Chapter 37

"Salamat sa paghatid," nakuha ko parin ang magpasalamat kay Armando sa kanyang paghatid sa akin kahit na kinakabahan ako. Siguro dahil sa naisip ko na kung hindi agad kami doon umalis ay baka namatay na ako.

"You are welcome." ngumisi siya sakin. Binuksan ko aming gate na yari sa kahoy at nakita agad na nagmamadali si nanay na lumabas.

"Nay!"

"Anak! Diyos ko!" tinitigan ako nito sa katawan. Tila naghahanap ng sugat sakin.

"Nay, di'ba nga pauwi nako ng tumawag kayo kaya huwag na kayong mag alala."

Pumikit si nanay. "Mabuti nalang talaga Addelyn at baka mabaliw ako kapag may nangyaring masama saiyo."

Ngumiti ako kay nanay. Nang gumabi na ay nakita ko si tatay na nagparking ng nag iisa niya nalang Van sa garahe. Si nanay naman ay malamang na nasa kuwarto at masakit 'raw ang ulo niya.

"Tay!" nilapitan ko si tatay dahil alam ko kung saan siya galing.

Malaki ang eyebags ni tatay at mukhang stress.

"Kamusta si Melissa?"

"Nagkakasakit na si Melissa , anak. Nahihirapan na ako. Kung hindi lang talaga ako mapapahamak e. Dumagdag pa iyong mukhang natunton na siya ng ama niya. Lagi akong nababaril sa van."

Huminga ako ng malalim dahil alam ko iyon.

Kaya wala akong naging choice kundi ang bantayan na rin si Melissa sa tuwing wala akong klase. Medyo naging payapa rin ako dahil hindi kami nagkakausap ni Felix maliban sa cellphone.

May hindi ka sinasabi sa akin.

Isang araw ay iyan ang text niya sa akin. Kinagat ko ang labi.

Wala akong dapat sabihin sayo. Hindi kita boyfriend.

Iyan ang reply ko sa kanya. Nilapag ko ang cellphone ng maamoy na nasusunog na ang adobong manok na niluluto ko para kay Melissa.

Nagiging moody ako lalo na at meron ako ngayon. Dagdagan pa nang laging nag aaway si nanay at tatay dahil nga sa trust issue ni nanay kay tatay. Hindi ko na alam ang sasabihin sakin ni nanay kung malaman niya na alam ko ang ginagawa ni tatay.

Nandito kami ngayon sa mansyon ni Melissa. Matarik at malayo layo sa highway. Iyong tipong makakapagkamalan mo na haunted house.

Kumuha ako ng  paglalagyan ng ulam na aking niluto. Kakauwi lang ng care taker ng mansyon kaya kaming dalawa nalang dito ni Melissa.

Biglang tumunog na naman ang cellphone ko sa isang call ni Felix. Inabot ko iyon at sinagot.

"Ang taray mo sa cellphone huh? Saan ka ngayon?"

Umirap ako at tinikman ang adobo. Hindi sadyang napaungol ako sa sarap ng pagkakaluto ko.

"Uhmmm..."

"Addelyn.." he warned. "What are you doing?"

"Nagluto akong adobo, bakit?"

Natahimik siya. "We have to talk later. Susunduin kita."

Binaba niya agad ang tawag.

Ang mansyon ay nasa burol. Si Melissa ay nandoon sa labas sa duyan at nagpapahangin. Hawak ko ang tray ng aming pagkain at nilapag iyon sa mesa. Malamig ang simoy ng hangin at napakatahimik ng lugar. Kung ako ang tatanungin ay mas gugustuhin ko nga dito.

"Melissa! Nandito na! Kain na tayo! "

Nakangiti siyang lumingon sa akin.

"Addelyn! Alam mo ba, may gusto akong lalaki at pupunta siya dito! Actually,nakapunta na siya noong kaylan!"

"Huh?  Sino?" hindi ko pa kailanman nakitang may lalaki na dumalaw dito. At sino naman iyon?

Binuksan ko ang pine apple juice at binuhos iyon sa dalawang baso.

"Si  Dan Geigo. Ang guwapo nun. Noong bata ko pa iyon kilala." ngumuso siya at kinagat ang labi. "Parang gusto ko nalang nga umuwi sa amin."

Natahimik ako at nagambala. "Melissa, b-baka mapahamak si tatay? Di'ba siya ang-"

"Ako ang bahala kung sakali Addelyn. Wala kayo magiging problema. I missed my dad so much too. Teka nga lang...ano ba ang pakealam mo? Binibigyan ko ng pera ang tatay mo Addelyn para mabuhay kayo kaya manahimik ka."

