Chapter 22

Present

KUNG hindi nga lamang sa estado ng buhay ay iisipin ni Mira na mag-ama sina Rhett at Mang Chito. Paano ba naman kasi ay kagaya ni Rhett ay pareho itong obsessed sa pagsunod sa mga utos. Sa kasalukuyan ay sumama si Mira kay Mang Chito nang mamili ito ng mga supplies nila para sa mga susunod na linggo sa bayan. Ito na ang pangalawang beses na sumama si Mira kay Mang Chito papunta roon at suwerte naman na sa pagkakataong iyon ay nakausap na niya ang mga magulang sa pamamagitan ng internet. Noong nakaraang pagbisita nito ay sumama rin siya pero dahil hindi online ang mga magulang niya noon, tanging email lang ang naipadala niya sa mga ito. Ayaw kasi siyang samahan ni Mang Chito na maghanap ng cellphone store na maari niyang bilhan kaya naligaw siya. Nagtanong naman siya pero niligaw siya ng mga tanong niya. Dahil alam niyang may time limit ang pagpunta ni Mang Chito sa bayan ay minabuti na lang niya na mag-internet at sabihin sa mga magulang ang lagay niya pero sa kasamaang palad noong una ay hindi naman online ang mga ito. Minabuti na lang niya na sabihin ang susunod niyang schedule at iyon nga ay ngayon.

Sa pag-uusap ngayon ni Mira sa magulang, nalaman niya na malaki na pala ang paghahanap sa kanya ng mga magulang base sa mail messages ng mga ito sa kanya na una niyang binuksan. Gusto siyang pauwiin ng mga ito sa Maynila. Ikakasal na pala ang Ate Lora niya at request ng mga ito na umuwi siya sa kasal ng Ate niya na ngayon ay nagganap na. Hindi na siya naka-attend dahil na rin sa sitwasyon niya. Nalungkot si Mira sa isiping marami na pala siyang na-miss sa buhay. Ganoon pa man ay tinanggap pa rin niya ang sitwasyon.

Nalaman rin ni Mira na pinaghahanap pala siya ng mga magulang at pumunta pa talaga ito sa Davao. Pero hanggang ngayon raw ay walang balita sa kanya mga kaibigan at kakilala niya roon. Hindi na siya magtataka roon dahil wala namang nakakakaalam ng sitwasyon niya. Duda rin si Mira kung sasabihin ng pamilya ni Roberto ang tungkol sa lagay niya dahil na rin sa ginawa ng mga ito sa kanya. Mukhang hirap na hirap ang pamilya niya na matunton siya kaya naiintindihan niya ang galit ng kanyang ama nang makausap siya nito kanina sa Skype. Nakapagbigay rin siya ng hint sa mga ito kung ano ang lagay niya na alam ni Mira na lalong magpapa-alala sa mga ito. Pero masyado na siyang nabigla, na-pressure at natakot. Nakita kasi niyang papalapit si Mang Chito sa kanya dahil sa inip sa pag-aantay sa kanya. Kailangan na raw kasi nilang makauwi bago mag-alas-sais, ang itinakdang oras ni Rhett na kailangan na nilang umuwi. Tatlong oras lang kasi ang ibinigay ni Rhett na palugit sa kanila para makapamili sa bayan. Treinta minutos ang biyahe papunta sa kabilang isla pero nagtagal sila ni Mang Chito ngayon dahil na rin sa maalon ang dagat. Si Mang Chito ang naging bangkero papunta sa kabilang bahay. All around talaga ito. Isang oras mahigit ang itinagal ng biyahe nila kaya naman na-late siya sa usapan nila ng mga magulang. At sa kasamaang palad ay kahit dumiretso na siya sa computer shop ay nag-antay pa rin siya bago maka-access ng internet. Wala pa siyang kinse minutos sa harap ng computer ay sinigawan na agad siya ni Mang Chito. Nakapamili na ito at gusto na silang bumalik.

“Mang Chito, hindi niyo po ba ako kayang pagbigyan? Gusto ko po sanang magsimba…” pakikiusap niya sa matanda habang naglalakad sila papunta sa dalampasigan kung saan nakadaong ang bangka nila.

