Chapter BH: Amira 163

HINDI pa rin makapaniwala si Amira na kasal na nga sila ni Francois habang nakatitig sa magkahawak nilang kamay. She was wearing his ring. A plain platinum band because they wanted to keep it simple. Di naman ang materyal na simbolo ang mahalaga sa kanila kundi kung paano nila pangangatawanan ang pagsasama nila.

“Okay lang ba sa iyo na iwan ang ibang mga kaibigan mo? Hindi pa naman tapos ang wedding festivities,” sabi niya kay Francois habang nakahilig sa balikat nito.

“I am sure they will understand. I want some time alone with my wife,” anito at kinintalan ng halik ang noo niya. “Finally.”

Gabi na noon at masyadong mahaba ang araw na iyon. Patuloy pa rin ang kasiyahan sa mansion ng mga Banal dahil buong gabi pang magsasaya ang lahat. But they were excused. Gusto na kasi ni Francois na makasama siya.

Suot ni Amira ang traditional dress niya. It was her Igorot dress this time na pamana sa kanya ng Lola Celestine niya. Si Francois naman ay nagpalit ng black T-shirt at pantalon pero nakasuot pa rin ang mga animal bone necklace nito. It would be a memorable wedding full of traditional and colorful culture. At ito ang tradisyon na gusto niyang buhayin at ipasa sa magiging mga anak at apo nila ni Francois.

Pagdating sa kung saan sila magha-honeymoon ay si Francois na ang bahala. Ito ang pumili na doon muna sila sa kubo ng Lola Celestine niya sa buong linggong iyon. Saka na daw nila pag-uusapan kung saan sila pupunta sa susunod.

Sa bungad ng tea farm lang ihinimpil ang sasakyan at pinababa na siya ni Francois. “May flashlight ka ba diyan?” tanong niya. Walang ilaw papunta sa kubo at madilim ang gabing iyon dahil new moon. Habang ang kubo naman ay may kuryente lang sa pamamagitan ng solar power.

“Don’t worry. Sundan mo lang ako.”

Tututol pa sana siya nang makarating sa hagdan pababa ng rice terraces at bigla na lang umilaw ang daan. Nahigit niya ang hininga dahil mula sa hagdan, tinalunton ng mga ilaw ang magkabilang gilid ng pilalip hanggang makarating sa kubo. Ginagap niya ang kamay nga asawa. “Francois, that is beautiful. Pakiramdam ko diyosa ako na pababa sa lupa at iniilawan ng mga bituin. Or something like that. Pinaghandaan mo ito.”

“Of course. Sabi ko naman sa iyo ako ang bahala. Ikaw na ang naghanda para sa kasal natin kaya gusto ko ring may gawin para sa iyo. Para sa atin. Gusto ko ring mapasaya ka gaya ng pagpapasaya mo sa akin,” anito at kinintalan ng likod ng palad niya saka hinila siya pababa. “Let’s go.”

Magagaan ang hakbang ni Amira habang tinatalunton ang pilapil. She get that exciting thrill in her bones. At nang pumasok na siya sa kubo ay namangha siya sa talulot ng bulaklak na nakakalat sa sahig. The scent of flowers were tantalizing her senses.

Nakangiti niyang hinarap ang asawa. “This is wonderful.”

“This is our first night together so I want it to be special,” anang si Francois at hinaplos magkabilang braso niya. “I can’t wait to make you mine.”

He cupped her face then claimed her lips in a slow, sensual kiss. Her breath hitched in anticipation. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa simpleng halik na iyon at idinuduyan sa hangin. She shivered when Francios traced her spine with his fingers. He devoured her lips and she was sure that he was devicing a plan on how he would devour the rest of her. Only… it won’t happen tonight.

“Francois,” singhap nang sa wakas ay pinakawalan nito ang labi niya at magaang kinagat ng puno ng tainga niya.

“Oui, mon amour?”

