Chapter 50

I miss Felix so much. Walang nagawa si kuya sa desisyon ko. May mga bagay siyang hindi sinasabi sakin. Ramdam ko iyon.

Napapayag ko siya pero may kundisyon. Hindi pwedeng malaman ng lahat doon na magkapatid kami ni Diego.

Si Don Cleo ay kaaway. Isa siyang kaaway at nangyaring siya ang ama ng babaeng gusto ni kuya. Si Mystique. ay anak ni Don Cleo. Inampon ni Don Cleo si kuya dahil sa abilidad ni kuya mag-manage. Hanggang doon nalang ang naikwento ni kuya sakin.

Hindi narin ako nagtanong pa. Ang gusto ko lang kung bakit ko pinilit si kuya ay ang kagustuhan na makita si Felix.

Pakiramdam ko ang laki laki na ng kasalanan ko sa kanya. Kaya ba hindi niya sinabi sakin na kilala niya ako at magkakilala kami noon ay dahil may amnesia ako? Kasi hindi iyon pwede sa aking kalusugan. Maaring hindi ko na maalala ang aking nakaraan ng tuluyan kapag tuloy tuloy na sumasakit ang ulo ko.

I'm not totally heal.

"Dapat hindi ako pumayag ng ganito." aniya ni Diego. "Dapat pinag aaral muna kita. That's my plan.-"

"Mag aaral ako kuya. Don't worry. Just...." hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko. Tumango siya na tila ba alam niya ang pinapahiwatig ko.

Mabilis ang pangyayari. Magaling magdrama si kuya. Sakto rin at nasa ibang bansa si Cleo Maxima. Pero natawagan na ito ni Diego.

Wala naman itong pakealam at tila ba nagtitiwala siya ng husto kay Diego.

Nilibot ko ang tingin sa napakalaking mansyon. Grabe! Ang laki!

Naalala ko ang sinabi sakin ni Diego na ipapasyal niya ako sa aming mansyon kapag mabakante siya.

"Mayordoma, she' s Addelyn. Nakita ko siya sa daan at kailangan niya ng trabaho. I already backround checked her and she's clean. Pakitunguhan siya ng maayos. May marinig akong pinagmamalupitan siya ay malalagot sakin." ani Diego. Nakahanay ang lahat ng katulong at nakarehistro sa kanilang mukha ang takot at pag galang.

Nagkatitigan kaming dalawa. Umiwas ako at gusto kong magmura. Grabe naman si kuya! Halos lahat ng kasambahay dito ay natatakot sa kanya.

Hindi naman naging mahirap ang mga trabaho dito. Lumipas ang iilang araw at hindi ko gaano nakikita si kuya. Pero tuwing gabi ay binibisita niya ako ng palihim. Nakabalik na rin si Cleo galing ibang bansa at tatlong beses ko lang siyang nakita.

Bukod doon ay iniisip ko kung kelan ko kaya makikita si Felix? Narinig ko na siya daw ang teacher ni Bloom o Mystique kaya nagbabakasakali ako na makita siya.

"Day off ko ngayon kuya." Sabi ko kay kuya Diego ng nakatyempo kaming dalawa.

Mukhang problema si kuya. Naikwento niya rin sakin na kaya siya nasa Samar noon dahil nagkahinala si Bloom sa kanya.

Nagpapasalamat rin ako dahil mukhang busy ang lahat ng tao dito kaya hindi kami nagkikita. Seryoso rin ako sa pagiging katulong ko dito at nag eenjoy naman ako kahit na hindi ako pinapansin ng mga kasamahan ko.

Ang dami kong' nalaman. Pero alam ko na may nililihim sakin si kuya.

Nakabihis na ako at may gusto akong puntahan.

"Saan ka pupunta?" aniya. Nakakunot ang noo ng marinig akong nagpapaalam.

Nagkibit-balikat ako. "Kahit saan. Bibili rin ako ng vitamins ko. Nakakapagod pala kasi linisin ang buong mansyon."

"Wait, bakit di mo sinabi sakin?" inayos niya ang sarili at tumayo. Umirap ako sa kanya. "At di ko sinabing linisin mo ang buong mansyon Addelyn."

"I got bored kaya naglinis ako. Okay?"

