Chapter BTSSM 31

Kristian kissed Alta hungrily. Parang isang malaking sandata ang halik na iyon para tuluyang mabura ang anumang kumokontrol sa isipan nito. And he also give in to the temptation. He had been tempted to kiss her for a very long time. Hindi niya alam kung effective itong ginagawa niya o baka sa huli ay siya rin ang mapahamak. If he had to die kissing her then he would.

Hindi pa siya nawalan ng kontrol sa simpleng paghalik lang. Matagal na ring panahon na nawalan siya ng kontrol sa isang babae. Pakiramdam niya ay teenager ulit siya at iyon ang unang beses niyang humalik. Something broke inside his chest. Hindi niya alam kung bakit parang sumasabog ang iba’t ibang kulay sa paningin niya lalo na nang tanggapin ni Alta ang halik niya.

Maya maya pa ay naramdaman niya ang panghihina nito. Pumasok siya sa utak nito at sinamantala ang saglit na panghihina nito. He probed her brain. Naririnig niya ang boses ni Homer sa loob ng utak nito. Tinitigan niya si Alta. “Makinig ka sa akin. Hindi ka susunod sa kahit anong utos ng lumikha sa iyo. Hindi mo gustong pumatay ng tao. Hindi mo gustong manakit, Alta. Hindi ka makikinig sa kanya. Hindi mo siya hahayaang makapasok sa isipan mo.

It was tricky, he knew. Wala pang nagtatangkang kumontrol sa utak ng isang tao o bampira habang may kumokontrol ditong iba lalo na ang dominare o ang lumikha dito. Para tangkain iyon ay maaring ikabaliw kahit ng isang malakas na bampira.

He locked a part of her brain. Katulad kung paano niya inila-lock ang utak niya kapag may nagtatangkang magbigay ng hypnotic suggestion sa kanya. Narinig niya ang pagsigaw ni Homer na parang tinadyakan niya ito palabas ng utak ni Alta. Mas mahirap ang labanan ng isipan kaysa sa pisikal na lakas. Mas mabuting siya ang nanalo dahil di niya kakayanin kung mapupwersa siya palabas ng utak ni Alta. Baka makatakas ito.

Nang hugutin niya ang sarili mula sa utak ni Alta ay nahigit nito ang hininga. Bumigay ang tuhod nito at nasalo agad niya ito. Noon lang bumalik ang kulay sa mga mata nito. Nakahinga siya ng maluwag dahil normal na ulit ang paghinga nito at bagamat nanghihina ito ay hindi na blangko ang paningin nito. Nawala na rin ang pangil nito at ang matatalas nitong kuko.

Kinintalan niya ng halik ang labi nito. “I am glad you are okay now. Hindi ka niya nakuha.”

“K-Kristian,” anito sa mahinang boses. “Anong nangyari? Nasaan ako? Sinong kukuha sa akin? Si Homer?” Hinaplos nito ang mukha niya at nabakas niya ang takot sa mata nito. “Bakit may sugat ka?” Tiningnan nito ang sariling kamay. “Bakit may dugo ang kamay ko?”

Hinawakan niya ang mga kamay nito. “Magpahinga ka muna. Matulog ka na.”

Nang buhatin niya ito ay kusang pumikit ang mga mata nito at binuhat niya ito. Sana lang ay hindi nagkaroon ng damage sa isipan nito ang ginawa niya. Delikado ang ginawa niya. He would hate to lose her with her creator or insanity.

“How is it going?” tanong ni Nicodemos sa isa sa mga sentinel. Isa itong abogado sa umaga. Lahat ng mga miyembro ng club na wala pang dalawang daang taon ay dapat magsilbi bilang tagabantay ng club. Minsan ay ipinapadala din sila sa ibang lugar para protektahan ang iba pang nilalang na ginugulo ng mga Umbra.

Dumilim ang mukha niya nang makitang nakasandal lang ito sa puno na parang walang emergency. Ang hula niya ay kanina pa ito nanonood sa kanila. “Kanina ka pa diyan, no? Bakit hindi mo man lang ako tinulungan?” He hated his arrogance most of the time. Kasama marahil iyon sa pagiging magaling na abogado nito.

“Looks like you handled everything perfectly. Hindi siya nakuha ng lumikha sa kanya at wala ring masyadong dugong dumanak dito.” Tumayo ito ng tuwid at naglakad palapit sa kanila. Umangat ang gilid ng labi nito. “And besides, I don’t want to ruin the romantic scene.”

