Masasabi kong' simpleng tao lang si Felix. Nakaupo ako sa upuan habang maraming pagkain sa aking harapan. Kanina tinanong niya ako kung saan ko gusto kumain pero wala akong maisagot. Bukod sa mga malalapit na karenderya ay wala na akong ibang alam na puwedeng kainan pa.
Dahil hindi ako nakasagot kanina ay dinala niya ako sa medyo malayong karinderya.
Nakita kong kilala siya ng mga tindera at panay ang tingin sa akin. Nakangiti si Felix habang nagpaalam sa kanila para umupo na sa aking tabi.
Naalala ko ang lalaking si Diego. Hindi siya matanggal sa isipan ko.
"May mga gusto ka pa ba?" tanong ni Felix. Umiling ako at tinitigan ang mga maraming gulay sa aking harapan at ang sinigang na hipon. Sa apartment niya sinigang na hipon rin ang niluto niya sa akin.
"Ayos na m-mga ito." hinila ko ang sinigang na hipon at tinikman. Paborito ko ito mula pa noon at may kung anong gumugulo sa akin kung bakit alam ni Felix na paborito ko ito.
Maya maya pa ay may nilapag pa ang tindera sa aming mesa. Strawberry ice cream.
Umawang ang labi ko na tinitigan iyon. Mahirap maghanap ng strawberry ice cream dito sa lugar namin sa Samar, pero kung luluwas kami minsan ni nanay patungong bayan ay marami doon.
Nakangiti si Felix sakin at itinulak iyon palapit sa akin.
"That's all yours. I know that's your favorite."
Tinitigan ko ang sinigang na hipon at iba pang ulam. They all looks familiar. Ewan ko kung saan.
Napalunok ako at tumango. Bumabara ang aking lalamunan sa sobrang pamimilipit ng dibdib ko.
Bakit ganito?
"S-Salamat. Kumain kana rin."
Tumango siya. Sinimulan ko na ang pagkain ng maramdaman ang pag amoy niya sa aking buhok.
"K-Kumain kana." ulit ko sabay turo ng mga pagkain. Hirap siyang napalunok, tila ba nanggaling pa sa malalalim na pag iisip habang nakatingin sakin kanina.
Habang kumakain kami ay may tumawag sa kanya. Hindi ko na iyon pinansin pa at nagpatuloy sa pagkain.
Nang titigan ko siya ay nakasuot ang isang kamay niya sa kanyang bulsa habang ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang cellphone. May kausap siya habang nakatingin sa akin.
Hindi ko na inisip pa ang cellphone niya na binigay sa akin dahil sa galit ko sa kanya noong kelan. I'm a bit guilty dahil parang hindi ko pinapahalagahan ang gamit na pinahiram sa akin, hindi naman ako ganon.
Ilang segundo lang siya doon at bumalik na sa akin.
"Dan Geigo would like to have fun with you today." bagot niyang sinabi sakin. Halos mabilaukan ako ng marinig iyon.
"H-Huh? Dan Geigo?"
Pumikit siya at napamura ng mahina. Tila ba mali ang nasabi niya.
What's wrong with him?
"Diego ,I mean."
Napatango tango ako dahil Dan Geigo pala ang tunay niyang pangalan. Parang....Deja Vu pakinggan.
"B-bakit mabait siya sakin? H-Hindi ba ngayon lang kami nagkakilala?"
Huminga siya ng malalim at hinaplos ang pisngi ko.
"Sayo lang iyon mabait."
Ngayon panay ang ngiti ni Felix. Nang mga nakaraan ay hindi ko siya makikitaan na ngumingiti pero kapag magkasama kaming dalawa ay palagi siyang may ngiti sa labi.
Nang mag alas onse ay hinatid niya ako di kalayuan sa bahay. Pumayag ako sa sinabi niyang mamasyal kami saglit sa tabing dagat kasama ang mga kaibigan niyang sina Diego at Marco.
Nilingon ko si Felix habang patungo na ako sa aming gate. Nakita ko siyang nakaupo na sa nguso ng kanyang sasakyan , nakahalukipkip at nakatitig lamang sa akin.