Tulad ng dati ay hindi nananalo si kuya sa argumento namin. Nanahimik siya at pinauna akong lumabas para ihatid sa mall. Alam ko naman ang pauwi at kung hindi man ay magtatanong ako kung saan ang sakayan.

"Ang ganda talaga ni Bloom kuya. Mas maganda pa sa kambal niya. Maraming pimples si Melissa." wala sa sarili kong sabi.

Kinagat ni kuya ang labi. "Yeah." namamaos niyang sagot. Nakangiti kong' tinitigan si kuya. Alam kong' mahal na mahal niya si Bloom. Mabait rin si Bloom at masyado lang istrikto si Cleo sa kanya.

"I have meeting," nakatitig siya sa relo ng nasa harapan na kami ng mall. "Babalikan kita o tawagan mo'ko."

"Okay kuya. Wag' ka nang mag alala sakin." sabi ko. Umikot siya para pagbuksan ako ng pintuan. Napailing nalang ako.

Nang pumasok ako sa mall ay tinungo ko agad ang watson para bumili ng vitamins. Ramdam ko ang pagod ng katawan. Siguro dahil sa dami nang trabahong ginawa ko at hindi pa ako makatulog tuwing gabi. Ang daming bumabagabag saking isipan.

May pera ako dahil binigay ni kuya. Marami siyang atm at bibigyan niya raw ako sa susunod ng black card. Ramdam ko na marami siyang gustong ibigay sakin lalo na ang nabanggit niyang sasakyan na Lambo ngunit napaisip siya na hindi pa puwede. Hindi din ako mahilig sa ganon kaya binalewala ko nalang.

Naghahanap pa kami ng tyempo para makabalik ako sa pag aaral.

Dahil nga lagpas ala una na ako dito pumunta ay nakaramdam na ako ng gutom. Pumasok ako sa isang resto at umorder. Nakakatuwa talaga kasi ngayon lang ako nakakabili ng ganito. Sa Samar sobrang hirap ng buhay.

Naalala ko si tatay at nanay. Balang araw babalik ako doon at dadalawin ko ang puntod nilang dalawa.

Hindi nagtagal ay dumating na ang inorder ko. Dahil nga day off ay hindi ako nagmamadaling umalis. I take my time para maglibot. May mga gusto akong bilhin kaso naiisip ko na hindi ko naman talaga kailangan lalo na at katulong lang naman ang trabaho ko.

Nang malapit na gumabi ay nagdesisyon na akong lumabas ng mall. Wala akong ginawa kundi ang maglibot. Hindi ko narin tinawagan pa si kuya. Alam ko na sobrang busy siyang tao.

Nag traysikel ako pauwi ng mansyon pero ng papasok ay hindi pala pwede.

"Uh, manong. . . Katulong po ako sa mansyon ng Maxima po."

Nangunot ang noo niya. "Patingin ng valid Id." aniya. Nasa loob pa ako ng traysikel at sumilip lang ako.

"Po? W-Wala po akong valid ID. " nagdadalawang isip kong sinabi. Parang naiinis ang guard sakin.

"Pasensya na pero hindi pwede. Baka kami ang masisante!"

Kinagat ko ang labi .

"Miss baba kana! Marami pang nag aabang na pasahero sa labas."

What? Anong gagawin ko?!

Wala akong nagawa kundi ang magbayad at bumaba. Nasa gilid lang ako ng guard house kung saan ang naglalakihang pine trees.

Grabe naman kasi itong bahay ni Don Cleo. Papasok pa muna dito at napakalawak pa ng lalakarin bago makarating sa mismong bahay niya! Mansyon niya lang ang nandito ha! As in bahay niya lang pero parang pwede nang patayuan pa ng 100 na bahay sa lawak ng lupa.

Kaya dapat may sasakyan ka kapag papasok.

Kinuha ko ang cellphone na binigay sakin ni kuya at dinial ang number niya.

"Miss! Umalis kana diyan! Kung ano mang balak mong pagnanakaw ay hindi ka magtatagumpay! Alis!" sigaw sakin ng guard at umiling iling pa sa kasamahan niya.

Hindi ko nalang iyon pinatulan. Hindi sumasagot si kuya.

Lakas loob akong lumapit sa dalawang gwardiya.

"Kuya, katulong po talaga ako diyan. Uh, bago palang po ako at magdadalawang buwan palang kaya wala pakong ID."

