"Hi! Sabi pala ni boss ay pumunta ka raw mamaya sa hide out. Hindi sa dati ha? Sa ika apat na building."
Habilin ni Annika sa akin. Inayos niya ang kanyang buhok tsaka lumagpas na sa aking kinauupuan.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa kanyang puwesto at nangalumbaba siya. Huminga ako ng malalim at nagkabit balikat.
Hindi ko alam kung anong pakulo ito ni Felix. Hindi rin kami nagkita ng ilang araw mula noong nag usap kami.
Gusto ko talaga makapagtapos ng pag aaral. Natatandaan ko pa noon na nag stop ako dahil sa naghirap sila nanay at tatay. Hindi ko alam kung naghirap sila talaga o baka gusto lang ni tatay na magtago. Nahinto ako ng isang taon sa pag aaral at ayoko na iyong maulit pa. Kung dumating ang araw na walang wala sila nanay gusto kong may ilalaan ako para sa pag aaral ko.
"Addelyn! Pass the papers na!" singhal sakin ng ka klase ko na si Cathy.
"Lagi ka nalang tulala ah."
Nag tawanan ang mga kaklase ko habang ang guro namin ay may kinakausap rin na kapwa guro sa pintuan.
"Naman!" sagot ng isa. Nakikinig naman si Annika at ngumingisi. "Don't get me wrong ha. Alam niyo naman ang usap usapan about kay boss Felix dito. He's wild. Mapili rin iyon sa babae kahit na may nakapila para sa kanya sa fraternity. Pero di basta bastang nang kakama. Marami na yata yang na virginize at hindi na ka taka taka kung si Addelyn ay palaging pagod."
Sumipol naman ang mga kaklase naming lalaki. Hindi ko na lang sila pinansin at pinasa na ang papel ko.
"Sagutin mo muna ang tanong ko!" si Cathy, ayaw tanggapin ang papel ko. Ilang numbers lang yata ang nasagutan ko.
Nangunot ang aking noo.
"Kung naano ka na ba ni boss Felix. Come on! Tell us!"
Halos lahat ng kaklase ay nasa akin ang tanong. Umirap ako at tumayo para ako nalang maglatag sa mesa ng aking papel.
"Tss, ang feeler talaga. Naiinis na ako sa Addelyn na iyan! Lumalaki ang ulo!"
"Girls, chill." tumatawang saway ni Annika.
Nasundan pa iyon ng dalawang subjects. Ito iyong mahirap sa kolehiyo kasi katawan at utak ang kailangan. Ang daming essays..walang katapusang projects.
Sa lunch time ay ako lang mag isa. Nakikita ko mga kaibigan ni Karen at siya pero hindi niya ako pinapansin.
Pumasok ako sa Milk Tea store. Ang tindahan na binayaran ni Felix ang isang buong taon ko na pagkuha ng milktea at ibang pagkain nila dito.
Pumila ako at nakita ang babaeng pamilyar sakin. Siya lagi ang nagbibigay ng milktea at cupcakes sakin.
Kinagat ko ang labi ng ngumiti siya sakin. "Uhm, isang milktea at limang cheesy ensaymada."
"Hmmm..blooming ka ngayon ah. Nasaan na si Felix? Di na namin nakikita iyon ah."
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko nga rin alam." tsaka hindi ako blooming, stress nga ako.
Binigay niya sakin ang kakainin ko. "Ang laki ng bayad ni Boss samin tsaka dapat raw maganda ang services namin sayo. Yieee! Ngayon lang 'yun nagka ganon!"
Napaisip ako sa sinabi niya. Iyong pagkain ay halos kulang iyon sakin. Nagdagdag pa ako ng sandwich.
May grupo ng taga ibang Unibersidad ang pumasok. Iilang babae at lalaki, nakita ko na dumapo agad ang titig ng babae sakin at maging ng mga lalaki. Nagbulong bulongan sila.