Kinagat ko ang labi at pumasok na sa bahay. Hindi ko dapat kalimutan ang pangunahing problema ko.
Si nanay.
Siguro dapat ay maghanap ako ng trabaho kapag tapos na ang klase. Hindi masyadong kalakihan na ang napepera ni tatay lalo na at wala na dito si Melissa.
Pero hindi matapos tapos ang kalbaryo ni tatay dahil sa pinag initan na siya ng iba't ibang grupo na gustong patayin si Melissa.
Pagkapasok ko sa kwarto nagulat ako ng makita si Karen na tinutulungan si nanay sa paghanda ng tanghalian.
"Hindi kita nakita sa skul kanina Ad, saan ka galing?" mataray ang boses ni Karen ng magtanong sa akin.
Nakita kong' nagtaka si nanay at napatingin rin sa akin ngunit hindi nagsalita.
"A-Ah, nandoon ako sa skul pero di lang siguro tayo nagkita dahil naghahanap ako ng part time job."
"Ano anak? Bakit naman? Sakto naman sa atin ang mga kinikita ng tatay mo ah."
Hinawakan ni Karen ang balikat ni nanay.
"Tita, hayaan mo na. Baka gusto mag ipon ni Addelyn. May offer ako sayo , halika dito!"
Ngumiti ako kay nanay at nagpatianod na kay Karen. Alam kong' maraming tatanungin si nanay lalo na at di ako umuuwi tuwing lunch time sa bahay dahil sa iskul ako kumakain.
White lies. Ewan ko kung bakit may kung ano sa akin ang gustong sumama sa anyaya ni Diego na iyon. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi naman siguro ako mapapahamak dahil andiyan naman si Felix pero . . . numero uno rin si Felix na hindi makakapagkatiwalaan.
Ugh. Naisip ko na naman ang nangyari sa amin!
Binitawan ako ni Karen ng nasa harapan kami ng gate namin. Halos magdasal ako na sana huwag niyang makita si Felix!
"Gusto mo ng trabaho? Alam mo si Mr. Choi,iyong hapon? Type ka nun!"
Nangunot ang aking noo.
"Pinakita ko ang picture mo. Alam kong may sakit si tita, kasi alam ni mama. Kailangan mo ng pera dahil doon di'ba-"
"Karen hindi." diin ang boses ko. "Kung gusto kong magtrabaho iyon ay ang pinaghirapan ko."
Inirapan niya ako at humalukipkip siya. "Hm, bahala ka. Simula kasi ng nakita ka nila noon nila tita at tito nagka lechec leche na buhay nila Ad."
"Sinasabi mo bang malas ako Karen? Tinutulungan kita-"
"I know! Tinutulungan nga rin kita. Binibigyan kitang impormasyon tungkol sa mga atraso ng tatay mo, ni tito! Kaya dapat tulungan mo rin ako! Nag promise ka!"
Pumikit ako at napakamot sa ulo.
"Naku Ad, pipikit kalang naman at meron ka nang 30,000 pag mulat mo. Hindi naman sadista si Mr. Choi sa kama-"
"Karen kung gusto mo iyon ako hindi. Kailangan ko ng trabaho hindi pera kapalit sa katawan ko." binulong ko ang huling sinabi ko.
Nasstress ako kausap si Karen. Puro problema nalang ang mga inaatupag ko. Siguro nga kahit ngayong araw lang magpaka unwind muna ako.
Marami kaming pinag usapan ni nanay at di ko sinabi na sasama ako kay Felix. Sinabi ko na may gagawin kaming project sa bahay ng kaklase ko. Naniwala doon si nanay kaya medyo naguilty ako.
Matagal rin ang inantay ni Felix sa hindi kalayuan sa aming gate na kinakalawang. Napangiwi ako ng marating ang kotse niya. Buti nalang walang masyadong tao.
"Pasensiya na at natagalan. Nag usap pa kasi kami ni nanay."
Inabot ko ang seatbelt at nilock iyon. Seryoso lamang niyang pinaandar ang sasakyan.
"Ano trabaho ang tinutukoy ng pinsan mo?"