Linggo ng araw na iyon at base sa babaeng napagtanungan niya kanina ay may simba daw mamayang alas-singko ng hapon. Alas kuwatro mahigit pa lang ngayon. May pagkakataon pa sila para makapunta sa simbahan.

“Kailangan na nating makabalik bago mag-alas sais! Alam mo naman na iyon ang utos ni Sir Rhett. At base sa naging biyahe natin kanina, kung hindi pa tayo makakaalis ngayon ay malamang na hindi tayo aabot sa itinakdang oras nito,” matigas na wika nito. Kanina pa niya ito pinipilit na sumuway man lang sa amo pero ayaw nito. Nakakapagtaka rin ang loyalty ni Mang Chito sa amo nito. How could be a man that loyal to a guy who just gave him food and shelter for a living? Sa pagkakakuwento sa kanya ni Mang Chito ay hindi ito humihingi ng kahit an okay Rhett bukod sa pangungahing pangangailangan nito. Tila kontento na ito kung nasaan si Rhett at sa lugar kung saan gusto nito mamalagi. Kahit yata dalawa lang ang mga ito sa isla ay okay na ito.

“Pero kailangan po ba talagang palagi kayong sumunod sa kanya?” kakamot-kamot na wika ni Mira. Tumingin si Mang Chito sa kanya kaya napatingin rin ito sa kanya. Muntik nang mapahawak sa dibdib si Mira dahil sa takot nang makita niya ang galit na tingin nito sa kanya. Iyon bang tipo na parang kakainin siya nito ang tingin nito sa kanya. Madilim na madilim ang mukha nito.

“M-Mang Chito, ang seryoso niyo naman. Nagdyo-joke lang po ako,” pinilit ni Mira na pagaanin ang usapan. Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Mang Chito pero hindi ito nagsalita. Nagtuloy-tuloy ito sa paglalakad at hindi na ulit nagsalita sa kanya hanggang sa makasakay sila bangka. Pati nang makauwi sila sa isla Basilico ay hindi na muli ito nagsalita sa kanya at tuloy-tuloy na pumasok ng bahay.

Napabuntong-hininga na lang si Mira. Malungkot na sumunod siya rito at pumunta sa sala ng bahay. Wala pa namang alas-singko nang makauwi sila. Paano kasi ay mabilis lang ang naging biyahe dahil hindi kagaya kanina ay wala ng kaalon-alon ang dagat. Napatingin si Mira sa isa sa mga puon ni Jesus na sa tuwina ay dinadasalan niya. Matagal na niyang nakikita roon ang poon. Nakaramdam siya ng kakaibang lungkot sa puso niya sa isiping isang buwan na siyang hindi nakakapagsimba. Ang laki na ng kasalanan niya sa Diyos. Isa pa naman siyang missionary teacher at matinding tagapagsilbi ng Diyos pero wala siyang maggawa para lang maka-attend ng misa sa simbahan. Sa isiping iyon ay napaiyak si Mira ng wala sa oras.

“Bakit ka umiiyak?” narinig ni Mira ang boses ni Rhett. Galing iyon malamang sa speaker ng CCTV nito sa sala. Wala ang radyo niya sa kanya dahil iniwan niya iyon sa kuwarto bago umalis. Malamang ay nasa video room na naman ito at nagmamasid kaya nakita siya nito.

