako nang marinig ang pagtikhim ni Laurent. Lumapit siya at hinapit ako sa baiwang.
"Hey! Patunay is done, wala akong inutos na yakapin mo ang asawa ko," inis na sabi niya. Tinawanan lang siya ng mga Baider. Hayon bumabalik na pagiging seloso niya.
"Seloso pala si bebe boy," pang-aasar ni Leroi.
"Malamang, saan mo hahanapin ang mamahaling si Anmela? Nag-iisa lang siya," tumatawang sabi ni Cristoph.
"Congrats pa rin kay Anmela nabihag niya ang pinakamasungit, pinakamailap at pinakakunot ang noong miyembro ng Baider," malakas na biro ni Lucio.
"Shut up!" inis at masama ang tingin na sabi ni Laurent.
"Cheers!" itinaas nila ang baso at saka lumagok ng alak bago nagtawanan. “Cheers para sa edad na patuloy nadadagdagan taon-taon pero hindi pa rin mahanap ang true love!” Sigaw ni Leroi. Inulit naman iyon ng mga siraulo.
Mahigpit akong niyakap ni nanay at tatay. Umiiyak sila at todo ang saya lalo na't magkaka-apo na raw sila.
Masaya ang gabing iyon, puno ng tawanan, kulitan at kwentuhan.
Kontento na ang buhay ko...
Lasing na si Laurent pero ang saya ay nasa mukha niya pa rin habang nakikipagbiruan sa mga pinsan niya. Malayong-malayo sa masungit na Laurent iyong lagi akong pinagtatabuyan ngayon ay palagi ko na siyang nakikitang nakangiti.
Binuhat nanaman ako ni Laurent papasok ng kwarto. Nakangiti akong nakatingin sa mukha niya. Inihiga niya ako sa kama.
"It's my turn," nakangisi niyang sabi.
Tinawanan ko lang siya. Dumagan siya sa ibabaw ko at dahan-dahang tinanggal ang zipper ng puti kong gown na pangkasal.
"My wife.. my bebe girl," kumikislap ang matang sabi ni Laurent.
Pinagapang niya ang kamay sa leeg ko pababa sa mammary gland.
"Can I?" Nakangisi niyang tanong. Tumango lang ako.
Marahan niyang tinanggal ang mga saplot ko. Nakiliti ako nang halikan niya ang tiyan ko.
"I'll be gentle, baby," nakangiti niyang sabi roon. Kinakausap ang anak namin.
Tumatawa ako nang halikan niya ang leeg ko dahil nakikiliti ako.
"Ano ba," inilalayo ko ang sarili lalo niya pa akong inasar at kiniliti ang leeg ko.
Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin sa mga haplos niya pa lang. Maingat at marahan iyon, nakangiti lang ako sa kaniya. Ilang saglit pa ay wala na kaming saplot. Matunog niya akong hinalikan sa labi habang naglalakbay nanaman ang kaniyang digits sa mga sensitibong daan.
"Laurent," ang paborito kong pangalan ay paulit-ulit ko nanamang tinawag.
Hanggang naramdaman ko nanaman ang mabagal na pagpasok ng kawal sa palasyo. Hindi ko yata pagsasawaan ang pakiramdam na ito.
"You’re like a drugs to me, bebe girl. Nakakaadik," bulong niya sa tainga ko habang may ginagawang milagro sa palasyo.
"I love you, my wife."
"I love you more, my husband."
Unti-unting tumugtog ang magandang musika. Sumayaw ang mga katawan namin sa bawat beat ng kanta. Ang paborito kong ingay niya ay ang pagtawag sa pangalan ko, paulit-ulit at may pagmamahal. Tila hindi ko na gugustuhin pang mawalay sa aking Mr. Baider...
"Laurent!" Sigaw ko habang hawak ang tiyan pababa ng hagdan. "Laurent!" sigaw ko muli.
Nagulat siya nang makita ako. "Manganganak na ako!" Aligaga niya akong tiningnan at hindi alam ang gagawin. "Bilis!" Utos ko sa kaniya roon lang siya natauhan at binuhat ako palabas at isinakay sa kotse.
"Ah woh ahhh!" Hindi ko alam paano e-iri dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko.
"Aaahh!" Isang ubos lakas na iri ang ginawa ko bago tuluyang lumabas ang ikalawa naming anak.
Laurex...
