NAPAPIKIT si Mira habang nilalanghap ang simoy ng hangin sa tabi ng dagat. Sa kabila ng magandang lugar at maaliwalas na panahon, hindi niya maiwasang makaramdam ng kalungkutan. Hindi pa rin siya nakaka-adjust sa pakiramdam na para siyang nag-iisa sa isla. Isang linggo na siya roon pero hunghang pa rin ang pakiramdam niya.
Binuksan ni Mira ang mga mata. Napakaganda ng kanyang natatanaw. Nahiling niya na sana ay nandoon ang pamilya niya para maibahagi ang lugar kung nasaan siya. Kahit naman kasi nakakatakot ang bahay ay napakaganda ng isla. Pero alam niyang imposibleng maibahagi niya sa pamilya ang lugar kahit missed na missed na niya ang mga ito, lalong-lalo na ang mga kapatid niyang si Ate Clari at Ate Lora. Taon na ang binilang simula nang huli silang magkita dahil pare-pareho silang nagtatrabaho sa iba’t ibang lugar. Ang Ate Clari niya bilang isang nurse sa Cebu at ang Ate Lora naman niya ay isang manager sa isang malaking kompanya sa New York.
Masasabi niyang malapit siya sa lahat ng tao dahil na rin sa ugali niya. Palakaibigan siya. Kaya lang ay sa dalawa niyang Ate, sa panganay lang siya malapit. Paano kasi ay madalas na walang pakialam sa kanya ang Ate Lora niya. Hindi ito madalas na kumikibo, hindi nagpapakita ng emosyon. Kahit pinipilit niyang ilapit ang sarili rito ay madalas na hindi pa rin sila nagkakasundo. Para kasing may galit ito sa mundo.
Ganoon pa man, mahal na mahal ni Mira ang pamilya niya. Sabik na siyang makasama muli ang mga ito. Siguradong nag-aalala na ang mga ito sa kanya pero ano ba ang magagawa niya? Dahil sa ka-clumsy-han niya, nawawala ang natatanging connection na magagamit niya para sa pamilya. Hindi niya masasabi sa magulang ang lagay niya. At kahit gusto na niyang makasama ang mga ito, mukhang matagal pa bago mangyari iyon. Kung mangyayari man.
Pinili niya ang buhay na ito---ang buhay na malayo sa pamilya niya at nababalot ng misteryo kaya dapat ay wala siyang pagsisihan. Sa kabilang banda ay nakatulong naman siya. Iyon na lang ang mahalaga para sa kanya. Mami-miss niya ang pamilya pero ito na ang buhay niya ngayon. Kailangan niyang tanggapin iyon.
Maayos naman ang buhay ni Mira sa kabila ng kanyang madalas na pag-iisa. Tatlo lang sila sa loob ng isla. Bukod sa amo niyang napag-alaman niyang “Rhett” ang pangalan ay tanging si Mang Chito at siya lang ang nasa loob ng Isla Basilico. Si Mang Chito ang sinasabi ni Rhett na tagapamahala ng bahay at isla. Ito rin ang nakasalubong niya sa pasilyo noong umalis siya ng kuwarto. Iyon pala ay nais nitong sunduin siya para na rin sa hapunan na ito rin ang namamahala sa pagluluto. All around si Mang Chito kaya hindi niya ito masisisi na napapabayaan rin nito ang malaking bahay. Isama pang kada-dalawang linggo raw ay dumadayo sa kabilang isla na siyang malaking bayan para mamili ng makakain nila at iba pang supplies sa bahay.
Maayos naman si Rhett. Dahil ngayon ay isang linggo na siyang sekretarya nito ay marami na siyang nalaman rito. He wasn’t just an ordinary writer. He is a world’s famous horror-mystery writer. He is a New York Time’s Best Seller author at ang isang sulat lang nito ng libro ay umaabot ng milyon. He has a million fans, too. Bukod kasi sa katatakot-takot na gawa nito at pagkakahirap-hirap lutasin na misteryo na nakapaloob sa mga iyon, isa rin na misteryo sa mga tao ang identity nito. He writes under a pen name “Rhett Rid”. Alam ni Mira ang tungkol rito pero hindi niya akalain na Filipino pala ito. Alam rin niya, at ayon sa mga fans nito, kahit ano pa raw search ng mga ito tungkol sa identity ng amo niya ay hindi rin malutas ng mga ito kung sino ba talaga ang pamosong author. Pero ayon naman kay Mang Chito ay Rhett daw talaga ang pangalan nito pero hindi nito sinabi sa kanya kung ano ang apelyido ng amo. Kung Rid man iyon o ano, wala siyang ideya.
