Tumayo siya at niyakap ito mula sa likuran. "I am sorry."
Nanginginig ang katawan nito. Kilala niya ito na matapang at matatag. Parang walang kahit sino na pwedeng kumanti dito. Ito ang laging nagliligtas sa kanya sa mga kagimbal-gimbal na pangyayari. Subalit bago ito naging malakas ay nakita nito ang pagpatay ng maraming tao at wala itong lakas para tulungan ang mga ito. Hindi rin madali ang naging pagharap nito sa kamatayan.
"Mahigit isang taon bago ko nabawi ang katinuan ko. Hindi rin madali sa akin na tanggaping bampira ako. Na wala akong lakas para ipagtanggol ang ibang tao. Na katulad na rin ako ni Evira na isang demonyo. Paulit-ulit kong naiisip ang sinabi ni Elvira na di ako dapat buhayin. Nang handa na akong makipagkita sa pamilya ko, saka ko nalamang patay na sila. Namatay sila sa sobrang lungkot sa pag-aakalang patay na ako. Wala na rin ang kabuhayan namin. Kung hindi ako naging makasarili, dapat nasa flat ako at nag-aaral na mabuti para matulungan sila sa pamamahala sa negosyo namin. Wala dapat ako sa wild party na iyon. Binigo ko ang mga taong nagmahal at nagtiwala sa akin. Ayoko nang maulit iyon sa iba. That's I push people who loves me away. Dala ko sa konsensiya ko kapag may nabigo na naman ako dahil sa pagmamahal sa akin."
"Kaya nagalit ka sa akin nang sabihin kong mahal kita. Kaya ayaw mong mahalin kita. Kung may babae mang lalapit sa iyo, pansamantala lang siya sa buhay mo. No love involved."
"It is much safer that way. Masyadong mabigat ang pagmamahal. I can't bear it."
Mas naiintindihan na niya ito ngayon. Kung sa kanya din nangyari iyon ay baka katakutan na rin niyang mabuhay at lumapit sa ibang tao. Matindi ang trauma ang pinagdaanan nito. Pakiramdam nito ay malaking responsibilidad kapag may nagmahal dito. He didn't want to fail people. Ayaw nitong magpaasa kung sakaling ipagkatiwala ng iba ang buhay dito at mabibigo na naman ito. Matindi iyong dalahin sa konsensiya.
"Alta, itinaboy kita dahil lalo ka lang masasaktan. Baka hindi ko maibigay ang kailangan mo. You are someone unexpected in my life. I don't like responsibilities. Ayokong gawing bampira ang kahit na sino pero napilitan akong gawin kang bampira para mabuhay ka. I am immensely attracted to you. Kaya hindi ko makontrol ang sarili ko sa iyo minsan. Nang sabihin mong mahal mo ako, nagalit ako dahil panibagong responsibilidad na naman. Akala ko matatakasan na kita oras na iwasan kita. But you are my destiny. Wala akong magawa kapag hinihila ka pabalik sa buhay ko."
Yumuko siya dito. "Paano mo nalaman na ako ang destiny mo?"
"Nang unang beses na tawagin ka ng dominare mo, napilitan akong halikan dahil wala na akong naisip na paraan para kontrolin ka pa."
Napasinghap siya. “Hindi lang ako nananaginip noon!"
Nag-init ang mukha niya nang maalala ang panaginip niya. The kiss was hot. Hotter than the one he gave her when they made love. It was enough to drive her insane swiftly.
"Nagawa kong i-lock ang isip mo para protektahan ka kay Homer. Ako, bilang itinadhana sa iyo lamang ang pwedeng makagawa noon. At kung gusto kong tuluyang putulin ang kontrol ni Homer sa iyo, kailangan kong angkinin ka at tanggapin na tayo ang nakatadhana sa isa't isa."
"Natakot ka sa tadhana natin lalo na nang sabihin kong mahal kita. Doble-dobleng responsibilidad iyon.”
Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. "I still want to marry you."
Bumitiw siya dito at malungkot itong pinagmasdan. "Pakakasalan mo ako pero hindi mo hahayaang mapalapit ako sa iyo.” Ayaw niya ng ganoong pagsasama. Pareho lang silang magiging miserable ni Kristian.
"Stupid of me. Sa kagustuhan kong protektahan ang sarili ko, di ko naisip na di mo madidiktahan ang puso. Na hindi kita dapat parusahan sa mga desisyon at choices ko sa buhay. Isang linggo akong nawala para sa isang therapy-retreat. Para iyon sa mga bampira na may mga galit sa buhay. Marami akong nalaman tungkol sa sarili ko. Sa galit ko sa sarili ko, nasasaktan ko ang mga taong nagmamahal sa akin. Naiintindihan ko kung bakit ayaw mo akong pakasalan."
"Kung pakakasalan ba kita, hahayaan mo akong mahalin ka?" maingat niyang tanong. Gusto lang naman niyang magkaroon ng kalayaan na magmahal. Hindi siya tatagal kung lagi siya nitong pipigilang mahalin ito.
Ngumiti ito. "Of course. That is if you still want to love me. I will be forever thankful, Alta. I will take care of you and I will appreciate your love."
Napangiti na rin siya nang makita ang panunukso sa mga mata nito. “At paano mo naman ipapakita ang appreciation mo sa akin?"
"By showing how much I want you to be a part of my life."
Before she could blink, his lips conquered hers. It was sweet and gentle. Nararamdaman niya ang pagbabago dito. Wala nang galit sa halik nito. He was not even aggressive. Parang sa pamamagitan ng halik nito ay gusto nitong humingi ng tawad sa kanya at ipakita kung paano siya nito aalagaan. Kung may isang bagay na hindi magagawang ikaila ni Kristian ay ang matindi nilang atraksiyon sa isa’t isa. Pero hindi simpleng atraksiyon lang ang ipinakita nito sa kanya. That kiss made her feel cared for.
Unti-unting binura ng halik ang sakit na nararamdaman niya. Binura ng halik na iyon ang hinanakit niya kay Kristian. Sa halik na iyon ay naramdaman niyang tinatanggap din nito ang pagmamahal niya. Nang idilat niya ang mga mata ay puno ng pagsusumamo ang mga mata nito na sana ay paniwalaan niya ito at bigyan ng pangalawang pagkakataon. Tuluyan nang natunaw ang puso niya para dito.
Kinintalan nito ng halik ang labi niya. "Please don't give up on me. Not yet. Gusto ko pa ng isang pagkakataon na mahalin mo."
"Gusto ko nang sukuan ang pagmamahal sa iyo. Pero alam ko na kailangan mo ako ngayon. Kailangan mo ang pagkakataong hinihingi mo sa akin." At pakiramdam niya ay ibibigay niya dito ang lahat ng pagkakataong hinihingi nito.
" Ayoko nang ikulong ang sarili ko sa nakaraan. Now I know why you are my destiny. You were sent to save me from myself."
"Maaayos natin ito, Kristian." Ito pa lang ang simula ng magandang tadhanang naghihintay sa kanila.