Sinubukan kong' mag explain at naramdaman ko na may kotseng huminto.

"Naku miss! Lumang style. Alis diyan at andiyan si sir!"

Tinulak niya ako kaya halos pumagilid ako sa may puno.

Bumaba ang may ari ng kotse at kinausap ang guwardiya.

"Ah yan sir? Baliw yata iyan e. Maganda sana at sexy-"

Yan' lang ang narinig ko hindi pa nadugtungan iyon ng guwardiya. Kinagat ko ang labi at tinawagan ulit si kuya.

Habang inaantay ang sagot ni kuya ay nakita kong tahimik na ang guwardiya at duguan ang ilong at labi.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita kung sino ang sa loob ng kotse. Binaba niya ang salamin.

"Hop in." agad na sumara ang bintana at bumukas ang pintuan ng kotse ni Felix!

Fuck! Si Felix!! Sa ka'y tagal kong' nagtyi-tyempo na makausap siya!

~~~~

Pumasok ako sa loob ng kanyang sasakyan. Gusto kong umiyak sa sabik na nagkasama kami ulit. Ngunit hindi ganoon ang pahiwatig ng kanyang mukha.

Ni hindi siya tumitingin sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko at humigpit ang kapit sa aking mga dala.

"U-Uh...Kamusta ka?" nag aalinlangan kong' tanong. Hindi siya sumagot. Nakita kong pumarada na ang sasakyan niya medyo malayo ng konti sa mansyon.

"Get out. Ayokong may makakita sa ating magkasama." hindi siya nakatingin sakin ng sinabi niya iyon. Tila ba matindi ang galit niya na kapag titigan niya ako ay ibubunton niya lahat ng galit sakin.

Umawang ang labi ko. Kalaunan ay tumango ako at lumabas ng kanyang sasakyan. Agad na umalis iyon sa harapan ko.

Kinagat ko ang labi. Gusto ko siyang yakapin man lang. Ni hindi ko noon nasabi sa kanya na mahal ko siya.

Naging focus ako sa pagtulong sa pinsan at tita ko kaya ko siya nasaktan. Akala ko mapapaliwanag ko ang lahat sa kanya. Pero sa tingin ko ay naging sarado ang isipan ngayon ni Felix.

Doon ako dumaan sa pintuan ng kusina para naman walang makapansin sa aking pag iyak.

Dumaan ang mga araw na nakikita ko dito si Felix kasama si Bloom. Kamukhang kamukha ni Bloom si Melissa. Speaking of Melissa ay akala ko nandito na siya sa daddy niya pero hindi pa pala. Wala siya dito.

Hindi na ako nakialam pa. Ayaw rin ni kuya na madawit ako. Gusto lang ni kuya na makita akong maayos ay napapanatag na siya.

Isang gabi ay nasa kusina ako. Nakita ko kasi si kuya Diego dito. May kung ano rin sakin na gusto ditong pumunta.

Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko si kuya. Inaantay niya ako ? O si Bloom?

Nasabi lang sakin dati ni kuya na mahal niya si Bloom. Nararamdaman ko naman iyon pero madalas kong makita si Bloom at Felix. Hindi na ako nangealam pa. Parang nasasaktan ako pero pinili ko nalang ang gawin ang aking trabaho dito para narin makabalik ako sa pag aaral.

"Kuya." paos ang aking boses dahil sa gabi na.

"Hey." hinawakan niya ang pisngi ko at hinimas ngumiti ako ng marahan. "Kamusta? I've been busy. I'm sorry." sabi niya at binaon ako sa kanyang dibdib. Niyakap ko si kuya. I feel peace and comfort.

"Ayos lang ako. Ilang araw karing busy."

"Yeah. I am here to give you this." kahit madilim ay nakita ko ang binigay niya sa akin na bagong cellphone.

Umawang ang labi ko. "Kuya, mau cellphone na ako dito. Bagong bili mo rin ito."

"This one have a tracker. Kapag mayroon ka nito alam ko kung nasa panganib ka. I cannot lose you Addelyn. You are my only sister."

Kinagat ko ang labi at tinanggap ko iyon. Hindi nagtagal ay nagulat kami ni kuya na mayroong bumababa sa hagdan. Dahil tahimik ng paligid ay rinig na rinig namin ang yapak ng paa.

