Chapter Episode 41

#BTSEp41

Billie and Maxwell's wedding went smoothly. At the church, hindi ko na masukat kung gaano karaming luha ang nailabas ko. Grabe naman kasi iyong wedding vow ni Maxwell! Kahit sinong babae talaga ay mapapa-sana all habang umiiyak!

With that, I was really glad na napunta sa magandang kamay si Billie. I can clearly feel it. Maxwell is a good man and he is a good match with Billie. Maxwell is the kind of a guy who is dominant. Si Billie naman, sobrang go with the flow na tao niyan. Basta mahal, laging sinusunod.

Natutuwa akong nakita na ng kaibigan ko ang happy ending niya. Saksi rin kasi ako sa lahat ng heartbreaks na dumating sa buhay niya dati. And most of it is not an ideal way to start a relationship with.

"Grabe, sana all talaga." Hendrix beamed as he started to cheer for Billie and Maxwell. Patago siyang tumitili. Paniguradong pagpipiyestahan siya ng media kapag nagpaka-barbie siya dito!

Ngayon kasi ay nagsasayaw sina Billie at Maxwell sa gitna ng dance floor, sinasabitan sila ng mga Primary Sponsors nila ng pera sa buong kasuotan. Hindi biro iyong mga pera na nakabalot sa kanilang dalawa. Lahat ito ay kulay blue kaya hindi ko alam kung ano ang sana all ni bakla, iyong pera ba o ang pamamaraan kung paano tignan ni Maxwell si Billie ngayon? Baka both.

Through out the wedding program, I was really glad na walang Liv ang nagpakita. Hindi ko na tinanong pa sa mga kaibigan ko kung bakit. The last thing that I want is for them to speculate that I miss him. That despite what he did to me, I still want him. Hindi na ako ang Grace na eighteen years old na pwede niyang lokohin. Hindi na ako tanga. Tanggap ko nang hanggang doon lang kami.

Ngayon ay nasa reception na kami. Nasa iisa kaming table. Kumpleto kami except kina Liv at Ysabelle.

Habang patuloy kaming nanonood ay tinatampal ko ang kamay ni Ezra na nakaupo sa tabi ko. Ang anak kasi ng bakunawa ay parang gago, kinukuha iyong pagkain ko! Maya't maya siyang sumusubok na kunin ang salmon ko!

"Ezra, kapag pagkain na ang pinaguusapan, pumapatay talaga ako ng tao." I smile at him sarcastically. Then when I felt Thorn's embrace, I leaned my head on his broad chest. He is so extra sweet to me these past few hours. Siguro, this is because we are in a crowded space. All eyes are also on us since I created an uproar when I decided to claim my career back.

"Alam niyo, ang plastic niyong dalawa." Ezra equalled the sarcasm on my smile. I heard Thorn to just laugh at him. I chose to roll my eyes as I turn my gaze back to Billie and Maxwell na ngayon ay umuupo na uli doon sa special na sofa for them. It was situated on the stage.

"And okay, dumako na po tayo sa isa pang mahalagang parte ng programang ito." The host started. She is looking elegant with her red dress and lipstick. I don't know pero kanina pa siya tingin nang tingin sa direksyon namin ni Thorn. "Ito ay pinamagatang tossing the bouquet!"

I am intently listening at the host when all of a sudden, someone just appear from my side then to the front of my direction. He barricaded my view towards the stage. Pero hindi ko na iyon inintindi dahil kusang napaawang ang bibig ko nang magtama ang mga mata namin. His eyes are still my idea of an intimidating cold gaze. It was still neutral as it was two years ago. And his face, nagmukha siyang matured. His eyebags and his beard are evidently flashing me a series of his sleepless nights.

It was a few seconds when he ended our staring competition, his gaze landed around us. "Sorry, I am late. May exam, eh. Hindi pwedeng umabsent."

Oh, so that explains why he is still on his school uniform.

Huminga ako ng malalim bago ako umayos ng upo. Thorn seems to notice it. Maybe, that's why he tapped me on my thighs to make me calm down. Pero walang naitulong iyon. Kusang lumakas ang pagtibok ng puso ko habang sinusubukang ilayo ang tingin kay Liv. Bakit ba kasi doon pa talaga siya sa direksyon ng stage umupo?! Sa harap ko pa talaga?!

It was freaking two years now. I totally detached him from my life. I tried hard not to see his face anymore. I tried eveything to forget him and I am glad, I did. Pero bakit ganito? Bakit bigla akong kinabahan? Hindi ba't wala dapat akong nararamdaman ngayon? Bakit ako natutuliro sa tuwing inilalandas niya ang mga mata sa akin?