“Ikaw kasi, eh! Dahil sa utos mo, `di ako pinayagan ni Mang Chito na makapagsimba! Alam mo bang isa akong missionary teacher tapos ngayon ay wala man lang akong maggawa para lang makadalaw sa bahay ng Diyos!” hindi na napigilan ni Mira na magreklamo. Lalo pang lumakas ang iyak niya. Wala siyang nakuhang response mula kay Rhett. Masasabi niyang matigas talaga ang puso nito sa kabila ng pagliligtas nito sa kanya noon.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan ni Mira ang nangyari sa pagitan nila ni Rhett sa ilog. Kung anu-ano pa ang naisip niya dahil sa paghawak nito sa baywang niya pero iyon pala ay ililigtas siya nito. Pero ang hindi talaga niya malilimutan ay katotohanang binigyan siya ng CPR ni Rhett! Sobrang na-frustrate siya roon dahil naalala niya ang naisip na tila kaysarap sigurong malapat sa kanya ang labi ni Rhett. It happened, though wala naman siyang malay. She freaked out of course. Pero parang balewala lang kay Rhett ang lahat. Pagkatapos nga noon ay iniwan na siya nito at hindi na muli nagpakita sa kanya kagaya ng dati. Hindi man lang ba ito na-distract sa labi niya na sabi rin naman ng iba ay best asset niya? Wala siyang effect kay Rhett. Sa isiping iyon ay nalungkot siya. Siguro nga ay matigas talaga ang puso nito. Isa talaga itong beast at hindi ito makaakit ng isang kagaya niya na “Belle”.

Pero bakit niya ba naiisip iyon? Hindi siya nandito para akitin si Rhett o `di kaya ay mangarap na magkagusto ito sa kanya. After all, may kinabukasan ba siya sa isang lalaking tila psycho kung mahuhulog ang loob niya rito?

“`WAG KA NGANG umiyak! Anong oras ba ang simba na `yan?” iritado ang boses ni Rhett nang muling marinig ni Mira. Laking gulat niya nang makita niya itong bumababa sa hagdanan. Napatigil siya sa pag-iyak. Apektado rin naman pala ito sa kanya. Dahil kung hindi, bakit naman ito magpapakita pa sa kanya para lang tanungin ang pag-iinarte niya?

“Ngayong alas singko,” sagot ni Mira. Tumingin si Rhett sa relo nito. Pagkatapos noon ay hinawakan ni Rhett ang kamay niya. Napasinghap si Mira sa ginawa ni Rhett. Ito man rin ay nagulat sa ginawa nito at napapasong tinanggal ang kamay sa kamay niya. Medyo nautal pa ito nang magsalita.

“P-pagbibigyan lang kita sa gusto mo. Sumunod ka sa akin,” nagsimula na itong lumakad palayo sa kanya.

“Pero mag-a-alas singko na. Kung makakarating man tayo roon, baka patapos na ang misa,”

“Maybe a little late but we can get there faster than you think,”

Hindi alam ni Mira kung paano pero pinili na rin niyang sumunod kay Rhett. Nanlaki ang mata niya nang dahil siya nito sa isang open field na may nakaparadang chopper. May jet rin sa likod noon. Nalula si Mira sa mga nakita. Ganoon ba talaga kayaman si Rhett? Pero naalala niya ang tungkol sa popularidad nito. He is earning millions for just one book. Marami na itong naisulat kaya hindi na kataka-taka na sobrang yaman talaga nito.

“`Yan ang gagamitin mo? Sa `yo `yan? Safe ba `yan? Marunong ka mag-drive niyan? Ihahatid mo ako papunta sa simabahan? Weh? Di nga?” sunod-sunod na tanong at komento ni Mira.

Umiling-iling na lang si Rhett sa mga pinagsasabi ni Mira. Pinasakay siya nito sa chopper. Hindi man gaanong buong tiwala ay gustong subukan iyon ni Mira. At para kay God ang magiging dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Mukhang expert naman si Rhett dahil walang kakaba-kabang may pinagpipindot ito sa chopper. Binigyan rin siya nito ng headset na alam niyang ginagamit para hindi marindi sa ingay ng chopper. Maya-maya lang ay lumilipad na sila.

“Oh My God! Mayroon ka pala nito pero bakit ngayon mo lang sinabi? Ilibot mo naman ako sa buong Mindanao, o!” pangungulit pa ni Mira kay Rhett. Tumingin siya rito at namilog ang kanyang mga mata nang mapansin na gumalaw ang mga labi nito. He chuckled!

Mira made a mental note to lit a candle in the church today because of that. He looks so cute when he did that.

“Bampira ka ba?”

