Chapter BTSSM (The End)

Pumikit siya at masaya nang marinig ang tibok ng puso nito. It was her assurance that he was really alive. “Hindi ka ba talaga galit dahil binalikan kita?” tanong niya

“No. I am just thankful that you are safe. Masaya rin ako dahil may matapang na babaeng ibinigay ang langit sa akin para makasama ko habambuhay. At sana naniwala ka rin na mahal kita. Hindi ko sinasabing mahal kita dahil iyon ang kailangan mong marinig. Hindi ko rin sinasabi iyon dahil ikaw ang nakatadhana para sa akin. Mahal kita dahil iyon mismo ang nararamdaman ko. Nang mawala ka, saka ko lang na-realize na mahal kita. Pinipigilan ko lang tanggapin sa sarili ko noong una. Kaya ngayong may pangalawang pagkakataon na tayo para magkasama, gusto kong iparamdam sa iyo ang pagmamahal ko. At kung ako ang masusunod, poprotektahan kita para di ka na masaktan kahit kailan.”

Tinitigan niya ito. His eyes were glassy. Nasasalamin niya ang emosyon sa mga mata nito at naramdaman niya ang sinseridad ng sinasabi nito. Hindi na ito ang Kristian na laging nagtatago sa nararamdaman nito at laging galit sa mundo. Hindi na ito ang lalaking tumatanggi sa pagmamahal niya. Not only did he welcome and cherish her love. Bukas na ang puso nito para tanggapin ang totoong nararamdaman nito.

“Kristian, hindi mo lang obligasyon na protektahan ako. Obligasyon din kitang protektahan. Kayo ng anak natin. Ipaglalaban kita. Lalaban ako para sa iyo. Para sa iyo at sa magiging anak natin.”

Tumango ito. “Tanggap ko na iyan ngayon. I think we will be a perfect pair. At papayag din akong maging slave boy mo.”

Tumawa siya nang maalala ang ginawa nito para makapasok sa kuta ng mga Umbra. “Ibig sabihin nag-enjoy kang utus-utusan ni Fleur?”

Nanlaki ang mata nito. “No way! Nakakatakot ang kapatid mo. Pumapayag akong maging slave boy pero huwag na huwag mo akong ididikit sa kapatid mo.”

“Mabait naman si Fleur.”

“And she will be one hell of an opponent once she becomes an Umbra.”

Nawala ang ngiti sa labi niya. “Ayokong maging kalaban ang kapatid ko. Ayokong manatili siya sa mga Umbra. Hindi siya masaya doon. Nararamdaman ko iyon.”

Kinabig nito ang balikat niya at kinintalan ng halik sa noo. “Alam ko. Oras na gumaling ako, gagawin ko ang lahat para mabawi siya. Pero kailangan din nating pag-usapan ang tungkol sa kasal natin. That’s two weeks from now. Gusto mo bang ituloy?”

“Gusto ko,” sabi niya. Iyon ang pinakahihintay niyang araw sa buhay niya. Parang di na siya makakapaghintay pa na ikasal kay Kristian.

“O gusto mo bang makasama si Fleur sa kasal natin?” tanong nito.

“Gusto ko. Kung mababawi natin siya, gusto kong makita niyang ikinakasal ako. Pero kung hindi man siya makarating, alam kong masaya siya para sa atin kung nasaan man siya.”

Hinding-hindi niya makakalimutan ang sakripisyo sa kanya ni Fleur. Masaya siya na nakilala niya ang kapatid niya.

“May iba ka pa bang gusto para sa kasal natin?”

Tinapik ng daliri niya ang baba nito. “Bawal ang ex-girlfriend mo sa kasal ko.”

NATUPAD ang dream wedding ni Alta. Ginanap iyon sa hardin ng Meditterranean villa ng mga de Angelis. Maaliwalas ang langit at maganda ang sikat ng araw habang naglalakad siya sa makeshift aisle at itinayo ang altar kung saan natatanaw ang mababang falls. Puro exotic flowers ang paligid at pabalik-balik ang mga paru-paro sa paglipad.

Mga piling miyembro lamang ng Valle ang dumalo dahil hindi gusto ng ibang mga miyembro na ma-expose sa sikat ng araw. Isa pa ay iyon ang unang pagkakataon na umaga ginanap ang kasalan sa Valle. The morning ceremony was for the benefit of her human family and friends.

Pakiramdam niya ay isang diwata siya sa flowing white Roman gown na suot niya. Parang nagmula sa Roman Empire ang suot ng mga bisista ng bride. Nakasuot pa nga si Kristoff ng maroon toga. Habang nakaabang si Kristian naman ay nakasuot ng piña barong. Sa parte naman ng groom ay pawang naka-Filipiniana. Gusto nilang ipakita ang pinagmulan ng mga angkan nila. Isa rin iyong pag-iisa ng dalawang malalakas na angkan sa Valle.