May listahan si Rhett ng mga Frequently Asked Questions nito at ang mga sagot mula roon. Base sa mga sagot roon ay doon lang niya bine-base ang mga isasagot niya sa fans nito. Bahala na raw siyang magpaikot o ibahin ang format ng pagsagot niya sa mga fans nito pero dapat ay tanging mga impormasyon lang na inilista nito ang puwede niyang sabihin. Kapag naman masyado ng personal ang tanong ng fan at wala iyon sa FAQ’s nito, ilagay na lang raw niya sa “trash” ng email iyon. Tanging ang mga fans lang na nagtatanong tungkol sa libro nito ang kailangan niyang sagutin na parang basang-basa naman ni Rhett ang isip dahil lahat ng tanong tungkol sa libro nito ay nasa FAQ’s answers nito. Kapag ang sinabi lang naman ng fan ay paghanga tungkol sa mga libro nito ay tanging pasalamat lang ang isasagot niya. Sa isang araw ay may higit isang daan ang nagme-message rito kaya naman nagiging matrabaho talaga ang ginagawa para kay Mira.
Pero kahit madalas ay pagsagot sa messages ang trabaho ni Mira ay hindi niya pa rin maggawang ma-contact ang pamilya. May internet ang computer na pinapagamit sa kanya pero very limited lang ang access noon sa computer na ginagamit niya. Puro blocked kasi lahat ng social networking sites, kahit ang Google. Lahat na yata ng websites na alam niya ay nailagay na niya pero wala pa siyang ma-access.
Tanging ang website lang nito kung saan dumadating ang messages nito ang gumagana. Sa website nito siya maaring makapag-reply sa messages na pinapadala ng fans nito. Iyon rin ang dahilan kung bakit nalaman niya ang librong sinusulat nito at ang buhay writer nito. Pero `di bale, sa susunod na linggo ay sasama naman siya kay Mang Chito sa pamimili sa bayan. Wala kasing cellphone si Mang Chito at nakakahiya naman kung kay Rhett siya manghiram. Doon siya bibili ng bagong cellphone na magagamit o pumunta sa internet shop para makausap ang mga ito kung hindi man siya agad makabili o makahanap. Ang alam kasi niya ay may time limit lang sa paglabas si Mang Chito.
Nang magsawa sa paglanghap ng hangin ay naisip ni Mira na libutin ang isla. Nang mapagod dahil hindi pa rin makatiyempo si Mira ay pinili na lang niyang sumuko muna. Naisip niyang libutin ang buong isla. Hindi naman siguro siya mawawala roon dahil sabi naman ni Mang Chito ay hindi naman raw iyon kalakihan at kung maligaw man siya ay puwede niya itong tawagan upang magtanong.
Mabait si Mang Chito at masipag rin. Nalaman niya na wala itong pamilya at matagal na raw itong naninilbihan para kay Rhett kaya sanay na ito sa buhay sa isla. Minsan kapag nalulungkot siya ay kinakausap niya ito. Nakikipagkuwentuhan naman sa kanya ang matanda. Sa maikling panahon ay naging palagay na ang loob ni Mira rito kaya nawala na rin ang takot na nararamdaman niya sa mga nakaraang araw. Isa pa ay wala naman talagang ginagawang masama sa kanya ang mga tao roon kaya wala siyang dapat ikatakot. Kaya lang siguro nasabi ni Robert na beast si Rhett ay dahil sa mga rules nito na hindi makaturungan.