"I have to go. It's Bloom." tumango ako at tinago ang cellphone sa aking bulsa. Kinuha ko ang mop at kunwari nag-mop ako ng sahig. Si kuya Diego naman ay simple lang ang lakad at nakalabas agad ng kusina na doon dumaan sa likurang pintuan. Damn! Sanay na sanay si kuya sa ganoong galaw iyong tipong parang hangin lang at walang makakaramdam na nandiyan siya.

Si Bloom nga! At nakita ko siyang may kinuha sa ref at natigilan ng makita ako.

"Gabi na ah. Bakit hindi kapa natutulog?" tanong niya sakin.

Damn! Oo nga naman madilim at nagma-mop ako dito? Ugh!

"A-Ah..Ano..m-marami pa kasi akong gagawin."

"Tulog na ang ibang mga katulong e. Puwede ka ng magpahinga. By the way. What's your name?" sabay inom niya sa gatas na kinuha niya.

"Addelyn.." kinagat ko ang labi.

Tinagilid niya ang ulo tila sinusuri ako.

Mas binilisan ko na ang pag mop para makaalis na dito.

"Matagal ka na ba dito?" Nabigla ako sa kanyang tanong! Nakikita niya naman ako ng kailan pero hindi niya ako natandaan? O baka hindi niya lang ako napagtuonan ng pansin.

"M-Mga iilang buwan palang po senyora."

"Okay! Maganda ka. Bakit pa pala dito nagtatrabaho?"

"Kasi po tinulungan ako ni s-sir Diego na makahanap ng trabaho."

Napanguso siya.

"Nag aaral kapa ba?" tanong niya na ikinabigla ko.

"Mag iipon pa po ako senyora."

"What if...mag aral ka ulit? You know. Dito lang ako mag aaral sa mansyon. Puwede kang makipagsabay sakin. Same year lang yata tayo e. You're eighteen?"

"O-Opo senyora pero nakakahiya po.."

"Hindi iyan. Hahayaan iyan ni Don Cleo. Wala 'yung pakealam at sisiw lang sa kanya ang pera."

Hindi ako makatulog ng gabing iyon lalo na dahil nabigyan ako ng pagkakataon na mag aral ulit at dahil iyon kay Bloom!

Pagkagising ko sa umaga ay hiningi ng tauhan ng mansyon ang aking papeles para 'raw sa pag aaral ko.

At dumating na nga ang ikinatatakot ko. Si Felix ang kanyang teacher at pinag iinitan ako ni Felix! Kahit na nandiyan si Bloom ay umiinit ang ulo niya sa akin.

"Magsi-Cr lang ako sir." mapanuya ang boses ni Bloom ng sabihin niya iyon kay Felix. Tumango naman si Felix sa kanya at binasa ang exam na binigay niya sa amin!

Oo! Nagpa exam siya agad ng malaman na isa na ako sa mga studyante niya!

Huminga ako ng malalim ng nahirapan ako sa pagsagot. Nang tignan kong' muli si Felix ay inayos niya ang kanyang reading glass at seryoso sa ginagawa.

Wala ba siyang balak na kausapin ako? O tanungin ako sa mga nagawa ko?

Bigla siyang napatingin sakin habang malamlam akong nakatitig sa kanya. Matalim agad ang titig niya.

"Are you doing your exam Addelyn?"

Napakurap kurap ako. "O-Oo s-sir."

"Stop looking at me."

Umiwas ako pero hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na at wala ngayon si Bloom.

"Felix p-puwede ba tayong mag usap? Uh... T-Tungkol noon iyong sa atin."

Nilapag niya ang mga papel at humalukipkip na tinitigan ako. Hindi ako malayo sa kanya kaya naiintimida ako sa titig niya.

"Sa atin? Di'ba ako na ang nag alok sayo to be my fuck body? At tapos na iyon Ad. Wala na sakin iyon." ngumisi siya habang titig na titig sa akin.

Napalunok ako dahil hindi siya ganito sakin noon. Ngayon parang hindi ko na siya kilala. Hindi na siya dati iyong Felix na malambing sakin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na sa sinabi niyang ito.

"F-Felix...I... I love you-"

Saktong bumukas ang pintuan at dumating na si Bloom. Nakita niya ang pagtaranta ko sa pagpunas ng aking luha habang nakatitig sakin si Felix ,halatang nabigla.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.