Kinuyom ko ang aking kamay sa hawak na kutsara. Nakita iyon ni Melissa.

"Lalabanan mo ako Addelyn? Kaya mo ba ako? Hindi mo kilala kung sino ako."

"Huwag mo lang ilagay sa kapahamakan si tatay Melissa at maayos tayo."

Nagtitigan kaming dalawa ngunit ako ang unang nagbawi ng tingin.

Sinundo ako ni tatay nang maghapon. Nagtagal si tatay sa loob at nagpupuyos siya sa galit ng lumabas ng mansyon. Inayos ko ang aking seatbelt at lumagapak ang pintuan ng sasakyan ng pumasok si tatay.

"Anong ginawa mo kay Melissa , Addelyn? Alam mo naman na kawawa ang dalagang iyon! Iyak ng iyak dahil minumura mo daw siya!"

Umawang ang labi ko. "Ano? Hindi ko naman siya inano ah! Maayos kami kanina tay-"

Dinuro ako ni tatay. "Ikaw na bata ka. Hindi ako makakabayad ng utang natin kung hindi niya ako binigyan ng pera! Kaya kahit mapahamak ako ay ayos lang! Baka gusto mong hindi ko bayaran mo ang tuition mo?"

"Tay... N-Nagsasabi ako ng totoo."

Tanging iyon lang ang nasabi ko dahil sa bigla. Hindi ako makapaniwala na ganito ang turing sakin ni tatay dahil kay Melissa.

Tahimik kami sa biyahe pauwi. Bukas ay lunes na kaya maghahanda narin ako para sa exam namin.

Nasa kusina na kami. Parang makakarinig ako ng kuliglig sa sobrang tahimik ni nanay. Si tatay naman ay pinaparamdaman ang modo ni nanay.

"Nay, ako na po dito. Magpahinga napo kayo. Ang ubo niyo po lumalala na."

Huminto siya kakapunas sa mesa. Si tatay ay nasa kuwarto na.

"Iyon na nga Addelyn, hindi ako binibigyan ng  tatay mo pambili ng gamot. Kailangan ko na yata talagang maghanap ng bagong trabaho."

Nangunot ang aking noo. "Po? E..." gusto kong sabihin na maraming pera si tatay ngunit alam ko na maraming itatanong si nanay.

Kinakain na ako ng konsensya.

"Anak, sabihin mo nga sakin." hinawakan ni nanay ang braso ko. Napalunok ako. "May...may napapansin ka ba kay tatay mo? Lagi kayong umaalis diba? May...may babae ba siya?"

Halos hindi ako makatingin kay nanay. "Nay... wala po. W-Wala po."

Nanghihinang binitawan ni nanay ang kamay ko. Nasasaktan ako. Nakokonsensya.

Lutang akong naghugas ng pinggan. Biglang tumunog ang aking cellphone at kumalabog ang puso ko dahil si Felix ang nagtext.

I'm outside.

Basa ko sa text niya. Bumuga ako ng hangin. Pilit na pinapakalma ang sarili. Ang dibdib ko sobra sobra rin ang kabog. Ang sistema ko ay kakaiba...sa tuwing nandiyan siya ay kinakabahan ako at nanlalamig. O baka dahil lang siya ang first kiss ko? Oo , guwapo siya at maskulado...pero hindi puwede na maging kami.

Pinilig ko ang ulo. Hindi nga pala mahilig sa relasyon ang isang iyon.

Tinapos ko ang paghuhugas ng pinggan bago lumabas. Hindi ako nag gawa ng ingay lalo na at baka makita ako nila nanay.

Nakalabas na ako ng bahay ng matanto na hindi man lang ako nag ayos. Hay! Bahala na! Baka sandali lang naman siya.

Umaambon pa ng konti ng lumabas ako sa sira naming gate at nakitang nakapark mismo ang tonto sa tapat ng bahay!

Umilaw iyon ng mamataan niya ako. Gigil akong pumasok sa kotse niya at handa na siyang singhalan ng hilahin niya ang aking batok at halikan ako sa paraang mabagal pero may diin.

He sucked and sipped my lower lip bago laliman ang aming halikan. Ang aking kamay ay nakahawak na nang mahigpit sa kanyang....tuxedo?

Nakatux siya!

"F-Felix.." aking ungol at bumaba ang kanyang halik sa aking leeg. Nananabik ang kanyang mga halik sa akin.

Nagmumura siya bago niya ako pinakawalan. Inayos niya ang aking buhok na nagkalat. Kumalabog ng husto ang puso ko.

