“Ang ibig, wala siya ngayon dito sa Valle.”
“Anong wala siya diyan sa Valle?” tanong niya sa mataas na boses.
“Umalis sila ni Rafflesia. Pupunta daw sila sa bar ni Claude.”
“At basta mo na lang siyang pinayagan?” Dali-dali niyang kinuha ang wallet niya at ang susi ng kotse at ng condo. “Claude is a womanizer and Rafflesia is a trouble-maker. And that bar is a mix of human and sanguis. Alam mo naman kung gaano kadelikado na hayaan si Alta na lumabas basta-basta?” Maraming mga lalaki doon na pwedeng dumikit dito. Paano kung gawan ito ng di maganda. Nariyan pa ang banta ng mga Umbra. Sumasakit ang ulo niya.
“Sabi ni Rafflesia depressed si Alta nang nandito lang sa bahay at kasalanan mo. Kung gusto mo na umuwi dito si Alta, puntahan mo sila sa bar,” suhestiyon nito.
“Hindi mo na kailangan pang sabihin. Iyon mismo ang gagawin ko,” aniya at binuksan ang kotse niya. Isinuksok niya ang susi sa ignition at pinihit. Umangil ang makina ng sportscar niya. “Mag-uusap tayo ng masinsinan pagdating ko diyan.”
Isang malakas na tawa lang ang pinakawalan nito bago tapusin ang tawag. Hindi ito natatakot sa galit niya. Pero oras na may mangyaring hindi maganda kay Alta ay magbabayad ang may kasalanan.
Humarurot ang kotse niya sa gitna ng gabi. Alas diyes na ng gabi noon at maluwag na ang mga kalsada. May sampung minuto rin niyang tinakbo ang Club Rouge. Nababagalan pa siya doon. Hindi pa sapat ang kapangyarihan niya dahil sa tracing kung saan maari siyang makapag-teleport sa isang lugar na napuntahan na niya. Bago niya nakilala si Alta ay madalas siya sa Club Rouge lalo na kung hindi siya umuuwi ng Valle. He could feed there because legal feeders hang out there. Iyon ay ang mga tao na boluntaryong nagbibigay ng dugo sa mga miyembro ng Valle. Ginagawa lamang iyon sa mga VIP rooms na para lang sa mga rojo. Feeding could be sensual in a way. One could have orgasm without having sex.
Matapos i-park ang sportscar niya sa parking area na para lang sa mga taga-Valle ay tumuloy na siya sa loob. Pinakiramdaman agad niya kung nasaan si Alta. Naroon ito ngunit hindi niya makita. Una niyang nakita si Rafflesia na may kasayaw na isang matangkad na lalaki. Hinanap niya si Alta subalit wala ito. Nilapitan niya si Rafflesia na mukhang enjoy na enjoy sa bagong trance music.
“Raff, nasaan si Alta?” tanong niya dito.
“Wow! This is a surprise. May pakialam ka pala sa pinsan ko,” nakangising sabi nito. Ikiniling nito ang ulo at itinuro ang mesa na nasa pagitan ng dalawang couch. “Nandoon.”
Nang tumingin siya ay walang umookupa sa mesa. “Wala siya doon.”
“Doon ko lang siya iniwan kanina kasama si Felipe.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Sinong Felipe?”
“The hot football star. Baka naman nagpunta lang sa restroom si Alta. Maliban na lang kung gusto mo rin siyang sundan doon.”
Lumayo siya dito at tinungo ang restroom. Pagliko niya ay nakita niya ang isang matangkad at malaking lalaki na mahaba ang kulot na buhok at buhat-buhat ang isang babae. Pumitlag ang puso niya nang mahawi ang buhok na nakatabing sa mukha ng babae. Si Alta iyon.
“Anong ginawa mo sa kanya? Saan mo siya dadalhin?” tanong niya dito.