Sa paglilibot ni Mira ay natagpuan niya ang isang ilog sa gitna ng isla. Nasabik si Mira sa nakita. Sa wakas ay nakakita rin siya ng fresh water. Hindi kasi siya mahilig maglunoy sa dagat alat dahil nalalagkitan siya sa tubig noon. Ngayon ay puwede na niyang ituloy ang matagal na sanang plano niya na makapaglangoy man lang para malibang.
Nang makalapit si Mira sa ilog ay dahan-dahan niyang inilubog ang paa. Malamig ang tubig at tila kay sarap maglangoy dahil napakalinis at linaw ng ilog. Sa tantiya niya ay hindi rin iyon ganoon kalalim. Pero kahit ganoon ay balewala naman iyon kay Mira dahil marunong rin siyang maglangoy. Bukod sa pagbabasa noong bata pa siya ay iyon ang isa sa mga hilig niya. Kapag summer ay madalas silang pumupunta sa malapit na magandang ilog sa bahay nila o `di kaya ay sa Laguna para mag-swimming sa sikat na swimming pools roon. Naikuwento rin sa kanya ni Mang Chito na safe naman daw ang lahat ng parte ng isla kaya naisip niyang hindi naman siya mapapahamak kung maglangoy siya.
Walang dalang damit si Mira o tuwalya man lang pero itinuloy niya ang paglusong. Sa isip-isip naman niya ay walang makakita sa kanya dahil alam niyang abala si Mang Chito sa pag-aayos ng bubong na noong isang araw ay napansin niyang may natulo. Umulan kasi ng araw na iyon. Si Rhett naman ay hindi nag-aalis ng kampo nito ayon kay Mang Chito. Malaya siyang makakapaglangoy nang mag-isa.
Nagsimula na si Mira na maglaro sa tubig. Noong una ay kinakapa-kapa lang niya ang lupa upang tignan kung gaano kalalim ang ilog hanggang sa para na siyang bata maya-maya na naglaro roon. Pakiramdam niya ay lumaya siya. Nilaro niya ang tubig na parang bata hanggang sa makalakad sa malalim na parte ng ilog. Doon napagdesisyunan ni Mira na subukan ang swimming skills niya. Dahil sakitin siya ay madalas na pinapayagan nang magulang na mag-swimming kahit marunong at natuto rin naman siya. Ngayon ay malayang magagawa na niya ang paglangoy. Ginawa niya ang lahat ng klaseng paglalangoy na alam niya. Nag-enjoy siya nang husto sa ginagawa. Nag-floating pa si Mira na siyang pinakapaborito niyang style ng paglalangoy. Sa pamamagitan kasi noon ay puwede niyang pagmasdan ang langit habang nakalutang. She felt so peace whenever she did that. Kahit maaraw ay hindi naman iyon masakit sa balat kaya lalo siyang nag-enjoy sa ginagawa. Nang mapagod sa kakatingin sa mga ulap ay sinubukan ni Mira na pumikit. Lalong gumaan ang pakiramdam niya at tila kay sarap yatang matulog roon. Matagal sa ganoong puwesto si Mira nang may maramdaman siyang tila lumusong sa tubig. Napamulat siya at napabalikwas mula sa pagkakalutang. Nagulat siya nang mapansing sobrang lalim na pala ng tubig at hindi na iyon ng kanyang paa. Nagpapadyak siya pero lumulubog pa rin siya. Nakakainom na siya ng tubig. Pero mas lalong nagulat si Mira nang bigla na lamang may mga matitipunong kamay na bumalot sa baywang niya.
Napasigaw si Mira hanggang sa pagkakataong iyon ay panawan siya nang malay sa sobrang takot.
BIHIRANG kabahan si Rhett o mag-panic man lang. Sa klase ng trabaho niya ay wala naman talaga siyang dapat ika-panic. Most of the times ay kalmado lang siya. Pero nang makita niya ang sekretarya kaninang lumulutang sa ilog kung saan napili niyang magmuni-muni ay naggaya na rin yata siya sa mga readers niya kapag nagbabasa ng mga libro niya. Binalot ng takot ang puso ni Rhett sa nakita dahil ang buong akala niya ay lumulutang ito dahil patay ito. Iyon naman pala ay mukhang nagpo-floating lang ang sekretarya niya sa ilog dahil bumalikwas ito nang tumalon siya sa tubig. At nakasama pa sa sitwasyon ang ginawa ni Rhett na pakikialam dahil nahimatay ito.
