Tahimik si Amira habang nakasakay sa kotse na minamaneho ni Manong George. Ito rin ang kasama ni Caridad nang pumunta sa Lizardo Farm para sa party. Mukhang mas tensiyonado pa ito sa kanya subalit di kumikibo.
Di nagtagal ay nasa Lizardo Farm na sila. Sa gitna ng farm ay isang malaking Filipino style villa na masasabi niyang mas conservative at mas makaluma kaysa sa Victorian House ng Banal Mansion. Gawa iyon sa matitibay na kahoy at sa pagkakaalam niya ay itinayo noong 1960s.
Nakaabang na si Jennascia sa kanya sa front porch ng bahay. Sinalubong agad siya nito pagbaba niya ng sasakyan. “Thanks for coming. Dito tayo.”
At iginiya siya nito papasok ng kabahayan. Pagpasok sa sala na natatanglawan ng eleganteng chandelier ay narinig niya ang bossa nova music na pumapailanlang sa kabahayan. Nakaupo sa sofa at nagkukwentuhan ang iba sa mga kaibigan ng pamilya Banal. Di naman siya nahirapang hanapin ang madrasta niyang si Caridad na nasa gitna ng dance floor at may kasayaw na dalawang lalaki na sa palagay niya ay nasa mid-twenties at nakasuot ng white long sleeve shirt na may bow tie at itim na slacks. Napapagitnaan ng mga ito ang madrasta niya. Ang isa kaharap ng madrasta niya at ang isang ay nasa likuran naman at hawak ang madrasta niya sa baywang. Nakikitawa na lang ang mga ito tuwing tumatawa ang madrasta niya subalit may pagka-ilang sa mukha ng mga ito.
Tumango siya sa host ng event na iyon na si Amrita Lizardo na mukhang relieved dahil sa pagdating niya. Di na lang siguro nito mahila palabas si Caridad dahil sa hiya.
Nilapitan niya ang madrasta. Nag-side step ang lalaki na nasa likod at isang nahihiyang ngumiti sa kanya. Hinawakan niya sa balikat si Caridad habang nagha-hum ito at nakahawak sa balikat ng isa. “Aunt Carrie.”
Nakakunot ang noo nitong lumingon na parang nainis dahil inabala niya subalit ngumiti ito nang makita siya. “Amira?” Pumalakpak ito para kunin ang atensyon ng lahat. “My stepdaughter is here. Say hello to everyone. Do you like wine?” Ipinitik nito ang daliri sa kasayaw. “Bring us two glasses of wine. Pronto. I want an aged wine from Borde… Bordex…” anitong di alam kung paano ipo-pronounce ang Bordeaux. “I really hate French.”
“No more wine, Auntie. Umuwi na po tayo,” aniya at umiling sa waiter nang akmang dudulutan sila ng alak.
Kinuha na agad ng tiyahin niya ang red wine na dala ng tagasilbi. “Why? I am still having fun. Hindi ako si Cinderella. It is not even midnight yet.”
Sinubukan niyang kunin ang kopita ng alak mula dito. “Enough of that. You are drunk.”
Dali-dali nitong nailayo ang kopita sa kanya. Tumalikod ito sa kanya at tumungga. Itinaas nito ang kopita nang maubos at humalakhak. Ginawa lang nitong juice ang wine. “I am not drunk. I am just having fun. I haven’t done this in ages. I had always been the perfect one, the perfect wife, the perfect Banal. Hayaan mo ako.” At nahimigan niya ang kamiserablehan sa boses nito. Parang pagod na pagod na ito. Sa dami ng pinagdadaanan nito sa buhay, it must be taking a toll on her. “You, too. You have fun. You don’t really want to feel old and bored at such a young age. You are too young to be serious.”
“Aunt Carrie, mas malaki ang party sa Banal Mansion. Hindi ko nga alam kung ano pang ginagawa ninyo dito.”
“Party?” tanong nito. “May party doon? How dare someone throw a party at my mansion without me knowing?”
“Ahhhh! Baka po nakalimuta ninyo na may party kayo dahil busy kayo sa meeting. Your guests are looking for you,” aniya at kinuha ang kopita mula dito
“May mga kasayaw ba ako doon? Because the boys here are not good in dancing,” sabi nito.
