Chapter 18 - Beauty and the Grouch

LAKAD-UPO ang ginagawa ni Cyrus Romano habang inaantay ang pangako ng bunsong anak na si Mirabelle na mag-online sa Skype. Ayon sa huling text message nito ay ngayong araw na ito makikipag-usap sa kanila ang anak gamit ang account nito roon. Hindi siya madalas na gumagamit ng internet pero simula nang makatapos ang kanyang mga anak sa pag-aaral at magkanya-kanya na sa buhay ay naging constant being na iyon sa kanyang buhay.

Madalas na si Mira ang kausap niya roon. Ito kasi ang pinaka-sweet sa tatlo niyang mga anak. Palagi sila nitong kinukumusta ng kanyang asawang si Isabelle kahit na ba mahirap ang komunikasyon sa lugar na kinaroroonan nito. Pero nitong nagdaang buwan ay hindi ito nagparamdam sa kanila. Bigla-bigla na lang itong nawala ayon sa mga kaibigan nito ay hindi rin ng mga ito alam kung saan nagpunta ang anak. Pinuntahan pa nila ito sa Davao para hanapin ito roon pero hindi pa rin nila natagapuan. Hanggang sa maka-receive sila ng email message rito dalawang linggo na ang nakararaan.

Sinigurado sa kanila ni Mira na okay lang ito sa email message nito. Nasira raw kasi ang cellphone nito dahilan para hindi ito maka-text o makatawag sa kanila at nahihirapan lang daw ito sa access ng internet roon kaya hindi ito makapag-update sa kanila ng lagay nito. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin napanatag si Cyrus pati ang asawang si Isabelle. Hindi kasi sinabi sa kanila ng anak kung nasaan ito o bakit kailangan nito na magtago ng ganoon. Pero sinabi naman nito na bibigyan pa rin sila ng oras nito kaggaya na nga lang ng in-schedule nitong araw para makipag-usap sa kanila ng masinsinan sa Skype. Sunday, three in the afternoon. Iyon ang nakalagay sa email message nito kung saan puwede sila muling magkausap.

Mahigit isang buwan na silang walang balita rito at hindi nakikita kahit sa video. Kahit ang boses nito ay hindi man lang nila naririnig. Masyado na silang nag-aalala lalo na at sa tatlong anak pa naman nila ay ito ang sakitin. Mahina ang resistensya nito at natatakot silang iyon ang dahilan kung bakit nagtatago ito.

Sa totoo lang ay si Mira ang pinakahindi nila gustong mag-asawa na umalis sa poder nila. Pero mapilit ang bunso nilang maging missionary teacher sa mga liblib na lugar sa Davao kahit sa ngayon ay mas active itong magturo sa isang public school sa isang liblib na lugar rin doon. Mahilig itong tumulong sa iba dahil naging active Youth For Christ member ito. Most people described her as an angel. And despite of her health problems, she is still willing to help and share her knowledge even with the people who seem to be unreachable. Mahirap rin ang communication nila noon pero nakakahanap ito ng paraan para makausap sila. Isama pa na may cellphone ito noon. Pero ngayon ay parang hirap na hirap ito na gawin iyon. Hindi man kalakihan ang kinikita nitong pera, pero naisip naman nila na maaring makihiram o bumili ito ng bagong cellphone para makausap sila? Pero hindi nito ginawa iyon. Naiisip tuloy nila na baka sinasadya ng bunso nila na hindi sila kausapin dahil mukhang may itinatago ito. It seems a common trait of her three daughters.

Ang pagtatago ni Clari sa kanila ng estado nito kay Eugene, ang mga lihim pala na sakit na nararamdaman ni Lora sa kanilang mag-asawa at ngayon naman ang hindi malaman na dahilan kung bakit ayaw sabihin ng kanilang bunso kung nasaan ito. Naiintindihan niya ang mga nasa una at pangalawang anak niya pero hindi ang kay Mirabelle dahil hindi nito masabi ang dahilan. At lubos pa siyang pinapakaba nito dahil alas-kuwatro na ay wala pa rin ito sa oras na itinakda nitong pagkikita.

“Nag-green na ang ilaw, Daddy! Online na si Mira!” sigaw ng panganay niyang si Claribelle na kasama niyang nag-aabang na makausap ang bunso. Halos takbuhin niya ang kinalalagyan ng laptop. Ganoon rin ang kanyang asawa na pabalik-balik sa kusina dahil sa kaba. Agad na pinindot nila ang video call button para makita at makausap ang anak. Sinagot naman ito ni Mira kaya lang ay hindi ito nagbukas ng video.