"Lets go somewhere." bulong niya at nagpatak ulit ng halik sa akin. Ang aking hita na nakabahagi ay aking pinagtabi. Humihingal akong humilig sa sandalan habang nakatingin parin siya sakin.

Halos hindi na ako makahinga lalo na ngayong naka formal attire siya. Saan ba ito galing?

"O-Okay..s-saan?"

"Hotel..." nagseryoso siya bigla at kinagat ang labi. Ang nag aapoy niyang titig kanina ay naging galit.

"Stay away from Armando Montediajo , Addelyn. Akin ka."

Halos mawalan ako ng hininga. Hindi na ako nagtataka kung bakit niya alam.

~~~

Sinabunutan ko ang aking buhok at nilingon si Felix. Nasa hotel kami na magara at tingin ko ay dito siya tumutuloy maliban sa eskwelahan.

Halos walang masyadong tao sa tanggapan kanina dahil siguro sa maghahating gabi na.

Ngumiwi ako ng maalala ang suot kong damit. I hugged myself when we entered his suite.

"Bakit mo...kilala si Armando? S-Sino siya?"

Sa totoo lang parang hindi siya si Felix na lagi kong nakikita sa eskwelahan dahil sa suot niya. Isa isa niyang hinubad ang kanyang kasuotan. Hindi gaano maliwanag ang buong sala. Hinaplos ko ang kulay itim na sofa at dahan dahang umupo doon.

Nang lingunin ko si Felix ay nakahubad baro na siya at nakaitim na boxer nalang at mukhang galing siya sa isang kwarto.

"Hindi ako puwedeng magtagal. Hahanapin ako nila nanay.."

He nodded. I saw a glass of milk on his hand. Nilapag niya iyon sa mesa na nasa aking harapan. Padarag siyang umupo sa tabi ko at nakita kong may hawak siyang beer.

"Ilang beses mo nang nakasama si Armando?"

"Dalawang beses...nung una pinahiram niya ako ng jacket at noong hinatid niya ako kahapon."

He came closer and held my thigh. "You trust him that fast huh? Paano kung may masamang balak siya sayo? Ni hindi ka nagdalawang isip na sumama sa kanya?"

Inabot ko ang gatas at pinaghalatian iyon.

"For your information Felix..nagdalawang isip ako. Pero mukha naman siyang mabait. Kita mo naman hindi ako napahamak! Lalo na noong sumabog ang bomba doon sa skwelahan-"

"That's why I need to talk to you right now Addelyn."

Now, he sounds so serious. Pate ako ay nakabahan ng makitang hindi siya nagbibiro.

"May mga bagay na hindi mo masyadong maintindihan at alam kong magbabago ang buhay mo sa oras na malaman mo."

Nagtitigan kaming dalawa. Hindi ko mawari ang aking kaba. What is this? Bakit sa titigan naming dalawa ay...parang may...koneksyon?

Kumurap kurap ako.

"T-Teka." pagak akong tumawa. "Anong hindi maintindihan? Ano ang...mga ito? Felix...simpleng tao lang ako."

Huminga siya ng malalim. Parang naging malambot siya sa akin. Galing siyang Manila at nagtagal siya doon. Ngayon, parang nag iba ang pakikitungo niya sakin. Hindi naman as in na nag iba. Hindi naman niya ako sinasaktan noon. Puwera lang sa pagiging manyak niya.

He licked his lips and drank his beer. "Basta, huwag ka nalang lumapit sa Armando na iyon. Hindi mo pa siya masyadong kilala."

"Ikaw rin naman. Hindi pa kita masyadong kilala."

Umiwas ako at hindi na nag antay sa titig niya. Ininom ko nalang ang konting gatas na natira.

Pinag usapan namin na ayaw niya akong makipaglapit ulit sa Armando na iyon dahil magagalit raw siya.

Hindi ko naman siya boyfriend kung makabawal siya parang asawa na? Kainis. Mukha pa namang' hot iyong si Armando Montediajo na iyon.

Isang oras ako sa hotel at hinatid niya ako pauwi bago mag alas dose sa bahay. Nakabalot na sakin ang itim niyang jacket dahil malamig na ang simoy ng hangin. Umaambon pa ng konti.

Tumatalsik na sa kotse ang ambon ng ulan at natulala lang ako doon at bumuga ng hangin.

"Pasok na ako sa bahay. May P.E pa kami bukas." umirap ako dahil sigurado akong aantukin na naman ako bukas.

"Alright. Nasa school ako bukas."

Bakit ganon? Parang ang lalim parin ng iniisip niya?

