Chapter BTSSM 48

HALOS lumabas na ang lamang-loob ni Alta habang nakayukyok sa toilet bowl at sumusuka. Hindi na niya kinakaya ang tindi ng sakit na nararamdaman matapos kumain ng chocolate at cake. Na-warning-an na siya na may allergic reaction siya doon at maari siyang magkaroon ng matinding hyperacidity. Akala niya kapag uminom siya ng synthetic blood ay okay na siya at mawawala na ang sakit. Hindi rin pala dahil parang nire-reject ng katawan niya ang synthetic blood.

Latang-lata na siya pero parang di pa rin siya matatapos sa pagsuka. Nahihiya na siyang humingi ng tulong sa mag-asawang Enricus at Jermaine. Naging bisita na nga siya sa bahay ng mga ito, naging alagain pa siya. Narinig na nag-away pa ang mag-asawa dahil sa kanya. Sensitive pa mandin ang mga buntis.

May nag-angat ng buhok sa ibabaw ng ulo niya. “Thank you,” usal niya.

“Masarap ba ang chocolate at cake?”

Lalong nanlumo si Alta nang marinig ang boses ni Kristian. Nang tumingala siya, mistula itong higante na nakatunghay sa kanya. Malamang ay pinagtatawanan siya nito. Mukha siyang miserable. Nagpapakasira siya dahil dito. Hindi na ba talaga matatapos ang paghihirap niya?

“Iwan mo na ako. Hayaan mo akong mamatay ng tahimik,” aniya at gustong maiyak. Ewan lang niya kung gusto pa siya nitong pakasalan sa itsura niya ngayon.

“Hindi ka mamamatay dahil lang sa chocolate at cake. You are stronger than that.” Inabutan siya nito ng baso na may ginger mouthwash. “Here. You will feel better after this. At may nakahanda rin ako na ginger tea. Mas kakalma ang sikmura mo pagkatapos,” anito sa masuyong boses.

Nagmumog siya nang tumigil sa pagsuka. Kahit paano ay nabawi niya nang bahagya ang dignidad. Nang buhatin siya ng lalaki, hindi na siya nakakontra dahil sa panghihina. “Siguro naman madadala ka na ngayon, tama? Ganyan kasarap ang bawal sa iyo.”

Mariin siyang pumikit. Bawal din ang magmahal pero sumige pa rin siya. Ano ba ang napala niya? Wala. Sama lang ng loob.

Inilapag siya nito sa kama at tinulungang uminom ng mainit na salabat. “Hindi ba sasakit ang tiyan ko dito pagkatapos?” tanong niya.

“Teas are safe. It will help settle your stomach.”

“Kasi parang nagalit sa akin ang tiyan ko. Sabi ni Jermaine sa akin, mawawala na daw ang sakit kapag uminom ako ng dugo. Pero isinuka ko lang ‘yung strawberry-flavored na synthetic blood.”

Bumuntong-hininga si Kristian at isinuklay ang daliri sa buhok niya. “Wala ka pang anim na buwang na nagiging sanguis. Sensitibo pa ang tiyan mo.”

“P-Paano ako gagaling?” tanong niya.

“Uminom ka ng dugo mula sa akin.”

Umiling siya. “Huwag na lang.”

He nicked his wrist with his fangs. Saka nito inilapit ang pulsuhang may sugat sa labi niya. “Drink up. Saka ka na makipagtalo sa akin kapag magaling ka na.”

Her pupils dilated when she smelled the sweet scent of his blood. Iyon ang pinakakatakam-takam na dugong natikman niya mapa-synthetic man o totoong dugo. She opened her mouth and moaned when his blood freely flowed to her mouth. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang uminom. Her tounge swiped wound. Kusang nagsara ang sugat nito.

“Thank you,” usal niya at humiga ulit sa kama.

“Maliit na bagay iyan kumpara sa pananakit ko sa iyo,” malungkot na sabi nito.

“Di mo naman kasalanan kung hindi mo ako mahal at responsable ka. Di mo naman ginusto na mahalin kita.” Iniwas niya ang tingin dito.