Kumunot lang ang noo ni Rhett bilang pagtataka sa tanong niya.

“It seems like that you cracked your face when you smiled,” sagot ni Mira.

Sa isip-isip ni Mira, kung bampira nga ito ay wala pa rin siyang pakialam. Kung ganoon lang naman ang bampira ay willing siyang magpakagat.

Ano ba, Mira. Lumalawak ang imagination mo. Bakit? Dahil nahilakan ka niya kahit hindi mo alam iyon? Puwede bang mapabago ng lahat na lang bigla dahil lang sa isang halik? Pero hindi! Hindi siya puwedeng mahulog rito. Hindi pa niya ito lubusang kilala. May masama itong reputasyon.

Hindi nag-react si Rhett sa sinabi niya. Maya-maya lang ay nasa kabilang isla na sila. Nag-landing sa isang open field ang chopper nito. Bumaba siya nang makitang pababa na rin si Rhett. Binuksan nito ang pinto at pinauna siyang bumaba. Mula sa kinaroroonan nila ay natanaw na ni Mira ang simbahan. Halos takbuhin niya iyon nang makita ang pari na papasok pa lang ng simbahan. Hindi na niya pinansin si Rhet.

Sakto lang ang pagdating nina Mira sa simbahan. Ayon sa katabi niyang babae ay medyo na-late pala ang pari sa pagdating kaya late rin nagsimula ang misa. Nagsisimula na ang opening ceremony nang maramdaman ni Mira may tumabi sa kanya. She looked up and saw Rhett.

At nagsisimba pala ang kaggaya ng lalaking ito?

Ang buong akala niya ay nasa labas lang ito at ihahatid siya dahil wala naman itong sinabi na gusto rin nitong magsimba kaya iniwan na niya ito. Gusto sana niyang magtanong kung bakit pero pinili na lang ni Mira na mag-focus sa misa. Nandoon siya para kay God, hindi para pagbigyan ng pansin ang taong naghatid sa kanya roon.

Nakinig si Mira sa sinasabi ng pari pero ganoon pa man ay hindi niya pa rin maiwasang mag-isip lalo na nang malapit ng dumating ang oras para sa “Ama Namin”. Iniisip niya kung hahawakan ba ulit ni Rhett ang mga kamay niya. Pero mukhang pinarusahan siya ng Diyos nang nakaka-ilang lines na ay wala pa rin move na ginagawa si Rhett. Nakasimangot na siya nang biglang may maisip. Bakit hindi siya gumawa ng move?

Hinawakan ni Mira ang kamay ni Rhett. Kumunot na naman ang noo ni Rhett dahil sa kapangahasan ni Mira. Pero hindi naman ito nagsalita para magreklamo. Ganoon pa man ay naramdaman niyang bahagyang nanginginig ito. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa pagkakahawak niya rito o kung ano man ang dahilan. Nang lumapit kasi ito sa kanya ay ngayon na lang niya muli itong napansin. Itinuloy na lang ni Mira ang ginagawa at hindi pinansin ito hanggang sa matapos ang dasal.

Sorry po, Lord. Gusto ko lang po magka-moment. Minsan lang naman po ako lumandi kaya pagbigyan niyo na po ako. Saka hindi naman po magtatagal ito. Alam ko naman po ang posisyon ko at posisyon niya. taimtim na dasal ni Mira.

Nang matapos ang misa ay nagtungo si Mira sa candle station. Kaggaya ng pangako ni Mira ay magsisindi siya ng kandila dahil sa pagngiti ni Rhett. Taimtim rin siyang nagpasalamat sa mumunting blessings nito sa kabila ng lahat. Napansin niyang nagsindi rin si Rhett ng kandila. Lalong nahiwagaan si Mira sa mga iginagawi nito. Mukha namang mabait ito pero minsan ay masungit at may pagka-psychotic rin ang isip nito. Hindi kaya bipolar si Rhett? Sa isiping iyon ay napangiwi si Mira. Mahirap ang may ganoong sakit. Lalo na kapag malala na. At itatak niya sa isip na isa dapat iyon sa mga dahilan kung bakit hindi siya dapat magkagusto rito. O hindi kaya ay makipaglapit rito. Pero parang mahirap yata. Lalo na ang pangalawang sinabi niya.