Umiwas ako at inayos ang pagkakapuyod ng aking buhok. Nag banyo ako para linisin ang sarili bago lumabas.
Kinakabahan ako bago sumapit ang hapon. Dahil wala ang guro sa last subject ay maaga kaming nadismiss.
Pupunta ako ngayon sa hideout ng mga Phantoms. Pumupunta ako doon kung may sasabihin si Felix o pinapasuyo niya sa mga tauhan niya.
Hindi ko alam kung paano nabuo o anong rason kung bakit may grupong Phantom. Ang alam ko lang ay target niya ako simula ng pumasok ako dito.
Ang hideout nila ay hindi puwedeng pumasok ang sinumang estudyante. O baka natatakot naman ang iba at walang nagsusubok. Nagmistula kasing ka takot takot ito pero malinis naman sa loob lalo na iyong kuwarto ni Felix doon.
Sa tuwing nasa loob ako nun ay iniisip ko kung ilang babae na ba doon ang dinala niya at kinama?
Inalog ko ang ulo ko at pumasok na sa unang building. May mga nakikita akong tauhan nila na may hawak na kaha-kahang beer. Hindi nila ako nakita.
Tuloy tuloy ang lakad ko papuntang building. Medyo maingay doon at may mga lumabas pero sa ibang daan pumunta kaya hindi parin ako nakita.
Ang likod pala nitong building ay ang likuran na ng eskwelahan. Matalahib na at hindi ko na alam kung saan patungo ang kalsada sa gilid nito.
"Oops!"
Napatili ako ng may bumunggo sakin.
"Karen! Ikaw pala!"
Humalukipkip siya. Kasama niya si Annika at dalawa pang babae. Ang gaganda nila.
"Ano pang inaantay mo diyan? Pasok na! Minsanan lang itong party ng fraternity nangyayari kaya dapat makita mo."
"P-Party?"
"Oo. Mauna na kami ah! Bye."
Tinitigan ko silang pumasok doon.
"Anong meron?"
Wala talaga akong alam sa mga pakulo nila at kanilang batas. Wala namang sinasabi sakin si Felix at wala naman siyang text sa akin.
Wala na akong nagawa kundi ang pumasok nalang. Para makauwi ako agad. Alam ko naman na wala naman kaming ibang gagawin ni Felix kundi ang maghalikan.
Pagkapasok ko ay hindi ako nagkamali. May party nga!
Naghihiyawan sila at ang dami nila. Nay nakita akong mga mukhang modelong babae!
"Excuse me!" may nagtulak saking babae na lalabas kaya napaatras ako at ininda ang tapak ng heels niya sa aking paa. Kahit na nakasapatos ako ay masakit parin! Parang tumagos na kutsilyo sa paa ko!
Matalim kong tinitigan ang babae.
"Let's go home! Nadine is Felix flavor for tonight! She's a bitch!"
What?
Sinong Nadine?
Humiyaw ang mga nagsasayawan sa gitna. Ang daming babae na tingin ko ay hindi dito pumapasok. Sa narinig ko ay parang kinabahan ako.
Maraming pumapasok sa isipan ko. Nang ako ay tumingin..naghawian ang mga nakakumpula na sila Borge. At nakita ko si Felix na naninigarilyo.
With him...is a woman.
Tinulak tulak si Felix nila Borge na tila inuudyok siya sa katabi niyang babae. Ngumisi si Felix at nilingon ang babae. When he face her.. the woman clung on his neck and gave him a torrid kiss.
Naghiyawan ang mga nakatanaw sa kanila.
"Grabe talaga si boss! Galing Europe pa raw iyang babae!"
"Matinik yang si boss."
"Paano yung si Addelyn? Mas maganda iyon kaso bata pa-"
Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata ni Borge. Binalik ko ang tingin kay Felix na nakatingin na sakin. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.
Gusto kong...sugurin ang babae at murahin si Felix. But...no. We're not a thing. Totoo nga ang mga sinabi nila Karen.