Huminga siya ng malalim habang pilit na inaapuhap ang katinuan niya. When his rough hand caressed her breast through he fabric of her gown, she held his hand right away. “Francois, wait. I have something important to tell you.”

“Can’t it wait?” he asked with a smile on his lips because he probably saw her pupils delate and her eyes rolled heavenward. Mukhang sinasadya nitong pahirapan siyang mag-isip. Ayaw nitong mag-isip siya.

“Importante ito,” aniya sa pilit na pinatatag na boses.

Umangat ang gilid ng labi nito. The pad of his thumb touched her swollen lips. “Any request on how I can pleasure you…”

“Well…” kinagat niya ang pang-ibabang labi. Paano ba niya sasabihin dito nang di ito nasasaktan o hindi ito nagagalit sa kanya? “Hindi pa tayo pwedeng mag-honeymoon ngayon.”

“W-Why?” He looked shocked, disappointed. Then his eyes showed concern. “Do you have your… period?”

Marahan siyang umiling. “No. According to tradition, kailangan pa nating maghintay ng limang araw to consummate the marriage.”

Nanalaki ang mata ni Francois. “Five days pa?”

Marahan siyang tumango. “According to tradition.”

“And you are just telling me about this now?” tanong ng binata na may angil sa boses.

“Uhmmm… kanina ko lang nalaman dahil sinabi sa akin ni Idang Asra saka ni Nanay. H-Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari nang i-suggest ni Aunt Carrie na sumunod ako sa tradisyon kapag nag-propose sa iyo.”

Ihinilamos nito ang palad sa mukha. But it didn’t lessen the frustration on his face. “Drat!”

Pakiramdam siguro nito ay nasa Twilight Zone ito. It was supposed to their honeymoon. Hindi naman kasi niya alam kung ano pang mga tradisyon ang dapat gawin matapos ang kasal.

Nang nagkukwento ang nanay niya sa tradisyon nila noon ay di naman nila napag-uusapan ang tungkol sa ligawan at kasal, as if it was a taboo subject. At dahil na rin sa pagkaabala sa paghahanda sa kasal niya, din a niya inalam pa kung ano pa ang dapat gawin pagkatapos. Ang sinabi lang ng madrasta niya ay wala daw siyang dapat alalahanin.

“Fine.” Kinuha nito ang unan at comforter. “Sa sala ako matutulog.”

Sumasal ang kaba sa dibdib ni Amira. “Francois, iiwan mo ako ditong mag-isa?”

Huminga ito ng malalim at kinuha ang tuwalya at toweling robe na nasa ibabaw ng kama. “I can’t promise not to break the tradition. I waited for two years. I can wait a bit longer. Goodnight, mon amour.” At lumabas na ito ng silid.

Maya maya pa ay narinig na may nagbuhos ng tubig sa banyo. Francois’ howl was a sign that the water was freezing. He definitely needed a hot shower.

They had to spend their honeymoon night and the upcoming nights apart. So much for a wedding tradition.

“BAKIT parang pagod at walang tulog si Tsef Aklay? Pinagod mo sa honeymoon ninyo, no?” nanunuksong tanong ni Berry kay Amira habang nagmimiryenda sila.

Nagbakasyon muna ang mga kapatid niya at ang mga anak nito sa Sagada dahil Mayo naman noon. Walang pasok ang mga bata.

Matapos ang kasal niya ay parang naging malulungkutin ang amang si Alfie. Bagamat alam nitong dadating ang araw na ikakasal siya, di naman nito inaasahan na bibiglain niya ang mga ito. Masyado nga namang mabilis nitong naipamigay ang ibang kapatid niya. Tukso pa nga ni Vera Mae ay gusto pa ata siyang pakawalan ng ama kapag forty years na siya. Kaya naman ayaw muna itong iwan ng mga kapatid niya na mag-isa.

“Hindi pa nga sila pwedeng mag-honeymoon sa loob ng limang araw. Iyon ay ayon sa tradisyon,” sabi ni Vera Mae at inilapag sa harap nila ang green tea cake.