“Romantic scene?” angil niya. Then he remembered kissing Alta and more. He almost claimed her. “There’s nothing romantic about it. Ginawa ko lang ang magagawa ko para maagaw ang kontrol sa utak niya ng Homer na iyon.” And he was pissed off big time. May ibang nakakita sa ginawa niya at di niya alam kung anong iniisip ng mga ito sa kanya.

Tumaas ang kilay nito. “To prove who is the better lover and to let her know what she’s missing? The kiss must be so orgasmic that you kicked out the competition.”

Nagtagis ang ngipin niya. Gusto na niya itong tadyakan kundi lang niya bitbit si Alta. Pinapalabas nito na may romantic involvement siya kay Alta o pinag-iinteresan niya ito. It was just a trick. “Bakit hindi mo tawagan ang mansion para sabihing ipaghanda nila ng milk bath si Alta? She’s filthy. Kailangan din niyang magpahinga. She had been through hell. Kaysa gumagawa ka ng tsismis diyan, mas maganda siguro kung mapakinabangan ka.”

“I already did. Nagpahanda na rin ako ng milk bath para sa iyo. Magkahiwalay nga lang kayo ng bathtub. Sa palagay ko mas magandang magpahinga muna si Miss Kintanar. Enough of your romantic advances for tonight.”

“Shut the hell up!” angil niya at binilisan ang pagtakbo para makaiwas siya sa pang-iinis nito. Subalit kasabay pa rin niya ito at di siya nakatakas sa halakhak nito.

Romantic? Hardly. It was survival for Alta. He didn’t do romance unless he would take a woman in bed. Hindi yata niya kayang protektahan ang isang babae nang may kasamang romance. That would be heartbreaking for the girl. At ayaw niyang magkaroon ng ibang idea si Alta o ang mga tao sa paligid nila na higit pa doon ang pwedeng maging relasyon nila. Masasaktan lang niya ito.

HINDI mapigilan ni Kristian na itapik ang paa habang kausap sina Pinunong Kaptan, Kristoff, Lupita at si Nicodemos. Nasa video conference ang isa sa sanguinare na si Vladimir na kasalukuyang nasa palasyo nito sa Moscow.

Nasa security area sila habang hinihintay ang findings ng isa sa consejo na si Antoine. Isa itong doktor at tinitingnan nito kung anong kondisyon ni Alta. Mas gusto niyang nasa tabi ni Alta habang tsine-check up ito. Baka hanapin siya nito. Hindi siya komportable nang nakakulong sa security area at ini-interrogate ng mga ito.

“Sinasabi mo ba na nagawa mong paalisin ang utak niya dominare ni Alta?” magkasalubong ang kilay na tanong ni Kristoff. “Kahit ang mga sanguis na ilang daang taon nang nabubuhay sa mundo ay hindi nagagawa iyan. Matindi ang impluwensiya ng lumikha sa kanya.”

“Delikado iyon, Kristian,” nag-aalalang sabi ni Lupita na magkasalikop ang palad habang palakad-lakad sa silid. Parang inahing manok ito na di mapakali. “Paano kung hindi na siya magising? Paano kung masiraan siya ng bait?”

“Nay, ginawa ko lang po ang magagawa ko. Iyon lang ang naisip kong paraan para hindi siya makuha ng dominare niya,” katwiran niya. Hangga’t maari ay hindi sila gumagamit ng mind control sa sitwasyong mapupwersa ang utak lalo na ng baguhang bampira. “Iyon lang ang naiisip kong paraan nang hindi siya nasasaktan.”

May mga baguhang bampira na kinakailangang itali o ikulong para hindi makawala at makuha ng mga dominare ng mga ito. Naghihintay pa ang mga ito hanggang mamatay ang dominare ng mga ito.

Pumasok ng silid si Claude na nakasuot ng laboratory coat at salamin. Nasa anim na talampakan ang taas nito. Light brown ang buhok nito na kulot at gray ang mga mata. Inaakala ng marami na nasa mid-thirties lang ito subalit ang totoo ay buhay na ito nang panahon ni Napoeleon Bonaparte at naging manggagamot noong panahon ng digmaan. Marami itong naimbentong gamot na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ng mga tao at mga sanguis.

“Kumusta na si Alta, Antoine?” tanong ni Pinunong Kaptan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.