Pumapailanlang ang tunog ng gong at gangsa sa buong hardin ng Banal Mansion. Lahat ay nakikisaya sa kasal nina Amira at Francois. Sa bisperas ng kasal pa lang ay bumabaha na ng pagkain sa mansion at ayon sa tradisyon ng Sagada ay imbitado ang buong bayan. Pawang malalapit na kakilala nila ang nasa hardin pero napuno pa rin iyon ng mga bisita. Ang iba naman ay nakapila sa labas kung saan namimigay ng pagkain. Akala mo ay piyesta.
Kahit na biglaan ang kasal nila dahil sa pag-o-observe ng tradisyon ay marami pa rin ang nakadalo. Mula sa mga kaibigang chef ni Francois mula sa iba’t ibang bansa, ang mga kasamahan ni Amira na environmentalist, ang pamilya niya mula sa Lambayan at ang mga tauhan at executives ng Banal Mining. Siyempre, di rin magpapahuli ang mga kapatid niya, asawa ng mga ito at mga pamangkin niya na nakikisayaw din sa communal dance.
Nagkasundo ang mga pamangkin niyang sina Angel at si Kimea. Magkaedad ang mga ito. Di talaga pumayag si Kimea hangga’t di nagiging flower girl kahit kung tutuusin ay onse anyos na ito at dalagita na.
Si Estephanie ang maid of honor niya at bridesmaid niya ang ibang mga kapatid na kanya-kanya ng pili ng pang-abay na damit na hamak mas nauna pang nagawa sa wedding gown niya.
Well, her wedding gown was exquisite. Sa halip na plain white virginal wedding gown, isang long sleeve deco embroidered gown na may illusion neckline ang suot niya. It looked ethearal on her. She Jennascia ang lumikha ng mismong gown habang ideya naman ni Mabel ang embroideries. Even the entourage had the same style as hers.
Her mother looked elegant in her beige gown. Hindi ito umiyak nang ihatid siya sa altar. Masaya naman daw kasi ito dahil isang mabuting lalaki ang napili niya. Mas emosyonal pa ang ama niyang si Alfie na makisig na makisig sa piña barong na gawa pa ni Pitoy Moreno.
And Francois was the nervous groom. Mahigpit ang hawak nito sa kamay niya na parang may aagaw sa kanya dito. Kahit ngayong magkasama silang nagsasayaw sa communal dance ay malikot pa rin ang mga mata nito.
“Hoy! Anong nangyayari sa iyo?” tanong niya sa asawa. “Parang napapraning ka.”
“Hindi ko lang gusto na nakatitig sa iyo ang ibang lalaki dito. Why do you have to look so beautiful today?” tanong nito at hinila siya palayo sa dance floor Niyakap siya nito ng mahigpit.
“Francois, di naman pwedeng pangit ang bride mo. Saka hayaan mo silang tumingin. Hanggang doon lang iyon. Ngayon ka pa naging overprotective.”
“Siguro dahil kinakabahan lang ako sa kasalang ito. I just can’t believe that you are really mine now. Are you happy with the wedding?”
“Yes. Pero gaya mo ninenerbiyos din ako. Sa palagay ko mas nag-enjoy ang pamilya ko sa kasalang ito,” sabi niya at nilingon ang mga kapatid at pamangkin na kasayaw ang ama niyang si Alfie. Buo na ang pamilya niya. Her father looked younger than his age. Wala man itong love life at hindi nagde-date pero nakikita niyang masaya ito kasama ang mga apo. Kahit ang nanay niya ay civil din dito. Okay naman daw ang mga ito basta di manliligaw ang tatay niya.
“This wedding is perfect. More than I’ve ever dreamt of. And you, my lovely bride is a lovely dream which turned into a reality. I can’t wait to finally make you mine,” bulong nito sa ibabaw ng labi niya.
She was looking forward to spending more time alone with him. Kundi lang talaga kailangang manatili sila doon, gusto rin niyang masolo ang bagong asawa. Oh, the wicked things she wanted to do to him. At habang nakatitig sa maaalab na mga mata ng nobyo, alam niyang pareho lang ang tinatakbo ng utak nila. They minds were already running away from all the festivities.