Nakatulog na ako sa pagod at panghihina. Nang magmulat ako ng mata ay nakita ko ang masayang mukha ni Laurent. Yakap-yakap ang sanggol namin habang si Laurenz ay nasa tabi niya nakatunghay rin sa kapatid niya.
"Daddy, sobrang cute ni Laurex," nakangiting sabi ni Laurenz at nilaro pa ang munting kamay ng kapatid. Umaapaw ang saya ko habang pinapanood ang mag-ama ko na masayang pinagkakaguluhan si Laurex.
"Be good to him, Laurenz, huh?" Nakangiting sabi ni Laurent kay Laurenz.
"Yes, dad. I will always taking care of him," hinalikan pa nito ang bunsong kapatid.
Nang mapasulyap sa akin si Laurent ay lumapit ito agad.
"May masakit ba saiyo? Kumusta ang pakiramdam mo?" Kitang-kita ko ang pag-aalala niya. Umiling lang ako. Inilagay niya ang sanggol sa gilid ko. Lumuluha kong tiningnan iyon. Kahit pangal'wa ko ng anak ay hindi pa rin ako makapaniwalang isang anghel nanaman ang isinilang ko.
Kamukha niya si Laurent...
Iyon ang pumasok sa isip ko nang pasadahan ng tingin ang anak ko. Si Laurenz kasi ay kamukhang-kamukha ko, itong pangal'wa namin ay kay Laurent nagmukha.
Iniupo ni Laurent si Laurenz sa gilid ko. "Be a good boy, okay? 'Wag kang magpapasaway kay mommy," pangaral niya rito pero malambing na boses ang gamit.
"Yes, dad!" Cute na cute si Laurenz sa masiglang tonong iyon. Ngumiti siya nang sobrang lapad at sumulyap muli kay Laurex.
Humalik si Laurent sa noo ko. "You always make me happy for giving me an angels," yumakap siya sa amin ng sanggol. Kinuha ko rin si Laurenz at niyakap. Naging isang yakap iyon ng isang kompleto at masayang pamilya.
"Wala pa ring prinsesa, yes!" Sabi ni Laurent at nagtatalon pa. Kunot noo ko siyang tiningnan.
"Anong iniisip mo?"
"Na gagawa tayo ng prinsesa."
Nasapo ko ang noo ko.
Kakaanak ko pa lang gagawa nanaman?
"Tse!"
Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya magawang singhalan, kinikilig pa rin ako sa ngiti niya at namamangha sa kagwapuhan niya.
Biglang umingay nang dumating ang mga pinsan ni Laurent. Pagdating pa lang ay kinarga na ni Resttan si Laurenz, siguro dahil sa pag-aalaga niya sa akin noon kaya close niya ang panganay kong anak.
"Idol talaga si Laurent! Ano isa pang anak?" Tumatawang biro ni Leroi.
"Yes, wala pang prinsesa," naghiyawan sila sa sagot na iyon ni Laurent.
Ewan ko sainyo buti kung siya ang manganganak ‘di ba?
"Dumadami na tayo baka mamaya tumandang dalaga at binata lang ang mga 'yan," biro naman ni Cristoph.
"Lol, ikaw lang Cristoph," kantyaw naman ni Lucio.
Nagbiruan pa sila na hindi ko na pinakinggan.
"Kumusta?" Tiningnan ko si Resttan na ngayon ay karga pa rin si Laurenz.
"Okay lang," nakangiting sabi ko at sumulyap kay Laurenz na ngayon ay nakayakap at nakapatong ang mukha sa balikat ni Resttan.
"Laurenz, anak. Inaantok ka na ba?" Tanong ko sa kaniya. Nilingon niya ako nang mapungay na ang mata.
"Halika rito," inihiga siya ni Resttan sa gilid ko. Hinaplos ko ang pisngi ni Laurenz at saka niyakap. "Sleep na," pinagmasdan ko lang ang pagpikit niya.
"Nakakatuwa kang makita. Hindi ko maiwasang mainggit kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong pamilya," malungkot na ani ni Resttan.
"Pasasaan pa't mahahanap mo rin ang babaeng para saiyo."
Nang mag-alisan sila ay hinalikan ako ni Laurent sa labi. Tumitig siya sa mukha ko bago nagsalita.
"Wala nang sasaya pa sa piling mo lalo na at kasama ko ang dalawa nating anak."