Kung maka pinsan siya kay Karen ay tila ba hindi niya kilala at wala siyang pake.
Kinagat ko ang labi dahil hindi ko alam na maririnig niya pa ang usapan namin ni Karen kanina!
"N-Narinig mo lahat iyon?!"
Umiling siya at tinitigan ako. "Hindi lahat na usapan." seryoso parin siya.
Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang.
"Your mother is sick? I can help-"
"Huwag na." umiwas ako ng tingin. Ayoko. Ayoko ng idea na humingi ng tulong sa iba.
"Nag aaral kapa. You can't provide your family's needs. Especially for your mother-"
"Kaya nga magtatrabaho ako. Ayokong tanggapin ang kahit anong offer mula kanino. May sarili akong pag iisip." mahina kong sabi pero puno ng diin.
Marahas niyang pinaandar ang sasakyan ng mapansin niyang ayoko siyang kausapin. Humalukipkip ako at tumingin sa labas.
"Damn. Para kang’ si Diego." bulong bulong niya.
Hindi ko alam kung bakit niya iyon sinabi pero may kung ano sa aking dibdib ang kumudlit.
Nang hindi ko siya tiningnan ay hinuli niya ang aking baba para magtagpo ang aming titig.
Malamlam ang tingin ko sa kanya at bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. Namula ng husto ng aking pisngi.
"You can't swim later. Alam kong' mahapdi pa 'yan."
Halos mawarak ang puso ko sa sinabi niya. Damn it!
"H-Hindi naman ako maliligo."
"And I won't let you . I am so worried earlier, na baka nasaktan kita ng lubos. You were screaming last night."
Shit. Buti nga hindi narinig nila nanay! Ngayon ko lang narealize ng si Felix na mismo ang nagsabi! Ang ingay ko nga talaga!
"M-Maingay ba talaga ako?" bumaba ang tingin ko sa leeg niya at namutla ako ng makita ang mga kalmot doon na alam kong' ako ang may gawa.
"Our next time will be in my apartment so that you could scream as loud as you want."
"O-Okay." sabay tango ko. Fuck. Ano ba itong ginagawa ko!?
Pinatakan niya ako ng halik sa labi bago kami umalis ng tuluyan!
Addelyn! Hindi ito ang mga dapat mong gawin! Magka lechec leche ang lahat pag mabuntis ako ni Felix!
~~~
Medyo malayo pala ang tabing dagat na tinutukoy ni Felix. Malayo ito sa lugar namin. Habang nasa kotse niya palang nakikita ko na ang asul na dagat at ang iba't ibang kulay ng floating cottage. Puti rin ang buhangin.
Nakaramdam ako ng excitement. Buti nalang nagdala ako ng extrang damit sa bag ko.
"Mas maganda pa doon sa loob." si Felix ng makitang titig na titig ako sa dagat. Tumango ako sa kanya at nakita ko na naka shades na siya.
Damn Hot. Naka gray T-shirt lang siya at pantalon. Ganito ang ere niya lagi e. Kahit walang dapat pansinin sa kanya ay talagang ka pansin pansin siya.
Aaminin ko rin na ang lakas ng kanyang sex appeal. Sobra.
Hindi ko na tuloy alam kung ganito rin ba siya sa mga naka fubu niya noon?
Sumubra na kasi kami sa one month na tinutukoy niyang usapan namin. Hinahayaan ko lang rin.
Siguro kung hindi ako napasok sa ganitong sitwasyon ,maayos si Karen, at nakilala ko si Felix baka-
"Gusto ko mag swimming mamaya! Ngayon lang ako nakapunta dito."
Habang sinasabi ko iyon ay pinaghugpong niya ang kamay naming dalawa. Nawala ang aking ngiti at napatitig doon.
I looked out hands.Pinipisil niya ang kamay ko at tumitig ako sa mga mata niya.
"Ikaw ang bahala Ad, I will watch you. Just tell me if it...” tumitig siya sa gitnang hita ko. "-hurts.”
Umiwas ako at tumango. Pumasok na pala kami sa kulay krema na parang mansyon. I thought it was a resort pero parang wala namang tao. Akala ko tabing dagat lang na tulad sa amin na maraming tao. Dito tabing dagat nga pero....sobrang ganda at parang magara.