Parang hindi ako magsisisi sa huli. Sa ikabubunga ng plano nila.
Umigting ang panga ni Felix at tumayo. Halos mahulog ang babae. Kinuha ko ang cellphone na binigay niya at binagsak iyon sa sahig. Nagsitahimikan ang lahat ng makitang sakin ang tungo ni Felix pero tumalikod na ako.
Ayokong makita nila Karen ang luha ko. Ayokong isipin nila na nahuhulog na ako.
~~~
"Karen, hindi ba masyasong delikado naman 'yung ginawa niyo ng kaibigan mo?" tanong ko kay Karen. Nasa bahay ako ngayon at nagpapagaling sa aking lagnat.
Absent ako ng buong linggo sa eskwelahan. Actually, magaling na ako kahapon pa na lunes pero ayaw ko lang bumalik sa pag eskwela.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Trust me Ad. Tsaka, malakas kami doon kaya hindi kami mapapahamak."
Niyakap ko ang unan at umirap sa kanya.
"Bakit hindi ka nalang tumigil? Masyado nang malalim ang galit mo Karen. Ang iba nga sobra pa ang naranasang sakit sa pag ibig ngunit-"
"Teka nga!" tumaas ang boses niya. Tumayo siya sa harapan ko at humalukipkip. "Sobra pa doon Addelyn! Minahal ko si Felix! Alam niya iyon! Pero ano? Ikaw lang makakatulong sakin kaya ayusin mo Addelyn. Dahil kung hindi... Magkalimutan nalang tayo."
Agad siyang umalis sa harapan ko. Huminga ako ng malalim at tinitigan ang kisame.
Sana matapos na ito. Ayoko kasi itong nararamdaman ko.
Umalis si Karen ng araw na iyon sa bahay kaya bumangon na ako. Nakita ko si mama na gumagawa ng mga donuts.
"Ma, magtitinda kaba?" tanong ko.
"Oh? Ad! Magaling kana ba?"
Si nanay gumawa ng donuts para maibenta. Hindi ko nga alam kung ano ang ginagawa ni tatay sa mga pera na binibigay ni Melissa.
Pero sa balita ko mukhang hindi naman tatagal dito si Melissa. Baka sasama na siya sa mga naghahanap sa kanya.
"Maayos naman pakiramdam ko nay. Si tatay?"
"Umalis na naman Ad." mahinang sagot ni nanay. Tinulungan ko siyang ihanda at itinda sa tapat ng aming bahay ang mga ginawa niyang donuts.
May nilagay kaming lamesa sa labas ng bahay ng kinahapunan at nilagay ko na doon ang mga paninda ni nanay.
"Anak! Addelyn! Nandiyan na ba ang palamig?"
"Opo nay!"
Lumabas si nanay sa bahay at saktong my bumili.
"Naku! Alam niyo kanina ko pa kayo inaantay na magpwesto! Ang sarap kasi kahapon ng gawa mong donut mare!" inabot sakin ng aming kapit bahay ang bayad. Nagkatinginan kami ni nanay at ngumisi ako.
"Marami kasi akong ginawa muna. Ilan ba sayo?"
Marami pang bumili ng mag alas 5 na ng hapon at konti nalang ang mga natira.
"Nay! ang dami na nating benta!"
"Oo anak, kaya bukas ay pumasok kana! Mukha ka namang' maayos na!"
Natahimik ako at tumango. Iyan naman talaga ang plano ko. Hindi na pwedeng aabsent pa ako bukas dahil maraming padating na exams.
"Opo,nay. Konti nalang paninda natin nay."
"Oo. Nagsabi pala si Karen na sa kanya na ang limang donut."
"Sige po. Ibabalot ko na." binalot ko ang para kay Karen at dadalhin ko sa kanya ang mga ito mamaya.
Habang nagbabalot ako ay siniko siko ako ni nanay. Tsaka medyo nairita ako. Nakita ko na may anino sa aking harapan.
