Chapter 45

  Sobra ang aking kaba ng makitang pinasok si Felix sa isang Van. Nang nilingon ko si Karen ay may kokonting luha ang kanyang mga mata. Luha ng tagumpay ng paghihiganti.

Ang ngisi niya ay napalitan ng galit ng makita ang mga luha ko. This is unexpected. Ni hindi nila sinabi sa akin!

"Anong ginawa mo Karen?!" sigaw ko sa kanya.

Marami sila. Hindi ko mabilang at hinawakan pa siya ng lalaking sa pagkakaalam ko ay si Mr. Chao at sa kabila ay si Mr. Choi. Hindi ko alam na ganito ang plano ni Karen.

Akala ko, simple lang. Na ako ang daan na masaktan si Felix sa pamamagitan ng damdamin! Dahil kung ganon ay makakaexplain ako!

"Ginawa?" unti unting lumapit sakin si Karen. Nalilito niya akong tinitigan. Nakita ko si tatay na lumapit sa amin.

"Nakaplano iyon Ad! Bakit naapektuhan ka? Bakit ka umiiyak? Tama ba ang hinala ko? Ha!? Isa ka rin ba sa pinaikot niya?"

Umiling iling ako lalo na ng makita si tatay na nakalapit. Hindi ko alam na alam niya ang lahat na ito.

"A-Anak..tama na iyan. Umuwi na tayo-"

"Ano ito tay? Kasabwat ka rin nila?"

"Addelyn kung makapagsalita ka parang hindi ka sangkot sa plano ah!" sigaw ni Karen sakin at itinulak ako.

Napaatras ako. Ang kinaroroonan namin ay malapit sa amin. Isang liko nalang ay bahay na namin ngunit kalat kalat ang mga bahay.

Di'ba Mafia si Felix? Napapikit ako at nanalangin na sana, makawala siya. Na sana. . .tulungan siya ng mga kasamahan niya.

Hindi ko alam ang ganitong plano ni Karen! Hindi ko ito inaakala lalo na at simpleng tao lang naman si Karen tulad ko!

"At si tito lang naman pala ang nagmamasid sa inyong dalawa." dagdag ni Karen na ikinagulat ko. Shit!

Napatingin ako kay tatay. Hindi ako makapaniwala.

Bumuhos lalo ang aking mga luha at tinitigan ako ni Karen na tila ba hindi siya makapaniwala.

"You're in love with him." salaysay niya.

Hindi ako nagsalita.

"Nahihibang kana Addelyn! "

"Tama na yan Karen! Kailangan nang' magpahinga ng anak ko."

"Tama na iyan. Wala uuwi kasi isasama ko si Addelyn maari ba yun?" singit ng sinabi nilang si Mr. Choi. Hirap pa itong magtagalog.

Yumuko si tatay at tumango. Ngumiti naman si Karen. Nakita kong' tumabi si Hannika kay Karen at may binulong.

"Tay! Ano ito?" nag aalinlangan ako ngunit tinutukan nila ng baril si tatay na ikinamulagat ko!

"A-Anak, hawak nila ako sa leeg. P-Puwede akong makulong."

Pumikit ako ng mariin. Sinakay kami sa magarang sasakyan. Sa isang sasakyan ay kami ni Karen at tatay pero may kasamang kampon ng mga hapon.

"Sila Mr. Choi at Mr. Chao ang nagtayaguyod ng pamilya namin." biglang kwento ni Karen. Tahimik akong nakikinig kahit na sobra akong nagulat.

"Kaya kahit walang trabaho si papa minsan ay may pera kami. Ang papa mo tinulungan rin nila para maipa chemo. Kasi nga, tinarantado lang siya ni Melissa."

"A-Alam mo?"

Ngumisi si Karen. "Wala ka nga talagang ka muwang muwang. Siguro, masyado kang naadik kay Felix e. Nasarapan ka masyado kaya hindi mo na alam ang mga nangyayari sa paligid mo. Basta, target nila matagal na si Felix. Malaki ang kasalanan ni Felix sa kanila."

Nalilito ako sa lahat.

"Dahil noon, sana nasakop na ito ng mga hapon ang Samar e. Kaso. . . Biglang may tusong Mafia na nakatalo sa grupo nila Mr. Chao. Maraming namatay na teachers dito noon dahil sa pananakop. Fresh grad pa siguro noon si Felix pero grabe. . .natalo niya ang mga hapon. Pero ngayon di na siya makakawala."

Parang napagtagpi tagpi ko lahat na nangyari. Isinama nila ako, baka makita ko mamaya si Felix.

Pero anong gagawin ko?

Ang kanyang mga mata kanina habang nakatitig sakin ay puno ng kalamigan. Parang mas lalo ko lang sinisi ang sarili ko.