Kinagat ko ang labi ng makita si Felix na lumabas. Hinawakan ko ng pa unti unti ang dibdib ko. Ang lakas ng tibok nito.
Ang buhay ko ay parang "Blurb" ng isang nobela. Parang nasa bingit, like a summit. Nagbibigay ng clue pero bitin. Parang may ideya na parang hindi makakapagkatiwalaan dahil nasa "Blurb" palang ng nobela.
May kinausap siya na tao, dahil sa kuryusidad...hindi ko na napigilan ang lumabas ng sasakyan.
Mag aalas tres narin ng hapon at matayog parin ang araw. Nang titigan ko ang taong kausap ni Felix ay nagulat ako dahil si Diego pala iyon.
Nakangiti na agad si Diego sakin kaya ngumiti narin ako.
"Napagod kaba sa biyahe? Come on, mare-relax ka sa loob."
Habang nakanguso ako ay kinuha ni Felix ang aking bag. May iilang notebook pa ako dahil sabi ko kay nanay may group project kami.
"Private resort ba ito?" tanong ko kay Felix. Hinawakan niya ang kamay ko habang nakasunod kami ay Diego.
"Yeah. Kakilala lang namin ang may ari."
Hindi na ako nag apila pa na akala ko simpleng tabing dagat ang tinutukoy niya kanina.
Mala-kastilyo ang disenyo ng bahay na malaki. Sa harapan ng malaking bahay ay iyon na ang karagatan. Sinisipa sipa ko ang buhangin na pino at kulay krema. Napakaganda talaga dito. Gumagaan ang loob ko kapag makakita ng asul na dagat at sariwa ang hangin.
Magkasabay kaming tatlo ni Diego na pumasok doon at nakita kong' hindi lang pala kami ang nandito.
Armando Montediajo, he's here. At ang isa naman ay si Leon.
“Marco is missing huh?" bungad agad ni Diego sa kanila.
Ngumiti lang sa akin si Leon at seryoso naman si Armando.
Masyadong teritorial sakin si Diego all the time. Hindi ako nagagalit sa hindi ko malamang dahilan.
Sa aming lahat ako lang ang binigyan ng kwarto para raw may pagbibihisan ako. Sila naman ay naiwan lang doon sa malawak na sala. Nakakalula dito lalo na ang mga kagamitan.
Alam ko na magkakilala sila Armando at Felix pero hindi ko alam na nagkikita rin pala sila ng ganito.
Napasandal ako ng pintuan ng makapasok sa kwarto. Kung wala lang pasok baka gustuhin ko munang dito na lang pero hindi pwede. Kailangan kong maghanap ng part time job bukas.
Nilapitan ko ang bintana at nakitang malapit nang pumwesto ang araw sa kanyang paglubog. Nakakaakit ang karagatin para sa aking mga mata. Hindi ko maiwasang hindi maexcite. Minsan lang ito.
Nagbihis ako ng cotton short at T-shirt para sa paghanda na makaligo. Hindi ako sanay na magbikini lalo na at puro Mafia ang mga kasama ko. Isa pa, hindi talaga ako nagbibikini.
Habang nagbibihis ako kanina ay nakita ko sa malaking salamin ang sariling katawan. Uminit ang pisngi ko dahil hindi ko talaga inaakala na nahahawakan at nahahalitan ni Felix ang katawan ko. He's a good catch. Sobra. Siya iyong tipo na may katawang sumasabak sa giyera at nakasakay sa kabayo.
Nagsusuklay ako ng buhok ng biglang may kumatok sa pintuan. Napakislot ako at mabilis iyong binuksan. Nakakahiya naman! Ang tagal ko ba?
Bumungad sakin si Diego. He smiled to me at pumungay ang mga mata niya. Itong tao na ito ay parang bugtong. Hindi ko alam ang katotohanan at hindi ko alam ang punto niya dito sa buhay ko.
Siguro talagang mabait lang talaga siya? Pero hindi e. Suplado siya sa mga kaibigan niya.