"A-Anak..bibili yata." si nanay habang nag aayos ng mga palamig.
"Ilang do-"
Natigil ang sasabihin ko dahil ang nasa harapan ko ay ang taong dahilan kung bakit hindi ako pumasok!
"Bibilhin ko lahat."
"Lahat ,Pogi?" gulat na ulit ni nanay.
"Yes." sagot ni Felix at lumipat ang tingin sa akin.
"Addelyn! Lahat daw! Ibalot mo na!"
"O-opo!" napakurap kurap ako ng sikuhin ako ni nanay.
Naalala ko na mabuti nalang na nilock ko ng mabuti ang bintana sa aking kwarto kagabi. Buti nalang hindi na pumasok pasok pa si Felix sa kwarto ko.
"Sandali anak, kukuha ako ng pambalot. Mukhang kukulangin."
Kinabahan ako. Kinagat ko ang labi ng wala na ngang supot para ipambalot. Ang iba ay nasa harapan na niya.
"Maayos ka na?" tanong niya. Hindi ako sumagot at tiningnan ang bahay kung lalabas na ba si nanay. Ang tagal.
"Galit ka." sabi niya. Nakapamulsa siya at nakaputing T shirt. Simpleng simple ang porma niya. Halata rin ang mga muscles sa kanyang katawan.
"Bakit naman ako magagalit? Nagka sakit lang ako kaya hindi ako pumasok."
"Addelyn! Ito na!" biglang dumating si nanay.
"Nay, ikaw na muna. Iinom lang ako ng tubig."
Umalis ako agad para hindi na makaprotesta si nanay.
Ewan ko kung bakit ako galit kay Felix. Ayokong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Bakit kasi biglaang nagkakilala nalang kami at nagpapahalik na ako sa kanya?
At bakit bumili bili pa siya kanina?
Haist!
Nung kinagabihan ay halata ko ang katahimikan sa pagitan ni nanay at tatay.
Panay ang tingin ko kay tatay habang kumakain kami. Baka nakabantay na naman siya kay Melissa kanina.
"Simula bukas..Balik na ako sa pag babiyahe ng Van."
Nagkatinginan kami ni Tatay. Gusto ko magtanong kung bakit? Umalis na ba si Melissa?
Hindi kumibo si nanay kaya humingang malalim si tatay at tinuloy ang pagkain.
Kinabukasan ay parang babalik ang lagnat ko ng papunta na akong eskwelahan. Ayaw ni nanay na maglakad ako lalo na at hindi na ako sinasabayan ni Karen. Palagi na silang magkasama ni Annika.
Kaka bell lang ng dumating ako at nagmamadali na ang mga studyante. Ayokong mag attend ng flag ceremony.
Tuloy tuloy ang lakad ko hanggang sa mapansin ako ng kaklase ko.
"Uy, Ad! Dami mong absent ah! Akala tuloy namin nabuntis ka!"
Halos masapo ko ang dibdib ko. Ano? Bakit naman buntis agad agad?
"B-Buntis agad? Hindi pwedeng nilagnat ako? Di'ba may excuse letter naman ako?"
Nagkibit balikat siya.
"Yan kasi naririnig ko dito. Sabi kasi ng iba diyan na sa mga nakaraang buwan ay palagi kang nakikitang kasama ni Boss Felix. Alam mo naman-"
"Ano naman pakealam ko kay Felix? Lakas lang ng loob nun kasi siya sponsor ng eskwelahan na ito at siga siya dito pero jutay naman yun!"
"Talaga? Maliit? Nakita mo?"
"Oo. Nakita ko kaya mukha lang meron doon pero jutay naman! Sige mauna na ako ha!"
Dumiretso na ako sa classroom at sakto ang sinabi sakin kanina na chismis nga dito na nabuntis ako. Halos hindi ko na mabilang kung nakakailang irap na ako at singhap sa mga nagtatanong.
Saan naman nila napulot iyon? Grabe.