Nakarinig na lang sila na may nabasag sa bandang likuran nila at nakita niya na nabasag ang mga basong nasa tray na hawak ni Caridad at nabasa ang nanay niya na nakaupo sa isa sa mga mesa habang kausap si Mr. De Leon ng Banal Mining. Sa likod ng mga ito ay nakita niyang tatawa-tawa si Crissy na kaibigan ni Caridad at ang isa pang socialite na si Mrs. Zoraya Librato na asawa ng isang tycoon. Ang alam niya ay kaibigan din ito nina Caridad at Himaya noong kolehiyo.
“Ma’am Himaya, pasensiya na po,” anang madrasta niya at kumuha ng tissue sa mesa para punasan ang nabasang damit ng ina. Mukha naman talaga itong apologetic sa nangyari.
“It is okay,” anang ina niya at pilit na ngumiti. Hindi ito komportable sa sitwasyon na kinalalagyan nito ngayon.
“Ano ba iyan, Carrie?” narinig niyang tanong ni Crissy. “Simpleng pagsisilbi na lang ng inumin di mo pa magawang mabuti.”
“Malamang kasi naiinggit siya dahil si Himaya ikinasal ang anak sa isang guwapong French chef. Habang siya saan bumagsak? Back to being a hired help. Or is she even hired? Baka wala siyang sweldo,” anang si Zoraya at humalakhak.
Nakita niya na mangiyak-ngiyak ang madrasta niya dahil sa panunulsol ng dalawa sa nanay niya. Malamang ay gustong galitin ang ina niya para nga naman magkaroon ng eksena sa mismong kasal niya at pagtsismisan ng mga ito. Mariing nagdikit ang mga labi ni Amira. They won’t allow those witches to tarnish her wedding. At di rin siya papayag na api-apihin ng mga ito si Caridad. Kung tutuusin ay ayaw niyang magsilbi ang madrasta sa kasal niya dahil malaki ang naitulong nito sa paghahanda. Pero mapagpakumbaba nitong sinabi na mas gusto nitong magsilbi kaysa humalo sa mga bisita.
Akmang susugod siya nang pigilan siya ni Francois. “Hayaan mo sila. Your mother can handle it just fine.”
Matapos punasan ng tissue ni Himaya ang nabasang damit ay tumayo ito at hinarap ang mga dating kaibigan na sina Crissy at Zoraya. “Tumanda na kayo nang ganyan binu-bully pa rin ba ninyo si Caridad?” tanong nito sa dalawa at hinawakan ang balikat ng madrasta niya. “Mahiya nga kayo. Dumayo ba kayo sa kasal ng anak ko para lang manggulo? Di ba kaibigan ninyo si Caridad? Kayo-kayo nga magkakakampi. Bakit parang basahan ninyo siyang tratuhin ngayon? Dapat nga kayo ang unang magmalasakit sa kanya.”
Gulat itong tiningala ni Caridad. “Himaya…”
“I can’t believe this. Kinakampihan mo ang babaeng iyan? Baka nakalimutan mo kung anong ginawa niya sa inyo ng anak mo, Himaya,” anang si Crissy.
“Oo nga. Concern lang kami sa iyo. Tapos kami pa ang bully,” nakaismid na sabi ni Zoraya. “Ikaw na nga ang binasa niya.”
“Tinisod po nila si Lola Carrie,” biglang sabat ni Angel.
Nanlaki ang mata ng dalawang matandang babae. “Aba’t…”
“Bawal ang magsinungaling,” nakangising sabi ni Zoraya dito.
“Aba! Sinasabi ba ninyo na sinungaling ang anak ko, Mrs. Librato?” mataray na tanong ni Vera Mae. Lumapit na rin ang ibang mga kapatid niya. Pawang palaban ang mga ito.
“H-Hindi naman,” anang si Mrs. Librato. “Where is your father? Magpapaalam na kami.” At tumalilis na agad ang dalawang matandang babae.
“Mabuti naman at umalis na sila. Baka paabangan ko pa sila sa kanto,” anang si Berry na bagamat mas polished na kung kumilos at magsalita ay may pagka-gerera pa rin kung minsan.