Nasa tabihan na ng ilog si Mira ngayon. Dinala niya ito rito nang makita niyang nawalan ito nang malay. At mas nataranta pa si Rhett ngayon. Humihinga naman ito pero wala itong malay. Ano ba ang kailangan niyang gawin rito? Hindi kasi niya sigurado kung nawalan ba ito nang malay dahil sa takot sa kanya o dahil nakainom ito nang maraming tubig dahil nagmukha itong nakainom kanina nang mawala ito sa pagkakalutang.
May naiisip gawin si Rhett pero nag-aalinlangan siya. Kailangan ni Rhett na bigyan ng CPR si Mira. Ibig sabihin lang kasi noon ay mapapadikit ang labi niya sa labi nito. Lumalakas lalo ang kabog ng dibdib niya sa isiping gagawin niya iyon kay Mira. `Di ba’t attracted siya rito pero pinipilit niyang huwag aminin sa sarili niya iyon? Pinipili nga niyang huwag talagang maging attached rito. Hinihigpitan niya ito kagaya ng mga dating sekretarya niya para kahit may espesyal na damdamin siyang nararamdaman rito ay maramdaman nitong hindi pa rin ito espesyal talaga. Isa pa ay sinusubukan rin niya na maging fair para hindi niya maisip na espesyal rin ito sa kanya kapag nag-adjust sa mga pangangailangan nito.
Pero sa gagawin niya ngayon, hindi ba at parang bibigyan na naman niya ito ng pagkakataon para makapasok muli sa puso niya? But Goddamn it! Makakaya ba niyang hayaan na lang ito sa ganoong lagay? Malamang ay nasa panganib ang buhay nito.
Sa huli ay ginawa rin ni Rhett ang nasa isip. Nahigit niya pa ang hininga nang pagmasdan ito sandali, partikular na ang mga labi nitong tatalunin yata ang kay Angelina Jolie sa ganda. She was so beautiful that it was too hard to deny it and it is also too hard for Rhett not to get a racing horse inside his heart just by staring at it. At ang isiping magkakaroon pa siya na pagkakataon na ilapat ang sa kanya sa labi nito. He felt an unfamiliar shiver running through his veins. Iyon ba ang tinatawag na kilig?
Lintek ka, Rhett! Naiisip at nararamdaman mo pa ang mga ganyan ngayong nanganganib na ang buhay ng babaeng nasa harapan mo?!
Sinaway ni Rhett ang sarili at sinimulan ang pagrevive kay Mira. He started to blow his mouth by the air coming into his mouth. Ilang sandali rin niyang ginawa iyon hanggang sa maramdaman niyang umuubo na si Mira ng tubig. Nawala ang tinik na kanina lang ay malalim na nakatanim sa puso niya. Napalitan iyon ng relief at saya nang makitang unti-unting nagmumulat ng mata si Mira.
Unang beses lang na nakita ni Rhett na magmulat si Mira ng mga mata. Wala naman kasi siyang CCTV sa kuwarto nito kaya kahit nakakaramdam siya ng obsession rito ay hindi rin niya maggawang i-stalk ito. Siyempre ay pinipigilan niya ang sarili na mapalapit rito at isama pang hindi naman siya ganoon kababoy para umabot sa puntong pati ang personal na gawain nito ay imo-monitor pa niya. Nakapag-research na si Rhett tungkol kay Mira at napatunayan niyang disenteng babae ito. Disente rin dapat na ituring niya ang babae. Hindi lang talaga niya puwedeng hindi ito pagmalupitan tungkol sa aspeto ng komunikasyon dahil na rin sa pag-aalaga niya ng identity niya.