Pinapalibutan na ako ng mga kaklase ko.
"Iyon talaga akala namin.At akala talaga namin na hindi ka na papasok pa!"
Umirap ako ulit at nangalumbaba. Nasa pintuan ang titig ko ng may pumasok doon na ikinalaki ng aking mga mata.
"Uy! Si boss Felix!"
"Boss! Kamusta?"
Umiwas ako.
"Bakit siya nandito?" bulong ko sa sarili at naramdaman ko na ang presensya niya.
"Hindi mo talaga ako kakausapin?" sabi niya sakin. Hindi ako kumibo pero rinig ko ang mga singhapan ng mga kaklase ko.
"I have no choice then." narinig ko pang sabi niya at bigla niya akong binuhat na parang sako ng bigas! Napatili ako sa sobrang kaba! Ramdam ko ang pagtakip niya ng kamay sa puwetan ko.
"Walang titingin!" sigaw ni Felix sa mga kaklase kong lalaki.
"Felix! A-Ano ba!!! Ibaba mo ako! Makikitaan ako!"
"Wala. Ako lang makakakita niyan." walang gana niyang sagot sakin habang buhat ako.
"Oh My God! Bwesit ka!"
Napapikit ako ng maramdaman ang paghalik niya sa hita ko. Ang gago niya!
Hindi niya ako dinala doon sa hide out nila kundi sa kanyang...motor.
Halos bumaliktad ang mundo ko ng itayo niya ako ng maayos.
"Ano ba Felix! May klase ako e!"
"Mamaya na. Kailangan nating mag usap." Sabay bigay niya ng helmet sakin. Tinitigan ko iyon ng matagal.
"Saan mo ako dadalhin?" masama ang pakiramdam ko dito.
"Sa langit." umangkas na siya sa motor niya. Bakit ang lakas niyang mambara? Siya nga itong may babae at nakikipag halikan pa siya kaya dapat hindi na niya ako kailangan!
Isang maliblib na bahay ang aming pinuntahan. Tahimik doon at napapaligiran ng mga maraming halaman. May mga mangga at mga niyog. Hindi rin basta basta makapasok dahil sa sementong bakod na nagpapaligid sa bahay.
"Dito ka nakatira?"
Kinagat niya ang labi at tumango sakin.
Binuksan niya ang pinto ng bahay at bumungad sakin kung gaano ito kalinis. Itim ang mga sofa at may tv rin.
"Sinong kasama mo dito?" tanong ko ng makakita ng iba't ibang baril sa mesa.
"Stop askin' me questions. Ako dapat ang magtanong sayo kung bakit mo ako iniiwasan?"
Tumaas ang kilay ko. Ang awkward naman. Nakauniform pako habang siya ay nakapormal.
Nasa likod ako ng sofa kaya humawak ako sa sandalan nun.
"Iniiwasan? Bakit naman kita iiwasan? Alam mo naman siguro na nagkasakit ako. At bakit ba hinahanap mo ako e mukha namang hindi mo ako kailangan Felix. Ano ba ang purpose ko sayo? "
Dumilim ang titig niya sakin ng bahagya at naging seryoso siya.
Unti unti siyang lumapit sa likuran ko at kinulong ako sa mga bisig niya.
"You are jealous. You like me."
"Wow naman. Bakit naman ako magseselos? At anong you like me?"
"Yes. I like you."
Dumagundong ang dibdib ko sa narinig mula sa kanya. Hindi ko pwedeng kalimutan ang mga sinabi ni Karen sakin.
"At anong jutay ang sinasabi mong naririnig ko Addelyn?" bulong niya sa aking tenga. Kinagat ko ang aking labi.
Idiniin niya ang sarili sakin kaya napapikit ako. Oh, Diyos ko. Ang laki.
"Sinong jutay Addelyn?"
Parang pinagpapawisan ako at kinakabahan hanggang sa naramdaman ko ang kamay niyang pumailalim sa aking palda.