"Daddy, I can't do that. I hate hurting other people," mahinahong sabi ni Laurenz at inilapag ang Arnis.
Nagugulat ko siyang tiningnan. Nakuha niya sa akin ang pagiging mabait at hindi marunong manakit. Hindi lang hitsura ko ang namana ni Laurenz maging ang ugali ko.
Pinage-ensayo pala ang bawat miyembro ng mga Baider bata pa lamang para kahit dumating daw ang mga kaaway o sinumang gustong manakit sa pamilya ay kaya nilang protektahan ang isa't isa.
"Laurenz, hindi mo maipagtatanggol ang pamilya mo kung ayaw mo humawak ng kahit na anong armas. Ayaw mo rin sumuntok at manipa, anak naman," sermon ni Laurent dito.
Inayos ko ang mga pagkain sa lapag dahil nasa bundok kami ngayon at parang nagpi-picnic lang habang sinasanay ni Laurent at Resttan ang dalawang bata. Si Lauressa ay nandito rin pero umalis upang mag-ensayo rin sa ibang parte ng gubat.
"Dad, ayaw ko nga po manakit ng tao," pagmamaktol ni Laurenz pero kahit halata na ang inis sa pamimilit ng ama ay hindi pa rin ito nagtaas ng tinig.
Namana niya ang lahat sa akin.
"Hindi nga pwede 'yon, anak, paano kapag dumating ang araw na kinailangan mong gamitin ito?" Pangungumbinsi ng ama.
"Basta hindi ako mananakit ng tao," umupo na si Laurenz at nagsalong baba.
Isang matunog na buntong hininga ang binitawan ni Laurent bago sumulyap sa akin. Para bang sinasabi niyang kagayang-kagaya ko ang anak niya.
Nagulat na lang ako nang hampasin ni Laurex si Laurenz sa balikat. Wala itong emosyon at halata ang pagkakakunot ng noo nito.
"You're so weak, kuya," nakakunot nitong ani.
"Laurex, anak," saway ko sa kaniya pero kahit ako ay pinagkunutan niya ng noo.
Napatitig ako sa hitsura niya. Kung si Laurenz ay namana ang lahat sa akin ang isang ito ay kay Laurent. Maging hitsura, pananalita, sungit at pagkakakunot ng noo niya.
Nababaliw rin ako kay Laurex dahil tulad ng ama gano'n din siya sumagot madalas, matipid, walang diretsang sagot at laging iritado. Bihira kong makita ang ngiti niya. Si Laurenz ay sampong taong gulang na. Si Laurex ay anim na taong gulang pa lang.
"Anak, 'wag mong sasaktan ang kapatid mo," umupo ako para magka-level kami ni Laurex.
"But he needs to know how to fight, mommy," nakasimangot nitong ani.
"Oo nga, pero hindi kayo dapat nagkakasakitan, 'di ba?" Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos.
"But mommy.. he is so we--"
"Laurex, don't talk to your kuya like that," masungit na sabi ni Laurent.
"Fine!" Kunot-noong sabi ni Laurex.
Nagkakasundo silang dalawa dahil pareho sila ng ugali.
"Laurenz, anak," lumapit naman ako kay Laurenz, naawa ako sa hitsura niya dahil hinahaplos niya pa rin ang balikat na hinampas ng kapatid kaya napabuntong hininga ako.
Niyakap ko siya. "You're always be my good boy," bulong ko sa tainga niya. "Halika na," niyaya ko ang kamay niya.
Si Laurent ay hinawakan na si Laurex. Umupo kami sa nakalatag na sapin at may mga pagkain. Pinakain ko ang mag-aama ko at masaya ko silang pinagmasdan.
"Tito!" Masiglang tumakbo si Laurenz palapit kay Resttan.
"Kumusta ang ensayo?" Ginulo niya ang buhok ni Laurenz.
"Hindi po okay, gusto ko ikaw ang nagsasanay sa akin," nakangiting sabi niya kay Resttan.
"Tsk," rinig ko ang inis na iyon ni Laurent. Nagseselos nanaman siya.
Ang madalas na mag-ensayo kay Laurenz ay si Resttan dahil sa kaniya ito sumusunod nakakatawa siyang panoorin dahil kapag nakakatama katulad ko ay sinasabi niyang 'sorry'.
Nagsimula na muli ang ensayo. Nakangiting hinawakan ni Laurenz ang arnis bago tumingin kay Resttan.
"Lakas kaunti," nakangiting sabi ni Resttan nang hampasin siya ni Laurenz at sinalag niya iyon. "Good, isa pa.. okay.. lakas kaunti.. "Si Laurenz naman ay nakangiting nage-ensayo.
"Siya ba ang tatay ni Laurenz?" Kunot-noong tanong ni Laurent na tinawanan ko naman.