May computer si Mira at may access rin iyon sa internet dahil kailangan iyon sa website niya na pangunahing trabaho nito. Pero kailangan niyang i-secure ang mga pagmamay-ari niya dahil obsessed siya sa pagtatago ng identity niya bilang mystery writer. May internet man ay blocked ang lahat ng websites sa computer nito maliban sa website niya ng mga libro niya. Natatakot kasi siya na maaring iyon ang maging dahilan kung paano siya matutuntong ng mga taong obsessed malaman kung sino ang mystery writer na si Rhett Rid. Ayaw niyang magpakita sa mga tao at pinoprotektahan rin niya ang identity niya.
Sinigurado ni Rhett na secured ang lahat ng mga gadgets niya pati na rin ang websites at emails niya. Cellphone lang ang puwedeng maging way ng komunikasyon ng mga nagiging sekretarya niya noon na sa kasamaang palad ay wala si Mira. Nalaman niyang nasira pala iyon. Ganoon pa man, kung mayroon man ito ay mahihirapan pa rin ito. Bukod kasi sa mahina ang signal sa lugar nila ng kahit anong network, pati iyon ay limitado rin ang paggamit. Sa tatlong sekretaryang dumaan sa kamay niya, lahat ng cellphone ng mga ito ay kailangang i-surrender muna sa kanya for proper use. Kailangan niyang malaman ang pag-uusap ng mga ito ng kausap dahil na rin sa pagtatago niya ng identity. Sa pamamagitan ng call screening ay nagagawa niyang ma-evaluate ang characteristics ng isang tawag bago makapagdesisyon kung paano o maari ba iyong sagutin. Sa pamamagitan rin noon, puwedeng marinig ang tawag o mabasa ang message sa pamamagitan ng answering machine o voice mail.
Hindi popular at ginagamit ang call screening sa Pilipinas. Mas popular iyon sa US at Canada. Pero dahil kailangan niya noon, gumawa siya ng paraan upang maisakatuparan iyon sa mga taong magtatrabaho sa kanya. Dahil sa international digital company kung saan niya pinaayos ang lahat ng seguridad sa high-tech niyang bahay ay naggawa niya iyon. Kahit ang mga text messages na ipinapadala at nakukuha ng mga ito ay nagagawa rin niyang i-screen. Sa mga ito rin niya pinapaayos ang telepono ng mga sekretarya niya. May inilalagay na application sa telepono ng mga ito.
Pinipigilan niya ang mga sekretarya niya pagdating sa komunikasyon dahil maaring sabihin ng mga ito sa iba ang tungkol sa identity niya, lalo na pagdating sa komunikasyong pang-internet. Mahirap kasing subaybayan ang pakikipag-usap ng mga ito roon.Ayaw niyang mangyari iyon. Ganoon siya ka-obsessed sa seguridad.
Ang kuryente naman sa isla ay gumagana sa tulong ng isang malaking solar panel na pinaggawa rin niya sa digital company na inusap niya para ayusin ang isla, mula sa CCTV equipments noon at nagtuturo sa kanya ng mga technology tricks.
Nasa ganoong pag-iisip si Rhett nang sumigaw na naman si Mira. Kumunot ang noo niya. Ugali ba talaga ni Mira ang sumigaw nang sumigaw? Pero sa pagkakataong iyon ay may kasama ng salita ang mga sigaw nito.
“Rapist! Rapist!” paratang pa ni Mira kay Rhett. Nag-umpisa itong hampasin siya.
“Hey, calm down! Iniligtas lang kita mula sa pagkakalunod mo!” sagot naman niya sa mga paratang nito.
“Iniligtas? Paano---?” nanlaki ang mga mata nito. “Binigyan mo ako ng CPR?!”
“Eh anong gusto mong gawin ko, hayaan na lang kitang walang malay diyan at puwede pang mamatay? Siyempre ay---“
Pinutol ng sampal ni Mira ang pagsasalita ni Rhett. Siya naman ang nanlaki ang mga mata. Iyon ang unang beses na masampal siya ng isang babae. “What the---“
Naputol rin ang pagsasalita ni Rhett nang tumalikod sa kanya si Mira at sa gulat muli niya ay umiyak naman ito.
“Hindi ko na dapat naisip ang mga bagay na `yun! `Yan tuloy, ikaw talaga ang naging first kiss ko! At nakakabuwisit, ha? Hindi man lang ako naka-respond!”