“Mira! Bakit ngayon ka lang? Ang sabi mo ay alas-tres at---“

“Relax, Daddy,” natatawang wika ni Mira. Nabawasan ang takot niya para sa anak nang marinig ang tawa nito. Mukhang okay naman ito base sa boses nito at nakakatawa pa ito. “Maraming tao dito sa computer shop kaya hindi agad ako nakapag-online. Nag-antay pa ako ng aalis. Kaya lang ay kailangan ko ng bumalik agad kaya sandaling-sandali lang talaga ako makakapag-usap sa inyo,”

“Bakit ka ba kasi nandiyan? Umuwi ka na dito sa bahay! Hindi na kami natutuwa sa pinaggagawa mo,” mariin ang boses ni Cyrus.

“Daddy, hindi ako puwedeng umalis at hindi ko puwedeng sabihin sa inyo kung ano ang dahilan kung bakit ako nandito,” mahinahon ang boses ni Mira. Pero hindi noon pinalis ang galit na nararamdaman niya. Nakabukas ang camera nila kaya nakikita siya nito at nang makitang sumama ang timplada ng mukha niya ay napabuntong-hininga ito. “Okay, fine. Hindi sa ngayon. But soon, sasabihin ko ang lahat sa inyo. Gagawa ako ng paraan. And I promise to be back after this. Kailangang-kailangan lang talaga ako rito at maayos ako rito. Huwag kayong mag-alala sa akin. Malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko,” giit naman nito.

“Pero kahit na! Bakit kasi hindi mo masabi-sabi sa amin ang dahilan kung bakit ka nandiyan? Pinagmamalupitan ka ba ng kasama mo diyan? Mabuti ba talaga ang lagay mo diyan? Bakit ayaw mong buksan ang camera mo? Gusto ka namin makita!”

Nakarinig sila ng sigaw. Tinatawag si Mira ng isang lalaki sa pangalan nito. “Daddy, Mommy, Ate Clari, `di na po ako puwedeng magtagal…”

“Ano?! Kakasimula pa lang natin ay aalis ka na agad? Hindi na talaga ako natutuwa, Mira! Ni hindi ka pa namin nakikita ay aalis ka na agad! Hindi ko papayagan ito. Magpakita ka muna sa amin or else ay talagang hindi na kami titigil sa pagpapahanap sa `yo,”

Isa sa mga habilin ni Mira ay ang huwag itong pakialaman sa nangyayari. Ayaw nitong magpahanap sa kung ano pa rin letseng kadahilanan. Ang akala niya ay si Lora ang may pinakamatigas ang ulo sa kanyang mga anak pero si Mira pala. She was so persistent at dahil na rin sa angkin nitong charms ay ang hirap i-resist ng mga requests nito. Sinunod naman nila ang gusto nito kapalit ng sinasabi nitong pakikipag-usap nito sa kanila ngayong linggo ng hapon. Pero kung ganoon lang naman kaikli itong makikipag-usap sa kanila ay hindi na siya papayag na itigil ang paghahanap rito.

“Kahit video call ay hindi mo kami mapagbigyan, Anak. Paano ba kami matatahimik niyan?” sumingit na ang kanyang may-bahay.

“Mommy, medyo magulo po kasi dito sa computer shop at—“

“Wala kaming pakialam roon, Mira. Ang mahalaga ay makita ka lang namin kahit sa video. Please, bunso, kahit doon ay magpakita ka na,” pagpupumilit naman ng panganay na si Clari. Narinig nila ang malakas na buntong-hininga ni Mira at maya-maya pa ay lumabas sa screen ang mukha nito.

Hindi naman nagsisinungaling ang anak na magulo ang loob ng kinaroroonan nito. Ilang tao ang nakita nilang tila nagtatakbuhan pa na palabas-parito sa computer shop. Maliwanag rin doon at mukhang electric fan rin ang gamit sa loob. Pero mas napansin ni Cyrus ang nangingitim na ilalim ng mga mata ni Mira. Mukhang namayat rin ito. At sinabi nitong maayos ito? Mukhang malayo ito mula roon. Napatiim-bagang siya at nang mapansin naman ni Mira ang pagbabago ng ekspresyon nilang mag-anak ay tumungo ito.

“Okay. Aalis na ako ngayon. `Di na po talaga ako puwedeng magtagal at---“

“Sino ang may gawa nito sa `yo, Mirabelle? Mukhang hindi ka talaga maayos! Sagutin mo ako!”

Tumingin ito sa screen at tila sinasalubong ang mga tingin nila. “Sige na po. Sasabihin ko na. But please promise, don’t freak out,”

Kumunot ang noo nilang tatlo. “So it means, tao ang may gawa nito sa `yo? Ano ba naman kasing klaseng eskwelahan `yang pinuntahan mo at mukhang pinahihirapan ka nang husto?”

“Daddy, wala po ako sa school. Hindi po ako nagtuturo sa ngayon. I-I am living with the Grouch,”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.