“Nasa cottage na sila sa labas. Pinaghanda na rin kita ng pagkain. Come on."
Ngumiti ako ng sinabi niya iyon at sumabay ako sa kanya pababa. Wala na ang iba dito sa sala kundi nasa cottage na.
Ang mga nakita ko palang mga cottage habang nasa sasakyan kanina ay nasa dulo pa iyon.
Ang cottage ay nasa gilid ng dagat ng makababa kami doon. Si Felix naka sweat shorts na at nakasando na puti. Napalunok ako ng titigan niya ako.
Ni hindi siya nagseselos na kasama ko si Diego. At bakit naman pala siya magseselos?
Tsk! Ano ba itong iniisip ko! Nakakalimutan ko na yata na ang kung anong meron kami ngayon ay parang gamot na may expiration.
Maraming pagkain sa kanilang cottage at may mga inumin na ngayon ko lang nakita.
"Hi beautiful, dito ka maupo.”si Leon na itinuturo ang upuan na bakante. Ang upuan ay mahaba at magkaharap kami sa mesa.
Parang hindi ako maka focus sa pagkain na nakakatakam dahil sa ganda ng dagat. Gusto ko tuloy na maligo mamaya.
"S-Salamat."
Nakita ko na kumilos agad ang tatlo para mabigyan ako ng pagkain pwera nalang kay Armando na may kausap sa cellphone niya.
Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Wala akong alam. Hindi ako nagtatanong kung bakit ganito sila sa akin. Kung ano ang rason ng lahat ng ito. Kasi ako nandito dahil may motibo ako at dapat gawin.
Huminga ako ng malalim para mawaglit ang mga naiisip. Kahit ngayon lang kailangan kong' limutin muna ang mga iyon.
"Try this soup, masarap 'to." inabot sakin ni Felix ang sabaw na nasa mangkok. Si Diego naman binigyan ako ng juice at si Leon naman ay nakangiti sa akin.
"Salamat."
Natapos ang pagkain namin at nakikinig lang ako sa mga usapan nila. Iyong usapan nila na kampante kahit kasama nila ako. Parang hindi sila nababahala na baka sabihin ko sa iba.
I feel weird. Who Am I?
"Are you cold?" nag aalalang tanong ni Felix ng makita niya ako. I am wet. Naligo kami sa dagat kanina lang at napag pasyahan na umahon.
Nangunot ang noo ko sa kanya. "Oo. Aalis na tayo? Baka kasi hanapin na ako ni nanay." pinalibot niya sa akin ang tuwalya para hindi ako malamigan.
Tumango siya sa akin.
"Pupunta pa kami bukas ng ospital para ipa check up ko-" natigil ako sa pagsasalita ng madulas ang aking dila.
No. Hindi nila dapat malaman. Am I this comfortable with them? Na nakalimutan ko na hindi ko sila masyadong kilala.
Fuck. Gusto ko magmura kaya napapikit nalang ako ng mariin at nagkunwari na tinititigan ang laman ng bag ko para makababa na kami sa cottage.
"Your nanay is sick?" narinig ko ang pagka alarma sa boses ni Diego. Bumuntong hininga naman si Felix.
Nakita kong' napatigil rin si Armando at napatingin sa akin. Silang apat mismo ang napatingin sakin.
"I can help-" may inabot na gold card sakin si Felix at halos mapaatras ako ng hindi niya matapos ang sasabihin dahil naglabas rin ng kani-kanilang gold card si Armando, Leon at Diego.
"No..Use mine instead." pumilit ni Diego.
Halos malula ako sa mga nagkikislapang card sa harapan ko.
"Use mine-" halos sabay na sambit ni Armando at Leon.
"Fuck!" malutong ang pagmura nila Felix at napapikit siya. Tila napipikon sa kung ano.
Kinagat ko ang labi at umiling sa kanilang apat na nasa aking harapan habang ako ay nakaupo sa upuang kahoy at dinudungaw nila.
"H-Hindi ko kailangan ang mga iyan. S-Salamat nalang." bahaw akong ngumiti sa kanila at umiwas.
Bakit pakiramdam ko....may kung anong lubid na nag uugnay sakin sa kanila?