Napalunok na lang ako ng laway habang pinipilit na mag-kunwaring okay lang ako. Na wala lang sa akin ang ginagawang pagtitig ni Liv sa akin ngayon.

"Tinatawagan na ho namin iyong mga nagsisigandahang mga dilag natin dito, tara na ho't simulan ang patimpalak na ito-- charot!" Pagbibiro naman ng host na siyang ikinatawa ng mga bisita. She reminds me of me. "Beauty Pageant pala ito?!"

"Lez go, mga bebe." Jopay is the first one to stand up. Ayoko sanang sumama kasi the hell? May anak na ako! But then again, wala silang ideya about doon kaya napilitan akong tumayo. And also, ayoko namang magtagal dito na iniiwasan ang pagtitig sa akin ni Liv!

Habang nilalagpasan si Liv ay ramdam kong sinusundan niya ako ng tingin. I chose not to mind him at all. Sumunod na ako kina Avryl at Jopay. Tumayo kami sa gitna ng mga babae sa dance floor.

"Okay, so ang tossing of bouquet ay isang tradisyon tuwing kasal. Sinasabing kung sino mang makakakuha ng bouquet ng bride ang siyang susunod na ikakasal." Pabiro kaming tinuro ng host. "Oh, alam niyo na! Sa mga asawang-asawa na diyan, ipaglaban niyo ang spot niyo sa kumpetisyong ito!" Nagsitawanan muli ang mga tao. I joined them. This host is hilarious.

"And nga pala, 'wag niyong ilalaglag ang bulaklak. Nananakit ako ng tanga!" The host continued, "charot! Sambutin niyo kasi, 'wag tayong KJ mga dzai!" She really reminds me of me, shiyet.

"Atin nang simulan! Billie, can you please turn your back at them now?" Billie is smiling as she nods at her and then she did what she was told, "on my count of three, ihahagis mo ang bulaklak mo sa kanila. Okay?"

The moment Billie nods, biglang nagbilang iyong host nang mabilis. "1! 2! 3!" Siraulo talaga! Nagulat ako!

Namalayan ko na lang ang bulaklak sa ibabaw namin. I was relaxed because that will definitely land at Jopay who is standing on my front. Pero laking gulat ko na lang nang bigla niya iyong iniwasan. At hindi lang iyon, itinulak niya ako para masambot ito! Kaya't nanlalaki ang mga mata kong sinambot iyong bouquet! Wala sa isip kong nahawakan iyon!

Nanlalaki ang mga mata, nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa bulaklak na hawak ko at kay Jopay na pinagtatawanan ako. Sarap hambalusin ng bulaklak, eh!

"At ayon na nga ho, ladies at gentlemen! Si Grace ang nanalo!" The host told us as the lights started to go dim. Then the spotlight was focused on me as I heard the audience to give me an encore.

Shet, ano ba 'tong pinasok ko?!

Noong muling magliwanag ang buong paligid ay pinaupo nila ako sa tabi ng bride at groom. I was really nervous and freaking out at the same time. Hindi ko naman ito gusto, eh!

"Oras naman para sa ating nagsisigwapuhan na mga kalalakihan. Kayo ay amin nang tinatawagan para naman sa tossing of wedding garter!" Sa sinabi ng host ay bigla akong kinabahan. Lalong lalo na noong makita kong lumakad na sa dance floor si Liv.

Susmaryosep, 'wag naman sanang magkatotoo ang naiisip ko!

Tumayo na si Maxwell hawak iyong garter. Pumwesto siya sa tabi ng host na abala sa pagpapaliwanag sa meaning ng tossing of wedding garter.

"Grace, kapag si Liv ang nakakuha ng garter. You should give it a try, the destiny is conspiring for your real life love team with him." Ngingiti-ngiting sambit sa akin ni Billie.

I only roll my eyes at her and glance Liv a disgusting stare. He looked away. "Asa siya."

Napapailing na tumawa si Billie. Pinili ko na lang na idako ang tingin sa mga kaibigan naming lalaki. I am glaring at Ezra and Thorn. Obviously telling them that if they don't get that damn garter, they will face death from me! They only gave me a shrug! Nakakainis!

"Oh, siya simulan na natin! Maxwell turn your back and on my count of three you will toss the garter, maliwanag?"

Maxwell is smiling as he nods. At ganoon uli ang ginawa ng host, bumilang siya nang mabilis dahilan para mataranta ang mga lalaki.

I am with my wide eyes as I saw the garter to direct towards Hendrix's direction. At ang bakla, nanglalaki ang mga mata na para bang isang bomba iyong garter! Natulala talaga siya doon hanggang sa . . .

Hanggang sa may tumulak sa kanya.

And that guy grab ahold of the garter. That made me gasp.

Shit.

Shit.

Shiyet.

It's Liv.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.