"Hindi kita pipiliting magpakasal kung gusto mo. Unfair na pilitin kita. Inisip ko ang relasyon ng pamilya natin. Inisip ko na huwag nang maulit ang nakaraan. Ayokong masira ang pamilya na kumupkop sa akin mula nang maulila ako.”

Natigilan siya sa sinabi nito at idinilat ang mata. Naalala na naman niya ang pagtatalo nila nang nakaraan. "Sorry kung tumutol ako sa kasal natin. Hindi ko naisip ang implikasyon sa mga angkan natin at ng mga rojo ung hindi matutuloy ang kasal natin. Hindi na natin kailangan ng marami pang gulo."

Habang kumakain ng chocolate at cake kanina, ipinabasa sa kanya ni Jermaine ang kasaysayan ng digmaan at mga umbra. Kinikilabutan siya nang mabasa ang resulta ng di pagpapakasal ng ama niya sa itinuturing na prinsesa ng mga Umbra. Bagamat hindi siya kasing iresponsable ng ama niya ay ayaw niyang sa kanya na naman magsimula ang panibagong gulo. Natututo na siyang humarap sa responsibilidad niya.

Malungkot itong ngumiti sa kanya. "Hindi kita masisisi kung ayaw mo akong pakasalan. Parang parurusahan mo lang ang sarili mo kung katulad ko ang pakakasalan mo habambuhay. I am ungrateful of your love. Sinasaktan kita dahil mahal kita. Na parang isang malaking kasalanan na mahalin ako at kasalanan mo ring tayo ang pinili ng tadhana sa isa't isa. Pero bago ka mag-back out sa kasal natin, gusto ko munang ikwento ang lahat ng tungkol sa akin para maintindihan mo kung bakit ako ganito. Gusto mo ba akong pakinggan?"

Mariing nagdikit ang labi niya habang malakas ang kaba ng dibdib niya. "Handa akong makinig." Ihinahanda na niya ang sarili sa maririnig.

Napakamisteryoso ng dating ni Kristian sa simula pa lang. Di magawang ikwento ng direkta ng mga malalapit dito ang mga pinagdaanan nito sa buhay. Puro pahapyaw lang ang nalalaman niya. Siguro ay mas magandang kay Kristian manggaling kung bakit parang ayaw nitong mahalin. Kung bakit pinagkakaitan nito ng pagmamahal ang sarili nito. Baka sakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman niya dahil dito.

"Noong bata pa ako, spoiled na ako sa parents ko. I am a Cordero. Galing ako sa mayamang pamilya at nag-iisang anak. Napaka-iresponsable ko at wala akong ibang iniisip kundi ang sarili ko. Mahal na mahal ako ng mga magulang ko at ibinigay nila ang lahat ng kalayaang gusto ko. Lagi rin akong napapasama sa mga taong di maganda ang impluwensiya.

"Then one night, I attended a party at a baroness' castle. Masayang masaya ako nang makuha ko ang atensiyon ni Baroness Elvira. She's like a goddess. Batang biyuda siya na mahilig sa parties at puro nasa twenties ang imbitado doon. Sa dinami-dami ng mga lalaki, ako ang napili niyang makasama. Mayabang na mayabang ako noon at pakiramdam ko espesyal ako sa lahat. Yes, I was special. She let me witness a carnage.” Mariin nitong hinawakan ang kopita ng alak at bakas ang takot at sakit sa mga mata nito habang inaalala ang nakaraan. “Pinatayo niya ako sa second floor habang pinagmamasdan sa ballroom kung paanong pinatay ng mga bampira ang tao na guest. It was traumatic. Noon lang ako nakakita ng ganoon kalupit na nilalang. Di ko sukat akalain na magagawa iyon sa mga tao na pinatay lang na parang hayop. Bago niya ako kagatin, nagmakaawa akong huwag niyang patayin. She just laughed at me. Hindi daw dapat buhayin ang tulad ko. All I am is just a pretty face. Halos mamatay na ako nang dumating si Tatay at ang iba pang mga bampira na gustong pigilan ang pagpatay ng mga tulad ni Baroness Elvira. Tumakas si Elvira. She left me to bleed to death. Kung hindi naging maagap si Tatay Pinunong Kaptan, patay na rin ako tulad ng ibang nasa palasyo na 'yon."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.