“Sasabihin ko kay Papa na huwag silang imbitahan,” mataray na sabi ni Ailene. “Di naman sila dapat belong dito. I don’t like them.”
“Mommy Carrie, okay lang po ba kayo?” malumanay na tanong ni Eira.
“Ayos lang ako. Salamat, Angel.” At hinalikan nito sa pisngi ang anak ni Vera Mae. “Pero si Himaya yata hindi okay. Pasensiya ka na. Namantsahan ang gown mo.”
Isang mabait na ngiti ang ibinigay ng ina niya dito. “I am okay. Malalabhan pa naman ito.”
Ginagap ni Carrie ang mga kamay nito. “Salamat. Salamat sa pagtatanggol mo sa akin. Kung tutuusin pwede mo naman akong hayaan na lang na alipustahin nila pero di mo iyon hinayaan. Salamat dahil mabuti ka pa rin sa akin kahit na naging masamang kaibigan ako sa iyo. I… I am sorry, Himaya.” Napaluhod si Caridad sa harap ng ina niya dahil sa na rin marahil sa panlulumo. “H-Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa iyo. Sa kabila ng masamang ginawa ko sa inyong mag-ina, kabutihan pa rin ang iginanti mo sa akin.”
“Dahil naging kaibigan ka sa akin kung kailan kailangan kita. Nang walang gustong kumupkop sa amin ni Amira, inalagaan mo kami at ng pamilya mo hanggang sa manganak ako. Hindi ko makakalimutan iyon, Caridad.” Hinawakan ni Himaya ang madrasta niya sa balikat at pilit na pinatayo. “At hindi ko ipagkakait sa iyo ang pagkakataon na magbago. Kaya pinapatawad na kita.”
Niyakap ito ni Caridad. “Salamat, Himaya. Malaking bagay sa akin ang kapatawaran mo.”
“Kami rin, Aunt Carrie. Wala na sa amin ang nangyari dati,” sabi ni Yumi. “Hindi ba, sisters?”
“Oo naman,” sang-ayon ni Sky. “Masaya na tayong lahat ngayon. Wala namang masama kung magkasundo-sundo tayo.”
“At kung gusto mong bumawi sa akin, samahan mo akong magbihis,” anang si Himaya at hinila ang madrasta niya palayo sa party.
Nang bumalik sa reception sina Himaya at Caridad ay pareho nang nakabihis ang mga ito. Her mother was in her Mayan printed dress and her stepmother was wearing a silk grey empress dress. May bracelet at hikaw din iyon na katerno na gawa may sapphire. She looked elegant again. Parang ito ang dating Señora Carrie ng lahat.
“Carrie, bakit ganyan ang ayos mo?” pagalit na tanong ng ama niyang si Alfie nang makita ito. “Saka anong gulo ang ginawa mo…”
“Hindi siya ang nanggulo,” paglilinaw ni Himaya. “Sina Crisanta at Zoraya ang nanggulo at ibinibintang nila kay Caridad ang kalokohan nila. Si Angel pa mismo ang nakakita ng ginawa nila.”
“Talaga?” gulat na tanong ng ama niya.
“At bisita ko rin siya ngayon. Siguro naman hindi kawalan kung hindi muna magsisilbi si Carrie ngayon at makikisaya sa amin. After all, tumulong siya sa paghahanda sa kasal ng anak ko bilang ninang ni Amira,” taas-noong sabi ni Himaya.
“Of course,” nausal na lang ng ama niya. “By the way, you look beautiful today. Bagay sa iyo ang damit mo, Carrie.”
“Uy! May nagandahan,” narinig niyang tukso ni Eira.
“Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig ba ito, Papa?” tanong ni Vera Mae.
“I am just being polite. It doesn’t mean anything,” asik ni Alfie at bubulong-bulong na naglakad palayo.
Nagtawanan na lang sila ni Francois sa nakita. Masaya si Amira dahil panibagong regalo na naman iyon para sa kasal nila – ang magkasundo ang ina niya at kay Caridad. At mukhang di magtatagal ay lalambot na rin ang ama niya dito.