Wala pa namang ginagawang move sa kanya si Rhett para mailang at magulo ang damdamin niya tungkol rito. And she was being friendly anyway. Walang malisya ang ginagawa niya ngayon, well, except that moment in the church. Gusto lang naman niyang maranasan kung ano ang pakiramdam na hawakan ang kamay nito. Pero tila pagkakamali yata iyon dahil parang lalo yatang tumitibay ang dahilan niya para maamin sa sarili niya na may crush siya rito.

Ilang sandali lang sila sa candle station nang umalis na si Rhett sa tabi niya. Sumunod siya rito. Nang mapansin ni Mira na papunta na si Rhett sa open field ay pinigilan niya ito. Binigyan na naman siya nito ng kunot-noo. Kumokota na siya roon. `Di man lang nagsasalita ang loko!

“Teka, `di ba tayo kakain ng dinner man lang dito? Gabi na, o. Gusto ko ng kumain,” hinawakan pa ni Mira ang tiyan. Luminga-linga siya sa paligid at naghanap nang makakainan. Nang makakita siya ng canteen ay itinuro niya iyon kay Rhett. “Ayon o! Kain tayo roon,”

Umiling ito. “Naghihintay sa atin si Mang Chito. Mag-isa lang siya sa bahay,”

“Kuh! Malaki na si Mang Chito at trip nga niya na alone, eh. Saka ano ba `yung kumain ka man lang sa labas? `Di ka pa ba nagsasawa sa mga luto ni Mang Chito? Tikim naman tayo ng ibang potahe,” at bago pa man maka-react si Rhett ay tumalilis na nang takbo si Mira papunta sa canteen.

Sumunod rin naman si Rhett kay Mira ilang sandali. Nag-order siya nang mga nalaman niyang best sellers ng ale na may-ari ng canteen. Lahat ng mga iyon ay in-order niya. May pera naman siya kaya hindi siya takot na um-order nang marami. Lahat naman kasi ng ipon niya ay hindi nagagalaw dahil wala siyang binibili. Pero nang magbabayad na siya ay inunahan siya ni Rhett. Binigyan nito ng isang libo ang babae. Nanlaki ang mata nito dahil mukhang wala itong panukli roon. Winagayway ni Rhett ang kamay na para bang sinasabing “Keep the change”. Hinila siya nito papunta sa table na uupuan nila.

“Kung sana ay ibinigay mo na lang `yung sukli sa mga batang pulubi sa labas, malaki pa ang naitulong mo. Mukha namang asensado ang canteen na ito para mag-donate ka,” komento ni Mira pagkaupo nila.

Tinitigan siya nito. “Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit hinahayaan pa kita na magtrabaho para sa akin. Ang dami mong satsat. Ang dami mong dada,”

Ngumiti siya. “Alam mo kung bakit? Dahil `yun ay sa kabila ng pagiging makulit ko, alam kong crush mo ako!” pagdyo-joke pa ni Mira sa amo. Hindi niya alam kung bakit tuwang-tuwa siya na i-good time ito.

Ginu-good time nga lang ba o talagang nagpapansin ka lang sa kanya? Sutsot naman ng isang bahagi ng isip ni Mira. Pero sinadya niyang huwag pansinin iyon. Good time lang talaga, Hindi niya lubos maisip ang sarili na umiibig rito. Guwapo nga ito at parang nagkakagusto na siya rito. Pero hindi ibig sabihin noon na handa na siyang ilapit ng lubos ang sarili niya rito. Hindi niya pa ito kilala. She maybe a friendly person pero pagdating kay Rhett ay hindi niya maiwasang matakot dahil na rin sa mga bagong naranasan niya rito. Bago ang mga nararamdaman niya at natatakot siyang i-handle iyon kung magkatotoo nga ang sinasabi niyang may gusto ito sa kanya. Isa pa ay problema nga niya ang ugali nito. Siguro ay marami siyang kinaibigan na hindi niya lubos na kilala pero iba ang kay Rhett. Kilala na niya ito at sadly---masama ang reputasyon ng pagkakilala niya rito. Minsan na siyang pinagtaksilan nang iwan na lang siya bigla ng ina ni Roberto sa isla, parang mahihirapan yata siya ngayon kung magtitiwala pa siya sa isang taong hindi pa ganoon kaganda ang reputasyon.

