Chapter BH: Amira 123

“And I made them pay,” anito sa matigas na boses. “Nang bumalik ako bilang asawa ni Alfie Banal, hindi na nila ako mapagtawanan. I married a billionaire’s son. Masyadong mataas ang pride ng magulang ko. Ayaw daw nilang tumanggap ng kahit ano mula sa akin. Masaya na sila sa simpleng buhay. Di rin nila matanggap na hindi ko sinabi kay Alfie ang tungkol sa iyo. Bakit ikaw at si Himaya ang iintindihin nila samantalang ako ang anak nila.” Huminga ito nang malalim na parang masama ang loob nito. “Nang magkasakit ang nanay ko, sa akin din sila tumakbo. And I made my father kneel, grovel and beg so we can send my mother to the best hospital. Di na niya ako kayang maliitin. Lahat ng taong nangmaliit sa akin ay kailangang magmakaawa. Every one of them.”

Kinilabutan si Amira. Totoo ba ang sinasabi ni Caridad? Habang ang ibang anak ay gagawin ang lahat para sa buhay ng mga magulang nito, ang sarili nitong ama ay kailangan pang magmakaawa para lang matulungan nito?

Nang tingnan niya ang mga kawaksi na sinusuklay ang buhok ng madrasta ay parang normal lang ang ekspresyon ng mga ito.

Baka naman iniisip ng mga ito na lasing ang madrasta niya. Siguro. O may alam ang mga ito pero nagbibingi-bingihan sa anumang sinasabi ng madrasta niya.

“I will make those bitches pay. Oh! I want that stupid, arrogant man to pay, too.”

“Who is that stupid arrogant man, Aunt Carrie?” maingat na tanong ni Amira. Ang ama ba niya ang tinutukoy nito? May hindi ba pagkakaunawaan ang madrasta niya at si Alfie Banal? Wala siyang ibang alam sa kwento ng mga ito malibang nagmamahalan ang mga ito.

“Someone from my past,” sagot nito at humiga. There was a wistful look in her eyes. Animo ay teenager na naisip ang crush nito. “Siya ang unang lalaki na nagsabi na maganda ako. Siya ang unang tao na naniwala sa akin. Sabi niya ay malayo ang mararating ko. Hihintayin daw niya ang pagdadalaga ko. Kaya nagsikap ako para makapag-aral sa college para maging karapat-dapat sa kanya. Kahit na mahirap, kahit nasabihan ako ng mga tao na promdi o baduy, naniniwala ako sa sinabi ng lalaking iyon na maganda ako.” At pumikit na ito.

Mukhang nakatulog na ito. “Salamat po, Manang Rosing. Aalis na po ako.”

“Dito na po kayo magpalipas ng gabi. Ihahanda ko po ang kuwarto ninyo.”

Ang dati niyang silid doon ay nananatili pa ring kuwarto niya doon.

Inayos pa niya ang kumot ng madrasta bago ito umalis nang magpatuloy ito sa pagsasalita kahit na nakapikit.

Bigla itong sumibi na parang iiyak. “Hinintay ko siya. Nang bumalik siya dito, kasama na niya ang asawa at anak niya. Hindi na niya ako nahintay at ang masakit pa ay mahal niya ang babaeng iyon. Nangarap ako dahil sa kanya pero binigo lang niya ako. Kaya nagsikap ako. At sa huli ay nagbayad sila. Naghirap sila. Tiniyak ko rin na nagbayad ang babaeng umagaw sa kanya sa akin.”

There was the vindictive tone in her voice that scared her. Kinikilabutan siya di lang dahil sa tindi ng galit sa puso nito kundi dahil nakikita niya ang sarili dito. She felt like she was a young Caridad Banal. Maybe even more.

Nagulat siya nang bigla nitong pigilan ang kamay niya. “Amira, hindi ko kayo kinamumuhian ni Himaya. Kaibigan ko siya at nang ipanganak ka niya ay minahal na rin kita na parang anak,” anito at idinilat ang mga mata kahit na nahihirapan.

Kumunot ang noo niya at tiningnan ang kamay niyang hawak nito. Wala namang taong magsasabing mahal siya nito at ang nanay niya pero sa huli ay sasaksakin sa likod. Nawalan siya ng ama. Lumaki siya na kinamumuhian ang mga Banal. Isa itong traidor. May sarili siyang pinagdadaanan sa buhay, but she won’t deliberately hurt someone.

“Hindi ko ginustong itago ka sa ama mo at lumaki ka na walang kinikilalang ama. Si Alfie Banal lang ang paraan para pagbayarin ko ang lahat ng umapi at nanakit sa akin. Pero bakit kahit na nasa akin ang lahat ay di pa rin ako masaya? Bakit parang walang halaga ang lahat ng pagod ko? Bakit kinukuha sa akin ang lahat? Bakit ayaw pa rin niya sa akin? Bakit di ako masaya?”

Tumagilid ito at humagulgol ng iyak. O mas tamang sabihin na panaghoy. Animo’y nanggagaling sa kaibuturan ng puso nito ang sakit. And it made her feel empty and drained.

Hinaplos niya ang likod ng madrasta niya hanggang tumigil ito sa pag-iyak at nakatulog ito. Kapag puno ng galit ang puso niya at ang humihiyaw ng paghihiganti, nakakaisip din siya ng masama sa kapwa. Hindi siguro niya napapansin iyon dahil ang katwiran niya ay justified naman. One way or another, she hurt people. At ngayong naririnig niya iyon mula kay Caridad, hindi pala maganda sa pakiramdam. Parang may asido na gumigiling sa sikmura niya at umaakyat sa puso niya.