“Of course. Plenty of men to dance with.”
“No boring guests?” tanong nito at ngumisi sa mga kasamahan.
“Nope. You can kick them out if you want to,” sabi niya bilang pang-aalo dito. “We can go to the real party.”
“Okay. Let’s go!” anito sa excited na tono. Humakbang ito pero naging mabuway ang tayo nito at kailangan pang alalayan ng dalawang waiter. Itinulak nito ang dalawang lalaki. “I can walk by myself!”
“Carrie, please let them escort you to the car. You are… a special guest after all,” anang si Amrita na siyang host ng event na ito.
“Pasensiya na po,” di niya mapigilang usal sa babae.
“Why apologize?” may katarayang tanong ni Caridad. “Oh! Of course, you are not dressed up for the occasion. Not befitting for a Banal. I won’t allow you to look like that for my party. You dress up.”
“Of course, Aunt Carrie. Kaya dapat bumalik na tayo sa mansion. Your guests are waiting for you.”
CARIDAD when drunk was a bit tiring. Parang may bata siya na kailangang laging i-please at utuin. She must feed on her ego to make her follow. And she was also a wild woman when drunk. Napapangiwi na lang siya sa pagkanta nito habang nasa likuran ng sasakyan. Inalalayan na lang niya ito at laging ipinaalala na mag-behave dahil gusto pa nitong buksan ang bintana ng sasakyan para ilabas ang ulo at doon daw ito kakanta. Nag-text siya kay Jennascia at nakiusap na sana ay huwag nang kumalat pa iyon. Di nila kailangan ng panibagong isyu sa pamilya. Ito na daw ang bahala na kumausap sa iba.
Magkatulong sila ni Manong George na alalayan ito. Nang pumasok sila sa mansion ay patuloy pa rin ito sa pagkanta ng Where Do Broken Hearts Go ni Whitney Houston nang matigilan ito. “Where’s everyone? Where are my guests? Where is the music? What the hell happened to my party?”
“They are on their way. That’s why you have to look your best.”
Lumabas si Manang Rosing at ang isa pang kawaksi. “Tulungan na lang po ninyo akong bihisan si Aunt Carrie para sa party,” aniya kay Manang Rosa at binigyan ito ng makahulugang tingin.
“Tuding, linisin mo ang bahay. Baka maalikabok na kaya madilim,” anang si Caridad at patuloy lang sa pagbibigay ng instruction. Nauna na siya sa silid nito para ihanap ito ng komportableng pantulog.
Patuloy ito sa pagbibigay ng instruction hanggang makapasok sa silid. Iniwan sila ni Manong George at ang dalawang kawaksi ang nagpunas dito. “Those bitches!” angil ng madrasta. “I hate those snotty women. They are setting aside my opinion and they are acting more superior because my parents are not kadangyans. They look down on me because I used to be a hired help. Their hired help.”
“Insecure lang ang mga iyon, Ma’am,” anang si Manang Rosing na pinunasan ang mukha ng babae ng maligamgam na tubig.
“Yes. Insecures. Mas maganda pa rin ako sa kanila kahit na nagpa-botox na ang iba sa kanila at nagpa-plastic surgery,” may kayabangang sabi ng madrasta. “And I am a Banal now. I will make them pay. I will make them kneel and beg. Walang nangmaliit sa akin na di lumuhod sa harap ko. Lahat silang walang tiwala sa akin ay magmamakaawa din sa tulong ko balang-araw.”
Inabot ni Amira ang nightgown sa kay Manang Rosing at patuloy sa pagkukwento si Caridad. “My parents didn’t want me to go to college. Masyado na daw magastos na iginapang nila ako sa high school. Ang ibang mga babae daw sa amin nakapag-asawa na agad kahit na fifteen pa lang.” Pagak itong tumawa. “Me? Mag-aasawa ng hampaslupaI want to marry a prince. I want a fairy tale. But my father just laughed at me when I returned from Baguio and can’t afford another year at the university. Hanggang iyon lang kasi ang kinaya ng ng naipon ko na dalawang taong pagpapaalila sa iba. Sa Sagada din daw ako babagsak. Masiyahan na daw ako kung anong meron ako. At si Nanay di man lang ako ipinagtanggol. Makinig na lang daw ako kay Tatay.