Sinusuportahan naman ng mga miyembro ng Club rojo ang pag-iisa nila kaya mamayang gabi ay isang malaking reception ang ihinanda nila. Okay lang na pumunta ang mga ex-girlfriend ni Kristian dahil hindi na makakatutol ang mga ito. Tapos na ang kasal nila ni Kristian. Excited din ang lahat lalo na nang ianunsiyo ang pagdadalang-tao niya.

“Sa akin mo ihagis ang bouquet!” request ni Chenie at nakaharang na sa lahat ng mga dalaga na gusto ring sumalo.

Tumawa lang siya. Sa halip na ihagis ang bouquet ay inabot niya iyon kay Cora. Nagulat pa ito at maang siyang tiningnan. “O! Anong gagawin ko diyan?”

“Sagutin na po ninyo si Sir Romy,” aniya at kinindatan ang mabait na matandang binatang may-ari ng hardware malapit sa lugar nila. Lagi kasi itong tumutulong sa kanya noong nagtitinda pa siya sa talipapa. Matagal na rin naman itong nagpapalipad-hangin sa Tiya Cora niya subalit masyadong pakipot ang tiyahin niya.

Ginagap ni Mang Romy ang kamay ni Cora. “Huli ka na sa balita. Matagal na niya akong sinagot.” Hindi na rin kailangan pang ipaagaw ni Kristian ang garter dahil napunta na iyon kay Mang Romy. Mukhang na-realize ng tiyahin niya na hindi pa huli upang maging masaya ito.

Mula sa balkonahe ng villa ay pinagmasdan niya ang mga bisita niya. Niyakap siya ni Kristian sa baywang. “Mukhang malalim ang iniisip mo.”

“Wala lang. Naisip ko na sana nandito si Fleur.”

Ginawa ng lahat ang paraan upang matagpuan ito bago ang araw ng kasal niya. Pumunta pa nga sila sa Cariño Bar kung saan maaring may nakakakilala kay Fleur subalit walang kahit sinong makaalala dito. Parang basta na lang itong nabura sa alaala ng lahat.

“Alam ko na kung may pagkakataon gugustuhin niyang makapunta sa kasal natin.”

Humarap siya dito. “Sa palagay mo ba hindi mo pagsisisihan na minahal mo ako at pinakasalan? Hindi ba dati okay ka nang maging bachelor habambuhay.”

“Ayoko nang bumalik sa nakaraan. Hindi ko alam kung paano akong tumagal na mag-isa lang sa mahabang panahon. Malungkot nang walang nagmamahal at walang minamahal. Napaka-miserable para sa isang sanguis na katulad ko. You brought light, happiness and hope into my life. Nabuksan ko ang sarili ko sa mas maraming posibilidad. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya. You complete me. Mas pinagsisisihan ko kung hindi ko tinanggap ang pagmamahal mo.” Isang masayang tawa ang pinakawalan nito. “Sa ilang buwan, may tatawag na sa akin ng Tatay o Papa o Daddy,” puno ng pagkasabik nitong wika. “Hindi kaya ikaw ang biglang magsisi na ako ang minahal mo?”

Umiling ito. “Noong una parang gusto kong magsisi pero nagbago ka. Ganoon yata ang pagmamahal. Kailangang masaktan ka muna at magsakripisyo bago ka maging masaya. Hindi ko maisip na ibang lalaki ang mamahalin at pakakasalan ko. Ikaw lang ang kilala ng puso ko.”

Ginagap nito ang kamay niya. “This is forever, Alta. Wala akong planong pakawalan ka o ibigay ka pa sa iba.”

“Iyon din ang gusto ko. Hindi ka na rin pwedeng basta-basta akitin ng ibang babae.”

Bumuntong-hininga ito. “Pagod na pagod na akong pagkaguluhan ng ibang babae. Kaya walang problema sa akin kung itali mo ako o ikadena sa baywang mo. I love, Alta.”

Yumakap siya sa leeg nito at binigyan ito ng mainit na halik bilang sagot. Ni hindi na nila napansin ang pagpapalakpakan ng mga bisitang nakakita sa kanila. Ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya subalit natitiyak niya na marami pang dadating na masasayang araw kasama si Kristian. Magiging masaya sila habambuhay.

Okay lang sa kanya na mabuhay habambuhay basta kapiling niya ang lalaking mahal niya. Si Kristian Cordero.

---- THE END ---

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.