"Hindi na muna ako aalis." dagdag niya at nilingon ako. Tumango ako at lalabas na sana ngunit hinawakan niya ang braso ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang sama mo. Aalis kalang na hindi pa kita nahalikan."

Uminit ang pisngi ko. "Felix.." tuluyan na siyang lumapit sakin at pinatakan ako ng halik sa labi. "Nakakarami kanang halik kanina sa condo mo sakin."

He angled his head just to kiss me more. Umurong ang aking ulo sa sandalan ng kotse niya sa kanyang pag atake ng halik sakin.

Kinagat niya ang ibabang labi ko kaya napaungol ako at napakapit sa kanyang balikat. Napakabango niya. Yung' bango na kailanman ay hindi ko pa naamoy. Ewan ko sa sarili ko pero gusto ko ang pagkakahubog ng kanyang katawan. He's hunk and hot. Malakas ang sex appeal ni Felix.

Kaya minsan, sa tuwing naghahalikan kami ay hindi ako makapaniwala na hinahalikan ako ng lalaking ito. Nadadala ako. Lalo na at masyado siyang magaling sa mga ganitong bagay.

"Damn it." bumaba ang halik niya sa aking leeg kaya napatingala ako.

Gusto ko siyang pigilan ngunit hindi ko magawa lalo na ng bumaba ang halik niya malapit sa aking dibdib.

Umawang ang aking labi ng titigan niya ako. Kapwa mapupungay ang aming mga mata. Kinagat ko ang labi ng hihilahin na niya pababa ang manggas ng aking necktie.

"F-Felix...huwag." pinigilan ko siya. Hapong hapo siyang tumigil at madilim akong tinitigan.

"Ayaw mo?" he asked ,huskily. At mahina ang boses.

Umawang ang labi ko at napalunok.

"F-Felix kasi gabi na..." nilingon ko ang bahay at nakitang patay na ang buong ilaw. Huminga ako ng malalim.

"Baka makita tayo nila ni nanay."

Nagsimula na naman siyang humalik halik sa aking leeg pababa na naman sa aking dibdib, ngayon ay hinayaan ko siya. Dinamdam ko ang kiliting hatid nun tulad ng noon na nasa loob siya ng kwarto ko at hinalikan ang aking dibdib.

Hindi ko na namalayan na nababa niya na ang habas ng aking damit kaya lumuwa ang aking dibdib. Sinubo niya iyon at tumindig ang balahibo ko ng maramdaman ang init ng kanyang labi.

Nakita ko kung paano naging makulit ang dila niya doon at sinubo ulit kaya napaungol na ako.

"F-Felix.."

Lumipat sa kabila ang labi niya at iyon naman ang pinagsawahan. Nababaliw na talaga ako.

"Ako ang lalaking makakauna sayo Addelyn. Nasa plano ko na ang angkinin ka at hindi na iyon magbabago. Naiintindihan mo?"

Sobrang lapit ng labi niya sakin. Hindi ako makasagot dahil panay ang halik niya sa labi ko.

"Papayag kaba?" parang bitag na tanong niya.

Hindi ako makasagot. Nagdadalawang isip ako sa tanong na iyon.

"Look at me Addelyn. I am not playing here. I am taking us seriously. Gusto kitang ikama sa tamang panahon naiintindihan mo ba iyon? Dahil hindi ko tanggap kung hindi ako..Hindi puwede." umiling iling pa siya.

Nanghihina na ang sistema ko sa aking mga narinig. Pumikit ako ng mariin at tumango.

"Huwag lang muna ngayon Felix."

Dahil baka hindi tayo magtatagal. Hindi pa kita lubos na kilala Felix. Alam kong pinaglalaruan mo lang ako. At nandito ako ngayon, sinasakyan ang lahat ng iyon dahil sa motibo ko.

Tinanaw ko ang sasakyan ni Felix na umaalis habang nakasilip ako sa aming sirang gate. Huminga ako ng malalim at papasok na sana sa bahay ng isang sampal ang sumalubong sa akin.

"Karen!" sapo ko ang aking pisngi.

"Don't you dare fall inlove with him Addelyn! May usapan tayo!"

"Ka-Karen hindi naman talaga-"

"Siguraduhin mo. Hindi ako nagpapahalata pero inoobserbahan kita Addelyn. Baka isang araw kumanta ka at mabisto ako?"

"Hindi ko iyon gagawin. Alam mo iyan." hirap na hirap na ako sa aking sitwasyon.

"Mahal ko rin siya Addelyn! Pero binaboy nila ako! Sana tandaan mo iyan! Tatak mo iyan sa utak mo!"

Umiiyak siyang binuksan ang gate namin at natulala nalang ako.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.