Biglang umurong ang lalaki at pumasok sa fire exit. Hinabol niya ito at inalarma agad ang mga guwardiya pati na sina Claude at si Rafflesia. Mabilis ang naging kilos niya at hinabol ito. Paglabas ng fire exit ay nakaabang na rin ang mga guwardiya.
Tulala na lang ang lalaki pagkuwan at nang bumalik ito sa huwisyo. Nagulat pa ito nang makita na kalong-kalong nito si Alta. “S-Sino siya? N-Nasaan kayo? A-Anong ginawa ko sa kanya?” naguguluhang tanong ng lalaki.
Kinuha niya si Alta mula dito. Gustong-gusto na sana niya itong sapakin kundi lang niya na-realize na tao lang ito. Baka na-hipnotismo lang ito kaya kinuha si Alta.
“Nasa security na si Rafflesia kasama ang isa pang football player. Pero isinama lang daw siya nitong si Felipe,” sabi ni Claude at iginiya siya papasok sa pinto ng bar kung saan mga empleyado lang ang maaring dumaan.
Nang tingnan niya si Alta ay umuungol ito at pinagpapawisan ng matindi. Pulang-pula ang balat nito at mainit ang hininga. “Claude, anong nangyari sa kanya?”
Pinapasok muna sila nito sa isang kuwarto sa second floor. Parang private quarters iyon na katabi lang ng kuwarto ni Claude. Must be the guest room. Ang Club Rouge na ang mismong bahay nito kapag hindi umuuwi ng Valle. Ihiniga niya si Alta sa kama at lalong umungol ito na parang nasasaktan ito.
Pumasok si Rafflesia at na-shock nang makita ang nangyari kay Alta. “A-Anong nangyari sa kanya? Parang mamamatay na siya. Nalason ba siya? Sanguis poison?’
Inamoy nito ang hininga ni Alta. “Choco blood and grape juice paradise. The grape juice paradise is the culprit.”
Tumaas ang kilay niya. “And grape juice paradise is…”
“An aphrodisiac for sanguis. It is quite popular to sanguis couples. Minsan immune na sila sa natural aphrodisiac ng isa’t isa kaya iyan ang iniinom nila para maging sweet ulit sila sa isa’t isa.” Ang mga bampira ay may natural aphrodisiac sa mga hininga nila. Their breath could lure and seduce anybody. “Pero bago iyon, pinapababa muna niyan ang control sa utak ng isang sanguis. Madali para sa isang Umbra na kontrolin siya.”
“At sino naman ang nagpainom niyan sa kanya?” pagalit na tanong niya at nilingon agad si Rafflesia.
Itinaas agad nito ang mga kamay. “Wala akong kinalaman diyan.”
“Uutusan ko ang security na i-review ang CCTV camera. Baka mamaya pati mga staff ko naimpluwensiyahan na ng mga Umbra,” sabi ni Claude. Malaking problema iyon sa club nito kapag napasok ng mga Umbra. Makokompromiso ang reputasyon ng club pati na rin ang buhay ng mga bampira at tayong customers doon.
“Anong kailangan nating gawin kay Alta?” tanong niya. Hindi na niya matagalan pang makita itong naghihirap.
“Kung makokontrol ng Umbra ang isip niya, mas malaking gulo iyon. Alta is strong. Kundi man siya mananakit ng iba, maaring utusan siyang saktan ang sarili niya,” paliwanag ni Claude. “The aphrodisiac would pass. Pero ang nakakatakot ay kung anong gagawin niya habang hindi pa niya kayang panghawakan ang utak niya.”
“May naisip na akong paraan,” sabi niya. “Iwan muna ninyo kami.”
Nang mapag-isa sila ni Alta ay umupo siya sa tabi ng kama at hinaplos ang mukha nito. Mukhang oras na para sundin niya ang tadhana niya. Iyon lang ang tanging paraan para iligtas niya si Alta mula sa mga Umbra.