"Seloso mo, bebe boy," kinurot ko nang mahina ang pisngi niya.
"Kapag ako.. kailangan ko pang pilitin mag-ensayo ang batang 'yan tapos kay Resttan isang ngiti lang niya napapasunod niya na si Laurenz," pagmamaktol niya.
"Wag mo kasi siyang sungitan."
"Edi siya na ang tatay!" Inis niyang sabi natawa nanaman ako.
"Ewan ko sa'yo, Laurent. Napakaseloso mo," mahinahon kong sabi.
"Edi gumawa na lang ulit tayo ng anak," nakangising sabi niya.
Nasapo ko ang noo ko. Araw-araw kinukulit niya akong mag-anak daw ulit para may prinsesa na siya. Ang hirap kaya manganak!
"Ikaw manganak."
Umakbay siya sa akin at pinisil ang balikat ko. "Kung pwede lang, eh. Siguro mayroon na tayong basketball team at cheerleader," sa wakas ay ngumiti na siya.
"Talaga? Kay Laurenz pa nga lang hirap ka nang alagaan at pasunurin sa ensayo," sarkastiko kong sabi subalit malumanay pa rin.
"Kung bakit ba naman kasi manang-mana saiyo kahit kurutin man lang si Laurex hindi magawa," kumunot-noo nanaman siya.
"Eh, ako ang nanay. Kanino pa ba magmamana?"
"Yeah, beautiful mommy," ngumiti na siya at dinampian ako ng halik sa pisngi.
"Haya!" Napalingon kaming dal'wa nang parang lumipad sa ere si Laurex at pahampas na bumagsak sa kapatid naisangga naman ni Laurenz ang arnis. Napatayo ako pero hinawakan ni Laurent ang kamay ko upang umupo ulit.
"Nag-eensayo lang sila, don't worry," nakangiting sabi ni Laurent pero bakas pa rin sa akin ang mag-alala.
Pinanood ko ang dalawang bata, katulad ng paraan ko ng paglaban ilag nang ilag si Laurenz, sinasangga niya lang si Laurex at tinutulak kung minsan. Nag-aalala ako sa tuwing natatamaan siya ng kapatid pero hindi man lang siya nainis dito kahit minsan.
"Ang boring mo kalaban, Kuya!" Asik ni Laurex na ngayon ay seryoso pa ring sinusugod ang kapatid.
Kung titingnan mo ang kilos ni Laurex mabilis siya at bihasa sa maraming bagay. Wala siyang takot sa panununtok at paninipa bagay na si Laurent din ay gano'n ang gawain. Natatakot ako na baka isang araw pumatay rin siya kahit 'yon ang tradisyon ng pamilya.
Kumapit ako nang mahigpit sa braso ni Laurent nang tumitindi na ang laban ni Laurenz at Laurex. Mabilis na umiiwas si Laurenz pero mabilis din namang nanghahampas ng arnis si Laurex. Tumakbo si Laurenz at tinuon ang paa sa mga puno upang maiwasan ang kapatid at saka bumagsak sa lupa. Hinabol siya ni Laurex, walang reaksyon at patuloy sa pagwasiwas ng arnis.
"You'll die, Kuya!" Patuloy siya sa pagwasiwas kaya napatayo na ako.
"Laurex!" Tawag ko sa kaniya. "Tama na 'yan," pinilit kong 'wag mainis dahil sa sinabi ni Laurex. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko mas kailangan ako ni Laurenz dahil talagang magkaugali kaming dalawa. Natatakot din ako na baka dumating nga ang araw na kailanganin niya ang lumaban pero wala siyang magawa dahil sa ugaling namana mismo sa akin.
'You'll die, Kuya.'
Natakot ako sa sinabing iyon ng aking pangalawang anak para bang sigurado siyang mamamatay ang kapatid niya. Hindi makikitang siya ang papatay pero sa tono niya ay parang may ibang gagawa no'n.
Napahawak ako sa dibdid ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko maintindihan kung bakit.
"Laurent," yumakap ako sa baiwang niya upang kumalma.
"What's wrong?" Halata ang pag-aalala sa mukha niya.
"Pwede bang mas alagaan mo si Laurenz? Mas protektahan dahil sa nakikita ko mas.. m-mahina siya," halos utal kong sabi sa kaniya.
"You don't need to say that I'm always protecting our family."
Lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya. May kung ano sa akin na natatakot, nangangamba at kinakabahan na parang pakiramdamam ko ay hindi ako magtatagal sa mundong ito kaya gusto kong ibilin kay Laurent ang mga anak namin lalo na si Laurenz.
Lalong dumagundong ang kaba sa dibdib ko.
Bakit ba gano'n ang naiisip ko?