Natulala naman si Rhett sa narinig. Mukhang tama nga ang pag-a-assume niya na apektado ito sa kanya. Pero sa halip na matakot ngayon ay naggawa pa niya itong inisin. Well, nasa mood siya para mang-inis. Nakakatawa kasi ang reaksyon nito.

“Uy, natulala! Totoo!” pang-aasar niya.

Umiling-iling ito nang mahimasmasan. Tumayo ito pagkatapos.

“O, saan ka pupunta? Wala pa ang order natin! `Wag mo akong iwan rito!”

“`Wag kang OA. Pupunta lang ako sa CR,” paninigurado naman nito sa kanya.

Naiwan si Mira sa lamesa. Tumingin-tingin siya sa paligid. Mangilan-ngilan ang tao sa loob ng canteen pero nakaagaw ng pansin sa kanya ang isang babae na mag-isa lang. Ngumiti ito sa kanya. Dahil medyo naiilang siya na mag-isa lang, naisip niyang lapitan ito.

“Hi, bago ka rito ano?” friendly pang wika nito sa kanya.

Tumango si Mira. “Pero hindi talaga ako dito nakatira. Galing ako sa kabilang isla. Ako nga pala si Mira,” pagpapakilala niya.

Nagpakilala rin ang babae. Sandali silang nagkuwentuhan hanggang sa makabalik si Rhett mula sa CR. Nang makita siya nito ay madilim na madilim ang mukha nito. Napangiwi si Mira nang dahil roon at nagpaalam na sa babae. Bumalik siya sa table nila. As expected, kinompronta siya nito. Nagpaliwanag naman agad si Mira.

“Friendly person ako kaya ko ginawa iyon. Isa pa, nakakasawa na rin ang bahay mo. Tanging si Mang Chito lang at---“

“Kaya ginawa mong oportunidad ito para ipagkuwentuhan ang tungkol sa buhay ko, ganoon ba?”

Kumunot ang noon i Mira. “Hey! Hindi naman ikaw ang pinagkukuwentuhan namin. Nakikipagkaibigan lang ako,” depensa naman niya. Wala siyang intensyon na ipagkalat ang tungkol rito. Takot na lang ni Mira.

Mukhang hindi pa rin nakontento si Rhett. Masama pa rin ang timplada ng mukha nito.

Napabuntong-hininga si Mira. Nagpatuloy sa pagpapaliwanag. “First of all, hindi ako reporter para gawin iyon. Hindi rin ako journalist na may hidden job. Isa lang akong teacher na napilitan na maging sekretarya mo para sa ikabubuo ng isang pamilya. At saka isang buwan na ako sa `yo, `di mo pa rin ba ako kayang pinagkakatiwalaan?”

Sa huling sinabi ni Mira ay nais niyang mapakagat labi. Eh ikaw nga, hindi mo pa rin siya mapagkatiwalaan ng lubos? Siya pa kayang tila may sira sa isip?

“Hindi ka takot sa akin. Naggagawa mo nga akong bara-barahin, eh. With that, I assume that you can spill the beans to the people without even being scared with what I can do with you!”

“I can’t believe you. Bakit ba obsessed na obsessed ka sa salitang security at `di mo kayang kumapit sa salitang trust. Isama pang okay lang sa `yo na madilim ang bahay mo. Mukha pa ngang nag-e-enjoy ka sa ganoong itsura. Teka, nga nakapagpatingin ka na ba sa Doctor? Para kang psycho,” hindi na niya napigilang magkomento sa asar rito.

Nagdilim ang mukha ni Rhett. Nakaramdam ng takot si Mira. Did she bring out the beast in him?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.