Pinasok kami sa isang maayos na bahay. Iyong bahay na malaki, kulay puti, at walang masyadong gamit sa loob. Hindi ko alam kung saang parte ito ng Samar pero malapit ito sa bangin. Kaya ang hampas ng hangin ay malakas. Ang mga puno ba ay tila nagsasayawan.

Tahimik si tatay sa aking tabi ng paupuin kami. Agad kaming sinilbihan ng mga katulong nila dito. Masama ang aking pakiramdam dito. Parang ang daming nangyaring masasamang alaala ang malaking bahay na ito.

"Kayo, upo at manood." sabi ni Mr. Choi. Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ni tatay.

"A-Anak. . .Sasamahan ko lang si Karen kumuha ng iilang alak." aniya ni tatay. Tila ba alam niya ang pasikot sikot sa bahay na ito.

Naging traidor rin ba si Tatay kay Melissa kaya nasa peligro ngayon ang buhay niya?

Napaigtad ako ng hawakan ni Mr. Choi ang aking hita.

"Huwag mo'kong hawakan-"

Napasinghap ako ng malakas. Hinawakan niya ng mariin ang aking panga. Tila ba madudurog iyon sa sobrang sakit!

"Si Karen ay aking alaga. Maganda. Pero ikaw ay sobrang ganda. Tatay mo may utang sakin." Malagkit ang kanyang titig sa akin. "Nanay mo ay nasa bahay niyo. Anomang oras pwede ko siyang pabaril doon kung hindi mo gawin gusto ko."

I gritted my teeth. Sa sobrang suklam ko ay bumuhos ang aking luha pero matalim kong' tinitigan si Mr. Choi.

"Huwag kang umiyak. Smile ka." anito. Hinaplos ng kanyang baril ang aking tagiliran kaya naayos ako at pinunasan ang aking luha.

Pinapain nga ako ni tatay at Karen. Pinahahalagahan ko sila ng sobra. Ginawa ko ang lahat para sa kanila pero bakit ganito ang natatanggap ko?

"Sarap mong halikan." anito at hinalikan ang aking leeg. Doon biglang may dumating at bitbit si Felix! Sa ganong sitwasyon niya ako nakita!

Nasa dibdib ko ang kamay ni Mr. Choi at hinahalikan ako sa leeg!

Gusto ko namang itulak si Mr. Choi ngunit mabilis at biglaan ang pagdating ng mga tauhan niya! Ang masama pa ay nakangisi ako sa hayop na hapon na ito!

Si Felix, sa kabilang banda ay halos mamuti na at maraming dugo ang kumalakat. Kahit ganon ay nakitaan ko ng poot ang kanyang mga mata.

"F-Felix!" halos mapatayo ako.

"Hay! Tagal tagal kitang hananap Mondragon. Sa wakas. . .mamamatay kana sa mga kamay ko." aniya ni Mr. Choi ng makatayo. Hindi ko na makita si tatay at Karen!

Ako'y napalunok ng makita ang pag ngisi ni Felix.

"You bet?" nakuha pa nitong sabihin!

Wala pang segundo ng sabihin niya iyon ay may nagpaulan ng putok! Napatili ako at napayuko!

Wala kaming narinig na nagbarilan sa labas kundi diretso dito sa loob ang pag baril!

Hindi ko na nasundan ang nangyari dahil isa isang sinipa ni Felix ang dalawang nakahawak sa kanya! Doon ko nakita si Diego na isa isang pinagbabaril ang mga nakapalibot sa amin! Nakita ko rin si Borge na hinablot sa kung saan si Karen!

"Tangina kang babae ka e!" tsaka sinabunutan si Karen, napatili si Karen dahil doon.

Gusto kong lapitan si Felix ngunit hindi ko mawari ang sobrang sakit ng ulo ko! Nanginginig ang aking katawan sa sobrang sakit ng ulo at napahawak ako sa sofa. May mga nagbabarilan at may usok kahit saan.

"Aaahhh!" napasigaw ako sa sakit ng aking ulo at tuluyan akong bumulagta.

"Addelyn!" narinig ko ang sigaw ni Diego.

Nakapikit ako at bumuhos ang mga alaala.

Isang lalaki ang karga karga ako. Duguan siya. Sa alaala kong' iyon ay matanda siya sakin pero hindi ako nagkakamali.

"Kumapit kang' mabuti."

"Natatakot a-akong malunod  F-Felix!"

"We have no choice."

I was around 14-15 years old? I guess? Buhat buhat ako ni Felix at nanginginig ako sa takot.

And before he jumped, we kissed.

Naramdaman ko ang pagragasa namin sa tubig at pag untog ng aking ulo.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.