“Ang tatag ninyo! Honeymoon na lang naunsiyami pa,” sabi ni Ailene. “Kaya naman pala bad mood si Aklay.”

They had a strained relationship for five days. Parang detached si Francois sa kanya. Matapos sundin ang tradisyon na maliligo ito sa kalapit na ilog at siya naman ay nagdamo sa bukid, pinatay rin nila ng ipa ang siga na ginawa noong araw ng kasal nila. Senyales iyon na maari na silang mag-honeymoon.

Bagamat sweet pa rin naman ito gaya ng dati at inaasikaso siya, pakiramdam niya ay nakadistansiya ito sa kanya lalo na pagkatapos ng hapunan. He won’t even touch her and kiss her like before. Alam naman niya na nagtitimpi lang ito dahil iginagalang nito ang tradisyon. But it was starting to put a strain on their relationship. Baka kalaunan ayaw na nitong mag-honeymoon sila.

“Hindi pa kaninang umaga naman nag-manmanok na kayo? Ibig sabihin idineklara na nila Papa, Tita Himaya at ni Tito Romualdo na pwede na kayong magkaroon ng official honeymoon. Di pa rin pwede?” tanong ni Mabel.

“Oo nga. Bakit bad mood pa rin si Aklay?” anang si Yumi.

“Baka may period,” anang si Sky at humagikgik.

“Baka sa sobrang tagal ng tradisyon na iyan, nawalan na ng ganang mag-honeymoon,” sabi ni Ailene. “Masyado na kasing matagal.”

“Ewan ko ba naman sa inyo,” sabi ni Berry na sa isang iglap lang ay naubos na agad ang green tea cake na kinuha nito at kukuha ulit ng bago. “Sana kasi dinaan mo na lang sa santong paspasan noon pa. Nganga tuloy kayo.”

“Francois wants a virgin bride,” anang si Yumi at tumango-tango. “Ibig sabihin lang nirerespeto niya ang kapatid natin. Di lahat ng lalaki ganoon.”

“Kaso parang napikon siya nang malaman niyang di matutuloy ang honeymoon namin.” Baka nga magka-pulmonya na ang asawa niya sa kaliligo ng malamig na tubig gabi-gabi.

“Aba! Kailangang maging espesyal ang honeymoon ninyo,” sabi ni Sky. “Baka kailangan mong mag-striptease.”

“Baka naman kailangan mong maging dominatrix,” sabi ni Vera Mae at saka hinampas ang sariling pigi. “Bad boy! Bad boy!” At nagtawanan ang ibang mga kapatid niya.

“May posas ata sa bahay namin,” anang si Eira at saka pilyang humagikgik.

Nanlalaki ang mata nilang tinitigan ang bunsong kapatid. “Eira!” nahihindik niyang sabi. “Ginagamit mo iyon?”

Isang nahihiyang ngiti ang ibinigay nito. “Regalong lang sa amin ng kasal namin pero di naman bad boy si Alex kaya di ko ginagamit. Gusto mo, Ate?”

Bumagsak ang balikat niya. Hindi siya komportable na pati ang mangyayari sa honeymoon ay kapatid pa niya ang magpaplano. No. That was too private. “Mabuti pa uuwi na lang ako. Sa bahay ko na lang hihintayin si Francois.”

“Amira, we just want to help. Ayaw mo bang maging espesyal ang honeymoon mo?” tanong ni Ailene.

Obviously mas may experience na ang mga kapatid niya sa ganitong bagay. Ayaw man niyang i-involve ang mga ito sa honeymoon nila, ayaw din naman niyang masaktan ang mga ito kapag tumanggi siya.

Huminga siya ng malalim. “Fine. Kailangan ko na humanap ng bulaklak ng kalabasa,” sabi ni Amira.

“Bulaklak ng kalabasa?” sabay-sabay na tanong mga ito.

“Yes. Maraming-maraming bulaklak ng kalabasa.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.