That destructive mindset, the cry of blood, that high and mighty tone, it didn’t make her happy at all. Maaring may mga layunin siya sa buhay at may mga gusto niyang patunayan subalit ayaw niyang maging katulad ng taong lumalabas sa bibig ni Caridad. Ayaw niyang manakit ng mga inosenteng tao para lang makuha ang pangarap niya. Ayaw niyang manira ng buhay lalo na ng isang inosenteng bata. Revenge was a vicious cycle. Paikot-ikot lang ang lahat. Walang katapusang pagsasakitan. Walang katapusang paghihiganti.

Hinaplos niya ang buhok ng nahihimbing ngunit balisa pa rin na si Caridad. “Magpahinga ka na, Stepmom. You badly need some rest. Ipahinga mo muna ang puso mo. Sa mga oras na ito, hindi tayo magkalaban.”

Hapong-hapo ang pakiramdam ni Amira nang sa wakas ay iwan ang madrasta sa silid nito. Di naman gaanong nakakapagod na mag-alaga ng lasing. Nakakapagod lang ang kwento ng madrasta niya. Kwentong-lasing pero paano kung totoo? Hindi ba’t may mga tao na mas nagsasabi ng totoo kapag lasing? Paano kung totoo ang lahat ng sinabi ng madrasta niya? Paano kung iyon ang totoong Caridad Banal na di nakikilala ng marami?

Naabutan naman niya si Manong George na naabutan niyang palakad-lakad sa may sala. “Manong George, gising pa po kayo?”

“Hinihintay ko po kayo at kailangan ko pa kayong ihatid sa kubo ninyo. Salamat po dahil kayo na ang susundo sa kay Señora Carrie, Ma’am. H-Hindi ko po kasi alam kung anong gagawin ko kanina,” anitong pinilipit ang dalawang kamay na animo’y kinakabahan. “Ayaw po niyang magpauwi at di lang daw isang ordinaryong driver ang magpapauwi sa kanya. Kaibigan nga daw po niya na mayayaman ay di siya mapauwi, ako pa daw na isang hampaslupa.”

Napangiwi siya. Para sa isang tao na matagal nang tauhan ng pamilya ay masakit nga naman iyon. “Pasensiya na po. Lasing lang po si Tita Carrie.”

“Alam ko naman po. Di naman po siya ganyan noon. Ngayon ko lang po siya nakitang naglasing.”

“May nangyari ba sa kanya nitong nakakaraang araw?” tanong niya at bahagyang ikiniling ang ulo. Kung di ugali ng madrasta niya na uminom at mukha naman itong refined at in control, ano ang nag-trigger dito para maglasing at magwala?

“Hindi ko po alam. Basta ang alam ko may usapan sila kanina ni Sir Romualdo na magkikita sa Baguio. Matapos ang meeting nila sa Camp John Hay, lumabas na lang po ng hotel si Señora na masama ang mood. Di po siya nagsasalita pero galit po siya. Di po siya nagsasalita ng kahit na ano hanggang makarating po dito sa Sagada. Iyon nga po basta na lang siyang nag-inom at nagwawala. Di lang po siya masaway dahil kaibigan po ng pamilya.”

“Ganoon ba? Ano kayang nangyari?” mahina niyang tanong. Ang alam naman niya ay malapit ang dalawa at magkasundo.

“Hindi ko rin po alam kung bakit parang masyado siyang naapektuhan. Kahit nang ma-comatose si Señor Alfie o nang mamatay si Don Alfonso di naman po siya nagkaganyan. Ihahatid ko po ba kayo pauwi sa kubo, Ma’am?”

Marahan siyang umiling. “Hindi na po. Dito na po muna ako magpapalipas ng gabi sa mansion dahil baka may kailanganin sa akin si Tita Carrie.”

Tiningala niya ang grand staircase, sa direksyon ng kuwarto ni Carrie. Sino ba talaga ang madrasta niya? At sino ang lalaking tinutukoy nito? Baka naman dala lang kalasingan kaya nasabi nito ang mga iyon. Pero di pa rin siya matahimik lalo na’t nabanggit ang tungkol sa pakikipag-meeting nito kay Romualdo.

May dapat ba siyang malaman tungkol sa dalawa? Posible bang si Romualdo ang tinutukoy nitong lalaki na unang minahal ng madrasta niya? Ipinilig niya ang ulo. No. Magkaibigan ang ama niya at si Romuald. At kaibigang malapit din ni Caridad ang namayapang asawa ni Romualdo na si Liezl. Si Francois din ay ina ang turing kay Caridad.

At sa huli ay nagbayad sila. Naghirap sila. Tiniyak ko na maghihirap sila at sa huli ay magmamakaawa sila sa akin. Tiniyak ko rin na magbabayad ang babaeng umagaw sa kanya sa akin.

Naghirap ang pamilya nila Romualdo pero di dukhang-dukha na kailangan nitong magmakaawa. Wala sa character nito ang magmamakaawa. Isa pa ay si Caridad ang madalas na tumulong sa mga Mosqueda kapag may kailangan ang mga ito..

Kaibigan din naman niya si Nanay pero anong ginawa niya sa amin?

Ipinilig ni Amira ang ulo at nagtungo na sa dati niyang silid. Sa halip na masagot niya ang mga katanungan sa araw na iyon ay lalo pang dumami. Lalong naging malaking misteryo ang madrasta niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.